“Elesa! Pansinin mo naman ako!”
Kunwari’y wala akong naririnig habang nag uupdate ako ng mga paninda sa aking online shop sa f*******: while trying to finish the research papers project ng second year college na umarkila ng aking service.
H.R.M ang course ng customer ko at nagpaparesearch sa akin about sa different types of hotels and ratings for her subject. Carry naman at madali kaso mabusisi nga lang. Karamihan ay copy paste ang ginagawa ko pero pinaparaphrase ko din para hindi halatang hinugot lang galing Wikipedia at Google.
“Uy Elesa!”
Hindi ko pa rin pinapansin ang lalaking naka pang-pe t-shirt at shorts na sumisiksik sa aking tabi at walang tigil na kinukuhit ako. Nagpatuloy lang ako sa pag tatatype sa aking Samsung netbook na sa katapusan ng buwan ay matatapos ko nang bayaran at halos six months ko ring hinulugan sa kakilala kong supplier ng laptops na nagtiwala sa akin dahil matagal na niya akong reseller ng mga gadgets.
“Ate tapos na ba yung pinapaprint namin?”
Napatingala ako at nakita ko ang isang grupo ng third year college students na nakatayo sa aking harapan. Tiningnan ko yung portable HP printer na nakakonekta sa laptop ko at tumango sa mga estudyante sa harapan ko sabay abot ng isang makapal na kumpol ng thesis papers sa kanila.
“Ok na iyan, inayos ko na din ang margin,” masayang sabi ko sa kanila.
Mukhang naligayahan naman ang mga ito sa ginawa ko, “Naku salamat ng madami ate! Nagipit kami sa oras at hindi na nakapagpa-print kaninang tanghali. Buti may printer ka laging dala! Thanks to you, ligtas ang mock defense namin mamaya!” pasalamat ng group leader ata sabay abot ng two hundred sa akin.
“Good luck!” sagot ko sa kanila sabay kaway sa mga ito na naguusap usap na kung ano ang gagawin nila mamaya.
Bumalik ako sa pagta-type ng research ng biglang inilapit ng lalaking kanina pa nangungulit sa akin ang mukha niya at parang hahalikan na ako.
Mabilis kong isinara ang aking netbook at tinabig ko nang malakas ang kanyang mukha palayo sa akin, “Ano ba Drayden? Kita mo na ngang busy ako tsaka ka pa tinotopak mangulit! Ano na naman ba ang trip mo, ha?!” galit na tanong ko sa lalaking mabilis na nakarecover sa panunulak ko at nakadikit na agad sa akin.
“Ikaw, Elesa. Ikaw lagi ang trip ng nag-iisang ako. Notice me! Please!” pagmamakaawa nito sa akin sabay kindat.
Kung hindi lang ako sanay sa hitsura nito at antics ay baka kagaya na ako ng mga babaeng classmates ko sa aking likuran na halos panawan ng ulirat sa kilig habang pinapaulanan ako ng lalaki sa harap ko ng lahat ng charms na meron siya.
Matangos ang ilong, two sets of deep dimples, deep set eyes, wavy black hair at magandang katawan na resulta ng pagiging varsity player ng soccer. Todo sa ngiti, kindat at flex ng braso ang ginagawa nito sa harap ko. A complete handsome jock at isa sa mga iniiritan ng mga school mapa sports o pageant.
“Pakiusap, Drayden. Huwag ngayon at huwag ako. Ang dami kong kailangang tapusin na projects at i-follow-up na buyers. Sa iba ka na lang magpapansin,” sabi ko dito sabay turo sa direksyon ng mga cheerleaders na nakatingin na nakatingin sa kanya at sa mga classmates ko sa aking likuran.
Sumimangot ito at umiling, “Alam na alam mo naman na sa iyo lang ako nagpapapansin kasi ikaw lang ang hindi halos pumapansin sa akin, Elesa,” nagsimula itong kumanta ng sintonado at nag sexy dance pa sa harap ko, “Ano pa ba ang ayaw mo sa akin Elesa? Bukod sa ang gwapo at hunk ko pa, tatlo ang talents ko! Saan ka pa? I can sing! I can dance! I can sing and dance! Ay teka, dalawa lang ba iyon? Pero tatluhin ko na para I love you kasi, mahal kita since we were young,” sabi nito sabay biglang halik sa aking noo.
Nakinig ko ang iritan ng mga nakakita sa ginawa niya sa akin at sinukuan ko na ito finally.
“Ano ba ang kailangan mo at naisipan mo na namang bwisitin ako?” iritableng tanong ko rito sabay bukas ulit ng aking laptop at nagpatuloy sa pagtatatype, “Sabihin mo na habang hindi pa nauubos ang pasensya ko, Drayden.”
Umupo ulit siya sa tabi ko at umangkla sa aking braso bago ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat, “Elesa, finals na ng soccer tournament sa Saturday at gusto kong nando’n ka para i-cheer ako. Please! Pumunta ka na!” he pleaded to me earnestly.
Napaawa naman ako sa hitsura nito at hindi naman ako “ganun” ka manhid para hindi tamaan ng irresistible charms nito na nakapagpafall na sa hindi mabilang na schoolmates namin since we first met almost four years ago no’ng first year kami.
He keeps on teasing me with his “panliligaw” na sa awa ng Diyos ay hindi ko sineryoso from day one dahil nakakailang dosena na itong girlfriend at hindi mabilang na mga naka date since pagtapak niya ng high school. Ako pa nga kadalsan ginagawa niyang tanungan kung okay ba yung nabingwit niya o hindi.
I don’t know kung bakit ako, isang forgettable na babae pa ang napagtripan nitong dikitan at kulitin ng walang sawa for years kahit garapalan ko na siyangtinataboy at pinapalayas everytime na lalapit siya sa akin.
Hindi ako tanga para sabihing hindi ako nagkakagusto sa kanya pero thankfully, naibubuhos ko sa aking mga raket at pagtitinda ang aking atensyon.
Pero hindi ko talaga tahasang magawang iwasan si Drayden kahit pag minsan ay bwisit na bwisit na ako dito.
Takot lang kasi ako na mapagaya sa ilang mga girlfriends na kinalimutan na lang niya basta-basta after nilang mag break up. Parang malaking dagok sa akin pag nawala pa ang kaisa-isang tao na nakakausap ko at maituturing na “kaibigan” sa school at napapansin na nag eexist pa pala ako kahit walang kailangang bilhin sa akin. Yung nagkukusang makipag-usap sa akin at batiin ako pati na rin samahan pag nakakasalubong sa daan.
I can’t afford to lose someone like him in my already lonely life.
“Elesa! Sagutin mo naman ako! Siguro iniisip mo kung may kikitain ka sa pagpunta ano? Bakit ka ba ganyan? Mas mahal mo pa ang pera kesa sa akin?” maktol nito sa akin sabay yakap nang mahigpit sa aking braso.
Bumuntonghininga na lang ako at tumango, “Oo na. Pupunta na ako.”
“Yes!” malakas na sigaw nito sabay kalas sa akin at tumayo agad, “Aasahan kita do’n, ha? Kailangan makita kita do’n na tumitili para sa akin buong match!”
“Hell, no. Oo, pupunta ako para manuod hindi para mamaos kakasigaw,” sagot ko dito sabay lagok ng laway, “Trabaho na nila ang sumigaw at umirit para sa iyo,” sabay tinuro ko ang mga cheerleaders na kanina pa nagpapa-cute sa katabi ko.
Hindi maaaring mapaos ako. Bukod sa aking utak, ang boses ko ang isa sa main source of income ko pagsapit ng gabi. Balak ko pang mag college sa isang matinong school at hindi maaaring madamage ang aking lalamunan.
“They are nothing compared to you, Elesa,” seryosong sabi nito habang nakatitig na nakatitig sa aking mga mata na nagpabilis bigla ng t***k ng aking puso, “Kasi ikaw lang, sapat na,” pahabol nito sabay kindat at tawa nang malakas.
Nainis ako sa sinabi nito at mabilis na itinulak ko na siya palayo bago pa ako makaramdam ng kung anong ikakapahamak ko dito, “Tigil-tigilan mo ako Drayden kung ayaw mong indianin kita sa sabado.”
Itinaas nito ang dalawang kamay at tumango na, “Sige na nga. Ang lamig mo talaga sa akin, Elesa. Come closer at pag-iinitin ko ang cold heart mo.”
“Drayden…”
Napakurap ito at nakahalata na ‘ata sa akin. Alam na nito pag nasa dulo na ako ng inis at galit kaya tumango na lang ito at nagsimula nang lumakad palayo sa akin, “Eto na nga aalis na! See you sa Saturday!”
Iyon lang at tuluyan na itong umalis at bumalik sa mga kateammates na nakikipagkwentuhan sa mga cheerleader ng school.
Nakita kong may lumapit agad ditong babae na cheer captain ‘ata or something at nagpa-cute sa kanya.
Tumungo na lang ako at bumalik na sa aking pagtatype habang tinatanggal kong pilit sa aking isipan ang aking nakita at ang naramdaman kong inis sa aking dibdib.
Bumagal ako sa pagtatype dahil patuloy pa din ang paninikip ng aking puso.
Punyemas ka talaga, Drayden. Nahuhuli na ako sa target deadline ko dahil sa iyo. Wala kang matinong nagagawa sa aking trabaho. Hindi na tuloy ako makapag concentrate sa ginagawa ko.
Kahit anong pilit kong pigil sa sarili ko ay hindi ko napigilan na mapatingin ulit sa direksyon niya at laking pagsisisi ko ng makita kong nakayakap na sa likuran ni Drayden ang babae at nakikipagtawanan na sa kanya.
That’s it. Hindi ako makakatapos ng trabaho dito at this rate.
Inimpake ko ang aking netbook at portable printer sabay shoot nito sa aking bag at nagmartsa na ako palayo sa school grounds.
Hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng ganito eh hindi naman ito ang unang beses na nakita ko siyangnakikipaglandian sa mga babae. Heck, dumating pa nga ang mga time na nagsilbing chaperone pa niya ako sa kanyang dates.
Why now?
Bakit ngayon pang malapit na kaming grumadweyt nakaramdam ako ng ganito sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang ibang babae? Hindi ba dapat namanhid na ako sa tagal na naming magkakilala at sa ilang dosena nang babaeng dumaan sa kanyang buhay?
Siguro nasa limit na ako ng sarili ko or hindi ko na lang talaga kaya pang magpakamanhid pa?
At any rate kailangang iwasan ko na siya as much as possible.
January na at two months na lang ay mamartsa na ako ng nakatoga.
My grades are doing great to say the least at maganda ang takbo ng mga raket ko this past few months. Hindi pwedeng mawalan ako ng momentum ng dahil lang sa aking nararamdaman.
Tama Elesa.
Hindi ka mapapaaral sa college ng puso-puso na yan. Hindi ka mapapakain n’yan ng tatlong beses sa isang araw at lalo’t higit sa lahat, hindi ka mabibigyan n’yan ng pangrenta sa apartment na tintirhan mo.
Kung ayaw kong pulutin sa lansangan kailangan kong maging focused sa aking goals.
Ang magkaroon ng limpak-limpak na pera para maging secured ang future ko at ang magkaroon ng magandang grades para matanggap ako sa school at course na gusto ko.
“Ano ba iyan ang daming lamok! Bwisit!”
“Grabe ang dami ko ng pantal!”
“Magtiis kayo! Kailangang mapatubo natin ang mga munggo na ito kung gusto nating grumaduate sa March!”
“Pero ang lalaki at ang sasakit mangagat ng mga pesteng lamok na ito!”
Napangiti naman ako at nilingon ang isang grupo ng mga ka year level ko from other class na nakaluhod sa gilid ng school pond habang pinapapak sila ng mga lamok while trying to take care of their plants.
“Hi! May mosquito repellant ako dito. Fifteen pesos lang isang sachet. May strawberry at orange scent pa. Gusto nyo?” magiliw na tanong ko sa grupo na biglang sumugod sa aking kinatatayuan at nagmakaawang ilabas ko na ang aking merchandise.
Yes, Elesa. Fate is giving you the opportunities that will help you reach your goals. Keep your eyes on the prize.