Chapter 10

3180 Words
You're in my arms... And all the world is calm... Hindi ko naimagine na dadating ako sa punto na makakasayaw pa kita... Na parang tayong dalawa lang ang nasa lugar na ito sa ating mga mata... The music playing on for only two... Saliw ng musika na para lang sa ating dalawa... So close together... Sa sobrang lapit natin ngayon sa isa't isa... Pakiramdam ko wala sa ating makakapaghiwalay pa... And when I'm with you... So close to feeling alive... Pag kasama talaga kita, sa iyo lang ako nakakaramdam na buhay pa ako... Buhay pa dito sa mundong ginagalawan ng iba... A life goes by... Romantic dreams must die... Pero hindi ako hibang... Alam ko na pagkatapos ng sayaw na ito, babalik na ulit ako sa realidad ng aking buhay... Buhay na kung saan hindi tayo bagay para sa isa't isa... Buhay na walang ikaw at ako, walang tayo... So I bid my goodbye... And never knew... Oras na ba para magpaalam na ako ng tuluyan...? Ang kalimutan ko na lang ang nararamdaman ko sa iyo na hindi ko man lang nasabi ng harapan...? So close, was waiting... Waiting here with you.. Ang lapit lapit ko na sa iyo ngayon... Hindi ko nalaman na naghihintay lang pala ako ng pagkakataon na hindi na dumating pa... And now, forever, I know... All that I wanted... To hold you so close... Pinipilit kong itago at huwag pansinin... Ngunit huli na ng malaman ko na ang gusto ko lang ay makasama ka... Mahawakan ng malapitan... Iniikot ako ni Drayden at nagpatuloy kami sa pagsasayaw sa gitna ng lahat ng mga taong tahimik na nakapaligid sa amin at pinapanuod kaming magsayaw... So close to reaching... That famous happy end... Hindi ko man lang namalayan na napakalapit ko na pala sa ginugusto kong pangarap... Na kung naging totoo lang ako sa sarili ko at hindi natakot, baka hindi lang ito isang ilusyon lang gaya ngayon... Almost believing... This one's not pretend... Gusto kong isipin, hilingin na sana hindi lang sa sayaw na ito tayo nagkakalapit... Na hindi lang ngayon mo ako tinititigan ng deretso sa aking mga mata... Umaasa pa din ako na  And now you're beside me... And look how far we've come... Pero bakit ngayong nasa bisig tayo ng isa't isa... Pakiramdam ko kung anong tinagal ng pagkakakilala natin... Ganun din kalayo natin sa isa't isa... So far we are, so close... Magkaharap tayo ngayon, nagsasayaw ng magkasama... Pero bakit parang hindi pa rin kita kayang abutin...? Malapit nang matapos ang sayaw, kasabay ng mga pangarap at ilusyon ko sa iyo. Na kahit anong gawin kong tanggi sa aking sarili ay hindi ko maikakaila na nahulog din ako sa iyo. Na nagkagusto ako sa iyo. Na natutuwa ako pag kasama kita. Na isa ako sa mga taong nagmamahal sa iyo... At isa sa madaming hindi mo na pagtutuunan ng pansin... Nagkalapit ang ating mga katawan ng hinapit mo ang aking bewang sa ating pag-ikot at nakaramdam ako ng magkasabay na saya at lungkot...  Masaya dahil sa unang beses ay napalapit ako ng ganito sa iyo... Malungkot dahil ilang sandali na lang ay matatapos na ang pantasya kong ito... Oh how could I face the faceless days...? If I should lose you now... Ikaw lang ang kaisa-isang pumapansin at kumakausap sa akin ng ilang taon... Sa sobrang tagal na nating magkakilala ay hindi ko na alam ano na lang mangyayari sa akin pag nawala ka na ng tuluyan sa buhay ko...? We're so close to reaching... That famous happy end... Ang lapit-lapit ko na sa aking pangarap pero hindi ko naman magawang abutin... Almost believing... This one's not pretend... Alam kong kahit anong hiling ang gawin ko, alam ko na ilang segundo na lang ay babalik na rin ako sa katotohanan na ngayon lang ito... Let's go on dreaming... Kaya hayaan ninyong itatak ko ito sa aking isipan... Ang mga natitirang sandali na natupad ang aking pinapangarap na mapalapit sa iyo ng ganito... For we know we are... Dahil alam kong hanggang dito na lang ako... Hanggang dito na nga lang ba talaga ang lahat...? So close, so close... Ngayong iilang sentimetro na lang ang layo ng ating mga mukha sa isa't isa... Hayaan mong masabi ko kahit man lang minsan na nakalapit din ako sa iyo kahit panandalian lamang... And still so far... At ngayong tuluyang bumitiw ka na sa akin... Oras na nga rin bang bitiwan ko ang aking ilusyon...? Nagbow kami sa isa't isa at nagliwanag na ulit ang buong dancefloor at bumalik na ako sa realidad na hindi lang kaming dalwa ang nandito kundi ang buong batch ng fourth year na ngayon ay nagpapalakpakan at nag-iiritan habang pinapaulanan kami ng flashes mula sa kanilang cameras. Akmang lalakad na ako pabalik sa aking kinauupuan kanina pero biglang dumating ang dalawang M.C ng ball na mabilis na pumagitna sa aming dalawa ni Drayden na ngayon ay nakatingin na nakatingin pa rin sa akin. "Oh... My... God! Pasintabi sa mga significant others nyo ha, kung meron man," sabay sulyap sa akin ni Donna, "Pero goodness, Joel! Para akong nanunuod ng live-action ng Disney Fairytale or something!" Tumango naman ang kapartner nitong M.C, "Sinabi mo pa, Donna! Naghihintay nga ako actually ng sisigaw ng "CUT!" kanina," hinarap nito si Drayden na napapangiti sa sinabi nila tungkol sa amin, "Brad, di ka lang pala magaling sa field, magaling ka din pala sa sayawan!" "Hindi naman. Magaling lang yung kapartner ko. Nadala lang ako," sabi nito sabay tango sa akin, "Right, Elesa?" Pilit na ngumiti ako at ikiniling ko na lang ang aking ulo nang hinarap ako ni Donna, "Elesa! Honestly speaking, I am jealous of you! Bukod sa ang ganda mo na tonight, magaling ka din palang sumayaw!" "Magaling lang na teacher si Maam Joy," tipid na sagot ko dito habang nakakaramdam na ako ng hiya dahil alam kong nakafocus lahat ng mata sa amin dito sa gitna ng stage. Itinapat sa akin ni Joel ang microphone na hawak nya at mabilis na sinabi ang hindi ko inaasahang sasabihin nya, "Elesa, nakita ka namin ni Donna kanina na naglakad papalapit kay Drayden kanina nung time na pwedeng sabihin sa ating gustong pagsabihan ang kahit ano withouth repercussions. Well, dahil ikaw ang Queen of the Night. The floor is yours, nandito sa harap mo so Drayden, anong sasabihin mo sa kanya?" Nagkatinginan kami ni Drayden at hindi ko na malaman kung ano ang gagawin ko sa oras na ito.  Tatakbo ba ako? Sasabihin ko? Kung tatakbo ako, magmumukha akong may tinatago, dadami chismis. Kung sasabihin ko ngayon, lahat sila maririnig ang gusto kong ilabas... Pero kung hindi ko sasabihin ngayon, alam ko sa sarili kong panghabang buhay kong dadalhin ito at pagsisisihan. Itinapat sa akin ng dalawa ang microphone nila at tumango as if goading me to speak up. Well Elesa, it's now or never... "Drayden... I... I... I love you... Simula nung first time tayong nagkakilala nung first year pa tayo," I said in an almost whispering faint voice. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong silid at pigil hininga akong naghihintay ng sasabihin nya. All this time, ngayon ko lang nasabi ng harapan sa kanya ang tunay kong nararamdaman at nakasabit ngayon ang aking buhay sa kanyang magiging reaksyon. Naghintay ako ng ilang segundo... Naghintay... Naghintay... Biglang napatawa ito at ngumisi sa akin, "Seryoso ka, Elesa? Di nga?" natatawang tanong nito sa akin na to my surprise ay nagpahalakhak na din sa mga M.C at sa mga estudyanteng nasa silid, "Joke ba yan?" nakangisi nitong tanong sa akin, obviously not taking me seriously at all despite of my honest confession. Napakurap ako habang tuluyan nang nabasag ang aking puso sa sinabi nya. Ilang hinga na lang alam kong iiyak na ako. Pakiramdam ko ay naghihingalo at malapit nang mamatay ang pagkatao ko sa oras na ito habang nagtawanan ng malakas ang mga tao sa paligid ko.  Pero ako si Elesa, sinabi ko lang naman ang nasa puso ko... May nakakatawa ba...? Katatatawanan ba ako, si Elesa...? Ako si Elesa... Ako si... Ako si Kyria!  Hindi ako ang tipong pagtatawanan na lang. Ako ang gumagawa ng kakatawanan! Hindi ako papayag na maging tampulan ng tukso at biro. Hindi si Kyria, ang babaeng palaban at walang kinakatakutan. Kinuha ko ang microphone na hawak ni Joel at ngumiti ako ng buong tamis, Kyria's personality now taking over my whole being as Elesa's slowly sinking over self-pity right now, Malamang joke? Tingin mo seryoso ako?! Wahaahahahahaah!" malakas kong tawa gamit ang boses na sa loob lamang ng apat na sulok ng booth ko sa K.O.R ginagamit na nagpahalakhak sa mga nakakinig, as if my laugh no matter how fake and forced it is, is infectitious. Napakurap si Drayden at napatigil sa pagtawa ng tahasang napailing ako sa kanya. Implying that it was he who fell for my "joke", "Don't tell me naniwala ka for a sec there? Don't me Drayden!" malakas kong sabi dito sabay tingin sa aking mga classmates sa kanan ko, "To IV-Silver, eto na nga po! Nanalo na ang nagiisang ako! Masaya na kayo nyan ha? Sponsor na ng Elesa's Sari-Sari Store ang summer getaway ninyo! Makukulayan na sa wakas ang drawing ninyong outing plans!" malakas na sigaw ko sa mga ito na napatalon sa tuwa. Lumingon ako sa dako kung saan nandoon ang sound system booth at kumaway ako sa mga taong nagmamando doon, "Mga kuya lapatan nyo nga ng matinding Fire by 2ne1 ang aking mga inaantok nang mga schoolmates! Hit it!" Nagthumbs up ang mga ito at wala pang two seconds ay pumainlalang ang nakakaindak na old-school kpop song at sinenyasan ko ang mga schoolmates ko na pumunta na dito sa dancefloor at magsayawan na. Thankfully ay malakas talaga ang hatak ng boses ni Kyria dahil masayang sumunod ang mga ito at dinumog na kaming apat sa gitna ng mga nagsasayawang estudyante na bigay todo sa pagkembot at pagtumbling. Mabilis kong iniabot kay Joel pabalik ang microphone at dali-dali na akong nakipagsiksikan para makalayo na dito. "Elesa saglit! Teka!" "Waaaaahhhhh nalapitan ko din si idol Drayden!" "Notice me Drayden!" "I love you lodi!" "One last dance naman Papa Dray!" "Selfie please! Remembrance lang po!" "Elesa!" Mabuti na lang at nakuyog sya ng kanyang fans club at nakalayo na agad ako sa kanya. Thankfully ay walang natira sa aking kinauupuan kaya mabilis kong nakuha ang aking bag at dumeretso na ako sa exit. Nagfafade na si Kyria pabalik sa subconscious ko at nararamdaman ko na ulit ang pagkabigo at hindi maipaliwanag na awa sa aking sarili habang mabilis na naglalakad ako palabas ng hotel. Alam kong may tsansang magkaganito...  Alam ko... Pero kahit alam ko, bakit sobrang sakit pa rin? Siguro kakayanin ko kung tanggihan nya ako. Pero yung hindi ako seryosohin sa sinabi ko? Iyon lang ba ang tingin nya sa akin? A joke? All these time? Isang taong hindi sineseryoso at pinaglalabasan lang ng kagaguhan pag walang pumapansin sa kanya? Ni minsan hindi ako nagbiro sa kanya, lagi akong seryoso pag kausap ko sya. Nakarating ako sa lobby ng hotel at nakita ko sa orasan na wala pang ten thirty. Mamaya pang past 11 dating ng sundo ko kaya tinanong ko sa receptionist kung saan pwedeng magpalipas ng oras na tahimik. Itinuro nya sa aking direksyon ng open air garden ng hotel at sinunod ko naman ito.  Nang makarating naman ako ay laking pasasalamat ko at mukhang nag-iisa ako dito. Napatayo ako sa harap ng artificial pond reflecting the moon and the stars. Tumulo na sa wakas ang pinipigil kong mga luha at inilabas ko na lahat ng sama ng loob ko sa pag-iyak. Sa trabaho ko sa station, lagi akong nagpapakawala ng mga biro para tawanan ng iba.  But now? Nag joke ako pero walang nakakaalam, ako ang tinamaan ng masakit na biro ko. Nagtawanan silang lahat sa sinabi ko pero hindi nila alam, naiyak na ang aking puso.  Tumingin ako sa langit at napakurap na lang ako as tears keeps on flowing from my eyes.  Bakit ko pa nga ba kasi sinabi iyon? Bakit ko pa ba ginawa yun? Bakit pa ba ako nandito? Bakit sya pa ang nagustuhan kong mahalin? "Elesa..." Napatungo ako ng makinig ko ang boses na iyon. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanya after I made a big joke of myself kanina.  "I'm sorry..." Umiling ako sa sinabi nya, "Wala kang dapat ihingi ng tawad. Hindi ikaw ang tangang naglakas loob magsalita kanina." "Pero ako yung nagsuggest sa iyo na..." "Nasa akin ang huling desisyon, ako ang nagpasya na sundin ang sinabi mo. Ako ang tanga. Labas ka sa ginawa kong katatawanan kanina." "You really loved him, don't you?"  Napatawa naman ako ng mahina at tumango, "Tingin mo ba ang isang tulad ko magmamatapang na sabihin sa harap nya na mahal ko sya kung hindi ako seryoso? Kung hindi totoo?" Naramdaman ko na hinawakan nya ang aking balikat at iniharap nya ako sa kanya before hugging me, "At least nasabi mo. Nailabas mo." "At what cost? I have to sacrifice my dignity, my pride, my honor dahil binawi ko din ang sinabi ko. Hindi ko napangatawanan. Takot ako. Takot ako na pati ba naman pagkatao ko, mawala din sa isang bagsakan," hagulhol kong sabi sa kanya habang nasa mga bisig nya ako. Humigpit ang pagkakayakap nya sa akin at halos pabulong na sumagot sa akin, "Buti ka pa nga. Matapang mong nasabi sa kanya ang nararamdaman mo ng harapan. Sa harap ng madaming tao. Betting almost everything on the line just to say that you love him. Sana ganun din ako." "Lysander?" naguguluhang tanong ko dito as he keeps on hugging me as if his life depends on it. "Pangako ko nga pala sa iyo na ipapakilala ko sa iyo ang babaeng mahal ko ngayong gabi. Nandito sya, Elesa," malungkot na wika nito sa akin. Akmang kakalas ako sa pagkakayakap nya para makita kung sino ang sinasabi nya ngunit sa halip ay lalo nya akong niyakap ng mahigpit, "Nandito sya, Elesa. Dito sa aking mga bisig." Halos makalimutan ko nang huminga ng marinig ko ang kanyang sinambit sa akin, "Lysander, wag mo akong biruin ng ganyan..." "Hindi mo ako katulad. Hindi ko babawiin ang sinabi ko, mahal kita. Simula nung second year tayo at basta-basta mo na lang akong pinagbentahan ng bibingka at tamalis sa gym as if wala kang pake kung kasagsagan nun ng kasikatan ko sa pakikipagbasag-ulo," natatawang sabi nya sa akin as if reminiscing, "Sino itong babaeng ito na sobrang hardseller at todo sa lako ng kanyang paninda na hindi pinipili ang pagbebentahan." "Lysander," hindi makapaniwalang sambit ko ng marinig ko ang sinabi nya. "Alam ng mga kasamahan ko na gusto kita. That's the reason behind their snide remarks and jokes about you and me. Kaso talagang intimidating ka, Elesa. Kahit ako natiklop pag kaharap kita. Masyado kang straightforward sa ginagawa mo at mukhang wala kang oras sa mga bagay tulad ng pag-ibig na kinababaliwan ng mga classmates mo habang busy ka sa pagtitinda mo." Tahimik lang akong naiyak sa sinasabi nya ngayon. Diba dapat matuwa ako? Pero bakit parang may kung anong lungkot sa kanyang mga kataga? "Nagkalakas ako ng loob na makipaglapit sa iyo, isang araw na nakita kitang solo at wala yung langaw mong kaibigan na naaligid at nambwibwisit sa iyo. I manned up and took my chances. Ang gusto mo pala ay deretsahan. To be honest, gusto naman talaga kitang maging kaibigan, although I pronounce it in my heart as ka-ibigan when I said that to you," natatawang sabi nya sa akin as he keeps on resting his head in my shoulders, "Nung Valentine's Day, gusto talaga kitang makadate. Gusto ko ikaw ang kasama ko so gumawa ako ng dahilan mapapayag ka lang. Nag-ayos ako, nagpa-haircut, nagpatulong sa kaibigan kong babae sa pamimili ng ibibigay kong bulaklak at chocolates sa iyo. Tinulungan ako ng tropa ko na makapagpareserve dun sa restaurant na kinainan natin. Everything to make you feel happy and important. Lahat-lahat para maiparamdam ko sa iyo na importante ka sa akin." Napailing na lang ako sa sinabi nya sa akin, "Bakit ngayon lang? Bakit hindi pa noon?" "Alam mo na siguro ang sagot sa tanong mo," makahulugang tugon nya sa akin. "Sinabi mo pa, paalis ka na din. Para saan pa?" galit kong sabi sa kanya. Niyakap nya lalo ako ng nagpilit akong nagpumiglas sa kanya, "Hindi lang ikaw ang may karapatang maglabas ng saloobin, Elesa," paalala nya sa akin habang hinahaplos ang aking buhok, "Kagaya mo, hindi ko kayang hindi sabihin sa iyo ang totoo. Kahit ano pa maging reaksyon mo, sasabihin ko. Hindi ko babawiin sinabi ko, mahal kita." "Pasensya na, Lysander, hindi ko alam kung anong isasagot sa iyo. Hindi ko alam kung may matino nga bang maisasagot sa iyo," naguguluhan kong tugon dito. "Hindi mo kailangang sumagot, Elesa. Pero pakiusap pwede, yakapin mo ako? Para kunwari, kahit ngayon lang, mapagbigyan mo ang pangarap ko?" pakiusap nito sa akin na pinagbigyan ko agad, "Salamat. Malaya ka na, Elesa. Wala akong hinahabol sa iyo, malaya ka na kay Drayden, hindi kita itatali sa akin dahil lang sa mahal na mahal kita. Hindi ko pipilitin ang alam kong wala din namang patutunguhan," malungkot nitong sabi sa akin at ilang saglit lang ay sya na ang kusang bumitiw sa akin at tumalikod na agad bago ko pa makita ang kanyang mukha. "Paalis na ako few hours from now, hindi ko alam kung kailan ako makakabalik o kung makakabalik pa nga ako at all. Pero baka sakaling pag nagkita ulit tayo someday at wala ka pang...." napatigil ito sa pagsasalita at napailing, "Hindi pa para sa atin. Ang daming nasayang. Kung naging matapang lang ako noon, baka..." "Lysander..." Umiling ulit ito at nagsimula nang maglakad palayo sa akin, "Good luck sa buhay mo, Elesa. Alam ko malayo ang mararating mo. Tandaan mo, you are now free to live your life the way you want it. I won't say goodbye; I know that we will meet again. I hope you won't forget me, because I will keep on dreaming even if it hurts me." Iyon lang at tumakbo na ito palayo hanggang sa maiwan na akong nag-iisa ulit. Ano na ba ang nangyari sa buhay ko? I let someone go but someone let me go. In the end, wala talaga akong patutunguhan kundi ang mabuhay mag-isa.  Ngayong araw na ito, namatay si Elesa... I will now face my day head on as Kyria. Tama na ang sakit at kalungkutan na dinadala ni Elesa. Rest in peace, old self. You earned it.  With you lies the dreams and hopes that someday, I will find the love that I am yearning for. Hindi ko na kayang mangarap dahil ang sakit sobra sa dibdib. Hindi ko mararating ang mga pangarap ko sa buhay kung patuloy akong mabubuhay sa mga ilusyon at walang patutunguhang pag-asa.  From this day on, Kyria will lead my life to it's fullest. I am pulling out all the stops, no holds barred, until the day I reached the pinnacle of my dreams and wishes of my life. My new life has begun...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD