“...at ang kaniyang nanay na si Polli na nanahi ngayon habang nakikinig sa ating show! Salamat ng madami Brix sa pakikinig pati na rin sa iyong ina na sinusubaybayan pala ang Kyria Ang since that very first day kung saan inubo pa ako ng very light habang nainom ng tubig on air! Grabe, first day of work sobrang epic fail na pero tingnan ninyo nga naman oo. Nandito pa din ako at hindi nawalan ng trabaho dahil sa ubong iyon! Tunay na hindi ko pa huling ubo!”
Kahit nakangiti ako sa harap ng mikropono ko ay kinakabahan na ako ng todo sa next part ng show after ng batian at kamustahan on air sa mga nagpadala ng greetings ng aking mga listeners.
After almost a decade, ito muli ang unang beses kung saan tatanggap ako ng live caller para makausap on-air.
Naisip ko kasi nung lumipat ako sa headquarters na huwag nang tumanggap ng tawag directly at ipahandle na lang sa producers ko ang mga callers ng show ko sa takot na hindi ko na naman makontrol ang bunganga ko at tuluyan na nga akong mawalan ng trabaho in the most crucial time na kailangang-kailangan ko ng stable job habang nagaaral sa college.
Kahit noong nakagraduate na at lahat ako ay pinagpatuloy ko pa din ang nasimulan ko na sa headquarters ng K.O.R at until today, wala akong nakausap live sa ere since I left the state of Laguna.
May takot din sa aking puso dahil I am stepping closer to the days I dare not try to remember at all, but as baks said earlier, sooner or later, kailangan ko ding harapin ang nakaraan dahil kahit anong takbo kong gagawin, maaabutan at maaabutan din ako nito.
“Natapos na din ang walang kamatayan nating batian at kamustahan sa pamumuno syempre ni Mr Heterochromia na nagrequest ng kantang Love is a Compass by Griff as a song he dedicates to yours truly. Thank you, my dearest listener na kauna-unahang nagrequest ng kanta sa aking first day ever at hanggang ngayon ay kasakasama ko pa din. Papatutugtugin ko iyan bilang ending song natin for tonight,” pangako ko sabay bigay ng go signal sa producers na papasukin na sa linya ko ang aming caller for tonight’s pilot show, “And now, oras na para sa pinakakaabangan nating segment ng Kyria Ang na walang title. Sa mga avid listeners ko diyan alam ninyong never nating nabigyan ng name ang part na ito ng show ko dati nor we don’t need to, right? After all, magkwekwentuhan lang naman tayo ng buhay-buhay natin, hindi ba?”
Nakangiti kong tanong sabay buntong-hininga at inacknowledge na ang kasama ko ngayong gabi sa show ko.
“Halina’t pakinggan natin ang isheshare ngayong gabi ni “Vio” twenty years old tubong Estado ng Laguna, Vio?”
Nakakinig ako ng malalim na paghinga at nakinig ko na din ay surprisingly soft but masculine young voice na tumugon sa akin, “Good evening, DJ Kyria.”
“Ay wow, nakaka-inlove naman ang boses mo, Vio,” truthful na sagot ko dito na nagpatawa naman sa kaniya ng kaunti, “So, kamusta ka naman ngayon?”
Saglit na katahimikan muna ang nangibabaw bago siya nagsalitang muli, “Sa totoo, lang hindi ako ayos. Actually, ang tagal nang hindi magka-ayos ang buhay ko.”
“Ganiyan talaga ang buhay, Vio. May mga eksena talaga na parang nakakapagod na ding sumagot nang “okay lang ako” sa tuwing merong magtatanong kung ayos ka lang ba. Hanga ako at nagawa mong magpakatotoo sa sarili mo even if just a little when answering my simple question.”
“Ayoko naman na hanggang dito ba naman na nagtatago ako sa pangalang hindi akin ay hindi pa ko pa makukuhang maging tapat sa aking sarili.”
Napangiti ako ng kaunti at nakadama ng inggit sa aking puso.
Eto na nga ako at nagtatago din sa persona ni DJ Kyria pero hindi ko pa rin magawang magpakatotoo sa aking sarili.
“Anong ganap sa buhay mo ngayon, Vio? Halika, ikwento mo sa amin. Don’t worry, ako lang ang makaka-epal at wala nang iba.”
Huminga ng malalim ang kausap ko sa kabilang linya at kahit medyo dinistort ng producers ang boses niya, talagang hindi nito maitatago ang maamong tono nito na napakasarap tengang pakinggan.
“Halos tatlong taon na akong nagtatrabaho. Wala namang problema kung mismong work din lang ang pag-uusapan. Kahit college graduate naman ako, hindi ko iniisip na overqualified ako sa aking posisyon bilang simpleng production crew,” simula nito at napansin ko na medyo nanginginig na ang kaniyang boses, “I can say na naranasan ko na din ang lahat ng pwepwedeng daanan ng isang tao pag madami siyang katrabaho. Matraydor, mapagtulungan, gawing katatawanan at mag-isa. Pero hindi ko na iniinda iyon. After all, nandoon ako para kumita ng pera, right, DJ Kyria?”
Tumango naman agad ako ng mabilis, “Oo naman. Kanya-kanya na lang talaga tayo ng dahilan bakit nabangon pa tayo para magtrabaho at all. Iba, para sa pamilya, para sa kinabukasan, sa mahal sa buhay, sa sarili, sa mga alagang pets at para sa ibang tao. Pero napakadaming tao na gaya mo Vio na sa pera na lang talaga natingin para mairaos ang isang buong shift.”
“Ikaw, DJ Kyria? Bakit ka nagtatrabaho?”
Napatigil naman ako sa pagsasalita at hindi agad nakasagot. Hindi ko inexpect ang balik tanong niya sa akin. Pero I guess this kind of unforseen and unscripted na pangyayari sa Kyria Ang ang isa sa mga nagpalapit sa puso ng mga tagapakinig ko noon at kung paano ko sinabayan ang biglang agos ng usapan papunta sa lugar na hindi ko inaasahan.
“Well, if I will be honest, nagtatrabaho ako for the sake of following my daily life schedule,” sagot ko truthfully as I nodded to myself, “Tama, nakasanayan ko nang gumising sa umaga na ang iniisip ay ano ang sasabihin ko sa ere kinahapunan. Sa sobrang tagal ko na din dito sa trabahong ito, naging parte na siya ng buhay ko na parang parte na siya ng daily routine na hinahanap-hanap na ng katawan ko.”
“Nakakatuwa naman na sa sobrang nasanay ka na sa work mo, naging parte na siya ng buhay mo completely. Ako? Parang unti-unting nasasawa na ako at napapagod nang kumapit pa...”
“Then why not leave?” deretso kong tanong sa kaniya sabay alaala ng nagawa ko sa harap mismo ng big bosses ko when I shoved their company in the place where the sun never shines on their body, “Pag hindi ka na masaya, pagod ka na o nahihirapan sa trabaho, may ayawan naman. Sabi mo nga, pa three years ka nang nandiyan. I bet hindi lang iyan ang job sa mundong ibabaw na pwede mong trabahuhin. So what’s stopping you, Vio?”
Muling natahimik ang kausap ko nang ilang saglit bago sumagot muli in a sad tone, “Wala nang ibang trabaho na natitira para sa akin pag umalis pa ako dito, DJ Kyria. You see, may sakit ako na pasan-pasan and if I left this company, hindi na ako makakapasa sa mga medicals even if I wanted desperately to work. Wala din akong kasama sa buhay kaya kung titigil at mawawalan ako ng trabaho, wala na akong aasahang iba. But still, nakakapagod na, DJ Kyria. Nakakapagod na talaga. Ang hirap-hirap nang ituloy pa pero kailangan kong kumita para suportahan ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng awa, ng tulong financially o kung ano man. Kailangan kong malaman pano pa magpapatuloy na gawin ang isang bagay na sinusuka mo na pero kailangan mong lunukin dahil wala ka nang ibang choice.”
Hinayaan kong mamutawi ang katahimikan sa pagitan namin ng halos isang minuto bilang pag-galang sa mabigat na pasan-pasan niya ngayon sa kaniyang buhay.
“Should we cut to commercial for now, DJ Kyria?”
“No need, I can handle this. Besides, mawawalan ng bigat iyong topic natin kung puputulin na lang natin ang usapan abruptly. Tuloy lang.”
Nabasa ko ang message ng isa sa mga producer ko nang mapansin nila na parang na dead-air kaming dalawa sa ere. Pero it’s far from that, we are just giving each other time to absorb and truly understand the magnitude of the problem.
Kung iisipin mo parang simpleng problema sa trabaho lang pero when you really dig deep and listen carefully to his voice, malalaman mo na talagang hirap na hirap na siya.
“I will be frank with you Vio but I think you are not telling me the full gist of what you’ve been really going through right now.”
“I’m sorry...”
Umiling agad ako as I try to stop the tears from falling from eyes dahil finally, I reached his very core now, “Yung pilit mong pinapaganda on air ang problema mo to make it sound so simple pero halata ko naman na ang dinadala mo ngayon is anything but pretty. Because , come on, meron bang problemang maganda na tatanggapin na lang nating dalhin? Of course wala hindi ba?”
“Oo naman, DJ Kyria.”
“Hindi ko alam at wala akong balak mang-invade ng privacy mo para malaman kung ano ba ang tunay na dinadala mo ngayon sa iyong mga balikat. Pero what I do know is that you are so tired, you just wanted someone to talk to about it. Trust me, I know. Dumaan din ako sa point na nagsisimula pa lang ako at wala akong mapagsabihan ng aking mga hinaing sa pesteng buhay na ito na mag-isa ko ding dinadala hanggang ngayon. Oo, meron tayong mga kakilala na maganda ang pakitungo sa atin but there are problems that you just have to carry on your own discreetly. Ang sakit, ang hirap sobra. Iyong ang dami ko na ngang responsibilidad at bahagya ko nang mairaos ang buong araw successfully, dadagdag pa ang mga problemang hindi ko naman piniling dalhin pa,” I said nostalgically when I remembered those moments na ang bata-bata ko pa sobra pero ang mga pasan-pasan kong problema ay pang matanda na on top of my childish problems na kailangang kong harapin, “But that’s life, Vio. Wala tayong magagawa kung hindi magpatuloy kahit sukang-suka na tayo sa lahat ng nararanasan natin sa ating pang araw-araw na pamumuhay.”
“Parang gusto na nga lang kalimutan na ang mga problema ko at magpanggap na lang na ayos ang lahat. Na wala akong iniindang sakit at pasakit sa buhay ko,” tugon niya sa akin pero mabilis akong umiling.
“Iyan ang huwag na huwag mong gagawin, Vio!” galit na warning ko sa kaniya as I can no longer control my emotions, “Huwag ka nang gumaya sa akin na binaon lang lahat ng mga pighati at lungkot hanggang sa nakalimutan ko na nga ito. Pero ito ang kinakatakutan ko. Dadating at dadating ang araw na kailangan kong harapin ang mga tinakbuhan kong katotohanan ng nakaraan na hindi ko nakayang ayusin when I have the chance to do it back then in favor of a seemingly happy and content life.”
Napahikbi ang kausap ko sa kaniyang nakinig, “Ano ang gagawin ko?”
“Harapin mo at tyagain, Vio. Iyan ang dapat kong ginawa noon pa man. Napakaswerte mo at nandiyan ka pa lang sa pagkakataon na kaya mo pang unti-unting subukang ayusin, hindi ang mundo sa paligid mo kung hindi ang sarili mo,” mahinahong sabi ko dito na may bahind ng inggit sa aking boses, “Ano na lang ba ang gagawin ko para lang makabalik sa moment na ganiyan? Iyong nasa harap ko mismo ang mga problema at kaya ko pang solusyunan right there and then instead of running away as far as I can after burrying the things I though I don’t have a chance of dealing with. Iniisip ko ba naman dati na ano ba ang kasalanan ko? Wala naman akong sinasagasaang tao, sarili ko lang ang pinapakealaman ko at inaantindi pero talagang binabaon ako ng pagkakataon sa problema. If only I realized back then na sadyang ganoon lang talaga ang buhay, pwede mong harapin bravely like what you have been doing for several years now, or run away and forgetting it all like a coward.”
“Kaya ko pa naman siguro, DJ Kyria. Kakayanin, after all, sabi mo nga, nakailang taon na din naman akong nagtyatyaga, hindi ba?”
Tumango agad at ako at napangiti sa aking nakinig na positive response from him, “Ano pa nga ba, Vio? Normal lang naman na managhoy at mapagod once in a while but don’t forget na hindi lang ikaw ang may dala-dala niyang problema na tulad niyan. I am absolutely sure na napakadami sa ating listeners ang nakakarelate sa pinag-dadaanan mo ngayon, Vio.”
“Talaga?” gulat na tanong nito that made me chuckle a little and nod.
“Of course naman! I guess isa yan sa mga bagay na hindi ko narealize noon ng maaga. The basic fact na hindi ako ang nag-iisang may dala-dalang mabigat na mga problema at responsibilidad sa mundong ito. Na madaming gaya ko na naghihirap, umiiyak, tumataghoy at naguguluhan na sa nangyayari sa kanilang paligid. Always remember, Vio. Hindi tayo ang huling makakaranas ng ganitong problema alone at hindi tayo ang unang dumaan sa bwisit na sira-sirang daan ng kapalaran at napagtagumpayan ito. Well, I bet mas mauuna ka sa aking ma-overcome ang iyong kinakaharap since mag-uuturn pa ako pabalik para salansanin ang mga naiwan kong bagahe na nakabaon sa ilalim ng tabing kalye na nilampasan ko lang at kinalimutan for so long.”
“Salamat ng madami, DJ Kyria. Buti na lang talaga at nagbakasakali akong tumawag dito at sinuwerteng makausap mo,” grateful na sabi niya sa akin na nagpagaan ng aking loob finally, “Well, I guess balik ulit sa aking trabaho kinabukasan after rest day.”
Bumuntong-hininga na lang ako at nagkibit-balikat, “Ano pa nga ba, Vio? Walang maisasaing kung walang sasahurin. Hindi ko sasabihin na magpagaling ka dahil hindi ko alam exactly ano ang dala-dala mo ngayong karamdaman. What I can say is kayanin mo iyan. Kakayanin mo iyan habang nahinga ka pa. Madami ka pang magagawa sa buhay mo at I know, dadating din ang araw na may mga taong dadating at tutulungan kang makabangon at umasang muli para sa magandang kinabukasan. I know you will, after all, it took me several years bago ko makilala si DJ Caileane and trust me, she is damn worth the wait. Kung may gusto kang batiin, batiin mo na sila ngayon! The air is yours! Oh, and don’t forget to request a song, okay?”
“Well, I still don’t have friends to call my own yet at solo na lang ako so babatiin ko na lang si DJ Caileane. Sana nga dumating ang panahon na makatagpo ako ng gaya mo na magiging kaibigan. Alam kong kausap ko na pero babatiin pa din kita, DJ Kyria. Salamat ng madami sa nai-share mo sa akin and as if, gumaan na ang mga pasan ko sa aking mga balikat. Thank you for reminding me that despite ng mga problema ko ngayon, magiging ayos din ang lahat. Lagi na lang akong nagpapadala ng requests sa iyo through the years, why not pick a song for me instead? Hindi ko makakalimutan ang moment na nakausap kita finally like this at nakinig ka sa problema ko.”
Iyon lang at nawala na siya sa linya finally.
“Well, folks, that’s Vio from the State of Laguna na nagdulog ng kaniyang pinagdadaanan sa Kyria Ang. I hope naging aral, hindi lang sa akin, kundi pati na din sa inyong mga tagapakinig ko na nakatutok ngayon sa ating show. Well, dahil ako pa ang pinapili mo, I might as well thank you with this song. Salamat ng madami sa pagpapaalala sa akin na kailangan ko talagang harapin ang problema as is, rather than run away from it and wait for the time when I have to face the music. It’s going to be all right, hindi ba? It’s All Right by Jon Batiste and Celeste from my heart, to yours, folks.”