Chapter 3 (Plan)

1027 Words
Pagkabalik ko sa aking kwarto ay agad akong nagbabad sa paliligo. Kung nakita man ako ni Ate Ella kanina ay malamang susugurin na niya ako rito. Kita ko ang saya sa mga mukha ni Ate Ella sa mga bisita niya. Iba ang tingin niya sa lalaking tumingin sa direksyon ko. Mukhang gusto niya ang lalaki na iyon. Mapili siya panigurado sa lalaki. Mataas ang pamilya nitong lalaki na ito. Isa siguro sa pinakamayaman. Hindi papayag ang aking ina na basta-basta lang ang papakasalan ni Ate. Ilang tao na rin siya kaya kailangan na rin niyang mag-asawa. Kapag nag-asawa na siya, malamang sa kaniya na mapapasa ang trono. Hindi ako makapapayag na mapamunuan ni Ate Ella ng kasamaan ang nasasakupan namin. Habang maaga pa lang ay dapat makaisip ako para makaalis dito. Kailangan kong pigilan ang mga plano niya. Kung sa akin pa lang ay sinasaktan na niya ako, paano pa ang iba? Hindi magandang siya ang mamuno. Kailangan kong magpatulong kay Dwayne. Ngayon ay tinawag na ako para sabay-sabay kaming kumain. Tahimik lang akong umupo sa kabilang gilid. Napasulyap ako kay Ate Ella na mukhang masaya. Napatingin din siya sa akin, sabay ngiti. "Ipinagkasundo na namin ang Ate mo na ipakasal sa isang mataas na pamilya. Sa susunod na taon na ang araw na iyon," taas noong sinabi ni Ina. Bakit pa kaya nila sinasabi sa akin ang ganito kung hindi lang din nila ako isasama sa pagplano. Kung sabagay, mas mabuti ito para sa pagpaplano kong tigilan ang kasamaan niya. Mahaba pa ang panahon ko para itama ang mga kamalian nila. "Masaya ako para sa iyo, Ate Ella. Hangad ko ang kasiyahan mo," saad ko. Inilapag niya ang kaniyang inumin. Sumandal siya sa kaniyang inuupuan at mukhang may sasabihin na naman. "Ikaw sana ang Maid of Honor ko, kaso hindi ka pwedeng magpakita. Bawi na lang si Ate pagkatapos ng kasal," pang-aasar niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain. Pagkatapos ko ay tumayo na ako at naglakad paalis. "Michandria!" tawag sa akin ni Ina.  Hindi ko na sila nilingon pa. Nagkulong ako sa aking kwarto. Pilit nilang binubuksan ang pintuan, pero wala silang magawa. Malakas ang aking kapangyarihan, kayang-kaya ko silang pigilan. Nakakuha ako ng isang libro tungkol sa mga kapangyarihan. Baka makatulong ito sa akin. Ilang araw na akong hindi lumalabas ng kwarto. Ilang beses na rin nilang sinubukan buksan ang aking kwarto, pero hindi pa rin sila nagtatagumpay. "Ria, si Dwayne ito. Kasama ko ang dalawa mong pinsan. Maaari ba kaming pumasok diyan?" pakiusap ni Dwayne. May dalawang boses ng babae akong naririnig. Totoo ba talagang sila iyan? Parang ayokong maniwala. Baka ginamit lang nila iyon na rason para lumabas ako. Nagulat ako sa aking kinauupuan nang may tatlong mga katawan na humarang sa kaniyang paningin. Dalawang naggagandahang babae ang kasama ni Dwayne. Paano nila nagawang makapasok sa akin kwarto. "I am so sorry to bother you. We are just worried," ika ng isang babae. Tumingin ako kay Dwayne. Sila na ba ang mga pinsan ko? Ang sopistikada nilang tingnan. Halatang mayayaman, lalo na sa kaniyang pagsasalita. "Ako si Caren, ang bunso sa ating magpipinsan. Nagagalak akong makilala ka,"pakilala niya. Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad sa aking harapan. "Ako ang gumawa ng lagusan kanina papunta rito. Kagaya mo ay mayroon din kaming kakayahan. Hindi nga lang kasing dami ng ama natin. Zoe Samantha nga pala," ika noong babae kanina. Tinanggap ko rin ang kamay niyang nakalahad. Totoong napakagaganda nila. May pagkakahawig kaming tatlo, halatang magkakamag-anak talaga kami. "Sila ang mga pinsan mo sa kapatid ng iyong ama. Gaya mo, may kakayahan din sila," paliwanag ni Dwayne. Matagal akong nakatulala sa kanila. Masaya akong nakilala ko sila. Magkakaroon na ulit ako ng bagong kaibigan. "Kausap namin si Ate Ella kanina. Hindi ko siya gusto. Bakit pakiramdam ko ay kinukulong ka nila rito? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang saad ni Zoe. Malungkot akong tumingin sa kaniya. Sagot ko, "Hindi lang nila ako kinukulong dito, sinasaktan din ako ni Ate Ella. Minsan ay gumagawa pa siya ng kamalian at sa akin sinisisi. Hindi ko pa naranasan na kampihan ng mismong mga magulang ko." Kumunot ang noo ng dalawa. Nagulat siguro sa pagmamaltrato sa akin. "What do you mean sa sinabi mong mga magulang mo? Si Ate Ella, ano ba siya?" nagtatakang tanong ni Caren. Napatingin ako kay Dwayne. Tumango lang siya. Signal na siguro iyon na ayos lang sabihin sa kanila. "Hindi ko tunay na kapatid si Ate Ella. Inampon siya sa pag-aakala na hindi na magkakaroon ng anak ang aking mga magulang. Sinabi ni Ate Ella na hindi ako maaaring lumabas at makilala ng iba," paliwanag ko. Nagkatinginan ang dalawang magkapatid. "Sa totoo lang, wala talaga kaming pakialam sa trono. Hinahayaan na namin na si Tito ang mamahala. Wala rin kaming interes ni Caren sa posisyon. Hindi ko lang sukat akalain na magsisinungaling sila para lang sa trono," saad ni Zoe. Kaya naman pala masaya si Ate Ella, pero takot pa rin siya na mawala ang kaniyang trono. Kapag nalaman ng marami na ampon siya, magagalit ang aming nasasakupan. "Gusto ko siyang pigilan. Matutulungan niyo ba ako? Hindi tama ang pamamaraan niya. Kung sinasaktan niya ako, paano na ang nasasakupan natin? Baka maging malupit siya kung nagkataon. Kaya kailangan ko sana ang tulong niyo," pakiusap ko sa kanila. Gusto ko nang umalis dito. Ayoko nang makulong sa sarili kong kwarto sa buong buhay ko. Nawawalan ng kwenta ang buhay ko kung paulit-ulit lang akong kinukulong at masasaktan. Ayokong mamatay na hindi man lang nasisilayan ang buhay sa labas. "Ano ang plano mo, Ria? Matutulungan ka namin. Hindi ka namin hahayaan na mawalan ng pag-asa sa buhay," saad ni Caren. Hindi ko talaga hahayaan na mawalan ng saysay ang buhay ko. Mamamatay ako na may nagawang tama para sa nasasakupan namin, kahit ang sarili ko pang pamilya ang makalaban ko. "Kailangan kong makalabas ng mansion. Tatakas ako para masimulan na ang aking mga palano," sambit ko. Simula ngayon, hindi ko hahayaan na saktan at pagsalitaan ako ng masasama. Lalaban ako sa tamang paraan. Mahal ko ang buhay ko. Mahal ko ang mga nasasakupan ko. Ipaglalaban ko ang karapatan ng bawat isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD