Lahat ng makasalubong ko sa hallway ay nagsisitabihan ng makita nilang rumaragasa na naman ako papunta sa radio booth ko bitbit ang aking higanteng shoulder bag running at full absolute speed na kaya ng aking mga pobreng paa.
“Good Afternoon, DJ Kyria!”
Napasimangot ako sa nakangising katrabaho ko na sumabay sa aking pagtakbo wearing her lime and black active wear na pang jogging niya bago ang shift.
“Anong good sa afternoon, hype ka?! Hindi mo ba kitang ilang segundo na lang at malelate na ako?!” gigil na burag ko dito sabay batak sa dumadausdos ko nang bag pataas, “Peste talagang mga jeep iyan! Kala mo nag cha-cha-cha! Aatras abante!”
Tumawa si DJ Caileane, ang out and proud super sexy and confident transwoman na Fitness Guru Expert ng K.O.R sa aking predicament, “Shuta ka kasi teh! Kalahating dekada ka nang nakatira dine sa Maynila, hindi mo pa rin matimingan ng bongga ang mga jeep ditey! Simula nang ma sayt kita sa main office, wala ka nang ginawa kundi magtatakbo galore from all directions! Kaloka!”
“Kabwisit talaga! Baka need ko nang lumipat ng apartment!” malakas kong sambit at mas lalo naming binilisan ang pagtakbo sa nakakairitang hallway na ito na parang pang track and field na sa haba.
“Ghorl, hindi bagong dampa ang need mo. Carlaloo na mas mahal pa sa buhay ko!” untag nito sa akin habang papalapit na kami sa aking booth, “Mas malaki ang kinakalaykay mo na anda sa yours truly pero shuta naman teh kung makapamuhay ka akala mo tatlong pamilya ang sustentuhin mo eh all by myself ang drama mo sa buhay! Beh, aamagin ang pera pag hindi ginamit.”
Inirapan ko ito at pinagtaasan ng kilay ng makarating na kami sa tapat ng booth ko with few seconds to spare, “Ay ewan sa iyo baks, basta masaya na ako na hindi pa nababangasan ang perfect punctuality record ko. Wala pang need magbago!”
“Mas ewan ko sayo, teh. Ang tigas ng ulo mo, sana nga malate ka na ng bonggang-bongga para maisipan mong gumasta! Pagpe-pray ko iyan! Ek!”
Binelatan ko ito at binuksan na ang pintuan ng aking makalat na booth, “Hindi ka nga nagsisign of the cross, bruha ka!”
“Talas naman nito! Marunong din naman ako magpakabanal pag naghahangad ng masama sa iba, charot!”
Bago pa ako makalaban ay tumakbo na ito palayo sa akin habang natawa ng kanyang signature evil queen laugh.
Napailing na lang ako at mabilis na sinarhan ang pintuan ng aking room bago itapon sa corner table ng booth ang aking bag at umupo na sa leather chair at huminga ng malalim.
Tumingin ako sa orasan sa tapat ko at ten seconds na lang bago ako magsimula ng shift ng tuluyan.
In 5...
4...
3...
2...
1...
Biglang umilaw ang on air sign sa taas ng orasan at kasabay nito, nabuhayan na ako ng dugo.
“Muntikan ng ma-late pero muntik lang at hindi natuluyan! Nandito na muli ang inyong abang-lingkod, ang nag-iisang pawisan, malagkit and very pagod na Duchess Jockey ng ere, the one and only, Royalty Ilusyunada Announcer, Kyria and you are listening to Kyria Ang! Kahit hapo ay mambubulahaw pa din ako ng mga nananahimik na kaluluwa ngayong gabi! You can count on it!”
Plinay ko ang aking signature kwelang tawanan at trumpeta sound effects bago nagsalita muli habang inaayos ang aking buhok na sobrang nalaspag ng hangin ng Kamaynilaan.
“And now, let’s check the song requests! But of course, nandito pa din as usual si Mr Heterochromia with Higher by Clean Bandit ft. Iann Dior,” napakurap ako at binasa ulit ang title ng kanta, “Wow, may bago palang release ang Clean Bandit? Thanks for the tip, Mr Heterochromia! The next song request is from Jam! Isa pa itong regular ko din for a long time. Ano naman ba ang bago nila, sis? Hmm? Fix You? Sure! Isusunod natin yan! And the list goes on...”
Inisa-isa ko ang lampas isang dosenang first wave ng requests na pinadala sa akin ng radio producers after vetting them beforehand.
“At natapos din ang ating tried and tested litanya ng mga kanta na requested ninyo for today so let’s start off first with Mr Heterochromia’s Higher by Clean Bandit ft Iann Dior, okay? Okay. Mag soundtrip muna kayo habang nililinis ko ang aking booth na kuta na ng alikabok at kalat. Stay tuned, dear listeners! Ito muli si DJ Kyria, maglilinis muna saglit habang nag-iisip ng topic natin for tonight!”
Pagkapindot ko ng play ay ibinababa ko ang aking headset at mabilis na nagtungo sa gilid ng kwarto at kinuha ang walis at dustpan at sinimulan nang maglinis-linis ng aking admittedly ay napakaduming workplace.
Sa sobrang daming nakatambak na kung ano-ano dahil sa nagdaang holiday season, sikip na sikip na ng aking normally ay very spacious na radio booth.
Hindi ko na pinapapalinis sa janitor dahil baka magtagal siya dito sa sobrang daming linisin.
Mabuti na lang at nakaya pa sa kaunting walis-walis at pagpag ng mga kahon and in just less than a minute ay nagmukha na ding matino ang aking booth na daily ay nakikita ng aking listeners.
Oo, naka livestream na ang nag-iisang si ako.
Around two years ago, pinilit nila ako na mag livestream ng Kyria Ang. Iyon daw kasi ang sikat lately. The DJs that you can also see not only hear.
Eh alam ninyo naman na wala akong tiwala sa hitsura kong mukhang dinaanan ng pison so mega tanggi ako sa higher-ups.
Well, that is until nakipagusap sa akin mismo ang C.E.O ng K.O.R personally at nagrequest na pagbigyan siya kapalit ng higher base pay and no advertising deduction.
Meaning, aside from the regular thirty percent cut ng station sa dinadala kong advertising deals sa show ko, sila na ang magshoshoulder ng napakalaking tax deductions ng parte ko.
Makukuha ko ng buong buo ang seventy percent share ko. A double increase from thirty five percent pwera tax na kaparte ko dati.
Magiinarte pa ba ako, diba? Kiber na lang mawalan ng listeners pag nakita nila ang pagmumukha ko na mas iisipinn mong mambabarang kesa radio personality.
Wala namang mawawala sa akin dahil kung hindi ako pumatok at nawalan ng listeners, may ilang milyon akong matatanggap in stipulation for damages in livelihood.
Hindi ko talaga malaman kung bakit sobrang confident sila na papatok sa takilya ang livestream ng Kyria Ang pero what happened after the first week of airing online ng show ko is something I never expected.
Natriple ang bilang ng listeners ko at bumaha ng advertising offers from big companies na dinededma lang ako dito over other good looking DJs and television celebrities.
Bumalik na ako sa aking upuan after three minutes ng pagwawalis at pagmumunimuni at nagsimula na ulit mamburaot sa ere, “Nagbabalik na muli si Duchess Jockey Kyria bitbit ang kaniyang show na Kyria Ang! Sana naligayahan kayo sa panood ng makabuluhang paglilinis ko while listening to Higher by Clean Bandit ft Iann Dior! Kaloka, ang haba masyado ng title ng kanta!”
Dumaan si Caileane sa sa tapat ng booth ko at kumaway to say na papauwi na siya.
Actually, kanina pang tanghali tapos ang shift niya pero dahil nga sa fitness ang forte niya, kailangan niyang magrecord ng ilang segments para hindi siya mahirapan kakatarang sa kwarto niya while on air.
Isa din siya sa heavy hitters ng K.O.R at kung hard numbers lang din ang pagbabasehan ay wala na ako panama sa kaniya.
Kahit wala pang mag-advertise sa show niya, kikita at kikita ang bakla sa dami ng mga naka tune-in sa kaniyang Power Fact Workout with DJ Caileane.
Hindi ako papalag sa fifteen million listeners niya na ninety six percent ay mga nanay na nagzuzumba o exercise sa parke while wala pa sa kalahati niya ang kaya kong dalhin.
Natatalo ko lang siya sa mga advertising offers at engagements pero when it all comes down to it, alam niya na alam ko kung saan ako lulugar pag pinagtabi kaming dalawa.
Sa likuran niya.
“Alam ninyo dear listeners, kasabay ko kanina sa pagtakbo sa hallway si DJ Caileane at nilalait-lait niya ako kasi malapit na namang ma-late as usual ang inyong Dukesa sa trabaho. Siya na nga ang pinagpalang may healthy way of living and diet! Sobrang sexy sa personal at nakakahiyang tumabi! Baka mapagkamalan akong taga-dala ng gym bag niya!” kwela kong wika sa aking mga tagapakinig sabay buntong hininga, “Sa totoo lang, wala akong maisip na topic talaga pero nang dumaan si DJ Caileane dito kanina lang, I suddenly have an idea. Pag-usapan natin tonight ang fitness, diet and exercise.”
Plinay ko ang kwelang “wehhhhh” na nirecord ni DJ Caileane para sakin years ago para maemphasize ang gulantang na alam ko ay expression ng listeners ko ngaun.
“I know! I know guys! Coming from someone like yours trully na walang ginawa sa buhay kung hindi kumaian, mag work, kumain, magbanyo, matulog, kumain maligo at mag work ulit, napaka out of the blue masyado ng topic pero as someone na ilang taon na ding namumuhay sa fit na fit na shadow ng resident fitness expert ng K.O.R, I managed to get a few tips from her na hindi ko naman ginagamit. But don’t worry! Dahil ngayong gabi, ibabahagi ko sa inyo ang health hacks na tiyak hindi niya nababanggit sa Power Fact Workout!”
Bigla akong nakareceive ng pm sa messenger ko from Caileane as I continued talking to my listeners.
“Ayusin mo teh, nagdadrive ako. Pag ako naaksidente sa mga makikinig ko, mumultuhin kita sa banyo habang nagpaparaos ka. Mwah!”
“Oh ayan at nakareceive na nga ako ng warning kay DJ Caileane na ayusin ko daw ang pagsasalita kung hindi ay forever kapit sa Imodium ang inyong abang lingkod!” pakunwari ay natatakot kong sambit sabay play ng tawanan at nagpatuloy na sa aking topic for the day, “At ngayong may basbas na tayo ng Power Fact Workout hostess, simulan na nating ang fact giving! Number one, it’s what you do, not what you think!”
Pinatunog ko ang sound clip ng mga nagulantang audience sabay tango sa harap ng mikropono, “Yes! That’s right folks! Ang unang una daw na makakapagpabago sa ating fitness lifestyle ay kung ano ang ginagawa natin sa pang araw-araw na pamumuhay at hindi ang “iniisip” nating ginagawa natin. We must be physically aware of our actions regarding our bodies. Hindi yung basta ka lang nakaisip na mag press release na magdidiet na ako keme tapos hindi ka naman pala gagawa ng paraan para mairaos ang diets ninyo, mga dong at day! Ay nako nakakabwisit kayo ha?! Naiimbyerna ako! Dapat sa inyo, ayusin! Fix You by BTS, pasok!”
At pumasok na nga ang kakaibang cover ng kanta ng Coldplay fresh from South Korea giving me time for a small rest and commercials na din.
Pumunta ako sa sulok ng booth at inilabas ang aking tubigan na punong-puno ng tubig bago lumagok dito gratefully.
Wala talagang makakatalo sa fresh, lukewarm water galing sa gripo.
Napatawa ako bigla ng mahina sa sarili ko.
Even after earning six figures salary for several years now, hindi ko pa din maalis sa sarili ko ang pagiging simpleng kuripot.
As Caileane always say from her favorite film, “You can take the dog out of the squatter, but you cannot take the squatter out of the dog.”
Pero seriously speaking, kung sanay ka na din lang naman sa buhay na simple at very basic, mababago mo pa ba kahit malaki na ang kinikita mo?
Siguro yung iba, oo, pero for me, nothing changed.
Yes, naging stable ang income ko at insured na ako hanggang pagtanda ko pag papalaring mamuti ang buhok at mangulubot ang balat. Pero hindi pa din maiaalis sa akin ang payak na pamumuhay.
Ako pa din Kyria, ang eksaheradang DJ sa harap ng mikropono.
“At nandito na muli ang inyong nag-iisang Duchess Jockey Kyria and you are still painfully listening to Kyria Ang. Yes, it’s pronounced as Kee-ree-ah Ang! Now, basahin ninyo pabaliktad slowly for my new listeners!” malinaw kong bati sa aking mga tagapakinig old and new sabay tingin sa monitor ng computer para magbasa ng mga pabati, “Binabati nga pala daw ni Pena Labandera si Mr China Langis. Itigil-tigil mo na daw kaka “sana ol” mo kung hindi ay jujumbagin ka na niya six figures lalo’t mainit ang ulo niya at hindi pa dumadating ang bayad sa labada! Oh wag mo na antayin magkapasa ka ng six figures! Shoutout sa aking avid group of listeners, ang mga Preneys from their group chat na nakikinig sa ating show habang nagchichismisan ng taimtim tungkol sa kani-kanilang mga buhay-buhay! Oi, balitaan niyo ako ng latest hapennings mga kapreneys!”
Nagpatuloy ako sa ilang minutong litanya ng mga mensahe na padala ng aking dear listeners bago muling bumalik sa topic on hand.
“At natapos na din sa wakas ang aking pasyon, sundan na agad natin ang surprisingly ay mabentang topic natin for tonight! Kaya eto na ang fact number two for our fitness journey sponsored by DJ Caileane of Power Fact Workout, eat what is appropriate to your goals!”
Bumuntong hininga at nagpatuloy habang inaalala ang dadaanan kong isawan mamaya sa labas ng building para sa aking hapunan, “Kung kagaya ko kayo na panay malalangis, street foods, junk foods, matatamis at softdrinks ang tinitira eh wag na kayong mag-expect na magiging healthy kayo! For your information, hindi porke mataba ay healthy na agad-agad at payat papatayin na and vice versa. Wag judgmental mga kyah at teh!”
I played the lion roar sound effect for maximum sound effect bago bumuntong hininga at nagkibit-balikat na lang, “Gigil ninyo si ako sobra, mega super hyper! Ete muna Hey Boy by Sia at magmunimuni kayo sa inyong talipandas na pangunawa!”