Chapter 15

3013 Words
“...at kung makikita niyo po, we only used the finest and most expensive timber floorings, marble finishes and luxurious fixtures to meet your oppulent lifestyle needs,” patuloy ng real estate agent as we roam around the very maharlikang condominium model room ng Grand Hyatt Residences kasama ang ilang mga miyembro ng alta-sociedad ng Pilipinas wearing only their expensive clothes na talagang nagpa out of place sa amin ni bakla, “Fully furnished na po siya and ready to occupy at any moment’s notice.”   Nagtaas ng kamay ang katabi naming kalahi noong receptionist sa Lamborghini na mahadera, “How many hours ang service ng concierge?”   “Twenty-four hours seven days a week like our front desk staffs. No need to worry about housekeeping and if you need it, may limousine service din para sa inyong private needs.”   Nagtanguan ang ibang mga kasama namin sa viewing at mukhang mga nag-iisip kung kukunin nila o hindi.   Tinitigan lang kami ng katabi naming buraot na thankfully naman ay hindi na pinapansin ng kasama ko dahil sobrang good mood na kami after naming mailabas ang first ever kotse ko ng matiwasay, “A question, may function room and libraries din ba kayo dito?” “Yes, Maam! We are fully equipped for any educational, business, fitness and recreational needs ng aming mga residents,” sagot agad ng agent sa aking kaibigan na napataas ng kilay in approval.   “And the parking charges?” sunod na tanong ni Caileane dito.   “It depends po on the size of the unit na kukunin ninyo,” tumingin ang mabait na real estate agent sa aming dalawa at ngumiti, “May I offer the one hundred forty three square meters two bedroom unit para sa inyong dalawa?”   Umiling si baks at napatawa ng mahina, “Actually I already owned a unit in Makati nearby. Para sa aking friend itong condo sana if nagustuhan niya and one of our main issue is the parking space. I hope may kalakihan kasi SUV ung sasakyan niya.”   “I bet it’s the cheap na GAC or something brand na made in China that costs less than a million kaya malaki ang problema,” malakas na bulong ng katabi namin sa kaniyang group of friends na nakinig naman ng ibang kasama namin dito at nagtawanan na din, “Takot sigurong makasagi ng ibang cars sa parking lot, guys.”   Pero hindi ito pinansin ng agent as she inclined her head to us inquiringly, “Nakapark po ba sa malapit car ninyo, maam? May I see and know the brand and model?”   “Sis?”   Tumango ako sa aking friend at finish-out ang susi ng sasakyan ko from my large shoulder bag at itinuro ito sa labas ng viewing room window and pushed the button for alarm.   Sa tuwa ni baks ay automatic na nag-ingay ang alarm ng aking kotse na nakaparking sa tapat mismo ng room at nag-flash headlights raised the eyebrows of our agent.   “Lamborghini Urus? What model, maam?”   “Graphite Capsule, teh,” sabi ni baks sabay labas ng deed of sale ng kotse from her folder na nakasangat sa kanyang braso with a large red watermark saying that it is, “Fully paid just today by my companion fresh from the showroom near here. Actually, kahit decent driver siya, she only practiced with my Aventador so syempre iba na pag mas malaki ang kanyang igagarahe kaya we decided to get the largest possible parking space available just to be safe.”   Tumango naman agad ang agent at ngumiti, “Then I can offer the thirty seven point five square meters parking lot space normally reserved for three bedrooms with den units. Sigurado po ba kayo na ayaw ninyo ng bigger unit?”   “Oh, no need, tama na ang dalawang kwarto para sa kaibigan ko,” smooth na sagot ni sis sabay kindat sa akin meaningfully, “Anyways, how fast is the process ng purchase?”   “Under normal circumstances, it will take two months for everything to be settled,” malinaw na sagot nito, “However, if paid in full, it can be expedited to a month only, maam.”   Eksaheradang bumuntong-hininga ang bakla at iniikot ang mga mata sa kisame, “Ay ganoin? Waley bang mas mabilis? Like one-day processing tapos lipat agad kinabukasan?”   Nagtawanan ulit sa pamumuno ng bitchesa na babae next to us ang aming mga kasama when they heard the seemingly impossible demands ni Caileane.   Kahit ako ay doubtful na may ganoong offer ang mga real estate developers as very time consuming ang pagproprocesso ng mga papel dito sa Pilipinas as always.   “The one hundred forty three square meters two bedroom unit you are planning to avail costs a grand total of fifty one million pesos fully paid with parking lot expenses included,” tahimik na sagot ng real estate agent while she is busy calculating something on her tablet, “Kung i-eexpedite natin into one day purchase, you might have to add ten million pesos processing fee so we can do it in less than twenty four hours.” Maarteng inilahad sa akin ni baks ang kanyang kanang kamay and I know full well it is my cue para ilabas ang aking pambayad, “Sis, ang holder?”   “Eto na, sis,” sagot ko agad sabay patong ng aking card holder na naglalaman ng aking credit card na siya namang binigay sa agent na hindi makapaniwala gaya ng mga kasama namin dito sa room.   “Please use the debit function ng Centurion Card, teh. Allergic sa utang itong kasama ko eh.”   Laglag panga ang katabi namin na tiningnan kami mula ulo hanggang paa at hindi makapaniwala sa aming ginawa.   “Are there any more here na gustong mag-avail ng aming units, anyone?” sunod na tanong ng ahente sa aming mga kasamahan at mukhang lahat ay napahiyang hindi kumuha ng condominium units dahil sa ginawa ni bakla na pagka-showy.   Kahit ang katabi namin ay halatang pikit-mata na napakuha ng pinakamurang unit na hulugan na nagpangisi lang ng nakakaloko kay baks.   “Well, I guess that’s it for today’s viewing!” masayang announced ng ahente na mukhang kotang-kota ng pang isang taong sa ngiti, “Thank you all for your trust and commitment to our residences. Rest assured we will process your papers as fast as we can.”   Tumngin naman siya sa direksyon namin at tumango agad sa inquiringly look na binibigay ni Caileane dito, “For you, please expect to be able to move in by tomorrow afternoon before three. I will have all the papers signed, processed and notarized by that time for your signature. Wala na po kayong proproblemahin.”   Masayang sinoli nito ang aking card holder after swiping it and confirming the payment I made in full sa account ko.   “Winner! So by tomorrow makakalipat na ang sis ko, ha?”   Tumango agad ito kay Caileane as she shook our hands excitedly, “I assure you of that, you can count on it. Thank you again for trusting our company! I have to go now, after all, kailangan kong siguraduhin na mamemeet ko ang expectations ninyo fully by tomorrow! See you by then!”   Tumakbo na ito palabas ng viewing room ng dali-dali at lumakad na kasunod ang ibang kasama namin dito maliban sa bwisit na babaeng hindi ata matanggap na nasapawan siya ni baks totally with impunity.   Hindi naman makapalag sa amin ito at ang kaniyang mga kasama as they are eyeing my car and us quietly as if hindi pa rin maprocess ng kanilang makikitid na utak na we just bought less than one hundred million pesos worth of purchases today without batting an eyelash.   Kaya hinayaan ko na lang na makapagsampal ng matindi-tinding parting shot ang kasama ko as we walked slowly pass them, “A little tip, hun. Walk the talk. Huwag puro dada, pag may time, labas din ng pera. Okay? Okay. Ciao!”   Hindi na nanlaban ang mahaderang babae sa sinabi ni baks at nilampasan na lang namin ito with a satisfied smile on our faces.   Iba talaga ang feeling pag kinakaladkad mo pababa ang mga mapangmata at mapagmataas para naman makatapak sa lupa once in a while ng mahulasan naman.   -0-   “Capuccino sa akin, venti and Jalapeno Cheese Turnover,” mabilis na order ni baks sabay tingin sa akin, “Anek sa iyo, beh?”   Tumingala naman ako menu at hinanap ang kaisa-isa kong ino-order lagi dito simula ng nakatapak ako ng Maynila, “Java Chip Frapuccino venti tsaka yung Red Velvet Marble Cake, two slices.”   “Hay, ang walang kamatayang order mo na hindi na nagbago since ten years ago, kaloka,” naiiling na untag niya sa akin sabay abot ng kaniyang credit card sa cashier na nagprocess ng aming orders, “Sa daming nakasulat sa menu nila, hindi ka man lang ba makakapamili ng iba, sis?”   Umiling na lang ako as we head to the waiting area para hintayin ang aming orders, “Naku, wag na. Isa pang effort eh hindi naman ako nagsasawa pa sa kinasanayan ko na, baks.”   “Qaqa, paano ka masasawa eh bihira ka nang maka once a year sa pagbisita dito sa Starbucks?! Chuserang frogleta! May branch ang Starbucks malapit sa Grand Hyatt Residences, be sure na maglagi ka doon para naman maarawan ka. Mga once or twice a week pwede na.”   Nagulantang naman ako sa sinabi nito, “Hah?! Eh halos five hundred na nga yung order ko tapos gusto mo twice a week ako lalabas dito?!”   “Sis, akala ko ba we are practicing to reverse your kurifuta tendencies?” bwisit na tanong nito na nagpatahimik naman agad sa akin, “This is just a small step for you to make open-open your shutaenang mas sikip pa sa kepyas kong wallet and spend! Hindi naman pwepwede na weekly tayong maglabas ng malaking pera like this. So, we just have to spend but not too much. Kaya naman siguro ng six figure salary mo ang Starbucks menu hindi ba?”   Tumango ako at bumuntong hininga na lang, “Fine, fine. Ikaw na nga ang nagwagi, baks.” “Good! Marunong kang lumugar, sis. That’s what I like about you! Now, if you can apply that attitude sa financial side ng buhay mo then mas mapapanatag na ang aking mayamang dibdib,” sagot nito sabay kuha ng aming order na ready na at dumeretso na kami sa pinakasulok ng coffee shop katabi ng floor to ceiling na bintana at nakaupo na din finally, “Now, let’s just wait for my friend na dumating para mairaos na natin ang araw na ito ng matiwasay at mapayapa.”   Napakunot ang noo ko as I sip my frapuccino, “Friend?”   “Oo, may iintroduce ako sa iyo. Pero forget about that for now. Fashionably late ang funyeta na iyon palagi kaya pag-usapan muna natin ang nabalitaan kong top-secret make-over ng Kyria Ang mula sa chuchu ko sa kinauukulan,” seryosong sabi nito sabay taas ng kilay sa akin after niyang ngumuya, “So, anek na nga ang drama mo, sis? Why change something that is not broken? Eh shutaena, sabi ng kachokaran ko sa human resource department eh magbrebreach ka na daw ng seven figures next month!”   Napalunok naman ako sa aking narinig na juicy tidbits sa kaibigan ko, “Well, hindi naman siya mega top-secret dahil alam na din naman ng listeners ko but the details is, as you already knew. Sa true ba baks yang chismax mo about sa sahod ko?”   “Ako pa ba, sis? Opkors sa tataa lang tayo diba?” nakangising sagot nito sa akin sabay kindat, “Tingnan mo nga naman ang bruhang itwo, oo! Dati rati ay akala mo ay yagit na naligaw lang para pabilhin ng betsin na naglalakad sa hallways ng K.O.R. Ngayon ay limpak-limpak na anda na ang kinakalaykay monthly!”   “Pag hindi nagkatotoo iyan, naku, mapapagulong ako sa timang na paasa mo, bakla!”   “Ay sis, kelan ba kita sinuplayan ng fake news?!” hamong tanong nito sa akin, “Mula sa baha, bagyo, inggiterang mga chuwariwaps at incoming sponsors, one hundred and sixty nine percent accurate ang source ko or tegi sources ko sa akin pag napahiya akez!”   Tumango naman ako at napangisi na din, “Well, when you put it that way, never mo naman akong binigyan ng chismax na hindi nagkatotoo. Anyways, to answer your question, gusto ko lang ibalik sa dati ang Kyria Ang.”   “Dati, meaning?”   “Meaning iyong dati na nasimulan ko back in Laguna. Iyong very personal na topics at talagang galing sa aking budhi ang mga sinasabi ko,” paliwanag ko dito as she puts on her listening face after taking a quick selfie, “Napapansin ko kasi, simula nung naglipat ako ng Maynila, naging careful na ako sa topics ko. Para bang ako na iyong nag-iingat na huwag maka-ruffle ng feathers if you get what I am saying, sis.”   Huminga ng malalim si Caileane at minasahe ang kanyang sentido, “Self-censorship, ganern? No need to explain further, sis. Alam na alam mo naman na pinagdaanan ko na iyan way, way, before you at nakakaubos nga ng motivation. But why just now?”   “Kasi I think I finally feel stable and confident enough to enact a big change,” malinaw na sagot ko dito na nagpataas naman ng kaniyang kilay, “Sabi mo nga, I am financially secured sa unti kong gumastos, so I decided na kahit maubusan ako listeners, wala na naman ako dapat katakutan dahil all set na ako sa future. This is the best time to revert back to the original theme ng Kyria Ang and then take it to the next level.”   Mukhang hindi pa din siya satisfied sa sagot ko dahil may follow-up question pa siya sa akin, “Oh really? Fine, let’s just say na kunwari you reached my expectations on you regarding your supposed confidence, anek naman ang ipapalamon mo sa customers mo, aber?”   “A no holds barred personal opinion sa mga idudulog nilang dilema as if I am in their shoes. Malalaman nila kung ano ang gagawin ko if, for example, napakadaming toxic na kapamilya sa paligid ko at sukang-suka na ako sa panganganser nila. Ano nga ba ang gagawin ng isang DJ Kyria in that situation?”   “Go on...”   Nagpatuloy ako sa pagpapaliwanag more confident dahil mukhang nakuha ko ang kaniyang atensyon sa aking pinagsasasabi, “Kasi ganoon dati ang ginagawa ko sa Laguna with DJ Reyka, if kilala mo siya, baks?”   “Qaqa ka ba?! Sino ang hindi makakakilala sa beteranang buraot ng K.O.R, Elesa?! Ang nag-iisang Jokestar-riray na ilang dekadang namayagpag bago nilamon ng family life sa America,” malakas na sagot nito sabay tingin sa akin appreciatively, “No wonder sinasabi noong isang technician from Laguna na napatransfer sa headquarters na inalagaan ka talaga ni Reyka to be her protege nang naipasok ka ni DJ Marcus sa branch nila doon. Mukhang sinaksak din niya sa iyo ang trailblazing attitude niya.”   “Yes, baks. Iyon nga ang naalala ko na bilin niya. Huwag kakalimutan ang pinaka-core ng show ko when it started kahit sobrang magtagal na ako sa ere. Kaya nga naisip ko na ibalik sa dating no-nonsense, devil-may-care attitude and tactless balahura karisma ng Kyria Ang na nawala na in the past decade. I want to be true to myself na, sis.”   “Eh paano kung hindi magkaigi iyang plano mo at mawalan ka ng work?” prangkang tanong nito na nagpabuntong hininga na lang sa akin as I shrugged my shoulders at sumandal sa upuan comfortably.   “Well, as I already said, kampante na ako sa financial status ko. Kahit namili tayo ng napakamamahal today, may mahigit one hundred moolahs pa ako sa mga bangko ko and as you well know, imposibleng maubos ko iyon sa sobrang frugality-oriented ng pamumuhay ko, baks.”   Tumango siya sa akin in agrement after sipping some more coffee, “Well, I can’t argue with your point dyan, beh. Kahit ilang beses ka pa atang ma reincarnate ay may malalamon at malalamon ka padin sa tipid mo sa pag-gastos. Anyways, mukhang you are all dead set sa plano mong iyan at ano pa nga ba ang magagawa ko kundi suportahan ka sa abot ng kagandahang makakaya ko.”   “Thanks so much, sis! Alam mo naman na approval mo na lang ang iniintay ko bago mag-commit ng career suicide,” biro ko dito na nagpatawa na lang sa kanya.   “Qaqa ka! Hoy, baka nakakalimutan mo, malaki din ang hirap ko sa Kyria Ang kaya ayusin mo iyan! Kung matetegi din sa ere ang show mo, siguraduhin mong magkakalat ka sobra, hindi sila makakapaglinis ng matino sa problema at eskandalong iiwan mo, got it?!”   “Opkors, sis! As you always say, go out with a bang and idamay sa sabog ang mga buraot!”   She flipped her hair and grinned at me mischievously, “Exactamundo, sis! But may isa pa nga pala ako iinform sa iyo. Alam kong hindi ka nanunuod ng mga news and all pero aware ka naman siguro dahil sa dami nating nadaanang mga billboards, posters at tarpaulins sa labas kanina na malapit na ang eleksyon, right?”   “Ay yun na nga, baks. It’s the season for making tago-tago sa mga nyetang mga trapo. Hay, buti na nga din at naibili mo ako ng kotse. Mas madali ang escape ko sa mga magpipilit ipromote ko ang kanilang mga basurang plataporma na lata porma naman.”   Tumarak na lang ang mata ng kaibigan ko as we saw a large Hummer na humahagibis papunta sa parking lot na akala mo ay may tinatakbuhan, “Ano pa nga ba, sis. Pero let’s think about that later dahil nandito na ang bruha of the hour!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD