“Teka lang Ms Momol, lilinawin ko lang ha, at parang hindi tama iyong pagkakaintindi ko. Ang pinoproblema mo eh kung ano ang mas masaklap na scenario para pagpyestahan ka ng mga kapitbahay mo. Ang magmukhang tanga dahil sa kakahintay sa jowa mong makati na pinabili mo lang ng suka sa kanto eh mukhang nakisawsaw na tuluyan sa iba o iyong wala kang pambayad sa mga paparating mong orders from Lazada at kilala ka nang t.n.t which is tago ng tago sa mga deliveries? Did I got that correctly?” Humikbi iyong kausap ko sa kabilang linya na parang magugunaw na ang mundo sa bigat ng kaniyang dala-dalang problema. “Opo, DJ Kyria. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi naman ako malakabas ng bahay para hanapin siya dahil baka biglang dumating yung mga deliveries,” naiiyak na sumbong nito sa

