Chapter 5 (Exploring)

2037 Words
"Kalokohan mo na naman Zoe. Tigilan mo iyan," sambit ni Dwayne. Si Dwayne ang laging nagbabantay sa akin. Isa rin siya sa pinakamalakas sa grupo namin, kaya siya ang naatasan. Hindi ko rin naman sukat akalain na magiging magkaibigan kami. Kahit paano ay maswerte na rin ako na nakilala ko siya. Baka lalong sira ang buhay ko kung wala pa akong naging kaibigan. Si Zoe at Caren naman ay kailan ko lang naman nakilala. Mabuti ang kanilang Ama, dahil ayos lang sa kanila na hindi sila ang napiling mamamahala ng palasyo. Mas matanda ang Ama ko kay Tito. Pinipili madalas ang panganay sa posisyon. Kung may hindi magandang patungkol sa panganay, tsaka lang ipapasa sa sumunod dito. Kaming tatlo ni Zoe at Caren ay totoong lahi ng Greyson. Si Ate Ella ay hindi, ngunit iyon na rin ang apilyedo niya. Hindi ko nga alam kung paano nila iyan na-ampon. "Ngayon lang naman. Hindi ka ba naaawa sa kaniya? Lagi siyang ganito. Hindi itinuturing na Prinsesa ng sariling mga magulang. Kung pwede lang itakas siya at sa amin na lang tumira, matagal ko nang ginawa. Isa pa iyang Michaella na iyan. Ampon lang naman. Akala mo kung sino kung umasta. Hindi naman malakas! Kapit lang kila Tita!" singhal ni Zoe. Nasa kwarto lang naman kami, kaya hindi maririnig ang usapan namin. Nagkaroon na rin tuloy ng gap si Zoe at Caren kay Ate Ella. Naniniwala silang ako ang totoong Prinsesa. Si Dwayne naman na rin ang nagpatunay sa kanila. Natuto na rin ako magsalita kagaya nila. Nahahaluan na rin ng english ang mga sinasabi ko. Ang lakas pala ng epekto sa komunikasyon nito. "Hayaan mo na, Zoe. Ate ko pa rin naman siya e. Siguro ay may dahilan naman sila kung bakit kailangan nilang maghigpit. Baka kasi madamay pa kayo," malungkot kong sabi Totoong ayokong mapag-initan sila ng mga magulang ko. Baka nang dahil kay Ate ay mapalayo pa ang loob ng dalawa rito. "Dahilan? Dahilan para i-bring down ka? Ay nako, subukan niya ulit 'yan, kakalbuhin ko siya!" Gigil na gigil ang reaction ni Zoe. Napatawa kami sa kaniyang panggigigil. Halos basagin na niya ang basong hawak niya. "Okay, sige papayag na ako, pero isang oras lang ah? Maiiwan ako rito sa labas ng kwarto niya. Kapag may mga mag-aabot ng kung ano sa kaniya, ako na ang bahala para hindi maghinala. Ingatan ninyo siya ah? Alam ko namang malakas kayo. At tsaka," pagpayag ni Dwayne. Tumigil siya sa pagsasalita. May binulong siya na hindi namin naintindihan. Kahit na bampira kami, may kakayahan kaming i-block ang pagbasa sa isip at pandinig ng kapwa naming bampira. Gumawa na ng lagusan si Caren. Iyon ang kakaibang kakayahan niya. Hindi niya raw pinagsasabi sa iba, dahil matagal na niya itong gustong gawin para rin matulungan ako. Hindi niya ipinapaalam dahil baka nga hindi na kami magkita kapag nalaman ng mga magulang namin. Ako ang pinakamalakas na bampira sa lugar namin. Hindi ko lang alam kung may kagaya ako sa kabilang palasyo. Itinulak ako ni Zoe para makapasok doon. Medyo nahilo ako. Para akong nalalaglag sa hindi ko maintindihan na lugar. Napalingon naman ako sa paligid pagkatapos makaramdam na nakalapag na ang mga paa ko sa lupa. Mukhang garden ang lugar na ito. Kahit na nakakulong ako, nag-aaral ako sa loob ng palasyo. Salamat na rin sa dalawang ito dahil tinutulungan nila ako. Sobrang talino ko nga raw base sa nagtuturo sa akin. Kahit hindi pa tinuturo, alam ko na agad. Sobrang saya ng puso ko nang makita sa wakas ng actual ang garden. Kung dati ay sa libro ko lang ito nakikita, ngayon ay kaharap ko na ito. "Nasa labas tayo ng palasyo, para na rin na mas matanaw mo ang kabuuan nito, pati na rin ang lawak ng lupain na pagmamay-ari ninyo," saad ni Caren. Napa-angat naman ang tingin ko. Napanganga na*lang ako. Sobrang ganda pala nito sa labas? Hindi ko akalain na isa akong Prinsesa sa ganitong palasyo. Napaka swerte ko pala talaga na sa isang malaki at magandang palasyo ako nakatira. Hindi ko lang sigurado kung swerte pa ba ang laging nakakulong sa kwarto. "Sobrang ganda, ano?" tanong sa akin ni Caren. Tumango na lang ako dahil manghang-mangha pa rin ako. Ito ang mga bagay na pinagkait sa aking makita at masaksihan. Ayokong habambuhay ay naka kulong ako. Gusto kong maramdaman ang totoong kasiyahan, iyon hindi ako nasasakal. Tanging mga pinsan ko at si Dwayne lamang ang nagpapangiti at nagpapagaan ng loob ko. Laking pasasalamat ko dahil dumating sila sa buhay ko. "Namnamin mo na 'yan. Isang oras lang tayo," paalala ni Zoe. Tumango ulit ako. Nagsimula na ulit akong maglibot. Pumatak ang mga luha ko. Halu-halong emosiyon ang nararamdaman ko. Tuwa, dahil ngayon ko lang ito nakita. Sakit, dahil ipinagkait sa akin ang mga ito. Pinunasan ko ang mga luha ko bago pa nila makita. Ayokong maawa sila sa akin. Lalo lang silang mag-aalala, lalo na si Zoe, na sobrang protective sa akin. Dapat nga sila ang galit sa akin dahil sila dapat ang Prinsesa, ngunit baligtad. Ang Ate ko pa ang galit sa akin at silang dalawa pa ang nasa tabi ko para ipagtanggol ako. "Maya-maya ay gagala tayo sa syudad," saad ni Caren. Natuwa ako sa aking narinig. Makakakita ako ng ibang mga bampira, pati na rin ang sinasabi nilang mga tao na nilalang. Gusto kong malaman kung anong klaseng buhay ang mayroon sila. Noong kinuwento nila sa akin ito, mas nagkaroon ako ng dahilan kung bakit gusto kong makaalis sa palasyo. Gusto kong magkaroon ng normal na buhay katulad nila, malaya at simple lang. Sinulyapan ko ulit ang kabuuan ng palasyo. Baka ito na ang huli kong pagtanaw dito. Hindi na ulit siguro mangyayari ito. Napakapait pala ng kapalaran ko. Mabilis kaming nakarating sa syudad. Wala namang nakapansin dahil mabilis kaming kumilos. Mas pinili naming maglakad para mas makita ko ito. Wala namang makakakilala sa akin. Ngayon lang talaga ako nakalabas ng palasyo, simula noong pinanganak ako. "Don't worry about the time. I can stop it naman, so?" nakangising sabi ni Zoe. "Makakagala ka all you want. Kahit ilang oras pa. Pati ang mga bampira ay titigil sa paggalaw. Hindi ka mako-conscious." Lalo akong humanga sa kakayahan nila. Kaya ko rin siguro ang ginagawa nila kung mapag-aaralan ko. Sa ngayon ay hindi ko pa alam ang pinagkaloob sa akin. "Maraming salamat sa inyong dalawa. Hulog kayo ng langit," mangiyak-iyak kong sabi. Speaking of langit, napatingin ako sa itaas. Hindi ko pa pala ito masyadong pinagtutuunan ng pansin. Ang ganda pala talaga ng langit. Lalo na kapag palubog na ang araw. "Pero hindi porke hulog kami ng langit, hindi na kami pwede roon! Ang bait ko kaya," depens ni Zoe, sabay hawi niya ng buhok niya. "Ako, aminadong mabait ako. Ewan ko lang sa iyo, Zoe," pang-aasar ni Caren sa kapatid niya. Inirapan naman ni Zoe si Caren. Ang kulit ng magkapatid na ito. Nakakainggit sila, sobrang close nila sa isa't-isa. Kasalungat kami ni Ate Ella. Isang taon lang ang tanda ni Zoe kay Caren. Si Ate Ella ay limang taon ang tanda sa amin ni Caren. Hindi nga lang inaate ng dalawa si Ate Ella. Hindi naman daw nila iyon totoong kamag-anak. Ano pa raw ang dahilan? Minsan natatawa na lang ako sa kanila. Napaka pranka at palaban nila. Iniisip ko nga kung ganoon din ba ang ugali ko, ay matatakot sa akin si Ate? Napailing na lang ako. Baka kinasuklaman na ako ng mga magulang ko kapag ganoon ang nangyari. Baka itakwil nila ako at kung saan ako pulutin. Mas mahal pa nila ang ampon kaysa sa tunay na anak. Hinayaan ko na lang muna. Nag-focus muna ako sa paggagala. Tagusan ang tingin ko sa isang bahay. Kita ko ang loob nito. Mukhang tao ang mga nakikita ko sa loob. Mukhang mahirap ang buhay nila, pero kita ang saya at kuntento sa kanilang mga mata. Kitang-kita ko kung paano subuan ng isang babae ang bata. Ang lalaki naman ay pinunasan ang amos nito. Ang sarap nilang panoorin. Kahit na mahirap sila, nagawa nilang maging masaya. Gusto ko ng ganiyang pamilya, iyong tipong puno ng pagmamahalan at unawaan. "Huy, tara na. Kanina ka pa nakatayo, Ria. Siguraduhin mong walang makakatanda ng mukha mo. At never use Michandria as your name. Ria lang." Hinila na ako ni Caren. Nagtaka naman ako sa sinabi niyang huwag gagamitin ang totoong pangalan ko. Umoo na lang ako. Nasasayang ang oras namin sa kati-tigil ko. May mga malalaki at maliliit na bahay. Hindi pare-pareho ang estado nila sa buhay. "Itong lugar na ito ay halong bampira at mga tao. Hindi naman alam ng mga tao na may bampira e. Tsaka, may iba ring lugar na panay tao lang, at may nag-iisang lugar na panay bampira lang. Delikado sa lugar na tinutukoy ko. Malapit iyon sa kabilang palasyo. Pero itong lugar na halong bampira at tao, at iyong sa tao lang ang malayo na sa dalawang palasyo. Sinigurado na walang makakaalam tungkol sa atin," paliwanag ni Caren. Tumango naman ako. Naiintindihan ko na ang mga sinasabi nila. Bawal rin magkatuluyan ang tao at bampira. Hindi sila pwedeng pagsamahin dahil magka-ibang nilalang sila. Isa iyan sa mahigit na ipinagbabawal sa amin. Normal lang naman ang rule na iyon. Hindi naman talaga pwedeng magkrus ang landas namin sa mga tao. Bawal nilang malaman na nag-e-exist kami. Palingon-lingon lang ako sa mga bahay. Napapangiti na lang ako kapag may mga masasayang pamilya akong nakikita. May mga nagtatalo din naman na mag-asawa. Lamang nga lang ang pagmamahal sa kanila. Hindi katulad sa pamilya ko, wala akong nararamdaman na pagmamahal sa kanila. Sa mga pinsan ko pa nararanasan ang pagmamahal. Hindi ko namalayan na medyo malayo na pala ako kila Zoe at Caren. Hindi rin nila namalayan na wala na ako sa tabi nila. Agad naman akong sumunod sa kanila. Napapatigil pa rin ako kapag nakikita kong masaya ang mga tao. Gusto kong maging kagaya nila. Gusto kong makaranas ng pagmamahal sa aking mga magulang at kay Ate Ella na rin. Sana ay magbago siya kahit punung-puno na ako sa kaniya. Pagkalingon ko kila Zoe ay may isang bulto ng katawan ang nakita ko. Naka-itim ito. Sobrang laki ng kaniyang katawan. Sa katawan pa lang ay masasabi mong napakamatipuno ng lalaking ito. Na-level lang sa dibdib niya ang tingin ko. Ang tangkad niya. Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya. May kakaiba sa kaniya na hindi ko maipaliwanag. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang kaniyang itsura. Nakatulala lang din siya sa akin. Sobrang gwapo niya. Kakaiba ang itsura niya. Nakatingin lang siya sa aking mga mata. Napakagat siya ng kanyangi labi. Umiwas siya ng tingin sa akin. Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. "Gabi na. Umuwi ka na, Miss," walang emosyon niyang pagkakasabi. Naglakad na siya palayo. Napahawak naman ako sa aking dibdib. Kahit bampira kami, may puso pa rin kami. Hindi nga lang kasing tulad ng mga tao. Nakatingin lang ako sa baba. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Kanina pa kasi itinuloy ni Zoe ang oras. Gusto niya kasing makita ko ang normal na ginagawa ng mga nakatira rito. "Ria? Tara na. Tulala ka na naman." Hinila na naman ako ni Caren. Lumingon ako sa paligid para hanapin ang lalaki. Wala na siya. Bumalik na kami sa palasyo. Nagpaalam na rin sila Zoe at Caren. Mag-isa na lang ako sa aking kwarto. Napahawak ako sa tapat ng aking puso. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Oo, sobrang gwapo niya. Halos nasa kaniya na ang magagandang pisikal na katangian, ngunit hindi ko naman siya kilala. Hindi ko pa alam ang tunay niyang ugali. Tao kaya siya? O Bampira? Siguro ay tao siya. Hindi ko ramdam ang pagiging bampira niya. At nasa lugar siya na kung saan ay marami ang tao at may halong bampira. Napabuntong hininga na lang ako. Mali ito. Nagugustuhan ko ang isang tao na isang beses ko pa lang nakikita. May hindi mapaliwanag akong nararamdaman noong pagkakita ko sa kaniya. Weird. Napangiti na lang ako. Nababaliw na ata ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD