Chapter 13

2722 Words
  “Ay shuta naman sis! Kaya pala ayaw na ayaw mo akong dalhin dito sa bahay mo!” entrada ni Caileane pagkapasok nito sa aking apartment at nagtaasan na to the highest levels ang kaniyang mga kilay, “Sa bodega ka pala naninirahan, kaloka!”   Napabuntong hininga na lang ako habang sinusundan ang aking kaibigan habang umiikot sa aking maliit na inuupahan twelve kilometers away from our workplace.   Admittedly, tama naman siya.   Bodega talaga ang datingan nito dahil napakadaming kahon sa paligid na naglalaman ng aking mga naipundar na gamit in the past decade na hindi ko naman nagagamit dahil nadelay na ng delay ang aking walang kamatayang “lilipat na ako soon” na drama sa buhay.   “Wala man lang purified water, ang alikabok, hindi naarawan mga unan at foam, tapos ang kama nasa gitna. Wala man lang lamesa o sofa. Pati t.v, ref, toaster, microwave, aircon at water dispenser. Susme sis, sa gripo ka lang ba nakuha iniinom?!”   Bumuntong hinga ako tumango nang finally ay natapos na siya sa kanyang inspection ng aking maliit na tirahan at humilata na sa kama in a picture perfect woke up like this pose, “Oo, qaqa. Kung di ka titigil sa pangmamaliit ng humble tirahan ko, papalayasin na kita, hype ka!”   “Ay hiyang hiya naman ako sis. No need mo na ako palayasin, ako na ang magkukusang flumay away dito sa bodega mo na kahit magnanakaw ay iiyak pag pinasok dahil walang maitatakbo!” balik nito sa akin sabay pa sexy pose ulit sa kama at kindat sa kanyang mamahaling iPhone for social media mandatory posts nya every hour, “Goodness gracious, sis! Ano na lang sasabihin ng mga sponsors ng Kyria Ang if they found out na dito ka lang nakatira, tapos priopromote mo ang real estates at condominium units nila! Ni kariton wala ka sa labas! Grabehan naman itong ate ghorl na ito! No wonder mas mayaman ka sa akin kasi wala pa ata sa apat na libo cost of living nayupak ka!”   Sumandal ako sa aking alikabuking pader at nagkibit-balikat, “Actually it’s just three thousand five hundred, baks. All in.”   “Grabehan ka, ghorl!” irit nito ng o.a sabay gulong sa aking kama at nagbalot ng kumot para magmukhang tapis, “Anyways, I am here to tell you nga pala na hindi tayo dederetso sa kakilala ko na investor mentor.”   Napakunot ang noo ko sa aking nakinig, “Hah?! Bakit naman?! Sabi mo dadalhin mo ako para mabigyan ako solid na financial advice!”   “Qaqa ka ba, sis? Dadalhin kita ng ganito ang assets mo?” tanong nito harshly sabay turo sa paligid ng aking bodega, “Hindi nga bahay na matatawag ito at ni pedicab wala kang maipapakita! Teh, hindi lang cash ang usapan sa investment. Kailangang meron kang prime assets man lang maliban sa show money. Ilang taon na akong pirated cd sa iyo sis eh. Sabi nang bumili ka man lang ng kotse at condominium unit na mahahalay. Iyong balak mo na real estate investment sa Versalia Island, nasaan na?!”   Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil lahat lang ng sasabihin ko ay nothing but wala.   Wala akong ginawa sa mga bilin niya at guilty na guilty ako.   “Hay nako, sis. I am so disappointed. Sayang naman mga pangaral ko sa iyo. Walang biro, nakakasama ng loob,” tahimik nitong sabi sa akin sabay tingin sa kisame, “Ilang taon akong paulit-ulit tapos ganito na lang ba tayo, sis?”   Napatungo na lang ako sa hiya at huminga ng malalim, “I’m sorry, baks.”   “So paano na yan? Nganga na lang ba tayo?”   Umiling ako as I try to appease my only workplace friend, “How about this, ikaw na ang magmanage ng kaperahan ko from now on, baks?”   “Huy, qaqa ka ba, sis? Hindi iisang milyon ang usapan dito. More or less two hundred million pesos ang nakasaksak sa mga bank accounts mo, bruha ka!” napaupong sigaw nito sabay tingin sa akin na parang nababaliw ako, “Ipagkakatiwala mo sa akin iyon? Natuluyan ka na bang mabaliwag?”   Napatawa na lang ako ng mahina at napapikit, “Hindi pa naman, sis pero when I think about it, hindi naman ako makakaipon ng ganoon kalaki na pera kung hindi dahil sa iyo.”   “Elesa...”   “So, ayan, from now on, ikaw na bahala mag manage at mag-instruct sa akin ng mga gagawin ko sa aking funds na as you said, nakatambak lang sa mga bangko doing nothing,” I said honestly that made her sigh in disbelief before nodding finally.   “Very well, ikaw na nagsabi niyan. Tutal, alas nwebe pa lang naman ng umaga at wala naman din ako lakad this weekend, simulan na natin ang pag-aayos ng financial health mo,” umalis na ito sa aking kama at niligpit ito like a pro bago lumingon sa akin at namewang, “So let’s start this day with a bang at dumeretso sa bilihan ng kotse para naman magkaron ka na ng first ever car mo, sis!”   Umiling agad ako as she grabbed my right arm at hinila na ako papunta sa pintuan ng apartment, “Teka lang, baks! Hindi pa nga ako bihis! Nakapambahay lang ako at hindi pa tuyo ang buhok ko!”   “Sira, ayos na iyan! Ako nga naka t-shirt lang at jogging pants na pambahay lang din!” tiningnan niya ang suot ko approvingly before grabbing my shoulder bag na napakalaki from the kitchen counter, “Hindi naman tayo pupunta sa gala o event, teh. Ok na iyang kupas mong blouse, gym short, tsinelas at reading glasses, very unassuming. After all, ayaw nating makilala, diba?”   Kumindat siya sa akin sabay suot ng kaniyang mumurahing shades at wala na akong nagawa kundi hayaan siyang kaladkarin ako palabas ng bahay ko papunta sa tabing kalsada.   “Nasaan ang kotse mo, baks?” takang tanong ko dito bago nagpalinga-linga at hinahanap ang shocking pink na ride nito.   “Wala, di ko dala at nasa carwash. Commute tayo for now, sis,” sabi nito sabay para ng dumadaang tricycle, “Kuya sa Lamborghini BGC. Pakibilisan.”   -0-   “Sa mueseum po ba tayo, uhm, maam?” Nagtaasan ang mga kilay ni Caileane ng makinig niya ang condescending way na pagsasalita ng automobile salesperson sa kaniya pero dahil kasama niya ako ay nagpigil ito at ngumiti na lang sabay iling, “No, nandito kami para bumili. Patingin nga ng mga bago ninyong models, thank you.”   Tiningnan muna kami nito mula ulo hanggang paa sabay tango meaningfully sa security guard na sumunod sa aming likuran as he guided us sa showroom kung saan napanganga na lang ako sa magagarang sasakyan na tiyak ay makabagbag-damdamin ang mga presyo.   “For future reference, maam, cash or credit?”   Nameywang ito sa nakakalokong lalaki at galit na sumagot, “Kuya, kung nandidiri ka tawagin akong maam ay sir na lang. O di kaya murahin mo na lang ako kasi ganun din naman ang dating ng boses mo eh.”   “Uy, sis...”   “Cash, kuya. Mukha ba kaming nandito para mangutang? Deputa talaga dito,” mura nito na nagpaatras naman sa kaharap niya, “Kung alam ko lang na ganito kabalahura ang mga tao dito to the point na pinasundan pa kami sa guwardiya eh sana nag order na lang kami sa abroad!”   Napalunok ang salesman at tumango na lang, “Yes, maam. I apologize. Please, mamili na po kayo ng model na magugustahan ninyo as I assist other customers.”   Umalis agad ito pero naiwan ang security guard na nakamasid na nakamasid sa aming dalawa habang nagsimula na kaming maglakad sa paligid.   “Pili na teh, may pupuntahan pa tayo after this sa Grand Hyatt Residences,” akmang magtatanong ako kung bakit pero binara na agad ako nito, “More choosing less talking, sis. My seventh sense is saying na mukhang madedelay tayo ng very light dito.”   Tumango na agad ako nang makinig ko ang kaniyang warning.   Ilang beses na ba ako naisave ng “seventh sense” nitong kaibigan ko ranging from flash floods at backstabber na katrabaho.   Nakita ko ang kotse na same model ng kay Caileane.   Napakagara at takaw tingin.   Ilang beses na ako nakikisakay dito pag naubusan na ako ng masasakyang jeep pauwi.   “Wag iyang Aventador, sis. Ano tayo twinning?! Pili ka ng iba!” lumapit siya sa kabilang aisle at tinuro ang swabeng sasakyan na smooth and slick, “How about this Huracan?”   Napailing ako ng makitang two seater lang ito, “Nope. Masyadong sikip. Hindi economical.”   “Oh, right, nakalimutan ko na kung makapamili ka ng groceries akala mo malapit na ang post-apocalyptic scenario,” sang-ayon niya sa akin sabay lingon sa kotseng nasa sulok, “Ay! Iyon, teh! Pakak para sa iyong hoarding tendencies!”   Tiningnan ko naman ang sinasabi niyang kotse at napangiti naman ako.   Hindi ko alam na may sport utility vehicle pala na binebenta ang Lamborghini.   Nilapitan agad namin ito at kinilig ako ng pinakita ni Caileane ang loob nito, “Ay grabe nga, baks! Perfect pag madaming kahon from groceries at pamamalengke! Ang laki din ng compartment at madaming pwedeng pagsiksikan ng gamit!”   “So, bet mo na siya, Elesa?”   Tumango agad ako, “Yes! Pero magkano kaya ito?”   “Elesa...”   “Okay, fine hindi na ako magtatanong price,” mabilis na sagot ko as she looked at my directiong irritably, “Tawagin mo na iyong si kuya ng maresibuhan na.”   “Good, mabuti naman at alam mo na saan ka lulugar pag kasama mo ako sa pamimili,” she said approvingly bago lumingon sa guard na nakabantay pa din sa amin, “Kukunin namin itong Urus. Graphite Capsule model. Black color, orange accent.”   He eyed us suspiciously bago sumagot, “Sumunod po kayo sa akin papunta sa mag-aasist sa inyo.”   “At bakit?! Mukha bang tatangayin namin itong napakabigat na kotse pag tumalikod ka at umalis?!” iritang saltik dito ni Caileane dahil sagad na sagad na kanina pa obviously ang pasensya niya sa admittedly ay buraot na customer service ng dealership na ito, “Siya ang papuntahin mo dito at i-assist kami sa aming purchase! Ka-haggard, mas mabuti pa serbisyo nung namili ako ng mga pamparemyong multicabs sa Suzuki. May pa starbucks pa habang naghihintay. Dito ni tubig man lang wala!”   Siniko ko ito sa tagiliran slightly at nagbaba ng boses, “Baks, calm down. Ang pores and wrinkles. Besides, ano pa ba ieexpect natin eh mukhang pupunta lang tayo sa talipapa sa ating getup.” Mabuti na lang din at umalis na ang guard at naiwan na kami na naghahanap ng upuan sa hindi kalayuan at naghintay na habang kinakausap ng guard ang salesman na nagwelcome sa amin kanina seriously sabay inis na turo sa amin.   “Ay talagang kaimbyerna, sis, naku!” reklamo nito sabay paypay sa mukha gamit ang kanyang mga kamay, “Kung alam ko lang talaga na ganito eh sa paresan na kita dinala at nag-order na lang tayo ng lambo dun sa pinagkuhanan ko sa Italy sa cell phone ko!”   “Ok na din ito, baks. Alam mo naman na gusto kong nakikita at nachecheck personally ang mga bibilhin ko diba?” alo ko dito sabay labas ng skyflakes at tubigan sa aking bag at abot dito, “Ere, kumain at uminom ka muna para hindi ka masyadong uminit pa lalo ang ulo mo.”   Mabilis pa sa alas kwatrong tinanggap nito ang mga inaalok ko at nagsimula nang lantakan ito angrily.   Nagkwentuhan pa kami ng mga twenty minutes at alam kong nawawalan na ako ng control sa aking kaibigan na ayaw na ayaw nag-aaksaya ng oras.   Hindi na kasi kami binalikan nung salesman at nung guard dahil iba na ang mga inassist nito na obviously ay mas mukhang may pambayad kesa sa amin pero funny enough, mga hulugan naman ang mode of payments. Kahit ibang mga empleyado ay inignore lang kami completely na parang hindi kami nag-eexist at all habang nakaupo sa mono block chairs na nakuha namin sa sulok na obviously ay tapakan at patungan ng janitor sa paglilinis ng mga bintana sa tabi ng kotseng bibilhin sana namin.   After an hour ay sumuko na akong rendahan ang katrabaho ko at hinayaan na itong kaladkarin ako pasugod sa information desk as she turned on her “Karen Mode”.   “Can I speak with your manager, please?” magiliw na tanong ni Caileane sa admittedly ay may pagka-mahadera ng kauntian, “Preferrably someone who can provide us with better sales support, thank you.”   Umiling ang bruha at ngumit ng nakakaloko as she looked at us from head to foot bago ngumisi, “I’m sorry but our branch manager is at an important meeting as we speak. You can come back at another date, if you want.”   “Hindi ba halata na nandito kami ngayon para bumili? Bakit babalik pa kami sa ibang araw eh eto lang ang bakante namin?!” matalas na bwelta ng kaibigan ko na nagtaas na ng boses, “Hindi naman ako manhid at tonta para hindi mahalata na isang dosena nang customers ang na-assist ninyo eh kaming nagbukas ng tindahan na ito ay hindi pa nafofollow up ang purchase namin. Is this the level of your customer service and sales conduct?!”   Pakunwari ay pahumble ang babae, “Maam, please daanin po natin ito sa mahinahong pag-uusap.”   “Mahinahon kamo?! Ikaw kaya ang garapalang hindi pinapansin at minamata hihinahon ka pa? More than an hour na kaming nilalangaw dito eh first customer kami na pumasok after opening?! Anong petsa na?!”   Bago pa makasagot ang pesteng babae ay biglang lumabas mula sa isang room ang grupo ng mga naka suit and tie na businessmen and women na mukhang mga excecutives sa tindigan.   Madami na din naman kaming nakasalamuha ni Caileane na mga C.E.O, board members at big bosses ng mga kumpanyang nakikipagmeeting sa amin para makiusap na iadvertise namin ang kanilang mga products.   Ang ilan dito ay pamilyar sa akin.   After all, wala pang kalahating taon after ko silang makausap.   “Is there a problem here?” tanong ng high ranking excecutive na lumapit sa aming dalawa.   Amerikana ito at very imposing yet I know na madali naman kausap at respectfull. “I deeply apoligized for the scene, Madame Chairwoman,” mabilis na sagot ng impakta sabay tingin sa amin na naninisi, “These “customers” are making a ruckus out of nothing. I am about to call the gaurds to escort them outside the company premises.”   Pero umiling ang chairwoman at lumapit sa aming dalawa, “Nonsense. There is no such thing as an anger out of nothing. I am Kesha Rose and Chairwoman of Lamborghini Asian Division. My ladies, I can see in your disappointed expressions that your Lamborghini experience is less than satisfactory and I am willing to correct that. Please, tell me your concern and let me help.”   “Kaloka, english sis. Naku, di ko keri duguin ang nose today! Sub na!”   To our surprise, ngumiti ng malapad ang kaharap naming bigatin, “I may not look like it but I can understand seven languages easily. English, Itallian, Nihonngo, Korean, Mandarin, Tagalog and Swardspeak. Just don’t expect me to speak them fluently, that is.”   “Ay, bongga naman pala itong si madamdamin!” exclaimed ni Caileane bago nagsalita na ng mabilis in the language she knows best, “Eh taroosh naman kasi ereng mga giralaloo ditey. Kalurkey ereng mga chuwariwaps mo, makahusga kala mo mga taga supreme court! Aba, watashi and my sisterette here make entrada very early tas nganga sa aruga habang nagbubuysung! Crayola na lang ba us?! Pumasok waley tsikot pagflyaway waley din? Anech na, madamdamin, mouth open open na lang ba itey?!”   I tapped the back of my friend as she released her pent-up stress sa talaga namang sub-par customer service na natanggap namin dito.   One will obviously expect na mas matino ang pakitungo sa amin dito dahil hindi pipisuhin lang binebenta nila.   Kung nasa high-end establishment ka, siyempre automatic na iisipin mo maharlika din ang pakitungo sa iyo, diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD