Chapter 4 (Jealousy)

1101 Words
Michandria's POV "Ria! Pakibilisan naman sa pag-ayos ng buhok ko!" sigaw sa akin ni Ate Ella. "Opo, Ate. Pasensya na po," ika ko sa kanya. Lagi na lang niya akong sinisigawan. Kahit wala akong ginagawa. "Ang kupad mo. Hindi ganan ang prinsesa!" singhal niya pa. Gusto ko siyang sagutin. Nanaig sa akin ang pagiging mabuti. Gusto kong patunayan sa aming mga magulang na karapat-dapat akong prinsesa katulad ni ate Ella. Hindi na lang ako sumagot. Marami kaming katulong, ngunit ako raw ang gusto niyang mag-ayos sa kaniya. Gustong-gusto niyang nakikita ako na nahihirapan. "Tapos na," malumanay kong sabi, sabay upo ko sa sofa. Halos dalawang oras kong tinapos ang pag-aayos sa buhok niya. Kinailangan ko pa ngang aralin bago sa kaniya gawin. Nakakapagod na talaga ang mga pinapagawa niya kung tutuusin. Perfectionist kasi si ate. Kahit na ganoon, minahal ko pa rin siya. Sumosobra na siya at hindi ko na kaya ang pagpapahirap niya sa akin. Sinasadya na kasi. "Saan kayo pupunta ni mama?" tanong ko sa kaniya. "Party," nakangiting sagot niya. Halatang nang-aasar pa rin. "Sa kabilang Palasyo iyon gaganapin. Alam mo naman kung ano iyon, hindi ba? Okay lang 'yan, little sister. Alam kong hindi ka pwedeng umalis ng palasyo natin. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapakita mo sa iba, lalo na sa crowded places. You deserved it. Right?" Hindi ko na lang siya pinansin. Bakit ba lagi na lang niyang pinapamukha na wala akong kwentang Prinsesa? Siya nga ay walang dugong Prinsesa, lakas makapagparamdam sa iba na siya lang ang nag-iisang tagapag mana. Nagpaalam naman na rin siya. Sa wakas ay makakapagpahinga rin. Nakakasawa na ang pagmumukha ni Ate Ella. Kahit kailan ay hindi ko pa nasusubukang umalis o lumabas ng palasyo. Mahigpit na pinagbabawal sa akin iyon ng aming mga magulang. Hindi ko alam ang kanilang rason. Basta delikado daw. Pero bakit si Ate Ella ay malayang nakakalabas-labas? Alam ko namang ampon lang siya. Bakit ako lang ang pinaghihigpitan? Kung delikado ang buhay ko, delikado rin malamang ang kaniyang buhay. Ang alam ng marami ay totoong Prinsesa si Ate Ella. Inalis ko na lang sa aking isipan ang mga tanong ko. Ang mahalaga ay ang mga makabubuti sa akin, lalo na sa aking pamilya. Mahalaga sa akin ang kapakanan ng mas nakararami. Minsan ay nakararamdam din ako ng selos kay ate kasi tinatawag siyang anak ng aking mga magulang. Samantalang ako? Simula pa ata noong pinanganak ako, hindi nila nababanggit ang salitang iyan sa akin. Ang sakit lang. Ako angtotoo nilang anak, pero bakit ako pa ang nakakaramdam na ako ang ampon? "Michandria!" Napalingon naman ako sa tumawag ng aking pangalan. Napangiti naman ako nang makita kung sino iyon. Sa tuwing may problema o nakakaramdam ako ng pagod at sama ng pakiramdam, si Dwayne lang ang tumutulong mag-alaga sa akin. Malaki talaga ang pasasalamat ko na malapit ang pamilya niya sa pamilya ko. Tanging siya lamang ang pwedeng makipag-usap sa akin. May mga lugar lang dito sa palasyo na kaunti lang ang pwedeng pumasok. Ang mga pinagkakatiwalaan lang, at ang lugar na iyon ay ang lugar na kung saan lang ako pwedeng pumunta. Sa dalawangpung taon kong pananatili rito, hindi ko pa nagagawang makita ang kabuuan ng palasyo. Masasabi ko naman na sobrang laki nito. Para akong bilanggo sa sarili kong tinitirhan. Gusto kong intindihin ang lahat ng mga ginagawa nila sa akin, ang mga masasakit na salitang binibitawan nila sa akin, ang pagtrato nila sa akin, at ang pagiging prinsesa ko. "Tulala ka na naman, Michandria," puna ni Dwayne. Nagulat ako nang pinitik niya ang ilong ko. Sanay na sanay na ako sa ganitong pagkakaibigan namin. Napabuntong hininga na lang ako. "Iniisip ko lang kung bakit ba ako narito, nakakulong sa sariling kwarto," pag-amin ko ng aking nararamdaman. "Ayan ka na naman. Isipin mo nal ang na kaligtasan mo ang sinisigurado nila. May rason naman siguro kung bakit nila ito ginagawa. Mare-realize din nila na hindi mo na kailangang magtago," pag-aalo niya sa akin. "Hi Ria!" bati ni Zoe. Napalingon siya sa aking kausap. "Oops. Narito ka na naman, Mr. Howard? Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ni Ria? Biro lang siyempre. Masaya ako na palagi mo siyang binabantayan at pinoprotektahan." Natawa naman ako sa kaniyang sinabi. Nasasanay na rin ako sa presensiya ng aking mga pinsan. Pwede na rin kasi silang dumalaw sa akin kung kailan nila gugustuhin. "Stop calling me using my last name. I have a name, Ms. Zoe Angel," pang-aasar din ni Dwayne kay Zoe. Natawa naman kami ni Caren, na nakikinig lang sa bangayan ng kaniyang kapatid at ni Dwayne. Kami-kami na rin talaga ang magkakaibigan. Sa ikli pa lang na magkakasama kami, ramdam ko na ang sinseridad nila sa pagtulong sa akin. Ang rason naman nila kung bakit nila pinapatulan si Ate Ella ay dahil mas malakas sila at kayang-kaya nilang patayin ito kung gugustuhin man nila. Kaya ang laging nangyayari ay umaalis si Ate Ella kapag dumarating ang dalawa sa palasyo. "Oh siya, Zoe at Dwayne, tigilan ninyo na 'yan. Minsan na nga lang tayo magkita-kita e," awat ni Caren sa kanila. "Anong minsan? E araw-araw ko na atang naaabutan 'yan dito," ayaw paawat na sabi ni Zoe. Dinuro niya pa si Dwayne. "Kung hindi lang ako malisyosa, iisipin ko na gusto mo si Ria." Irap naman ni Zoe. Napailing na lang ako. Hindi na ata magkaka-ayos ang dalawang ito. Hindi niya gusto si Dwayne. Si Caren naman ay gustong-gusto ito. Umamin nga sa akin na gusto niya si Dwayne, kaya ganito na lamang ang pagtatanggol niya. "Hindi ka pa ba malisyosa niyan? Malamang naisip mo na 'yan. E paano kung sabihin ko na gusto ko talaga siya?" pang-aasar pa lalo ni Dwayne. Pati ako ay dinamay pa nila sa bangayan nila. Alam ko namang nagbibiro si Dwayne. Magkaibigan lang talaga kami at walang ibang malisya roon. "Sinasabi ko na nga ba!" sigaw ni Zoe. Napatingin ako kay Caren na nakatulala lang kay Dwayne. Baka mamaya ay seryosohin pa nito ang biro ni Dwayne. Magkaroon pa kami ng misunderstandings. "O ayan na nga ba! Nagbibiro lang ako. Overacting ka naman masyado. Baka nga ikaw ang may gusto sa akin e," dagdag asar pa ni Dwayne, sabay kindat nito kay Zoe. Namula naman ang mukha ni Zoe. Lumapit siya sa amin at iniwan si Dwayne . Hindi na siya nagsalita. "May naisip ako," seryosong sabi ni Zoe. "Ano na naman?" tanong ni Caren na parang nai-inis. Nagseselos siguro. "Itakas natin si Ria. Isang oras lang naman. Ipakita natin sa kaniya ang kabuuan ng palasyo. Ano game?" suhestiyon ni Zoe. Natuwa naman ako sa sinabi niya. Kabado ako, pero natutuwa pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD