Chapter 16

2209 Words
“Sis, I want you to meet my close friend since virgin pa ako, Ms Mila Lakan, my financially-inclined friend. Don’t cross her, okay? Kaya ka niyang bilhin, ang kotse mo, bahay at love life. Ay scratch the last part, wala ka nga pala noon, charot!”   Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at iniabot ang aking nanginginig na kanang kamay sa babaeng dumating at ngumiti a little.   She is way older than me, around twice my age and old enough to be my mother judging by her aura but her face and body makes it look the other way around.   Napakagandang-babae at ang tangkad pa. Morena ang balat at napaka-sexy ng curves niya sa katawan na halatang alagang-alaga and even though nakapambahay lang din siya gaya namin, she exudes this prestigious and absolute impression of class and elegance.   Ito ang isa sa mga kakaunting tunay na example na miyembro ng upper-crust socialites ng Pilipinas.   Iyong mga tipo na hindi mo makakasalamuha sa mga normal na pagkakataon like this, much less makita sa Starbucks at all.   “Sira, pinanganak ka nang devirginized, malandi,” saltik nito kay Caileane in a very cordial way before smiling at me, “Nice to meet you. Elesa, right?”   Tumango ako at naupo na din as she and my friend nodded at each other knowingly after ordering sa waiter ng kape ng kaharap namin.   Mila took a deep breath as she put down her silver Birkin bag at tumingin sa paligid, “Bakit dito sa Starbucks, Caileane? Kung alam ko lang na dito din kayo sa BGC magagawi ay sana sa Toby’s na lang tayo nagkita.”   “Wis, Mila! Ayoko doon walang gwapo!” bwisit na sagot dito ni baks sabay tarak ng mata, “Walang eye-c*******n lang na pwedeng titigan pag nabwibwisit na ako sa kasama ko! Ay, thank you kuya! Mwah!”   “Malandi pa din as usual, teh,” naiiling na wika dito ng bagong dating sabay kuha ng inabot ng waiter na nakangiti sa aming tatlo, “That’s it for now, thanks!”   Judging by their interaction, matagal na silang magkakilala at pinagkakatiwalaan na ni sis ng buo dahil never nagiging cordial ang pakitungo ni baks sa mga taong hindi naman niya ka-close.   Lagi siyang gumagawa ng distansya at pader between her and other people she don’t consider included in her small inner circle of trusted friends and confidants.   Mabibilang sa kamay ang mga taong kinagigiliwan at pinapakitunguhan ng maganda nito and if this one is included, then it is safe to say na mabait ito at can be trusted.   “Anyways, this might come sounding rude and offending but kailangan ko nang ilabas before we continue,” warning ni Mila sa akin at tiningnan niya ako inquiringly from head to foot warily, “Hindi ako nakikipagtransact sa mga bagong salta sa upper-crust ng lipunan na linta sa iba. Linta meaning nakapangasawa lang ng mayamang afam o dakilang tagapagmana. I don’t deal with people at all when it comes to financial matters nor I acquaint myself with people na hindi gumapang, gumulong sa putikan at kinaladkad ang sarili bago umangat sa buhay. Next to impossible to teach and control so if you belong to any from above then let’s just talk something else. Wala akong balak mag-aksaya ng oras sa pag-aadvice sa mga biglang yaman.”   As expected, matalas ang bibig nito at blunt.   Walang pake sa iisipin ng iba at mataas ang standards nor she will lower them for just anyone else.   Pero kaya ko din namang makipagsabayan dahil ako lang din naman ang nag-iisang Duchess Jockey Kyria na kilala sa pagiging taklesa at butangera.   “Try me,” simple kong sagot while looking directly in her eyes and pour all the hardships, pain, grief and sacrifices that I have been through para lang makaupo sa harapan niya ng walang pakialam sa mundo.   The world has already f****d me up repeatedly a long time ago, wala na akong kinahihiyaan o kinakatakutan kung trabaho at pera din lang ang usapan.   “I must admit, sis, isang tao lang ang kilala kong may mga mata gaya niya,” Mila barely whispered quietly sa aking kaibigan who shed a tear of pride as she nodded in agreement, “Ang kumare ko na binembang na ng mundo kaliwa’t kanan ng walang patawad but still managed to claw her way out of several pitfalls by the skin of her teeth. She reminds me so much of her battle-hardened eyes twenty or so years ago. I’m intrigued, to say the least.”   Tumango si baks at nagpahid ng luha, “Kilala mo akong tao, Mila. Hindi ako basta natingin sa mga babaeng pakangkang na lang o basta na lang mapupulot sa tabi-tabi. This girl in front of you experienced enough hardships in her life bago pa grumaduate ng high school just to be where she is now. Hindi ko nabanggit sa iyo before kasi sabi mo mas gusto mong makilatis siya personally pero katrabaho ko iyan sa K.O.R, teh.” “What?! Really? Anong name ng show?” gulat na tanong nito sabay kurap sa harap ko, “Alam mo naman na hindi talaga ako mahilig sa radyo pero ang bwisit na mga anak na kumare ko ay baliw na baliw sa K.O.R since goodness knows when kaya whether I like it or not, araw araw akong nakakapakinig ng shows doon.”   Tiningnan ako ni baks taas kilay and I know that’s my cue so I let my radio persona surface for a bit, “Tindera sa umaga, feelingera pag may tama. From amusin to gusgusin. Ang Duchess Jockey ng mga kiri at paasa! Inyong abang lingkod, ang nag-iisang Kyria!”   Laglag panga ang kaharap ko as I finished my introduction with a deep and respectful bow.   “What in the actualy f**k?!” bulalas nito as she still can’t believe that I am really “that” D.J na nagkakalat sa ere mahigit isang dekada na, “That voice, there’s no mistaking it, ikaw ang walang mintis na pinakikinggan ng inaanak ko since high school until this very day!”   Napakurap naman ako sa kaniya in curiousity, “Since high school? So kasing tanda ko lang halos?”   “Yes! Mr Heterochromia ang ginagamit niyang name pag natawag o nagmemessage sa shows mo,” mabilis na sagot nito sa akin na nagpalaglag ng aking panga, “In a manner of speaking, sabay na kayong lumaki, no kidding! As his godmother, I just want to thank you for being a ray of hope sa kaniyang tumultous teenage years. Kyria Ang is the only media show na kino-consume ng pamilya namin maliban sa Power Fact Workout ni Caileane na kinababaliwan kumare at kumpare ko.”   “Wow, just, wow! Small world, huh? So kamusta na pala ngayon ang aking avid listener? Judging from his requested songs, mukhang naging maganda naman ang kaniyang buhay as far as I can guess sa mga kantang pinapatugtog niya.”   Tumago si Mila at nag-drop na siya ng guard completely as she began treating me as if I am her longtime friend already, “As I said, he is doing well now partly because of your show na nagbibigay sa kaniya ng saya every single day. Iyon lang ang kinaadikan niya aside sa pagluluto sa kaniyang restaurant.”   “Ay so may restaurant pala ang inaanak mo, Mila,” react ni baks sa sinabi ng kaibigan sabay ngiti, “Sa Laguna ba iyan?”   “Oo, Caileane. Actually doon nga ako nagtanghalian bago dumeretso dito.”   Tumawa ng malakas si sis sabay lingon sa nakaparadang hummer ni Mila sa tapat ng coffee shop, “Kaya pala rumaragasa ka nung dumating. I bet traffic na naman sa Olivarez.”   “Ano pa nga ba, teh,” sagot nito sabay masayang naglabas ng folder sa kaniyang bag at inilapag ito sa lamesa, “Now that introductions are out of the way, let’s get to business, shall we?”   Tumango ako agad sa kaniya as she started explaining the various graphs and bars sa mga papel na pinakita niya sa akin, “As I said earlier, I don’t just assist anyone at all when it comes to financial techniques maliban sa kumare ko at dito sa “virgin” kuno na nakatabi ko.”   Kumindat sa amin si Caileane as she let her friend continue her explanation seriously.   “I know for a fact that you are way more intelligent than this dumb-ass b***h beside me when it comes to numbers kaya I will not hold back sa pagpapaliwanag. As you can see, with more than two decades of playing with the stock markets both national and international, I have perfected my very own predictive algorithm assuring that I will “always” have a return of investment in “any” company stocks or shares I deigned worthy of throwing my money at,” confident na sabi niya and the information and numbers sa papel ay nagpapatunay na hindi lang siya nagyayabang, “Kumare ko at itong maaerte sa tabi ko ang magpapatunay ng malinis na track record ko sa investment.”   Umikot ang mga mata ni Caileane bago tumango, “Ay nako grabe ung pagyayabang ha? Sobrang pa-demure pero naghuhumiyaw na “maganda at mayaman ako kahit over forties na” yung statement. Aray ko!” Napairit ito ng konti ng siniko siya ni Mila, “Manahimik ka diyan bakla at makisama. Anyways, this is my closely guarded secret at sa mga pinagkakatiwalaang tao ko lang shineshare. Several years ago, in-offer ko ito kay Caileane pero mukhang masaya na siyang unti-unting itake-over ang kumpanya nyo instead kesa tumitig daw sa stock exchange daily. So, my question for you Elesa is this, willing ka ba na mag-invest sa Philippine Stock Exchange? While I will never promise that you will double your profits in a short ammount of time, masisigurado ko naman na babalik ang investment mo plus half of what you put in in a month or so.”   Napamaang ako sa sinabi niya, “Really? Magagawa mo iyon? Wala akong masyadong alam sa stocks and shares pero I never know na masisigurado mo na babalik at least ang ipinasok kong pera agad-agad, never mind the profit.”   “Sis, alam mo ba na pinipirata na ng Chase, Citibank, Bank of America at Wells Fargo si Mila at ang kaniyang bertud?” tanong ni baks na nagpagulat naman sa akin, “Gusto nilang siya ang humawak ng kanilang assets for investment dito sa Asia at make them billions and billions of anda to burn!”   Bumuntong-hininga ang kaharap ko at tumango exasperatedly, “Indeed, teh. Kahapon nga, Banco Santander naman ang nangungulit.”   “Ay bet yan, teh! Muchas Funyetas na ang drama mo pag grinab mo iyan!” masayang pasaring dito ni baks na nagpailing na lang sa aming kasama.   “Naku, grab? No way. Kahit ilang daang milyon pa i-offer nila, hindi ako magpapakamatay sa trabaho at mga papeles na itatambak nila sa akin pag nagkataon. Napakasarap na ng buhay ko. Malalaki na ang inaanak ko at ang mga kapatid niya. Mga hindi na alagain kaya ang dami ko nang free time para magliwaliw ng very slight. Hindi ko ipapalit iyon sa buwis buhay na trabaho sa bangko.”   She then looked at me seriously, “Now, back to our topic at hand, I can put in an investment for you, Elesa. Ginawa ko na ito kay bakla pero sa katamaran ng nyetang ito ay pinabayaan na lang sa akin ang kaniyang portfolio na inasikaso ko para sa kaniya.”   “Ay, exchoose me Mila anek na nga pala nangyare dun sa three moolahs na pinasok ko three years ago? Tegi na ba?”   Sinampal dito bigla ng bwisit na investor master ang isang sheet ng papel from her folder, “Tegi your face, sis!”   “Aray ko! Ang brutal masyado, teka nga at masayt, hmmm,” binasa ni baks ang papel na sinampal sa kanya at nanlaki ang kanyang mga mata in surprise, “Omaygulay, is it real?!”   “Dalandan, nesfuta, Caileane.”   Napairit ng mahina ang kaibigan ko as she showed me the paper stating that her three million investment became fifty million, “Look, sis! Nakalimutang ko na nga iyang pera na ipinasok ko diyan kasi nakakalurkey ang pagbabantay sa stocks daily, hindi naman ako nainformed na yumabong na pala siya at namunga. May pang Hyillia na akez!”   “I already transferred the money sa bank account mo bruha just now,” sunod ni Mila as she put down her unassuming Huawei phone sa table, “Check the notifications, real time iyon.”   Tumango sa akin si baks at kinuha ko naman sa bag ko ang cell phone na patabi niya and true enough, tumatanginting na fifty million ang na-received ng kaniyang Maybank account ngayon-ngayon lang.   “So, Elesa, would you allow me to make a ten million pesos investment under your name absolutely no strings attached?”   Kumuha agad ako ng HBW ballpen sa bag ko at tumingin kay Mila, “Saan ako pipirma?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD