“Mga eleven kita ipapasundo sa driver ko, Elesa,” bilin sa akin ni DJ Marcus bago ako bumaba ng kotse nya.
“Salamat talaga DJ Marcus!” masayang sagot ko dito sabay yakap kila DJ Fasha at Tyra.
Kinuhanan pa ulit ako ng picture ni Tyra before smiling at me, “Sa lahat ng trinabaho ko, ikaw ang pinakamadali at pinakamasayang ayusan! I’ve got nothing else to say but, “TODO NA ITEY!”
“Wag ka masyadong maghahakot ng lalaki ha? Konti lang, Elesa,” birong bilin ni DJ Fasha sa akin bago ako bumaba ng kotseng sinasakyan namin.
“Kung may lalapit ba?” nataatwa kong sagot dito.
“Meron yan! Madami! Sa ganda mo ngayon, luluhod ang mga fafa at dadanak ang laway sa lupa! Huwag mo aaraw-arawin ang pagmamake-up, baka sa t.v na kita makita at hindi na kita makinig sa Kyria-Ang! Batiin mo kami lagi ng mga sisterettes ko sa salon ha? Promise yan!” wika ni Tyra.
Tumango ako at isinara na ang pintuan ng kotse, “Walang problema! Ipaplay ko lagi ang favorite nyong Bulaklak at Basketball!”
“Bongga! Gora na girl! Enjoy the night while it last! See you sa salon!” paalam ni Tyra sa akin.
“Tama si kumare. Itodo mo na ang pagmamaganda tonight, Elesa. You look nothing but beautiful. Rampa ng sobra-sobra! Isang gabi lang ito! Make most out of it!” bilin ni Fasha sa akin bago tuluyan nang namaalam sila at umalis na ang kotse sa harapan ng hotel.
Iniangat ko ang laylayan ng aking black gown studded with Swarovsky crystals na halatang mamahalin. Umambag din pala sa pagbili nito ang may-ari ng K.O.R kaya nakakuha sila ng mamahalin talaga na custom made. Think of it as a suhol mula sa may-ari para magtagal pa lalo ako sa company nya.
Maganda din itong silver high-heels na pinahiram sa akin ni DJ Fasha at hindi ganoon kataasan para malula ako at matalapid habang naglalakad. Sa halip na mga alahas, mga self-made kong beads bracelets, necklace at earrings ang suot ko. Thankfully, bumagay sya sa aking get up ngayon.
Nang makapasok na ako sa lobby ay laking pasasalamat ko ng may nakita akong sign at directions na nagtuturo kung saan ang room na pagdadausan ng event ng school namin.
Napatingin ako sa repleksyon ko sa mga salamin na nakasabit sa pader ng hallway at napangiti. Perfect ang ginawa sa akin ni Tyra. Inempahsize nya lahat ng assets ko in the simplest but defining way possible. Napakaganda ng contouring ng make-up at ibang klase ang pagkaka-ayos ng aking buhok na naka tight bun sa likod ng aking ulo while letting a single long strand of bangs to fall.
Buti na lang din at napakinabangan ko ung red scarf na nahukay ko sa ukay-ukay sa Divisoria last Christmas na nakalaylay sa aking mga braso. Inayos ko ang dala kong red handbag na nag-iisang pinakamaliit na bag na pag-aari ko na hindi backpack.
Pag tingin ko sa orasan ng aking fone ay napabilis ako sa paglalakad. Thirty minutes late na ako dahil sa pinagpalang traffic sa Olivarez intersection. May mangilan-ngilang mga estudyante na mga nauna na sa akin sa pagtakbo papunta sa grand ballroom at ako na ang pinakahuli sa mga late stragglers ng event na mukhang nagsisimula na dahil may mga nakikinig na akong naimik na M.C from the open door na papasukan ko na ngayon.
Napahanga ako sa ganda ng venue ng event ng school namin. I guess hindi na dapat ako masurprise kung bakit ang ganda ng pinagdausan ng party namin.
Sa halip na sumali pa kami sa Prom Night, napagkasunduan na pag-ipunan na lang ang Graduation Ball namin. As expected, pabonggahan ng mga suot na gown ang mga babae at pagandahan naman ng tindigan ng mga suot na tuxedo at suit & tie.
Lumingon ako sa aking lukuran at mukhang ako nga yata ang kahulihulihang dumating dito kaya pala nakatingin sa akin ang karamihan sa mga estudyante ng nababa na ako ng hagdanan papunta sa dance floor.
“Ayan na nga nagsisidatingan na nga ang mga natraffic sa parteng Olivarez, Donna!”
“Naku Joel! Buti nga nakaabot pa sila! Pag gantong Friday, hindi lang back to back, front to front, left to left at right to right ang traffic sa horror intersection na iyon!”
“So dahil mga huli kayo, special mention kayo ha? So yung unang pares ay sila Tony at Rica ng IV-Gold, ung kasabay nila na sila Olivia at Paul ba iyon? Ay oo nga, they are from IV-Copper and lastly… Joel kahit lagalag ako at ang pinaka feeling close sa batch na ito, hindi ko mamukhaan ang huling babae na naglalakad ngayon pababa ng hagdan. The who?”
“Yung babaeng naka black gown at red scarf? Hindi ko din makilala, Tony pa zoom nga ng konti ang camera… Wait, I know that familiar expression… is that…?”
“Could it be? Correct me if I’m wrong, Elesa? Elesa from IV-Silver? Our First Honorable Mention?”
Saktong pagtapak ko sa paanan ng hagdanan ay nakinig ko ang aking pangalan na tinawag ng M.C. Napatingin ako at napakurap ng makita kong nakatutok sa akin ang camera at nagulat ako ng makita ko ang aking sarili na nakapalabas sa lahat ng mga flat screen na nakasabit sa paligid ng dance floor at sa isang malaking led projector sa stage sa unahan.
Napatungo ako sa hiya at mabilis na hinanap ang aking mga classmates na nakita kong nakaway sa akin.
Naglakad ako ng mabilis papunta sa kanila habang hinahabol ng tingin ng mga estudyante from other sections.
“Oh ayan, fellow girls wala nang away, may ipupush na tayo!”
“Ay wala na talaga, I concede.”
“Aba kung si Elesa din ay sige ba!”
“Support na ito girls!”
Napakunot ang noo ko sa mga nakangiting-nakangiting classmates ko sa akin, “Anong meron?”
“Kasi Elesa, may King and Queen of the night.”
“Hah?!” gulat na bulas ko sa sinabi ng class president namin.
“Please, Elesa! Gift mo na samin! Summer Outing engrande sa Subic yung price ng mananalong section!”
“Oo nga! Peaceful naman kami diba? Wala ka narinig samin kahit ano at suki mo kami since first year! This time lang!”
Tiningnan ko ang mga desperado at desperadang mga mukha ng aking mga classmates at napaawa naman ako. Hindi lingid sa aking kaalaman na ilang beses na napurnada ang mga drawing na outings ng mga ito bago kami grumaduate.
At to be honest, tama naman sila. Tanggap nila pagiging Reyna Tindera ko at ni isa wala akong nakinig na hindi maganda mula sa kanila tungkol sa ginagawa ko. Supportive pa nga sila dahil isa sila sa mga unang nagtuturo sa akin kung may ibang mga estudyante na naghahanap ng kung ano-anong bibilhin o ipapagawa.
“Ano ba ang gagawin?” nakangiting tanong ko sa kanila na nagpatalon at irit sa aking mga kaklase.
“Naku wala! Ipapasa lang namin ang name mo bilang representative namin!”
“Just stay beautiful hanggang sa maiannouce na ang winners!”
“Yun lang gagawin mo. Umupo, magpahinga at maghintay!”
“Thank you Elesa!”
“Promise, ang ganda mo!”
“Tama nga na hindi ka araw-araw mag-aayos, mauubusan ako ng boys na susulutin!”
“Bantayan nyo pambato natin! Baka isabotahe tayo, ok?!”
“Boys kung gusto ninyo matuloy ang outing maging bodyguard kayo ni Elesa! Girls, be ready for emergency retouches!”
“Pero seryoso! You’re so beautiful tonight, Elesa!”
Tumungo naman ako para itago ang aking ngiti, “Thank you. Saan ba yung table natin?”
Inihatid nila ako sa pwesto namin at pagkaupo ko pa lang ay sinugod na agad ako ng mga teachers ko na todo puri sa akin at papicture.
Minabuti kong tanggapin na lang lahat ng papuri nila because as they said, minsanan lang ito at last na din for my high school life.
Besides, may pinagpagandahan talaga ako. Side effect na lang itong mga papuri na natatanggap ko because ang tunay na purpose ko kaya nagpilit akong gumanda ngayong gabi ay para hindi naman ako mahiya na humarap kay Drayden na ngayon ay kita kong nakikipagkwentuhan sa kanyang ka team at naka angkla sa kanya si Celes na super revealing ang suot na green tube gown na body hugging.
This is the one and only time that I can tell him this without repercussion or backlash. It’s a free for all and I will use it to my advantage…
-0-
Two hours na ang nakakalipas at natapos na ang kainan, games at sayawan ng mga estudyante samantalang nakaupo pa rin ako dito sa aking pwesto na halinhinang binabantayan ng aking mga kaklase para daw makasigurado sila na walang makakalapit na mga masamang elemento na makakapigil sa kanilang pinapangarap na bakasyon.
Pilit ko ring hinahanap si Lysander pero hindi ko sya makita. Mas kampante ako kung nandito man lang sya sa aking tabi at kinakausap ako.
Tingnan mo nga naman.
Wala talaga sa tagal ang pagkakaibigan.
Kahit nitong taon lang kami nagkausap ng matino at nagkakwentuhan, parang kampante na ang loob ko sa kanya. Sayang at hindi pa kami nagkasama ng matagal. I think mas naging masaya siguro at magaan ang high school life ko.
“This is the moment that you can all say the things that you wanted to say to others. Be it your classmates, friends, ex, teachers, best friends, boyfriend, girlfriend, crushes without repercussions or forever hold your peace.”
Mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase ko at mga nagsisuguran sa kanikanilang mga target kausapin.
Hinanap ko si Drayden pero ng makita ko sya ay napapalibutan ito ng kanyang fans club na lahat ay nagcoconfess ng wagas na pagmamahal nila dito.
May parte ng utak ko na nagsasabing wag na akong tumuloy sa pakkipagusap ko sa kanya. Pero hindi maaaring dalhin ko na lang ito habang buhay. I need closure, I need to say this now.
Nakipagsiksikan ako pero talagang hindi ako maabot sa kalagitnaan ng mga babaeng nakapaligid sa kanya. Napatingin ako sa orasan at less than two minutes na lang ay mag teten na, ending time ng segment na ito.
I tried my best, the way I tried to stop my feelings for him but like my failed attempt to stop my self from falling for him, I also failed to reach him in time to confess my feelings.
“Ok everyone! Calm down! Time is up, people!”
Nanlambot ako ng matapos na ang allotted time.
Lahat ng pinagpaguran ko, pinag-isipan, pinagpakristasan, it’s all for naught. Napatingin na lang ako sa kanya as he walked towards his smiling girlfriend dala ang chocolates at flowers na inabot sa kanya ng kanyang admirers at ipinatong ito sa kanyang table.
Bumalik ako sa aking upuan at napalibutan ulit ako ng aking mga kaklase na binabantayan ako at ang iba ay nireretouch ang aking make-up while I just sit there and mulling over the things that I failed to say.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo doon pero biglang inannounce ng mga M.C ang winner ng King of the night.
“And our winner is none other than… Drayden Madrigal of IV-Platinum!”
Masigabong palakpakan ang pumainlalang sa hall ng tawagin ang kanyang pangalan. Sino pa nga ba ang mananalo kundi ang isa sa pinakasikat na lalaki sa batch namin.
Pumunta ito sa gitna ng dancefloor looking handsomely dignified and confident is his expensive looking suit and tie.
“At sino kaya ang kanyang Queen for the night? Joel? Wag mo nang patagalin! Sabihin mo na!”
“Eto na nga Donna… Whoah! Ang ating Queen of the Night is…. From IV-Silver! Elesa Villarin!”
Napasinghap ako ng tinawag ang aking pangalan habang nagtatatalon sa tuwa at nagsigawan ang aking mga classmate.
Tinulungan nila akong tumayo dahil honestly, wala na ako sa mood ngayon. Pero I looked at their happy faces and I conceded. I have to do this for them so we can call it quits.
Naglakad ako papunta sa kinatatayuan ni Drayden and then I finally stopped infront of him, his face awestrucked and in disbelief.
“Of course may special dance para sa ating King and Queen of the Night. I hope hindi nyo pa limot ang waltz na tinuro ni Maam Joy sa P.E last month lang, Drayden and Elesa!”
“Galingan ninyo! Aja! Music please!”
Without removing his eye contact, he bowed and took my left hand as he placed it on his shoulder while holding my right hand tightly.
Nagdilim ang paligid namin at ang spotlight lang na nakatutok sa amin ang nagsilbing liwanag ng buong hall…
And finally…
Our last dance begins…