Chapter 7

2234 Words
“Siguraduhin mo may ibabayad ka dito, Lysander,” kabadong wika ko sa lalaking pinaghila ako ng upuan, “Wala akong ilalabas na pera sa restaurant na ito.” “Nothing to worry about, Elesa,” smooth na sagot nya sa akin sabay tawag ng waiter, “I already paid our reservation here days ago. Kain ka lang ng kain, minsanan lang ‘to.” Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Lysander, “Mukha ba akong hindi nakakatapak sa ganitong klaseng restaurant?” may pagka-inis na tanong ko sa kanya sabay tingin sa paligid ng mamahaling fine dining restaurant na pinagdalhan nya sa akin. “Ahhh… no, I didn’t mean to imply something. What I meant is minsanan lang tayo makakahanap ng excuse para kumaing magkasama. I don’t mean to offend you or anything. If I did, then I apologize,” sincere na sabi nya sa akin. Umiling naman ako at ngumiti ng kaunti, “None taken. But to be honest, first time kong makapasok sa ganitong kainan. Hanggamg fastfoods lang ang pinakamahal kong napupuntahan so salamat ng madami sa pagpapalibre sa akin dito. Who knows? This may be the last time na makakain sa ganitong kamahal na restaurant?” I said musingly as the waiter filled up our glasses with expensive wine. “Good to hear that. Kung gusto mo kain ulit tayo sa graduation day?” alok nito sa akin. “That’s a generous offer, really. Pero I have to refuse,” wika ko sa kanya habang tinitingnan ko ang histura nya for today. Now that I noticed, mukhang nag-ayos din ito ng kauntian. Bagong gupit ang buhok nito at ang astig ng pormahan. He really is quite a looker underneath his harsh exterior. Quite the exact opposite of Drayden. Drayden’s appeal is very dazzling and immediate. Yung tipong unang tingin mo pa lang maaaprecciate mo na sya agad because of his extremely good looks at magandang tindigan. He is also very friendly and is always smiling. While you will appreciate Lysander’s looks the longer you look at it. Sharp ang facial features nya at ang prominent ng jawline na napakamanly tingnan. Maganda din ang hugis ng kanyang mga mata at maninipis na mga labi. If you are put off by his mean demeanor and intimidating aura, hindi mo maaaprecciate ang kanyang hitsura if you don’t look past his harsh surface. Sya na ang hinayaan kong umorder para sa akin so I can stay quiet for as long as possible. Unti-unti na kasi nag sisink-in sa akin ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Drayden. Nakakaramdam na ng malaking pagkahiya at pagsisisi ako sa aking sarili as of this moment. Bakit ko nga ba kasi ginawa iyon. Kung hindi sana ako nagpakatanga kanina, hindi sana ako nakakaramdam ng galit at lungkot ngayon. “Elesa, kain na…” Napakurap ako at napatingin sa masarap na main dish na nakalagay na pala sa harapan ko. Hindi ko namalayan na nadala na pala ang pagkain habang nakatingin ako sa labas ng bintana. “Ah… sige, thanks for the food,” wika ko sabay simula nang kumain. As expected, first class ang pagkain dito. Pag fine dining talaga at nakaka excite sa dila ang matikman ang mga putahe na hindi ko man lang alam na nag eexist pala in my whole life. Exquisite din ang wine. Hindi kalasa nung tig two-two hundred na Novelino na tinitira namin noon ni Karina sa K.O.R pang commercial break at bagong sahod kami. “How its it?” “Napakasarap ng pagkain at nung wine. Justified yung price.” Umiling ito at ibinaba ang hawak na tinidor at knife, “No not the food, your day. How is it?” “Ahh… Ok naman, sold out agad ako,” mabilis kong sagot sabay inom ulit ng wine, “Dinamihan ko na ng paninda ko since last year ko na ito sa school. Hindi ko nga expected na mauubos ko ung mga binebenta ko kasi more than double sya ng regular Valentine’s merchandise ko pero thankfully, naubos naman.” Napakunod ang noo ni Lysander, “That’s good to hear but, last year sa school? Hindi ka ba magcocollege sa school natin?” “Hindi. Masyadong mahal para sa akin. I don’t know if you’re aware pero ulila na akong lubos kaya todo tinda ako para hindi ako pulutin sa lansangan at para makapag-aral ako on my own,” I said matter of factly. “I did hear from somewhere na paaral mo nga ang sarili mo. Pero why not enroll in our school as a working student? Kasama ka sa top ten ng year level natin, surely tanggap ka agad,” suggest nya sa akin. Bumuntong hininga na lang ako at nginitian sya ng kaunti, “Hindi talaga ako pwede sa mga ganyan, sa ugali ko ngayon na ayaw kong inuutusan. Kaya mas mabuti itong pagtitinda ko. Boss ko ang sarili ko tapos hawak ko pa ang time ko.” “I see. So saan mo balak mag-aral? Sa Manila ba o dito pa din sa Laguna?” Naalala ko bigla ang offer nila DJ Marcus at Fasha sa akin na pagkagraduate ko ay itatransfer nila ako sa main brach ng K.O.R to further my career in radio broadcasting at mas maaccomodate ng company ang college schedule ko, not to mention tataasan daw ang sahod ko, at least twice what I’m earning right now pag nandun na ako dahil isasama na ako sa main line up ng focused DJ ng station. “Baka sa Manila,” sagot ko sabay hinga ng malalim, “Bahala na after graduation. Hahanap ako ng can afford kong school.” Tiningnan ko ang ka date ko ngayon at sya naman ang tinanong ko, “Ikaw? Anong balak mo after graduation? Saan ka mag-aaral?” “Gusto ng mga ate ko, dun na lang daw ako sa Canada mag-aral. After all, ako na lang at ang lolo ko ang hindi pa nagmimigrate sa Toronto. Now that my grandfather finally decided to live there, baka wala na akong choice kundi sumunod na sa kanila. Kaya lang naman ako hinayaan ng mga magulang ko at kapatid na mag stay dito sa Pinas even if almost a decade na silang nanduon ay gawa ng lolo ko na ayaw ding pumunta dun. Usapan ay pag pati si lolo ay nagdecide na umalis, automatic walang angal, sasama na din ako,” he nonchalantly said to me as if he got nothing else to do but to agree. “Aba! Ayos yan! Swerte mo nga! Di ba may company din kayo dun or something? Baka dun ka na din mag work pagka graduate mo diba?” tanong ko dito. “Yep. Anyways, kamusta naman kayo ni Drayden?” he just said out of the blue. Iniiwas ko ang aking mga mata sa kanya at bumuntong hininga, “Same pa din. Bakit mo naman naitanong?” “I’m not stalking you or something pero may nakapagsabi sa akin na kaibigan ko na nagkita daw kayo kanina,” casual na sabi nya sa akin. “Yes…” “Hindi ako sanay sa paligoy-ligoy, Elesa. Is that gorgeous boquet that you are carefully carrying before you met him for sale?” diretso nyang tanong sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata at tinamaan bigla ako ng hiya at awa sa sarili ko. Pero hindi ko ugaling magsinungaling. Besides, he is not the kind of person who have the reason na ikwento sa iba ang sasabihin ko. So far, mabait at friendly sya sa akin. I won’t do him disservice by lying. Halata na din naman siguro sa hitsura ko ang sagot but he is respectfully waiting for my confirmation. “No…” He sarcastically smiled before cursing silently, “I knew it,” hinawakan nya bigla ang aking kanang kamay sa ibabaw ng lamesa, “I can only imagine what you feel. May tatlo akong kapatid na puro mga babae. I have an idea of how painful that might’ve been especially, first love mo sya diba?” “Halata ba?” natatawang tanong ko sa kanya. “Well, I know there’s something more going on kaya pinagtitiisan mo ang ginagawa nya sa iyo. So, suko ka na?” curious na tanong nya sa akin. Tumango naman ako agad, “Yes, tama na ang isang momentarily katangahan ko at pag iilusyon. I’m not gaining any money over this anyways, in fact, nababawasan pa nga ang productivity ko dahil sa nararamdaman kong ito.” “Ganun na lang? I expected way more than that from you. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa personality mo.” Napakunot naman ang aking noo sa sinabi nya, “Ha? Ano gusto mo? Ipagpatuloy ko pa ang walang patutunguhang katangahan ko?” “No. I wanted to see recover from this and try again. You really love him right? Hindi naman ata ikaw yung tipo ng taong natalo lang ng isang beses, aayaw ka na diba? As a son of a businessman and woman, natutunan ko sa kanila na walang puwang sa mundo ng negosyo ang sumusuko agad,” he said to me seriously. Napatungo na lang ako at ipinikit ang aking mga mata, “What do you suggest that I do then?” “Well as a guy, I can tell you na ako yung tipo ng lalaking gusto ko dinederetsa ako. Ayaw ko ng paligoy-ligoy at madaming salita. You already tried to tell him your feelings indirectly, why not try the other way around? Harap-harapan, tell him,” payo nya sa akin. Umiling na lang ako sa sinabi nya, “I don’t know. Besides, now that I realized it, may girlfriend na din sya and I have to admit sa lahat ng dumaan sa kanyang mga babae, dito sya nagtagal. Ayokong lumabas na malandi at magnanakaw.” To my surprise ay ngumiti ito habang pinisil ang aking kamay, “Sa Graduation Ball. The night after our graduation may Gala Night diba? M.C ang kagrupo ko doon at sinabi nya sa akin na may confession segment daw ang event. There, pwedeng sabihin ng kahit sino sa gusto nilang sabihin ang mga bagay na hindi nila nasabi nung high school pa sila without consequences, be it happy or sad, about love or money, anything. It’s a free for all event. A perfect opportunity, I might say.” “Why are you doing this? May kaila----“ “Ayan na naman tayo sa kailangan-kailangan na iyan, Elesa,” inis na sabi nito sa akin, “Kaibigan kita kaya ginagawa ko ito. This date is for you because I appreciate your company and I really admire your way of life. You inspired me to stop being lazy and man up in my life. That, and I really hate it when someone is not doing their everything before giving up so easily.” I looked at him and saw him smiled kindly at me. Never in my life may naging ganito sa akin maliban sa nanay ko. “Kaya siguro napakaloyal sa iyo ng mga ka grupo mo dahil ganyan ang ugali mo,” I said musingly. “Maybe. I only have few friends that I can count in my fingers. Kakaunti na nga lang, papabayaan ko pa ba?” Tumango ako, “You have a point. Ang swerte siguro ng nagugustuhan mong babae ano? Sa kaibigan mo pa nga lang ganto ka na. What more para sa babaeng mahal mo?” impressed na wika ko sa kanya. “I don’t know, wala pa akong nagiging girlfriend so far,” sagot nya sa akin. “Parehas pala tayo.” He chuckled a little and shook his head, “Imagine that…” “So may nagugustuhan ka nga?” mabilis na tanong ko dito dahil nacurious ako. Madalang mag-open up ito at hindi sya ang tipong lagi-lagi ay nasa mood para mag share ng personal life nito. “Oo.” “Sa school ba natin?” “Oo.” “Hala! Fourth year din?” “Oo.” “Kilala ko? Naging customer ko na ba?” Bumuntong hininga na lang ito at binitiwan ang aking kamay bago nagsimula na ulit kumain, “Kilala mo? Maybe. How about I introduce you to her sa graduation night?” “Deal!” nakangiting tugon ko sa kanya at kumain na din ako, “Pwede ba magpabalot dito?” mahinang tanong ko na nagpatawa sa kanya. “Ubusin mo yang pagkain sa table after doing that, pwede kang mag take-out ng nagustuhan mong dishes. Ioorder ulit kita,” anya sa akin. “Sabi mo iyan ha? As I said earlier, miminsan lang at first time kong makatapak sa ganitong restaurant. Baka hindi na maulit pa kaya susulitin ko na ang palibre mo at magtetake-out na din ako.” Ngumiti ito sa akin and he nodded kindly, “Take-out mo ano gusto mo. Treat ko. Now, eat. Lalamig na masyado ang foods.” Sinunod ko naman ang sinabi nya at sinabayan ko na sya sa pagkain. Salamat sa kanya hindi ako nawalan ng pag-asa. Tama, hindi pwepwede sa negosyo ang taong sumusuko na lang basta-basta. I will try again and hope for the best.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD