Chapter 18

2661 Words
  “Well, I guess that settles it, maams and sirs,” simple kong sabi as I am about to close my folder, “It’s been nice working with you all.”   Pero as baks predicted, hindi papayag na lang si Sir Charles na basta na lang flumaylaloo ang mula sa kaniyang palad ang maya na nagdadala ng malaking anda sa kaniyang kumpanya.   “Wait, DJ Kyria, please, think this through,” pakiusap nito sa akin dahil gaya ng ibang executives, for the first time in this meeting ay mukhang tinamaan na din ng kaba finally, “Ayon sa Financial Department, you will reach seven figure salary this month. Itatapon mo na lang ba ang pagkakataon na iyon?”   Tumango si Dina from Operations Department quickly and clearly in panic, “Besides, saan mo naman balak magtarabo if you resigned? K.O.R has given you the best and most generous compensation it can provide.”   “Funny you should ask,” natatawang sagot ko dito as I took five pieces of papers from sa folder ko at kunwari’y wala sa loob na tiningnan ang mga ito sa harap nila before pushing ito their side of the conference table, “Actually dinala ko lang ang mga papel sa folder ko just so I can prepare my job hunting as soon as nakawala na ako sa K.O.R. As you can see, your best is clearly not good enough if ikukumpara ko sa offers sa akin ng ibang radio station last month. As I am sure you are all aware na madaming gustong pumirata sa akin and yearly, pinapadalhan nila ako ng updated counter-offers nila sa pinapasahod sa akin dito sa kumpanya ninyo. Take a look at Campo Radio is offering, four million base pay, Loving Radio at five million and Hiling FM na tumatanginting na seven million. Lahat ng iyan ay walang hinihinging kaparte sa advertising revenues na ipapasok ko as long as they can get my services. They also promised that they will never interfere with my creative freedom as long as nagdadala ako ng pera papasok sa mga kumpanya nila. An inticing offer considering the fact that you all just proved to me na wala kayong pakialam sa sasabihin ko o kung masaya pa ako sa pinapagawa ninyo at all basta napipiga ninyo ang show ko for profit.”   Itinuro muli ni Linda from Compliance Department ang mga nakasilong sa ilalim ng payong ng show ko as if to implore me to have mercy, “Hindi ka man lang ba maaawa sa mga taong naka-asa sa Kyria Ang just to stay on air? Not just their DJs but also the technicians, assistants and sales headhunters? Ilang daang pamilya ang mawawalan ng source of income should your show shutdown.”   “Let’s see, DJs Sasha, Morel, Tara, Inoka, Bika, Nilo, Zyd, Odesa, Panfi, Priscilla, Olea, Lucresia, Joaquin, Silang, Monte, Bratz, Gigi, Soraya, Esmi, Akyeme, Hoky, Dino, Ricky and Olivia,” inisa-isa kong basahin ang mga DJs na nasa ilalim ng umbrella ng Kyria Ang sabay kuha ng isa pang papel na nilagay ni baks sa folder na inabot niya para gamiting pangsapak sa mga echusera at echuserong executives na magpapalabas na wala akong puso at halang ang kaluluwa just because I finally decided to put myself first and foremost, “According to this paper na kumakalap ng pirma para tanggalin sa ere ang show ko for “grossly hogging all the listeners for my own gains at the expense of them” signed by the DJs of the shows under my umbrella. It is actually fairly recent, ayon dito, ang mga pirma nila ay dated just last week. If I am not mistaken, itong mismong mga DJs na ito ang gustong tadyakan ako from K.O.R back when I was still in college. Now, I ask all of you here, how can I give a damn f**k to those who wants me gone anyways? Actually, I am doing them a big “favor” by showing myself out of this company na wala man lang ginawa para protektahan ang interest ng show ko even though very “importante” pala sa financial health at stability ang Kyria Ang.”   Initsa ko sa tapat ng Chief Content Officer ang papel na naglalaman ng pirma ng dalawang dosenang sinasabi nilang kaawaan ko for verification and judging by the surprised and speechless reaction ni Harvey, it is the real deal piece of s**t.   “For more than a decade, sumusunod lang ako sa sinasabi sa akin kahit labag sa loob ko out of gratitude sa kumpanya. Pero siguro naman after the same duration of time and loyalty, bayad na ako sa utang na loob ko sa K.O.R,” matalas na sabi ko dahil as Caileane has taught me, susunod na ipuputok sa akin eh wala akong utang na loob kuno sa kumpanya kaya unahan ko na, “Kyria Ang is steadily bringing in a steady cashflow of no less than ten million per month and that’s not including the sponsorship payments and advertising fees while I am only getting a pittance for my work as a radio host.”   Tumingin sa akin seriously si Sir Charles and raise an eyebrow, “So this is about your salary, DJ Kyria?” “Oh no, perish the thought, Sir Charles. Kung pera lang din ang habol ko, matagal na ako lumayas sa kumpanyang ito,” magalang kong sagot na may condescending tone to push the proper buttons, “Sa laki ng mga inooffer sa akin ng ibang mga istasyon and they are all willing to negotiate for a higher payment should I wish to do so, hindi ko na kailangang magpakahirap maghabol ng pay raise dito sa K.O.R, with all due respect.”   Ngumiti naman sa akin si Edna a little, “So if this is not about the money, then I guess it’s about your creative freedom being not respected?”   “That’s what I am trying to say kanina pa pero hindi man lang ako binigyan ng chance para makapagsalita at parang ang nagagawa ko na lang ay panoorin kung paano ninyo pagdesisyonan ang gagawin sa show ko na never in its history on-air ay nagkalat at all. Maiintindihan ko pa kung kagaya ng ibang shows ng kumpanya ang Kyria Ang na almost monthly ay may eskandalo at sakit ng ulo na dinadala sa inyo then by all means di ako papalag. Pero kung ganito na lang ang pagsakal ninyo sa akin despite of my clean record then I guess I can’t stay here any longer. Matyatyaga ko pa na pigain nyo for all it’s worth ako at ang show ko pero iyong pigilan ninyo ang mismong gusto ko? Well, I guess as those under me wants, I will gladly show myself out.”   Akmang tatayo na ako pero mabilis na nagpanic ang lahat ng mga excecutives sa harap ko maliban kay Edna na tahimik na nag-oobserve lang sa ginawa kong pambabalasa sa kaniyang mga kasamahan with utmost amusement sa kanyang mga mata. “Hold on, DJ Kyria, we can still talk about this!”   I shook my head sa C.E.O, “No. As long as kayo ang masusunod sa show ko then you can sit on my chair instead for all I care. I’m out. Mabuti at katanghaliang tapat pa lang. Makakapag job hunting pa ako sa ibang mga istasyon na nagsabi that they are waiting for me with open arms twenty four hours a day seven days a week. Baka naman doon hindi ako aabot sa punto na mas may alam pa iyong mga amo ko kung paano ako magtatrabaho ng matino.”   “Elesa, please, listen. You leaving our company is the worst case scenario we never dreamed off when we decided to call this emergency meeting,” kabadong sabi ni Sir Charles sa akin as he implored me to stay for a while and listen to him, “As the C.E.O, aminado na ako ngayon kung gaano ako ka out of touch sa realidad ng buhay ng DJs ko, especially the ones who props this company up. All I can think of is the profit margin. Hindi ko na inisip ang iba as long as I am reaching our financial goals. We will allow you to do whatever you please with your show as long as you continue making money for our company. That and I will also like to offer a nine million pesos increase in your base pay not including the advertising and sponsorship fees on top of that. Just please, don’t leave K.O.R.”   Nagtaas ako ng kilay sa sinabi ng big boss, “I am not asking for a pay raise, Sir Charles.”   “I know, this is not counted as you requesting for one but me offering you instead. Ganoon pa rin ang clauses ng kontrata mo at ang magbabago lang ay ang salary. I guess sa dami naming sinabi kanina, hindi namin naipadama sa iyo na hindi namin kakayanin na mawala ka sa aming kumpanya.”   Bumuntong hininga ang head ng Financial Department at tumango slowly, “Well, I guess sa unimagginable losses hindi lang ng income kundi ng confindence ng mga investors and shareholders, a nine million increase of their most beloved DJ sa kumpanya, walang magrereklamo sa kanila, Sir Charles.”   Nagsitanguan na din ang ibang mga executives sa C.E.O before he looked and beseeched me once more, “Effective by the end of this month ang salary increase mo and you now have a total and absolute freedom to mold and change Kyria Ang as you see fit. Ang tanging kapalit lang na hinihingi namin is that you and your show will continue to bring in profit for K.O.R. Is that enough for you, DJ Kyria?”   This is actually way more than the pay raise na ineexpect ni baks na itatapos sa akin pag binembang ko sila so mag-iinarte pa ba ako?   “Actually, one of the main reasons bakit gusto kong i-reformat ang Kyria Ang is to capture the mid-twenties to late forties demographics ng mga listeners para na din mas madami akong maipasok na pera sa kumpanya,” I said matter-of-factly before finally closing the folder in front of me and smiling candidly, “I want the contract sent to my booth before my shift starts, Sir Charles.”   “It will be done, DJ Kyria,” sagot agad nito sabay tango kay Edna na mabilis na nagtype agad sa kaniyang laptop, “Any other requests?”   Kumurap ako at napaisip then smiled once more, “Actually, yes. Pakitanggal noong labing dalawang nakasilong sa ilalim ng payong ko. Palitan ninyo ng ibang mga shows na kailangan ng tulong ng Kyria Ang. After all, one of the things that DJ Marcus has imparted to me bago niya ako pinatransfer dito sa headquarters is that you must never, ever, bite the hands that feeds you. Wouldn’t you agree, Sir Charles?”   “It will be done before you end your shift tonight. Ililipat namin sila sa ibang show umbrellas,” mabilis na tugon nito at nagbow respectfully sa mga executives before showing myself out of the conference room with a triumphant smile on my face.   -0-   “Magkano ang nakuha mo, aber?”   Iyon agad ang bungad sa akin ni baks na nakaupo sa aking leather seat sa tapat ng computer at microphone sa loob ng aking booth habang nagtatype sa aking computer. “Ten million moolahs not including the advertising and sponsorship fees, sis,” masayang report ko dito na nagpangiti naman sa kaniya widely, “A third more than what you expected.”   Tumango-tango ito at nagpatuloy na sa pagtatype busily sa keyboard, “Dapat lang mga nanila. Hindi na mga natuto na dapat hindi sila namamakialam sa kung ano ang ginagawa ng mga DJs as long as walang dinadalang problema sa kumpanya at nagpapasok ng limpak-limpak na anda continuously. Anyways, kamusta naman ang kachokaran ko sa Human Resource Department, Elesa?”   “Hype ka, head pala ng mismong department ang chuchu mo sa taas kaya sobrang confident ka sa mga chismax mo, qaqa!”   Nagtaas ito ng kilay at napahalakhak ng malandi, “But of course, my dear. Would you expect anything less from yours truly?”   “Bakit nga pala puro tipa ka diyan, bakla?” takang tanong ko dito as I throw my bag sa sulok at patong ng folder sa lamesa sa tabi niya.   Tumabi siya ng kaunti para mapakita ang pinag-gagagawa niya sa social media accounts ng Kyria Ang, “Trending na ang show mo ngayon sa lahat ng social media platform, sis!”   Nagulat ako ng makita ang #kyriaangnostalgia trending sa Twitter, f*******:, at kung saan-saan pang social media platforms kung saan tinanong ni baks using my account kung ano ang mga nostalgic moments ng mga listeners ko from the early years of my show at ang mga namiss nilang mga topics na napag-usapan sa ere dati.   Number one sa ranking at natalo pa ang BTS sa national level ng top ranking tweets sa sobrang daming mga nagshare kani-kanilang mga favorite moments about my show.   “Sis, tingnan mo! Kahit mga sikat na artista at Versalistas ay nagsheshare ng kanilang mga fun experiences,” irit ni baks sabay turo sa post sa f*******: ni Cistina Teh, isa sa mga contemporary heroine ng modern day Philippines, “Listen to this, “Kyria Ang taught my hardheaded children the proper way to “pangigiri” and it helped them to be classy smoothtalkers with proper manners when it comes to pursuing someone they like! Thanks DJ Kyria! #kyriaangnostalgia.”   I gasped when I heard that and she showed me the hundreds of thousands of reactions and comments sa post lang ng Representative Councilor alone.   “Matutuluyan na sana akong mawalan ng pag-asa if not for DJ Kyria telling us all na ituloy lang ang gapang sa buhay at pasasaan ba at makakarating din tayo sa ating patutunguhan. #kyriaangnostalgia. Oh, I like this one! Hindi makukumpleto ang araw sa parlor namin kung hindi namin nakikinig ang nag-iisang DJ sa ere na tunay na nagmamahal sa aming mga miyembro ng l***q+. Love you teh ghorl! #kyriaangnostalgia. Aww, that’s heartfelt! Eto pa! Hindi ko makalimutan yung moment na pinakita sa akin na madami kang magagawa kahit derederetso ka sa pagsasalita! Now, I am a teacher sa public school at madami akong natatapos na tasks kahit habang nagtuturo derederetso! #kyriaangnostalgia. Oh goodness gracious, sis! Naku po ang dami Ngayon ko lang talaga nalaman na ganito pala kadami super ang mga listeners mo! Kahit sa social media accounts ko na nagpost din ng ganitong tanong with a twist about sa mga naaalala nilang kwelang eksena nating magkasama sa ere more than half a decade ago at susme, nagspillover ang Angat Dam to say the least!”   “Walanghiya ka talaga baks! Nandoon ako sa top floor at nakikipagjumbagan sa mga executives tapos nandito ka lang at gumagawa ng kung ano-ano sa social media?!”   Nagtaas naman ito ng kilay sa akin at dinampot ang folder na pinadala niya sa akin bago isinampal sa aking dibdib, “Baka nakakalimutan mo kung sino ang nagbigay sa iyo ng boxing gloves na puno ng batong panghilod para ipanampal sa mga chusera sa taas, sis?”   “Ay oo nga, sabi ko nga diba sis, i love you so much, thank you and congratulations, nakaisang hakbang ka na paakyat ng stairway to heaven!” mabilis na alo ko dito na nagpabuhakhak naman ng tawa sa kaniya ng malakas, “Pero ayun nga, naku, buti na lang talaga napaghandaan mo mga paraphernalias na ginamit ko kung hindi ay impake galore ako ngayon.”   “Throat, sis. Anyways, pabayaan mo ako dito sa social media accounts mo at maghanda ka na ng sarili mo para sa kauna-unahang episode ng brand new Kyria Ang!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD