03

1114 Words
Chapter 03 3rd Person's POV Dinilaan ni Desiree ang labi matapos makitang magkakasama si Loki, Tiago at Azure. Malinaw niyang nakikita ang magandang mukha ng mga ito at magandang kurba ng katawan. Namungay ang mata ni Desiree— mas lalo siyang nagugutom. Lumingon sina Loki. Hindi alam ni Loki kung imagination lang niya iyong kanina— iyong tingin kasi sa kanila ni Desiree kanina para silang kakainin nito ng buo like— nagtaasan bigla ang balahibo niya. Simula ng makita niya si Desiree at maka-eye to eye feeling niya nakaharap siya ngayon sa isang mabangis na tigre. "Kanina pa siya tahimik," ani ni Azure. Nakatingin lang sa kanila ang babae at naghihintay. Napasapo si Loki sa noo— pati iyong galawan nito. Feeling niya tuloy naghihintay lang ito para umatake anytime. "Nakuha ko na number ni Jasper," ani ni Tiago at natutuwang pinakita kay Loki ang phone. "Tawagan mo na siya bilis tapos papuntahin dito," excited na sambit ni Azure. Nag-dial si Tiago. Tinawagan niya si Jasper— sumagot ito at binigay kay Loki. "Nasa amin ang kakambal mo. Kung ayaw mong may masamang mangyari sa kaniya pumunta ka sa address **** street sa labas ng school." "Anong pinagsasabi mo sino ka ba?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. Pinatay ang tawag. Napamura si Loki. "So? Dinala niyo ako dito para papuntahin si Jasper?" Napatigil ang tatlo. Nagtaraasan ang balahibo nila matapos makaramdam ng nagbabadyang panganib. Napalingon sila at nakita nila si Desiree na nakatayo. Inalis nito ang tali sa kamay niya at tumingin sa tatlo. "Ginamit niyo ako para makita ang kakambal ko. Si Jasper na naman. Ano bang meron kay Jasper?" tanong ni Desiree. Nagsigawan ang mga lalaki at sinabing nakawala si Desiree. "Wai—" Hindi naituloy ni Loki ang sasabihin matapos walang kahirap-hirap na ibalibag ni Desiree iyong lalaking biglang humawak sa balikat niya. Na-shocked sina Azure matapos makita iyon. Sinubukan nila pigilan si Desiree ngunit napatalsik sila ni Desiree sa sulok. "Bakit kayo umaatras? Hindi ba gusto niyo ako makita?" Halos mawalan ng kulay ang mukha ng tatlong gwapong lalaki matapos bumangga ang likod nila sa pader. Sa maliit na katawan ni Desiree Ortega— napabagsak niya ang hihigit sa sampung lalaki na doble ang laki kaysa sa kaniya. Nagkalat ang mga ito sa sahig na nasa abandonadong gusali. Itinutok ni Desiree ang hawak na tubo sa gilid ng ulo ni Loki Lucero na napalunok na lang habang nakatingin sa mga mata ni Desiree. "Actually, wala naman ako balak patulan kayo lalo na at kayo iyong mga lalaking tipo ko," ani ni Desiree. Kinuha ang tubo at umayos ng tayo. "Pero iyong kuhanin niyo ako dahil gusto niyo makita ang kakambal ko. Bigla akong nagselos," ani ni Desiree at nilagay ang tubo sa balikat niya at ngumisi. "Mas maganda naman ako sa kakambal ko hindi ba?" tanong ni Desiree. Sinabi ni Azure Lucero na mas mabait si Jasper. Nahampas siya ni Desiree ng tubo sa sikmura. Napaluhod ito at agad siya dinaluhan nina Loki. "Ikaw! Sumusobra ka na! Hindi ka lang namin pinapatulan dahil ayaw namin mas magalit si Jasper! Magpasalama—" Napatigil si Tiago Lucero na nakaupo sa sahig hawak sa braso si Azure nang hawakan ni Desiree ang panga niya at ilapit ang mukha. "Bakit— anong gagawin mo?" tanong ni Desiree. Sigarilyo, beer at mint candy. Naamoy lahat iyon ni Tiago— nakatingin silang lahat kay Desiree. Pare-pareho silang napapatanong kung sino ba talaga ang babae at kung kakambal ba talaga nito ang nakilala nilang pinaka-soft hearted and caring na tao. Nilapit ni Desiree ang labi sa mukha ni Tiago. Aalis si Loki nang iharang ni Desiree ang tubo na tinungkod niya sa pader at sa espasyo kung saan lulusot ang lalaki. "Gawin niyo ang gusto ko— tutulungan ko kayo kausapin ang kakambal ko. Papayagan ko din kayo lumapit sa kaniya ng ilang metro ng hindi nasasaktan," ani ni Desiree matapos ilapit ang bibig sa tenga ni Tiago. "No! Bakit kami papayag! Akala mo ba natatakot kami sa iyo!" sigaw ni Tiago. Umayos ng tayo si Desiree at bahagyang ngumisi matapos idutdot sa noo ni Tiago ang tubo. "Hindi ko kayo tinatanong. Inuutusan ko kayo. Mukha ba akong nagtatanong?" may ngisi na sambit ni Desiree at tiningnan sina Tiago na para bang ang liliit lang ng mga ito na nilalang. Pinantayan ni Desiree ang tatlo na nakaupo sa sahig at ngumisi. Sinabing kapag napasaya siya ng tatlo ay makaalis ito doon ng buo, hindi isusumbong sa pulis at makakausap nito si Jasper. "Anong saya? Bakit—" Nilapit ni Desiree ang bibig sa tenga ni Tiago at sinabi ang gusto niya na mangyari. Sinabi ni Loki na hindi sila papayag. "Wala kayong choice. Hindi ko kayo binibigyan ng choices," ani ni Desiree. Sinabi ni Loki na hindi siya papayag. "Why? Bakit? Don't tell me hindi pa kayo nakakahawak ng babae?" tanong ni Desiree na parang nang-aasar. Namula ang tatlo matapos marinig iyo. "A— Anong sinasabi mo? Hindi ba pwedeng ayaw lang namin magsayang mg oras sa iyo? Gaano ka ba kadesperada para pagbantaan kami? Pipilitin mo kami para sa sarili mong satisfaction?" ani ni Tiago na puno na ng pagkairita ang mukha. "Nanggaling pa sa mga taong dinala ako dito para makausap ang kakambal ko. Hindi ba tini-take advantage niyo din ako at sinayang din ang oras ko?" tanong ni Desiree. Naitikom nina Tiago ang bibig. "Pumayag na lang kaya tayo. Sabi niya tutulungan niya tayo makausap si Jasper tapos hindi niya din tayo isusumbong sa mga pulis," ani ni Azure. Sinabi ni Azure na curious din naman siya sa katawan ng babae— nakakakita lang siya 'non sa anatomy class nila. "Marami akong friends na lalaki. Wala kayong mga naging girlfriend kaya alam ko na wala kayong alam pero ako meron. Kinuwento ng mga kaklase mo kung paano—" Tinakpan ni Loki ang bibig ni Azure at sinabing manahimik ito. Pinagmumura ni Tiago si Azure at sinabing manahimik na ito. "Wala kang naitutulong na gago ka," ani ni Tiago. Inalis ni Azure ang kamay ni Loki at sinabing may alam siya sa s*x. First you need to put— hindi na naituloy ni Azure ang sasabihin matapos takpan ni Tiago ang bibig ng kapatid at ipulupot ni Loki ang braso sa leeg ni Azure. "Pasensya na pero hindi kami iyong tipong maibibigay iyon sa iyo dahil ginusto mo. Naniniwala pa din kami na dapat ginagawa iyon ng mga taong nagmamahalan talaga. Isa pa babae ka— hindi mo dapat iyan ibigay sa kung kani-kaninong lalaki na nakikita mo lang sa daan," ani ni Loki. Napa-pokerface si Desiree— parang gusto niya tanggalan ng bibig si Loki. Sino ito para pagsabihan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD