Chapter 8

1785 Words
“Elesa, pabili nga kami ni nanay ng dalawang mineral water tsaka may tinapay ka ba dyan? Pabili na rin ng dalawa.” Tumango ako sa aking kaklase na kumuhit sa akin bago ko inabutan ito ng dalawang bote ng tubig at dalawang cupcakes. Matapos nyang magbayad ay iniabot ko na sa isang fourth year student ang pinaprint niya na pictures with her family. Hindi pa nangangalahati ang commencement ay ubos na ang aking mga paninda at ink sa aking portable printer. Oo, kahit araw ng graduation day at nakatoga na ako ay todo pa rin ako sa aking pagbebenta. Sinusulit ko ang huling pagkakataon na makakapagbenta ako dito sa school na ito. I finally decided to accept the offer of K.O.R na mag transfer ako sa main branch sa Manila effective next week. In time sa summer camp training ng stations para sa mga frontliner DJs na hawak nila. Sa lahat ng mga nangunguna nilang mga DJs, ako lang ang nakastation sa provincial branch. Sabi nga nila DJ Marcus at DJ Fasha, if I want to excel more and advance further in this field, kailangan kong lumipat sa main branch dahil silang dalawa ay doon muna nanggaling bago napromote sa mataas na pusisyon, which I don’t really target pero sa salary increase decision ay doon din pinagbabasehan kung nakatapak ka sa Manila branch o hind kaya kung gusto kong tumaas pa further ang sahod ko, no choice kung hindi lumipat. Empake na sa tinutuluyan ko lahat ng kakarampot na mga gamit na naipundar ko sa aking buhay. Nakapagpaalam na din ako kay Aling Tere na paalis na din naman ng bansa dahil kinuha na ng mga anak na naka base sa Germany. Ibebenta na nya ang paupahan at bukod sa wala akong nakikitang point na manatili pa kung iba na ang nagmamando na kwento ng ibang kapitbahay ko ay tataasan daw ang singil, ay sumabay na sila sa akin sa pag-alis with the blessing of our elderly landlady. That, and masyado malayo sa Laguna ang papasukan kong trabaho kaya minabuti ko na lang na tanggapin yung ibinigay sa akin na slot ni DJ Fasha sa apartment na dating tinutuluyan ng kanyang kapatid na nag Dubai na this year lang. Inuupahan pa rin ng kapatid nya kahit wala nang nakatira dun as of today para hindi ako maunahan dahil prime spot yung kinakatayuan ng paupahan. Malapit sa mga schools, malls, hospitals, call centers, palengke at sa pinagtatrabahuhan ko. Isang sakayan lang so very economical kahit doble sa normal kong ibinabayad dito sa Laguna. Ang dami ko na ding naipon sa bangko at umabot na sya sa six figures. Naubos ko na ang mga dapat kong ibenta at kahit hindi muna ako mag raket for one sem sa college ay ok lang. Papakiramdaman ko muna ang environment ng school na papasukan before formulating an effective business strategties. Advantage ko na nakakapanggawa na ako ng mga research and projects ng mga college students na customer ko before so hindi naman siguro ako ganun mahihirapan sa paghahanap ng sidelines. Malapit na ang awarding ceremony and after that, Valedictorian’s speech then uwian na. Hindi bababa sa isang libo ang graduating fourth year high school students ngayon kaya normal na inabot na halos ng alas dose ang ceremony kahit saktong seven pa ito ng umaga nagsimula. Tapos na palang tawagin ang Valedictorian at sinasabitan na ng masayang mga magulang ng awards ang Salutotorian from other section. “First Honorable Mention from Fouth Year Section Silver, Elesa M. Villarin!” Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko ng tinawag ang aking pangalan. Tumayo ako sa aking kinauupuan at naglakad ako paakyat sa stage kung saan nag-aabang ang class advisor ko na teacher ko din sa T.L.E. “Awardee of Best in Attendance (kasi kung aabsent ako, malaki ang mawawalang kita sa akin), Best in Good Moral Conduct (dahil hindi ako nakikisali sa mga away, gulo at tsismisan ng iba kasi pag may nakaaway ako kahit isa, less kita for me) and the only Department of Trade and Industry Awardee for Business Mathematics in our school (ipapaliwanag ko pa ba?).” “Congratulations Elesa, you exceeded my expectations and you served as a shining example of how far and high a hardworking and motivated student can achieve. Tiyak ako na proud ngayon ang mga magulang mo. You have a bright future ahead of you. I just know it.” Napangiti naman ako sa sinabi ng advisor ko sa akin, “Thank you Maam. Magpapasalamat na din ako ng sobra sa ginawa ninyong pag tolerate sa pagbebenta ko sa klase at sa school. Pakiparating na din sa ibang mga teachers ko na hindi ako magkaka-award, much less makakagraduate kung hindi nyo ako pinayagang magtinda. Salamat po ng marami.” Napaluha naman ito at pagkatapos isabit sa akin ang mga medals ay binigyan ako ng mahigpit na yakap, “Walang anuman, Elesa. Hayaan mo makakarating sa mga proud mong teachers. Gagalingan mo sa college ha? Wag ka ding makakalimot pag mayaman ka na dahil sigurado ako, wala kang papupuntahan kundi ang rurok ng tagumpay with your diligence and right attitude!” Nginitian ko naman ito bago sabay kaming humarap sa photographer na kumuha ng aming picture. After that ay luminya na ako sa tabi ng Salutotorian at ng Second Honorable Mention. Hindi ako makakarating sa point na ito kung hindi ako nagpursigi. Pero this is far from over. In fact, this is only the beginning. The beginning of a new challenge sa aking buhay as a college student. Pero for now, ihahanda ko muna ang sarili ko para mamayang gabi. There is still one thing that I need to get out of my heart and system before I can finally embark on my new adventure sa aking solong buhay with no strings attached from my past.  -0- “Wow mudrakels, tama ka nga! She’s perfect!” “Oh diba sabi ko naman sa iyo Tyra, hinding-hindi ka magsisisi sa panlilibre mo ng serbisyo sa kanya?” proud na tanong ni DJ Fasha sa baklang kaibigan na nagtatrabaho ata sa isang kilalang salon na nag cacater sa mga showbiz celebrities. Umikot-ikot sa akin si Tyra at tiningan ako mula ulo hanggang paa bago appreciatively clapping her hands, “Naku salamat mudra dito! Ang mga katulad nya ang pangarap kong maayusan mula ulo hanggang kuko! Hindi kagandahan, hindi rin kapangitan. Hindi kaputian, hindi rin kaitiman. Hindi katangusan ang ilong, hindi rin kapanguan plus ang taray ng mga mata nya! Very expressive! Ultimate back to back dream come true ng yours truly! Mukhang ordinary and passive! Perfect ayusan! Pak ganern!” “DJ Fasha sigurado ka libre to ha? Magpapaenroll pa ako sa pasukan…” Nagkangitian naman ang dalawang magkaibigan, “Walang problema, Elesa. Bukod sa kumare ko ang beauty na ito, alam ko din na naghahanap sya ng perfect face for her profession. Nagkataong day-off ang bruha at sa halip na manglalaki eh kinaladkad ko dito para ayusan ka sa aatendan mong ball mamaya. Think of it as our graduation gift sa iyo.” “Tama si mudra, girl! Walang problema! One hundred percent free ang aking serbisyo! Dadanak ang dugesh mamaya sa ball nyo pag nakita nila ang finished product ko. You should be honored, only the faces of celebrities are touched by my hands! Isa ka na sa kanila after I’m done with you! Taga mo yan sa puso ni Cardo na hindi mamataymatay! Mapapasaiyo ang espirito ni Lily Aguas, believe me!” paninigurado nito sa akin bago ako pinaupo sa tapat ng malaking salamin sa office ni DJ Marcus na pinayagan kaming gamitin for my personal use. Tumango-tango naman si DJ Fasha nang sinisimulan na akong lapatan ng foundation ni Tyra, “Hindi nga mahihirapan sa pag mamake-up sa iyo ang kumare ko, Elesa. Wala nang dapat itagong impurities sa mukha mo because you have none.” “Korak! Emphasize ko na lang lahat ng assets mo. Perfect canvas ang mukha mo for girls like me! Madaling ayusan yet may freedom ang gagawing pagpapabongga ng mukha! I swear kung may gusto kang landiin, paiyakin, inggitin, paglawayin o di kaya’y paaminin mamaya ay sigurado ako na magtatagumpay ka sa iyong binabalak! Ang lucky make-up artist mo is me, your lucky sponsor is mudra and your lucky driver is fafa Marcus!” masayang wika nito sa akin referring to the car na gagamitin ko mamaya papunta sa hotel na pagdadausan ng event na pag-aari ni DJ Marcus.  “Maiwan ko muna kayo dyan at susunduin ko na sa sastre ang gown na isusuot mo, Elesa. Graduation gift sa iyo ang isusuot mo na pinagambagan ng mga katrabaho mo dito sa K.O.R Laguna. Padespidida na din namin sa iyo, so don’t expect na may handaan. Besides, sa handaan naman ang punta mo mamaya!” masayang paalam sa amin ni DJ Fasha na halos magpaluha sa akin. “Girl! Wag kang iiyak! Masisira ang make-up at ang feng shui! Tandaan! Hindi ikaw ang iiyak mamaya dahil IKAW ang magpapaiyak sa kanilang lahat sa iyong ilalabas na inner Dyosa!” saway sa akin ni Tyra, “Now stay put and watch how I make a star out of you!” Tumingin na lang ako sa salamin at hinayaan na tahimik na makapagconcentrate si Tyra sa ginagawa nyang pag-aayos sa akin. This is my last chance. Gagamitin ko na lahat ng mga assets na nakatago ko to try one last time. Tama si Lysander. Pangit tingnan sa tulad kong tindera ang susuko na lang dahil nabigo ng isang beses. I will try again and this time, I will give everything that I’ve got, with all that I have para na din sa ikakatahimik ng aking puso. All my life up to this, kailangan ng iba ang inaalala ko. Pero just this once, sarili ko namang puso ang susundin ko. Magmamatapang din lang ako, itotodo ko na. Nakakatawa dahil naalala ko yung topic ko years ago about sa tamang paglalandi sa aking segment. Looks like this time, susundin ko ang sarili kong payo. Tiwala ako na with Tyra’s help, magiging mas maganda ako kesa sa girlfriend ni Drayden na araw-araw nakamake-up. Matalino ako. Hindi lang sa pag-aaral kundi pati na rin sa negosyo. Sampal ko sa kanila ang mga medals kop ag may kumontra. At finally, ready ako. Kahit anong mangyari, handa ako sa kahit ano mang kakahinatnan ng gagawin kong pakikipagsugal sa puso ko ngayon. If all else fails, babangon ako like I always did in my life. I don’t want Drayden to be the one that got away sa aking buhay. I want closure and I will get it tonight!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD