Nagising na lang ako dahil may kumatok sa pintuan.
Bumangon agad ako at inayos muna ang sarili bago pagbuksan ng pintuan ang tumatawag sa akin.
"Mahal na Prinsesa, ipinapatawag na po kayo ng Mahal na Reyna para sa hapagkainan," ulat ng isang taga bantay.
Ganito lang palagi ang buhay ko kapag walang bisita o ganap sa palasyo. Para talaga akong preso sa sariling pamilya.
"Susunod ako. Mag-aayos lang," sagot ko.
Tumango naman siya. Mabuti pa ang mga katulong at mga taga pagbantay sa palasyo, ay Prinsesa ang tawag sa akin. Syempre, iyong mga nakakakilala lang sa akin. Hindi kasi lahat ay kilala ako rito. Kaka-unti lang ang nakaka-alam na nag-e-exist ako.
Naligo agad ako. Nasa pinakataas kasi ang kwarto ko. Sa baba nito ay kung saan kami kumakain. Kaya walang nakakakilala sa akin ay dahil wala masyadong pwedeng makaakyat- sa itaas ng palasyo.
Wala ngang bintana ang kwarto, pati na rin ang kinakainan namin. Ganiyan sila kahigpit sa akin. Ano bang mayroon sa akin at delikado raw ang buhay ko sa iba?
Pagkalapit ko ay ang sama na ng tingin sa akin ni Ate Ella. Hindi ko na lang siya pinansin. Nakatayo lang si Dwayne habang binabantayan kami.
"Napakatagal mo. Hindi mo ba alam na naghihintay kami?" mahinahon na sabi ni Ate Ella.
Kung wala siguro ang mga magulang namin, pasigaw na niya iyong binagkis.
Bakit ko nga pa pala siya tinatawag na Ate Ella? Ella na lang din ang dapat kong itawag sa kaniya. Wala rin magagawa ang mga magulang ko kung iyan ang itatawag ko sa pabirito nilang anak.
"Pasensya na, Ella. Naligo pa kasi ako," pang-aasar kl sa kaniya.
Tumabi pa ako sa kaniya. Laging ganito ang set-up.
Tumaas agad ang kaniyang kilay. "Pwede namang mamaya ah? Nananadya ka ba? At kailan ka pang natutong hindi gumalang?"
iritang tanong niya.
"Kumalma ka, Ella. Lumalabas na ang totoo mong ugali. Mahihirapan ka pang magpanggap. Masarap bang saktan ako physically habang wala sila?" pagmamatapabg ko.
Nagkatinginan ang aking mga magulang. Mukhang parehas silang naguguluhan sa nangyayari.
"Kahit kailan talaga, ginagawan mo ako ng issue. Saan mo ba natutunan ang ganiyan? Sa ating pinsan?" tanong ni Ella.
"Ria, kailan ka pa natutong sumagot? Hindi ka namin pinalaking bastos!" sigaw ni Mama.
Tumawa ako para lalo silang mas mainis. Ang ilang mga bantay ay napayuko. Sisiguraduhin kong maaalala nila ang araw na ito.
"Sana nga ay hindi ninyo na lang po ako pinalaki. Mas mabuting pinatay ninyo na lang po ako kaysa ipinanganak. Ilan taon na ako, pero hindi ko naranasan na magkaroon ng totoong magulang, magulang na may pagmamahal sa anak. Parang araw-araw akong kinukulong at pinapatay sa sariling pamamahay. Bulag kayo s katotohanan na pinagmamalupitan ako ng ampon ninyo! Ako ang totoong anak, pero ako pa ang pinagmamalupitan ninyo. Anak ninyo ba talaga ako? Sana ay hindi na lang kayo ang aking naging mga magulang. Mas gugustuhin ko pang mamuhay ng simple kaysa magtiis ng buhay na walang kakuwenta-kuwenta," saad ko.
Isang katahimikan ang nanaig. Kahit si Ella ay hindi makapagsalita. Dapat lang na mahiya siya sa mga ginagawa niyang pananakit sa akin.
Hindi na ako umimik. Kumuha ng pulang capsule si Dwayne at hinati ito. Itinapat niya ito sa aking baso. Naging pulang tubig ito. Ito ang lagi naming iniinom para matanggal ang pagka-uhaw sa dugo.
"Salamat," ika ko sa kaniya. Nginitian naman niya ako. Alam niya kung gaano kalupit sa akin ang babaeng ito.
"May sarili namang kamay," bulong na pagpaparinig ni Ella.
Kanina niya pa ako iniirapan kapag hindi nakatingin ang mga magulang namin.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng karne. Hindi kami kumakain ng gulay o kanin. Tanging karne ng baka, baboy, at manok lamang.
Pinunasan ko naman ang aking bibig pagkatapos ko. Laging wala akong ganang kumain. Lagi na nga akong sinasabihan ni Dwayne na ang payat ko na.
Ininom ko na ang inumin na inihanda ni Dwayne. Hindi ata ako mabubuhay kapag wala nito. Ito lang ang nagsisilbing lakas ko dahil kaunti lang ang kinakain kong karne. Ayoko kasing magkakakain kapag kasabay ko ang pamilya ko. Malakas lang akong kumain kapag wala sila.
Hinintay ko silang matapos. Napansin ko namang binabagalan ni Ella ang pagkain niya. Bakit kaya? Dapat nga ay mas bilisan niya. Napahiya siya at hindi na umimik kanina.
"Ria, ang payat mo na," ika ni Mama.
Hindi ako nagsasalita. Hindi ko naman alam ang sassbihin ko. Para saan pa ang pag-aalala nila kung pakitang mabuti lamang? Hindi na nila ako maloloko pa.
"Laging walang gana. Kaya ganiyan, Mama," sabi ni Ella,na kunwari ay sayang-saya sa pagkain.
"Ayaw mong gayahin ang Ate Ella mo? Malakas kumain. Maganda ang pangangatwan. Matalino at alam ang kaniyang responsibilidad," saad pa ni Mama.
Parang nakaramdam ako nang pagkainis. Hindi niya talaha naiintindihan ang nararamdaman ko. Parang hindi ko siya tunay na Mama kung umasta.
Napalingon ako kay Ella na ang lawak na ng ngiti. Kaya pala.
"I will never be like her, Ma. Never," pagmamatigas ko.
Buntong hininga ko. Naramdaman ko naman na may kumurot sa aking kamay. Napalingon naman ako kay Ella. Sawang-sawa na ako sa pagpapanggap niya.
"Bakit? Tanggap mo na ganiyan ka na?" tanong ni Ella. Talagang binabago nila ang usapan para hindi mapahiya sa mga nakarinig.
Tanggap na ano? Na lagi na lang nila akong tinitingnan na parang napakababa ko?
"Hindi ko tanggap na magiging ka-ugali ko ang isang katulad mo, Ella! I will never act like an angel when in fact, I am a demon. Katulad ng mga ginagawa mo. Hindi ako plastic na katulad mo," singhal ko sa kaniya.
Napahawak ako sa aking pisngi. Halos mabingi ako sa pagkakasampal niya. Inalalayan naman ako ni Dwayne. Susugurin niya sana ni Ella, kaso pinigilan ko siya.
"Hindi ka namin pinalaking bastos Ria!" sigaw naman ni papa.
"Ako na lang ba lagi? 'Yang si Ella, sumosobra na. Lagi akong nilalait. Parang katulong ang tingin sa akin. Hindi ko na kayang matiis ang isang katulad niya. Ipagpatuloy ninyo lang ang pagbubulag-bulagan, para mawala sa inyo ang yamang iniingatan ninyo. Inyong-inyo na ang kasakiman!" Napaluha na ako pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon.
Sa wakas ay nasabi ko na ang matagal kong kinikimkim. Hindi ko na kaya ang pananakit niya sa pisikal at sa mga sinasabi niya.
"Hindi ganiyan ang Ate mo, Ria! Ikaw ang bastos! Sumasagot ka na!" sigaw ni Mama.
Napakagat na lang ako ng aking labi. Napalingon ako sa mga nagbabantay sa amin. Lahat sila ay nakatungo pa rin. Alam kasi nila kung gaano kalupit si Ella sa akin. At kapag nagsumbong sila, papatayin sila ni Ella.
"Ma, nahawa ata kila Zoe at Caren," pagsisipsip na naman ni Ella.
"Huwag na huwag mo silang dinaramay!" galit na sabi ni Dwayne.
Tinapunan lang ito ni Ella ng masamang tingin. Alam naman niyang wala siyang magagawa kay Dwayne. She's weak. Kapit lang kila Mama.
"Paano ninyo malalaman ang totoong ugali ni Ella kung panay ang kamalian ko lang ang pinupuna ninyo? Siya lang naman ang anak ninyo, hindi ba? Ako? Ano ako? Katulong, bilanggo, walang kwentang anak, ano pa, Ma? Sige, sabihin ninyo na ang lahat ng masasakit na salita sa akin. Para naman mamanhid na ako sa mga sinasampal niyong salita sa akin!" dagdag ko pa.
Nakaramdam na naman ako ng malakas na sampal. Hindi na ako umiyak. Puot at galit na ang nararamdaman ng puso ko.
Tiningnan ko sila nang masama. Pagsisisihan nila ang lahat ng mga ginawa nila sa akin.
"Kahit kailan ay hindi ninyo nagawang tawagin akong anak. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal ninyo, ang pagmamahal ng mga magulang, at ng sariling pamilya. Kahit kailan, hindi ko naranasang maging masaya sa piling ninyo. Ako ata ang ampon e. Sabihin ninyo na lang na ganoon. Mas matatanggap ko pa e, pero anf sarili kong mga magulang pa ang nang mamaliit sa akin, at hilig na ikumpara kay Ella. Ano bang magagawa ko laban sa kaniya kung ang tanging alam ko lang ay bilanggo ako sa sarili kong tahanan?" mapuot kong sabi.
Napansin kong galit na galit na si Mama at Papa sa akin. Handa na sana akong sampalin ulit, ngunit humarang si Dwayne.
"Tingnan ninyo ako!" utos ko sa kanila.
Sinunod naman nila. Wala ni isa sa kanila ang makapagsalita. Dahil na rin siguro ay may na-realize sila kahit papaano.
"Etong babaeng nasa harapan ninyo, simula ngayon ay huwag na huwag ninyo na akong tatawaging Prinsesa!" sigaw ko.
"Anong pinagsasabi mo?" tanong ni Papa.
Mukhang natutuwa naman si Ella sa naririnig niya. Inaasahan ko na ang reaction na iyan.
"Kasi simula ngayon, hindi ninyo na ako anak. Hindi na kayo ang mga magulang ko. Wala na akong mga magulang!" sagot ko.
Tumakbo ako papalayo sa kanila. Tinatawag nila ako gamit ang galit nilang tono.
Tumigil ako sa pagtakbo. Lumingon ako sa kanila.
"Hindi na ako ang Ria na mabait. Tandaan niyo 'yan!" paalala ko sa kanila, sabay balik ko sa aking kwarto.
Sinigurado kong walang makakahabol at walang makakapasok dito.
Sa totoo lang, kaya ko silang patayin lahat. Hindi nila alam na sinasanay ko ang sarili ko na gamitin ang mga kakayahan ko. Wala silang alam. Kahit sino ay hindi alam ang kaya kong gawin. Marami pa akong hindi natutuklasan. Napakaswerte ko dahil nabiyayaan ako ng mga kakaibang kapangyarihan na hindi kaya ng normal na bampira at ng mga higher level na bampira.
Na-isip ko na isa ako sa highest level. Maybe? Prinsesa nga kasi ako.
Nag-isip naman ako ng paraan kung paano makakatakas dito. Sigurado naman akong babalik ulit sila Caren at Zoe dito. I need them. Maiintindihan naman nila ako.
Hindi na ako magpapapigil. Buo na ang loob ko na umalis na rito.