Chapter 19

2531 Words
  I nodded in agreement as I steeled myself and sit on the corner table with my bag habang nag-iisip ng kung anong gagawin kong entrada mamaya sa first ever episode ng brand new reformatted show ko.   Hindi ko namalayan na ilang minuto na pala akong nagbebrainstorming dahil tinawag muli ni baks ang atensyon ko to say something.   “Elesa, naisip ko lang, masyadong nakakalaspag kung through calls mo papadaanin ang mga idudulog na issues sa iyo ng listeners mo,” simula nito as she continues typing sa keyboard ko quickly, “Nag-suggest kasi yung mga producers natin na what if sila na lang ung tatanggap ng calls at magsala for you para hindi ka ma-overwhelm? Sasalain na lang nila at i-veverify kung makatotohanan ang problema nila. Matitino naman producers naten so no problem dun, sis. Bet?”   Tumango agad ako, “Bet na bet yan, baks. Buti naisip nila, wala ako mairereklamo sa mga tagasalo natin sa lower floors. Ilang beses nila tayong sinesave by the bell so gora na lang kamo.”   “Okay sis, smart decision! Kausap ko nga actually sila and they are just waiting your go signal before they open their lines and begin accepting calls,” tahimik na sabi ni baks as she looks somewhat oddly concerned which is nakakabahala dahil napakadalang na daanan ito ng kaba at all, “Oh my goodness gracious, I think I created something I cannot control anymore.” Napakunot ang noo ko at tumayo sa aking kinauupuan bago tumungo sa aking kaibigan na napapakagat na ang labi sa pag-aalala habang nakatitig sa screen ng computer, “Anong ibig mong sabihin, bakla? Ay shutangina!”   Napamura ako ng malutong ng makita ko na bukod sa lampas na sa one million reactions at comments ang pinost niyang status sa f*******: page ko, kahit sa twitter ay milyon na din ang reactions at retweets.   “Look, sis, kahit ang Versalia Fairy Channel at Philippines News Network ay binabalita na ang #kyriaangnostalgia...”   “...wala nang ibang topic ngayong araw na ito hindi lang sa buong Pilipinas kundi pati na rin sa ibang mga bansa kung saan madaming Filipino, kung hindi ang total reformatting ng kinagigiliwan nating K.O.R show na Kyria Ang since our teenage years! Naaalala ko talaga iyong orignal Kyria Ang noong nasa Laguna pa ako nakatira and I tell you all guys who live outside my home state, it is “the” real Kyria Ang! Walang-walang sinabi ang Kyria Ang today to what it used to be back then to the point na pinaparecord pa sa akin ng mga kaanak at classmates ko living somewhere else ang mga episodes nito just to hear it and they will also tell you all how great and revolutionary it is! Medyo nalungkot nga ako noon nang malipat na sa Manila and subsequently became available nationwide and abroad. Don’t get me wrong people, I am happy na mas madami nang tao ang makakakinig ng walang habas na boses ni DJ Kyria pero in exchange parang nag tone down na siya. Maybe as a precaution dahil na din sa madaming iba-iba ang pananaw sa buhay at maaaring hindi magustuhan ang blunt and unforgiving style of talking ng youngest radio announcer ng Pilipinas back then. So you can all imagine my surprise ng mabasa ko sa social media ang #kyriaangnostalgia because as an avid listener since my younger years, alam ko ang ibig sabihin noon! She. Is. Back. Bitches! Ang nag-iisang Dukesa ng Radio ay nagbabalik sa ere in her purest and original form better than ever! I am sure titigil ang buhay ng milyong-milyong loyal listeners niya young and old when five in the afternoon hits the clock! A bit of warning para sa mga unaware sa show niya, it is not for snowflakes, crybabies and faint of hearts. Natuto akong gumapang paakyat ng corporate ladder to get where I am right now because of the things I learned from her show, no kidding. Particularly about her topic nine years ago tungkol sa pagtitiis at pagtyatyaga kahit walang-wala ka nang magawang tama sa buhay mo, I am the very person na tumawag sa kaniya annonymously noon dahil wala na akong mapagsabihang iba. So to my viewers out there, stay tuned, no, not to my show but to Duchess Jockey Kyria herself and Kyria Ang! To the kind young radio hostess back then, yes, it’s me, Sir “Pedring” giving you my sincerest thanks for what you have done for me on that fated day.”   Natapos na ang clip ng beteranong PNN newscaster na hindi ko akalain ay listener ko pala   I know he is not just jumping in the bandwagon since yung particular show na sinabi niya nine years ago is the very show kung saan natatandaan ko nga na kaboses na kaboses niya nga ang tumawag na nagtago sa pangalang Sir Pedring na me malaking problema sa mga katrabaho niya just the same time na meron din akong sariling problema about it. “Grabehan, Elesa! Isa na yan sa executives ng PNN ngayon at garapalan niyang plinug ang Kyria Ang sa show niya na isa sa top rated sa television! Napakalaking boost niyan, sis! Nakupo! And it’s not just him but also other media and celebrity personalities from all networks are expressing their excitement! I doubt nakikisakay lang sila sa bandwagon dahil I checked some of the artists and very heartfelt and specific yung mga moments na hindi nila malilimutan sa show mo down to the very date and year!”   Nakadama naman ng tuwa at pride ang puso ko when I finally learned just how beloved my show is when all I think am doing is making a fun out of myself sa ere for a very, very long time without a care in the world kung may natutuwa pa ba sa mga pinagsasasabi ko at all.   “Naku sis, I don’t want to pressure you but itey na nga, pressure is on you na talaga. Kahit iyong mga hindi mo naman listeners ay tiyak na nakatutok na din mamaya sa show mo. Kayanin mo qaqa, okay? No turning back! Need mo i-push itey or die smiling!”   “No need to tell me twice, Caileane. This is first day of work all over again,” tahimik na sabi ko sa kaniya as I pump myself up and brace for impact, “Ginusto ko ito at hindi ko aatrasan. Pero seriously, ano bang ginawa mo at sumabog ng ganiyan iyan, baks?!”   Umiling agad ito at itinuro na lang ang computer ko, “Abay malaysia, sis! Nagpost lang naman ako ng short invitation sa mga listeners mo with a hashtag. It’s not like it’s a surprise announcement dahil nung Friday mo pa sinabi na may pagbabagong magaganap sa show mo. Awan, siguro madami lang talaga na gaya ko na nag-aabang ng pagbabalik ng “tunay” at “sapat” na Kyria Ang.”   “Baks...”   She smiled at me nostalgically as she looked at me from head to foot emotionally, “Pinapakinggan ko dati yung mga recordings ng shows mo sa Laguna nung bago-bago ka pa lang dito dahil pinagpyepyestahan ngang hanapan ng mali ng mga chuwariwaps dito and I must say that like them, I can’t see anything wrong with it when you put your way of talking sa nature ng show. Madami na nagbalak na gumaya sa K.O.R at sa ibang stations pero may kakaibang saltik kasi iyong pagsasalita mo. Pinag-uusapan lagi iyan ng mga producers natin whenever they check your shows for quality assurance purposes.”   “You mean kaya kong manlait without coming across as arrogant to alienate the very listeners na pinapatamaan ko?” she nodded quickly na nagpabuntong hininga sa akin as I looked at myself sadly, “Maybe it’s because the one I am slandering is me, myself and I, baks.”   “Hanggang ngayon ba naman, sis?”   Tumango ako ngumiti ng kaunti, “Yes, sis. Kung hindi man ako masaya sa buhay ko, might as well pagkakitaan ang kamiserablehan ko diba? As you always say, make money out of your misery, at least mapera ka sa kalungkutan mo by the end of the day.” “Throat, of course but Elesa, ako oo, ganito na talaga ang buhay ko but you, you have so much more in store for you if you just let the “real” Elesa live again!” mabilis na sagot nito sa akin, “Ang bata-bata mo pa para mamuhay na parang matanda na uugod-ugod na at nag-iisa.”   Umiling na lang ako at nag-stretching sa harap niya using the very trademarked Power Fact Workout movements, “I already accepted kung ano ang kakalagyan ko sa mundong ibabaw na ito Caileane, just like you. While I admit na hindi natin knows ano mangyayari sa future, let’s just live the moment.”   Tinitigan na lang niya ako quietly even though I know judging by the deeply concerned look she is giving me na madami pa siyang gustong sabihin pero pinili na lang niyang tumahimik for now at igalang ang desisyon ko.   And that what makes her a perfect friend for me na may tinatagong malalim na kalungkutan at pagsisisi.   She knows exactly how I feel and what to do to support me in my suffering.   -0-   In 5... 4...   3...   2...   1...   “Magandang hapon sa mga listeners ko! Kamusta naman kayo ngayong Lunes ng hapon?! Yes! It is me! The one and only Duchess Jockey ng radio na handang-handa nang mambulahaw sa inyong mga tahimik na mga buhay! DJ Kyria at your service at ito ang Kyria Ang! I’m super excited to announce na ito na nga ang kauna-unahang episode ng tunay at sapat na version ng walang sawa ninyong sinusuportahan mahigit isang dekada na! Biruin ninyo iyon? Sampung taon na pala tayong naglolokohan on air! Magbunyi para sa inyong abang lingkod!”   Plinay ko ang aking tried and tested maharlikang mga trumpeta bago nagsalita muli ng kwela sa microphone.   “Advanced warning lang para sa madadaling ma-offend diyan, iyakin, onion skinned, snowflakes at mahihina ang loob, this show is not for you peeps! Mga balahurang tao lamang na halang ang mga budhi ang makakapagtyaga sa aking equally halang na bunganga so leave now or pay the price! Charaught!” Napasulyap ako sa glass window at nakita ko si Caileane na kumaway sa akin before leaving.   Kakatapos lang ng show niya which from what I heard from one of our producers, eh mukhang naka-score ang bakla ng malaking sponsorship deal sa isang multinational gym supplements company based in the United States kaya tiba-tiba na naman ito.   “May swerteng caller na tayo from none other than my home state, Laguna to kick things off para magdulog ng kaniyang makamundong hinaing sa buhay at nang makinig niya ang aking gagawin kung ako ang nasa katayuan niya,” I said excitedly before adopting a bit more serious tone, “Para sa mga bagong salta at para na din sa mga ulyaning inmates ng correctional ng Dukesa, let me just remind you all na hindi payo ang mahihita sa akin ng mga tatawag. Alam na alam iyan ng mga regulars ko at ng mga hindi pa nakakaranas ng memory gap. Kung kailangan ninyo ng matinong personal at heartfelt na opinion, ibang radio shows ng K.O.R ang kailangan ninyong tawagan at lapitan! For fitness and gym inquiries, nandiyan syempre ang Power Fact Workout by DJ Caileane! Pag-ibig bang tampurorot? Kay DJ Lovely na iyan ng Lovebabo Thoughts! Legal and kasuhan problems? Notorious Notarios by DJ Lawfer ang kailangang gambalain! Para sa walang kwenta at walang katapusang pasakit ng buhay na hindi na maglubay? Yes, you are listening to the correct radio show Kyria Ang which will be back after a few minutes of break para makapaghanda ako ng bonggang-bonga! Idol Kesha, kick it with Raising Hell featuring Big Freedia!”   Plinay ko ang nirequest na kanta ni baks kanina bilang pampasiglang bilang ng aking newly reformatted show at kahit ako ay napapaindak sa upbeat and bouncy power anthem ng mga underdogs at marginalized folks out there.   Chineck ko ang f*******: page ng show ko at natuwa ako na mas lalo pang dumami ang mga followers nito.   The numbers grew by eight fold at ang mga comments ay coming in by the second non-stop as they arew waiting in bated breath after the songs and commercials para malaman kung ano nga ba ang idudulog na problema ng napili naming caller.   Speaking of which, nag-message sa group chat namin ni Caileane ang mga producers ko.   Iisa lang kasi kami ni Caileane ng humahawak na mga producers thankfully. Lahat sila ay subok na naming mababait, effective at ginagalang ang aming creative freedom while at the same time, leading us ever subtly sa tamang direction pag may mga moments na admittedly ay nasegway na kami.   “DJ Kyria, medyo vulnerable ang caller natin tonight. Please use a bit of restraint when dealing with him.”   “Ay hala! Bakit ninyo siya pinili for our pilot episode? Are you sure hindi siya pwedeng ipasa sa ibang show para makatanggap talaga ng expert advice?”   “He insists on Kyria Ang dahil hindi daw matinong payo ang kailangan niya. Gusto lang daw niya na may makakinig na alam ang pinagdadaanan niya at malaman kung ano ang gagawin mo kung ano ang gagawin mo if you are in his position.”   “Okay fine, I’ll try to be gentle, thanks for the heads-up. Ilang taon na ba itong caller natin at taga saan?”   “Twenty years old at kababayan mo, DJ Kyria.”   “Oh my, mukhang mapapasubo ako ah, pero that’s what makes this exciting and fulfilling. Na brief ninyo na ba as to what to expect and not to expect sa akin?”   “Of course, DJ Kyria. Mapilit lang talaga siya na makausap ka and isa pa, siya talaga ang kauna-unahang caller natin na nakapasok when we opened the line for phone calls kaya it’s his right to be heard if you ask me.”   “I agree. Send him in after my cue. Salamat ng madami sa inyo!”   “Naku, tingnan mo ito, kami dapat ang nagpapasalamat at tiyak na increase na naman sa sahod ang dala mo! Nandito lang kami sa likod mo so show them what you’ve got, DJ Kyria!”   Napangiti na lag ako sa mga emojis at gifs na sinend nila sa group chat namin at huminga ng malalim.   Eto talaga ang sikreto namin ni Caileane bakit sobrang confident ako pag uupo na sa harap ng mikropono.   Madaming magagaling na producers na sasalo sa amin at magsusuggest ng mga bagay na ikakaimprove mo. Swerte talaga at sila ang napatapat sa amin.   Sila na kasi ang naabutan ko dito sa headquarters nung trumansfer ako at sila pa din hanggang ngayon ang kasama ko sa Kyria Ang ever since.   Kung sila pa sana ang ginamit na panakot sa akin ng excecutives noong nagbabalak akong lumayas ay baka matahimik pa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD