02

1129 Words
Chapter 02 3rd Person's POV. Binatukan ni Loki si Azure at sinigawan ito kung anong ginagawa nito. "Aray! Bakit kasi kayo nambabatok. Akala ko ba ki-kidnap-in natin—" Tinakpan ni Tiago ang bibig ni Azure matapos mapatingin sa kanila ang mga estudyanteng nadadaanan sila sa hallway. "You idiot. Saan ka nakakita ng kidnapper na nagpaalam sa target niya," ani ni Tiago. Inalis ni Azure ang kamay ni Tiago sa bibig niya. Nilingon niya ang kapatid at sinabing respeto ang tawag doon. Napasapo si Loki sa noo. Sinabi ni Loki ng kailangan nila ng bagong plano. "How about bigyan natin siya ng maiinom tapos may sleeping pills?" ani ni Azure. Napatigil ang dalawa at lumingon kay Azure. "Kung kasing engot mo siya i'm sure iinumin niya iyon if ever," sagot ni Tiago. Napataas ng kilay si Azure at sinabing bakit hindi niya iyon iinumin. Kapag ba binigyan ka ng isang stranger ng inumin— iinumin mo iyon? Walang self awareness ang gagawa 'non. Nakikita ni Azure na nahihirapan ang mga kapatid niya na mag-isip ng plano para makuha ang babae. Nasa loob ng bakanteng room siba Tiago at Loki na parehong tahimik lang. Umalis si Azure at naglakad-lakad. Hinanap niya si Desiree iyong kakambal ni Jasper. Lumabas siya ng building. Ginala ang paningin sa paligid. Maya-maya nakita niya si Desiree kasama ang ilang miyembro ng soccer team. Maya hawak itong bola at nakikipagtawanan sa mga kasamahan. "Kainggit— sana maging kasing galing mo din ako in future," ani ni Desiree. Gusto sana sabihin ni Desiree na huwag puro kasi landi ang babae at pumunta ito tuwing practice. "Uy may palapit na gwapong guy." Napalingon si Desiree. Napatigil si Desiree matapos makita ulit iyong lalaki na dapat ki-kidnap-in siya noong isang araw. Inabot ng lalaki ang kamay niya. Tiningnan iyon ni Desiree. "Sumama ka sa akin. Gusto ka makita ng mga kapatid ko," ani ni Azure. Nakatitig si Desiree sa gwapong mukha ni Azure. Major weakness talaga ni Desiree ang may magagandang mukha at talagang type niya ang lalaki. Tapos nalaman niya pa na may mga kapatid ito na 100% sure siya na gwapo din. Inabot ni Desiree ang kamay niya sa lalaki. Lumiwanag ang mukha ni Azure at hinila si Desiree. Gusto sapakin ni Desiree ang sarili— tinanong ni Desiree kung kidnapping ba ulit iyon. "Yes, kidnapping ulit." Napa-pokerface si Desiree. Hindi niya alam kung ma-amaze siya, mako-cute-an, maiinis dahil masyado stupid ang lalaki o matatawa at the same time. Dinala ni Azure si Desiree sa isang building. Napataas ng kilay si Desiree— same building— tumungo sila sa pangalawang palapag. Apat na room lang naman bawat isang palapag. Tumungo sila sa pangalawang room mula sa hagdan. Nilampasan nina Desiree ang classroom nila. "Ang sakit na ng ulo ko. Ayoko na mag-isip." Napatigil si Desiree at agad na bumilis ang t***k ng puso niya matapos may makitang mga gwapong lalaki sa loob. May nakaupo sa bintana— silver ang buhok at kasalukuyan iyon inaayos. May lalaki din na nakaupo sa teachers table at may suot na salamin. Wait pamilyar sa kaniya iyong lalaking silver ang buhok. Iyon iyong guy na laging bumubuntot sa kakambal niya na si Jasper. Nanubig ang bibig ni Desiree matapos makita ang mga gwapong lalaki na nasa loob. Kung gwapo na iyong guy na nakahawak sa kaniya ngayon mas gwapo ang mukhang nakakatandang kapatid nito. Pinasadahan ng tingin ni Desiree ang mga lalaki. Malalaking lalaki nag mga ito nasa 6'1 ang mga height— perpekto din ang body build at sure siya mas malaki iyong nasa gitna. Nahanap niya na ang mga perfect guy. Napatigil si Desiree matapos siya hilahin ng lalaki papasok. "Loki! Hindi niyo na kailangan siya hanapin. Dala ko na siya," ani ni Azure. Napatigil ang dalawa at lumingon. Muntikan na mahulog sa kinauupuan si Tiago at napamura si Loki. Hinila ni Tiago si Azure palayo. Sinabing anong ginagawa nito at dinala doon ang babae. "Sabi niyo kasi—" Tinakpan ni Tiago ang bibig ni Azure. Alanganin tumawa si Tiago at humingi ng sorry sa ginawa ng kapatid nilang lalaki. "Sinabi ng kapatid niyo na hinahanap niyo ako. May kailangan ba kayo sa akin?" tanong ni Desiree. Kung totoong ki-kidnap-in siya ng mga ito walang pagdadalawang isip siya na sasama kahit pa hindi na siya ibalik ayos lang. "A-Ano! Hindi ikaw. Tama! Nagkamali kapatid namin. Hindi ikaw iyon," ani ni Loki. Medyo lumayo si Loki at lumapit sa mga kapatid. "Ganoon ba? Hindi ako? Pero sabi ng kapatid niyo ki-kidnap-in niyo ako. Ibig sabihin ibang babae iyong balak niyong kidnap-in. Dapat ko ba sabihin iyon sa dean?" tanong ni Desiree. Agad na nagbago ang expression nina Loki. Napatigil si Desiree matapos ipulupot ni Tiago ang braso niga sa leeg ng babae mula sa likod. "Sumama ka na lang sa amin para hindi ka masaktan." Hindi alam ni Loki. Ngunit hindj maganda ang tingin sa kanila ng babae— hindi maganda ang kutob niya. Hindi niya iyon pinansin since maliit nga na babae si Desiree. — Dinala nina Loki sa abandonadong gusali si Desiree sa labas ng university. May mga lalaki din doon na naghihintay sa loob ay sinabi nga na chix si Desiree. Hinampas ni Tiago sa ulo ang isa sa mga kasamahan. "Huwag mo iyan papakin hindi iyan sa iyo," ani ni Tiago. Hinawakan kasi ng lalaki sa legs si Desiree na hindi 'man lang nag-react. "Pero boss ang ganda eh. Tingnan mo mukhang makinis," ani pa ng isang lalaki. Sinipa ni Azure sa likod iyong lalaking hahawakan sa pisngi si Desiree. "Hindi kayo makaintindi. Doon nga kayo," ani ni Azure. Lumingon si Tiago at tinanong kung may nahanap siya sa phone ni Desiree. Hawak ni Loki ang phone ni Desiree. Umalis si Tiago at nilapitan ang kapatid. "Nagugutom ka ba gusto mo ng pagkain? May ini-order akong pizza," ani ni Azure. May pinakita itong box ng pizza. "Anong ginagawa mo Azure?" salubong ang kilay na tanong ni Tiago. Naitago ni Azure ang box sa pizza sa likod niya. "Pinaiiinggit ko siya ng pizza," sagot ni Azure. Napa-pokerface si Tiago. Tumalikod na ulit si Tiago at kinausap si Loki. Nakatayo si Azure sa gilid habang si Desiree nakatali sa upuan at pinagmamasdan sila. Kumuha si Azure ng isang slice ng pizza at iniuwang iyon sa bibig ni Desiree. Napatingin si Desiree— sinabi ni Azure na huwag maingay si Desiree. Kumindat si Azure. Parang batang kumagat doon si Desiree. Pinakain siya ni Azure at kapag tumitingin sina Loki ay maga-act ito na kumakain. Napa-pokerface si Desiree. Hanggang sa mga oras na iyon hindi niya alam kung anong kailangan sa kaniya ng mga lalaki like— kung kailangan ba nito ng pera o katawan niya. Kung iyong isa sa dalawang kailangan ng mga ito pwede naman niya ibigay pareho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD