Napasandal ako sa leather chair at huminga ng malalim as I read and replied sa social media messages ng Official Kyria Ang page ng K.O.R. Grabe, kanina lang nasa two thousand ang comments, ngayon ay nasa forty thousand na.
Mga pagbati, opinion sa topics o nangangamusta lang sa akin. I tried my best to reply as much as I can pero ano nga ba magagawa ng nag-iisang ako versus the tens of thousands of listeners, diba?
So I just did what I can bago bumalik sa aking papatapos nang show to end another successful shift on a high note, “Hey Boy by Sia, folks! Sana naman nabuhayan ng dugo ang mga nanlalamig na diyan sa kani-kanilang mga radio, computer at cell phones! Dahil ako ay init na init na sabihin ang fact number three from DJ Caileane of Power Fact Workout. Actually, it’s very simple. Pinaka madali out of all in my own honest and humble opinion. Check your status! Yes, that’s it mga tagapakinig! I’m sure madaming makakarelate diyan dahil parang lovelife lang, bago mag inarter at magbalak, tingnan muna ang label! Walang kayo! Same sa fitness, bago magbalak, take a hard look on your status, physically, mentally at emotionally. Tapon mo na din spiritually para sa mga listeners nating love ni God! Hindi lang basta sa kain at exericise ang fitness as a whole. Buong pagkatao mo ang nakataya kaya bago umariba, tingnan muna ang status ng buhay bago sumige sa healthy living kuno!”
Nag-inat inat ako ng kampante as I draw my show to a close. Nag message na kasi mga producers ko saying na as usual lampas sa three hundred percent average listeners ang Kyria Ang.
Friday na ngaun at end of month na sa Sunday kaya chinecheck nila ang mga kota namin bago ang weekends.
Mukhang makakapamahinga ako in peace bukas at sa makalwa.
“So ayun na nga ang mga tips na napulot ko kay DJ Caileane ng Power Fact Workout. Bago ko tapusin ang show natin for tonight, let me just impart you all some words of wisdom,” seryoso kong sabi nang dumating na ako sa punto kung saan lagi kong tinatapos ko ang aking shows na may nuggest of wisdom para sa mga nagtyatyagang makinig sa aking nginangawa five days a week, “As a woman na hindi naman kagandahan o kaseksihan. Tingting nga sa paningin as you can see, diba? Pero when it all comes down to it, healthy living is just it. Healthy living. Ikaw at hindi ibang tao ang makakapagsabi kung ano ang sitwasyon mo sa katawan mo. If feeling mo naman ay masaya ka na sa pamumuhay mo then so be it! Huwag mong hayaan na iba ang magdikta kung ano ang tama o mali sa iyo. Maliban na lang syempre kung ikaw ang humingi ng payo. Palag is a no-no pag ganun mga kapanalig! Pero if you are like me, masaya na sa kung ano ang kalagayan ng lifestyle ninyo eh be content na lang. You see, walang patutunguhang matino ang buhay natin kung maiinggit na lang tayo palagi sa iba. Kung hindi maibaba ang level, ibaba ang expectations and you will soon find na mas masaya and stress-free ang ating pag hinga sa bwisit na mundong ito. Well, that’s it for tonight’s Kyria Ang and this is Duchess Jockey Kyria reminding you all na maghanda kayo this weekend dahil may new and exciting segment tayo starting Monday na sigurado ako ay ma-eenjoy ninyo. Yes, after almost a decade, magbabago na ang format ng ating show but don’t worry, same kwelang kwentuhan pa din ang bwisit na mga topics pa din ang ating pag-uusapan! So there you have it mga kapanalig, K.O.R pa rin For Life!”
And with that, cinut ko na ang livestream and transmission ng radio booth ko as the on air sign dimmed at natapos na din ang isa na namang fruitful na gabi.
Bigla akong napakurap ng maalala ko na sahuran na nga din pala today kaya dali-dali kong chineck ang aking bank account sa app on my cheap but reliable Huwaei Y7 dali-dali at napangisi naman ako ng wagas when I saw nine hundred fifty thousand pesos na tumataginting na salary for this month alone kasama na ang advertising payment and deducted na ang tax and other monthly deductibles.
Nakakatuwa naman. Last year lang ay around half ang kinikita ko monthly, ngaun nadoble na thanks to the ever increasing listeners and in turn, big time companies na umuupa ng ad spots in between commercials ng Kyria Ang.
Balita ko kay Caileane, I am bringing a grand total of at least ten million pesos monthly sa company at kahit a tenth lang ang kaparte ko dun ay hindi na ako nagrereklamo.
Sabi nga ng friend ko, pareho na kaming hindi bibitawan ng kumpanya since kabilang na kami sa higher ranking DJs na nagdadala ng malaking pera sa mother company namin.
If I want pa nga daw, I can negotiate a better pay since never pa naman daw ako nag request ng pay rise simula nung nagtrabaho ako dito. Pero sinabi ko na lang na gagamitin ko iyon na huling alas if ever may kailangan akong ipakiusap sa upper management.
With a smile on my face, tumayo na ako sa aking kinakaupuan at kinuha na ang shoulder bag ko sa corner table bago umalis ng radio booth at tinahak na naman ang now already deserted hallway ng building save from several janitors na mga binati ko at nagsabi na tulungan na akong maglinis ang radio booth dahil pa isang taon nang hindi nagegeneral cleaning.
Biniro pa nila ako na baka nandun daw sa booth ko ang Yamashita treasure sa sobrang ayaw ko ipagalaw ang kwarto.
Naitabi ko na naman ang mga importanteng bagay, alam na nila na basta nagpalinis ako, lahat ng nakakalat wala sa kahon, deretso tapon na.
Pagkareport ko sa security guard ay nagsuot na ako ng reading glasses at dumeretso na sa isawan sa kabilang kanto para makabili ng hapunan.
Madaming fans na nag aabang sa labas ng K.O.R station at may mangilan-ngilang DJs na nakikipag meet and greet.
Friday and it’s allowed for fans to catch a glimpse and if they are lucky, makasalamuha ang kanilang mga idol radio personalities.
Binilisan ko ang singit sa mga nag-iiritang fans ni DJ Kurt, ang yummy gwapito na host ng Pogi Problems show na bentang benta sa mga teenage listeners.
Sinabi ba naman kasi ng damuho sa isang nagtanong kung nasaan ako na nandyan lang sa tabi-tabi at tumatakas.
Kaya ginawa ko nakiirit din ako habang naglalakad paatras para hindi ako mahuli bago umeskapo papunta sa kanto kung saan nakaparada ang favorite isawan ko.
Nung first year college pa lang ako at kakasimula sa K.O.R main office, dito lang ang takbuhan ko para sa cheap na pantawid gutom when barely pa lang akong nakakaraos sa aking expenses.
“Ate tatlo ngang isaw, limang dugo at dalawang kropek,” mabilis kong sangat after makaalis ng isang customer, “Palagay na lang sa plastic kasama ng suka. Thanks!”
Ngumiti ang matandang tindera at tumango na lang sa akin.
Kilala niya kung sino ako at ano ang trabaho ko. Her old radio is a dead giveaway na nagpapatunog ng mga kantang ipinila ko kanina.
Kaunting saglit lang ang pinaghintay ko at naibigay na niya sa akin ang order ko kapalit ng nakatuping isang libo.
Kahit anong orderin ko sa kanya, ever since ng nakaraos ako, pangako ko, isang libo ang iaaabot ko.
Madaming beses na pinapalibre niya ako noong gipit na gipit na ako so this is a small way of giving back ngayong ako naman ang nakakaluwag.
Nagpasalamat siya ng madami at kinindatan ko na lang ang mabait na matanda bago tumawid muli ng kalsada at sumakay na ng jeep papunta sa tinitirhan kong apartment.
Habang nakasakay ako sa siksikang jeep kasama ang ibang mga trabahador, napaisip ako bigla at napatingin sa cell phone ko to check the date.
May 31st...
Biruin mo iyon. Isang dekada na pala ako nandito sa Maynila at nakikipagsiksikan pa din sa jeep na overloaded ng pasahero.
Sampung taon na ang nakakaraan simula ng iniwan ko ang Laguna for greener pastures.
Who am I kidding?
More like tumakas sa nakaraan na hindi ko kayang harapin.
Ganoon ba talaga kasakit ang nangyari sa aking immature na puso for me to completely bury my past behind?
Ginapang ko ang sarili ko sa pag aaral nung college at nakagraduate naman ako with honors. Although there are times na parang alanganin na akong makapagbayad ng tuition at expenses.
Hindi naman kalakihan dati ang sahod ko at saktong-sakto lang sa daily at school expenses.
Well, to be fair, it may not be Versalia University pero isa sa mga kilalang schools ang pinasukan ko kaya napakamahal ng tuition fee. Hindi kasi ako naging panaya at umasa lang sa sure continuation employment ko daw sa K.O.R even after graduation.
Sa panahon ngayon, yes, even after the war, diploma pa rin ang sandigan ng lahat sa pag-aapply.
Mas magandang school, mas mataas chance makakuha ng matinong kumpanya na maghahire sa iyo.
Kaya against my better judgment, sinagad ko at ginapang ang pag-aaral ko sa school na iyon and it did bear fruit.
Nakahingi ako ng malaking pay raise sa amo ko at unti-unti akong umakyat sa corporate ladder ng K.O.R.
Hindi naging madali, to say the least.
Kahit pa sikat na sikat ang show ko, napakadaming nakikipag-agawan ng time slot para sa pinakamabentang golden hour.
Noong nasa Laguna pa lang ako, lagi nilang nilalagay sa five to seven in the evening ang Kyria Ang dahil iyon ang pinakamalakas na oras for listeners and advertisers.
Iilan lang naman kasi kaming DJ doon kaya hindi mahirap ishuffle ang time slots.
Pero sa headquarters, grabe ang labanan. It’s a real dog eats dog in the corporate world, no kidding.
Hindi pa nga ako nakaka second-year sa college ay naranasan ko na lahat ng pwedeng maranasan sa workplace scenario.
Backstabbing, betrayals, backers, red tapes, corruption at fake friends.
Kung hindi lang sa lakas ng show ko sa mga listeners ay matagal na akong napatanggal ng mga karibal ko dahil sa laki ng inggit nila sa akin.
Hindi nila matanggap na may isang dugyot, bata at basta na lang naka school uniform napasok sa trabaho bitbit ang isang malaking shoulder bag na punong-puno ng mga pwedeng ibenta sa eskwelahan without a care in the world, ay isa sa top ratings sa buong Pilipinas.
Kung saan-saan na nila ako pinatapong time slot. Five in the morning, two in the afternoon at ang worse ay ten to eleven in the evening.
Pero hindi pa din nila masapawan ang ratings ng Kyria Ang. Kahit anong oras at araw nila itapon ang show ko ay hinahabol at hinahabol pa din ng mga tagapakinig ko.
Mabuti na lang at may isa akong nakatuwang sa pahirap na ginagawa sa akin mga katrabaho ko.
Yes, si Caileane Jumawan, ang very sassy at butangerang transgender woman na mas masaklap pa ang dinaanan sa akin para lang makarating sa kanyang posisyon as one of the most popular radio personalities sa Pilipinas.
Tubong Bulacan, nagsimula siya bilang intern sa K.O.R station doon at after several missteps and bad decisions, according to her, ay nakaabot na siya sa headquarters kung saan mas malala pa daw sa swimming pool na puno ng pating at pulitiko ang eksena.
Super marginalized sya at wala halos nakikinig sa kaniyang opinion regarding her own show.
Power Fact Workout started as an honest to goodness fitness radio show na ang target ay mga maybahay at lola na gustong maging fit and healthy in the most fun way possible.
Pero mula nang malipat ang kaniyang show sa Maynila, nagi na lang itong more of a joke show than a fitness info show na binuo niya.
Mas mabenta daw kasi sa listeners mga baklang linya ay comedy kaya they used her as a glorified voice of a shameless trans woman pandering on the stereotypes of l***q+ sa mga tagapakinig.
Gusto na sana niyang magresign out of anger pero hindi niya magawa dahil nasa kalagitnaan siya ng transitioning at malaki ang perang kailangan niya to finish the procedure.
So she endured and finally, nung natapos na niya ang kanyang mga kagastusan and blossomed to a woman finally, nagsubmit siya ng kanyang resignation papers karakaraka at balak mag online performer na lang para less stress at hassle.
Noon lang narealize ng higher-ups na isa ang show niya sa top performing panghatak ng K.O.R kaya nakiusap sila dito na huwag umalis.
Pero she decided to one up them and demand for the complete return of creative freedom sa kaniyang show or lalayas siya permanently.
Pumayag naman agad-agad ang mga big bosses at sa wakas ay naibalik na niya sa kaniyang mga kamay ang pinaghirapan niyang show for years.
Through her ordeal, ako lang ang nag-iisang katrabaho niya na friendly at genuine concerned sa kaniyang wellbeing.
Kahit pa meron din akong sariling mabibigat na pasan sa aking work and school life, she never forgot those countless days na hinahayaan ko lang siyang umiyak sa sulok ng radio booth ko silently habang nag-iintay ng oras ng shift na kinakainisan niya.
Kaya nung ako naman ang nangailangan at siya naman ang nakaka angat sa aming dalawa, walang tanong-tanong o pasabi, siya na mismo ang sumisigurado na hindi ako mawawalan ng trabaho dahil talagang bentang-benta akong pagtulungan ng ibang radio show hosts.
Siya din ang naging way para mailagay ako sa five to seven in the evening time slot by first occupying the slot herself using Power Fact Workout’s clout to fish the position sabay declare after six months na ayaw na pala niya doon at walang ano-ano ay ipinasa niya sa Kyria Ang without the bosses even raising a complaint.
As I said before, kung sa plain numbers lang income, mas malaki ang inuuwi ko sa kaniya monthly pero kung sa lakas ng kapit, connections sa itaas at absolute number of loyal listeners, siya na ang mas lamang na lamang kaysa sa akin.
My targeted demographics are teenagers and young adults with ever changing tastes and inclinations samantalang si Caileane, mga middle aged women at lola na ang hawak kaya wala siyang problema sa stability.
With her help and plugging, mas umarangkada pa ang Kyria Ang to the point na nalampasan ko na siya in sheer number of listeners alone and income.
Pero wala siyang pakialam kahit nalalamangan ko na siya for she said, it was all according to her plan.
Para naman daw hindi mga hinayupak ang mga sikat na sikat sa ere. Iyong mga tao na pinabayaan lang noong walang-wala siyang matakbuhan para pagsabihan ng mga problema at sama ng loob.
Bagkos ginagawa pa siyang katatawanan at pinagtutulungan.
Ngayon, nasa kaniya ang huling halakhak at ginamit niya akong example to drive home the point na kung sana dumamay sila sa kaniya noon, katulad ko sana silang lahat na nagtatamasa ng blessings she shares to those who provided help and sanctuary when she needed it the most.
Isa na doon ang matandang isaw vendor na linggo-linggo ay binibilhan niya ng grocery at gamot para sa asawang bedridden na. Ilang linggo din kasing nakitira si Caileane sa bahay nito noong na-evict sya dahil sa delayed rent sa apartment na tinutuluyan niya kaya naging malapit na sobra ang loob niya dito.
Hindi ko din ba akalain na hindi lang magsusurvive si Caileane sa K.O.R, nag-thrive talaga siya to the point na malaki na ang stocks na binibili niya sa kumpanya through profit sharing.
Isa iyon sa dahilan bakit mas malaki ang sahod ko sa kaniya.
In normal situation, halos panghabol lang kami ng sahod pero ipinapasok niya sa kumpanya through shares ang half ng salary niya monthly kaya malakas din ang boses nito na pag umirit ay aabot sa tenga agad ng big bosses sa upper floors.
Gusto ko nga sana ding gawin iyon but she advised me that my future in financial world is not in this company.
Whatever that means.
Sinabi na lang niya na kung mag-iinvest din ako through stocks and shares, ay sa Philippine Stock Exchange na nga naman or sa real estates sa Versalia Island instead.
Now that I think about it, malaki-laki na din ang nakatabing pera sa mga bangko ko. Nakaupo lang doon at napakababa ng interest rate.
If gagamitin ko sa investments, baka mas lalaki pa without me even lifting a finger.
Matawagan nga si baks bukas.