Chapter 1

1880 Words
“Ok everyone, prepare a piece of paper for our surprise quiz. Long pad will do,” malakas na announce ng teacher namin sa T.L.E. I love surprise quizzes talaga o exams! Yung mga tipong biglaan, unexpected and unforeseen magpapa-quiz bigla ang teacher ng basta-basta na lang na nagre-result sa pagpa-panic ng mga kaklase ko sa pagre-review. Masaya kong hinugot mula sa bag ko ang makapal kong long pad paper at maingat itong ipinatong sa aking desk at kasunod na inilabas ko ang isang garapon ng stick-o at ipinatong ito sa katabi ng long pad ko. When the scramble for studying subsides, nagsisimula na ang paborito kong part ng quiz. Ang kuhanan ng papel. “Elesa kukuha na ako ha?” “Lagi talagang maaasahan si Elesa.” “Buti na lang meron si Elesa.” “No hassle talaga!” “Dalawahin ko na ha?” “Bilisan ninyo na ang kuha!” “Mag-aaral pa ako wag ka na pabebe! Pugit na!” “Baka maubusan ako!” Music to my ears ang patak ng tigdo-dos ng mga classmate ko sa aking garapon, “Don’t worry, hindi kayo mauubusan! Kuha lang!” magiliw na sabi ko sa kanila na pinagkakalibungbungan na naman ako as usual. Sinilip ko si Ma’am pero busy ito sa paghahanda ng ipapa-quiz sa amin. Sanay na ito sa ganitong commotion. Lahat ng mga teacher ko ay tanggap na ang likas na katamaran ng mga classmates ko na magdala ng papel at ang aking angking katusuhan para i-monetize at pagkakitaan ang kanilang katamaran. “Wala akong ipapahiram na ball pen Carl, tanong mo kay Elesa kung may binebenta siya,” kinig kong reklamo ni Bona sa boyfriend na nanghihiram sa kanya. Lumingon naman ako sa direksyon ng mag syota at tumango bago inilabas ang isang kahon ng multi-colored HBW ball pens at winagayway ito sa lalaki, “Yes! Meron ako red, black and blue. Ten pesos lang!” “Eight lang ‘yan sa canteen eh,” reklamo nito sa akin, “Lalabas na nga lang ako.” “Walang lalabas ng classroom, Carl,” saway naman ng teacher ko na nakatayo na at hinihintay na matapos ang bentahan ko, “Pati ba naman ball pen wala ka? Kung namamahalan ka, dapat hindi mo kinalimutan magdala,” sermon nito sa kaklase ko na tumayo at lumapit na sa aking kinauupuan at nagtapon ng ten-peso coin sa aking garapon. “Sige na nga! Pabili Elesa, ‘yung black,” sabi nito sa akin sabay kuha sa kahon ng ball pen at tinesting ito sa palad bago ngumiti at bumalik na sa girlfriend. Natapos na din sa wakas ang pagbili ng papel ng mga kaklase ko at halos maubos na ang kanina ay makapal ko pang long pad. Ang bigat na din agad ng garapon ko wala pang tanghalian! Grabe ang saya! Isinilid ko sa bag ko ang garapon ko at sinulat ko na ang pangalan ko sa long pad nang nagsimula nang magpatahimik ang teacher namin para makapagsimula ng quiz. Elesa Villarin 4-Silver “Okay class question number one…” Nakapag-aral na ako kanina pa dahil amoy na amoy ko na ang surprise quiz ni Ma’am na dalawang linggo nang hindi nagpapa quiz kaya inunahan ko na ng pag-aaral. Tapos na ako magsagot at hinihintay ko na ang next question nang biglang maalala ko ‘yung tinatapos kong cross stich kanina. Mabilis kong ipinasok sa bag ko ang aking kamay at inilabas ang tinatahi ko na aking sinimulan two days ago pa. Deadline ko na pala ngayon para tapusin ito. “Number two…” Alam ko na ang isasagot ko at swerte ko na sa isang chapter lang kumuha ng ipapaquiz ang teacher ko kaya habang busy sa panghuhula, pagiisip, pagsasagot at panggagaya ang mga classmates ko ay eto ako, tapos nang mag answer at masayang nilalagyan ng finishing touch ang aking Naruto inspired cross stitch. Nagpatuloy ang quiz at nagpatuloy din ang aking pananahi.  “Pens down, pass your papers forward! Herald, sabi nang pens down eh kung hindi, hindi lalapatan ng ball pen ko ‘yang papel mo. Pass forward!” malakas na utos ng halatang gutom na teacher namin. Can’t blame her, mag-a-alas-dose na at oras na para sa aming two-hour vacant time. Ipinasa ko na ang papel ko at tiningnan ko ang aking finished product.  Ang galing talaga ng pagkakagawa ko! Kamukhang-kamukha ni Gaara na nakatayo katabi ‘yung one tailed beast na si Shukaku. Nag-ring ang bell at masayang nagsitayuan na ang aking mga kaklase na hindi na inabala ni Ma’am na sawayin at formal na magpaalam dahil kasabayan pa siya ng mga ito na nagpaunahan palabas ng room. Isinaksak ko pabalik sa aking backpack ang tinahi ko at zinipper ito sabay sakbit sa aking likod bago ako lumabas na din ng classroom. Sa halip na dumiretso sa locker room ay minabuti kong dumiretso sa likod ng school building namin kung saan nando’n ‘yung kakatagpuin ko. Ang dami kong kasabayan na mga estudyante na naglalakad palabas ng building. Halos lahat sila ay papunta sa canteen para manghalian samantalang ang iba naman ay patungo sa direksyon ng school gate para sa lumabas kumain o umuwi to spend their vacant time sa kani-kanilang mga bahay. Nang naglalakad na ako papunta sa tahimik na backyard ng school building ay nakasalubong ko ang mga tahimik at nakatitig na nakatitig na mga “problem” students ng school from first to fourth year. They all exude this certain common aura of delinquency and aggressiveness na magpapa alala sa iyo na isang maling kilos mo ay aalis ka sa lugar na ito ng duguan at nagapang. Thankfully walang effect sa akin ang kanilang intimidating faces and stances. I am not here to look for a fight anyways. Nandito ako para sa pera, nothing more, nothing less. Namataan ko na nakaupo sa isang lumang bench ang lalaking kakatagpuin ko. Nakabukas ang ilang butones ng polo nito na nagpapakita ng kanyang muscled chest at nililipad ng hangin ang magulo at itim na itim na buhok habang tahimik na nakikipag-usap sa isang babae na nag rereport or something. Found you… Binilisan ko ang aking paglalakad hanggang sa makasalubong ang babaeng kausap niya na papaalis na ‘ata rito. She grabbed my arm suddenly and forced me to stop. Tinitigan niya ako before heaving a relieved sigh, “Pabili nga ng tatlong special mazapan at apat na special pulboron. Grabe hindi na naman ako nakapag-lunch!” Napangiti naman ako sa kanya at tumango before I opened my bag and extracted the foods that she is buying and hand them over to her.  Inabutan niya ako ng fifty pesos at matapos ko siyang suklian ay nagpatuloy na siya sa paglalakad palayo sa akin. I resumed my walking hanggang sa makarating na ako sa harap ng lalaking sadya ko dito at ibinaba ko ang mabigat kong bag sa paanan niya at binuksan ito. Napansin ko na may nagsilapitan na dalawa o tatlong lalaki sa likod niya but I didn’t bother looking. Busy ako sa pagkapa ng ibibigay ko sa kanya.  Nang makuha ko na ang hinahanap ko ay mabilis kong inabot sa kanya ang cross-stitch na ginawa ko. Tahimik nitong kinuha ito at masusing pinagmasdan as I closed my bag before isakbit sa aking likuran . “Ayos boss, ah!” manghang sabi ng isa nitong kaibigang lalaki na nakatayo sa likod niya, “Frame na lang at ready to submit na kay Sir Fuego.” “Gaano mo katagal ginawa ‘yan, Elesa?” curious na tanong naman ng isa pang kinuha sa pinagbigyan ko ang tinahi ko. “Mga two to three days siguro,” sagot ko dito sabay tingin sa awkwardly na nakatitig na nakatitig sa akin ang customer ko. Come to think of it may hitsura itong kaharap ko. Matangos ang ilong at mapungay ang parang nanlilisik nitong itim na mga mata sa pagkakatitig sa aking mukha. Moreno at may katangkaran pa. No wonder kahit kilalang barumbado ito at palaaway, not to mention a known leader of the biggest delinquent gang in our school consisting of first-year high schoolers to fourth-year college students ay malakas ang tama dito ng mga schoolmates ko regardless of age. Maingat na kinuhit ito ng isa pa nitong kasamahan na apologetically na nakangiti sa akin, “Boss, bayaran mo na si Elesa ng makaalis na siya. Bawat segundo ay pera sa babaeng ‘yan. Tyak may raket na naman yan so you better not take any more of her time.” “Or pwede mo ring bayaran ang oras niya,” natatawang sabi ng lalaki na may hawak ng tinahi ko sa likod ng aking customer bago nakakalokong tumingin sa akin, “Magkano ba ang one hour mo, Elesa babayaran ko para lang mas matagal na makasama mo si boss?” Pinagtaasan ko ito ng kilay at tumingin sa aking relo. Kung hindi lang ako sanay makipagusap sa mga kagaya niya ay malamang ay pinatulan ko na ang bastos na tudyo nito sa akin. Bumuntong hininga na lang ako at umiling sabay lahad ng aking kamay sa aking customer, “Akin na ang bayad. I already delivered the goods as promised and I have a lot of things I could’ve made a profit off if you just paid me already.” “Ouch! You’re as cold as cash itself!”  Nagtawanan ang tatlo sa kanyang likuran until he raised his hand and they all shut up immedietly. Kumuha ito ng malutong na isang libo at iniabot sa akin, “Here. Keep the change. Bayad sa kadaldalan ng tatlong inutil sa likod ko.” Napangiti naman ako ng matamis at nagpasalamat dito bago isinilid sa aking bulsa ang pera. Usapan ay five hundred lang ang sisingilin ko sa pag gawa ng project niya pero salamat sa kaingayan ng kanyang mga sidekicks ay nakabonus pa ako. “Salamat ng madami. Sa uulitin. Bye,” pasalamat ko dito sabay paalam at naglakad na ako paalis but not before hearing the regular snide remarks and jokes of my customer’s friends at ng iba pa niyang mga tauhan. “She’s still the same, pay up. Nanalo ako sa pustahan.” “Walang talab!” “Ay ang cute nga nitong cross stitch niya oh!” “Sa pera lang ata nangiti ang babaeng iyan.” “What to expect, at least she is consistent.” “Magkarebolusyon na sa paligid niya at lahat, tyak makukuha pa niyang magtinda ng energy drinks at band-aids sa mga nagkakagulo.” “Sa kanya na nga din ako papagawa ng projects ng tumaas-taas naman grades ko.” “Kahit ano ata kayang gawing pagkakakitaan ni Elesa.” Napailing na lang ako sa aking nakinig at nagpatuloy sa paglalakad.  Hindi naman ako natatamaan dahil lahat ng sinabi nila ay spot on. Kahit saan ninyo ako ilagay, ano mang oras o sitwasyon, pagkakaperahan ko din iyan sooner or later.  Money… Everything revolves around money. At kung sino ang katulad ko na nakatanggap ng simple at basic fact na iyan ng buhay ay tyak magiging kaugali ko. Allegiance, friendship, love, happiness, loyalty almost everything for me has a price. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD