“Paki-abot nga nung bagoong, baks, thanks!” Inabot naman ni Caileane ang hinihingi ng bisita ko agad, “Ere, magsawa kang shuta ka. Para kang pasal na pasal sa pagkain, sis! Naku po!” “Gaga! Walang ganito sa Scandinavia! Laging ubos!” Nagtaas ng kilay si baks sa prinsesa na kinamay na ang bagoong at pinahid sa kangkong agad agad, “Chusera two! Don’t tell me iyong mismong Imperial Family hindi makasecure ng bagoong?” “Oo, qaqa! Grabe naman kasi iyang presidente ninyo! Makarequest ng bayad kala mo gawa sa ginto ang mga condiments galing Pilipinas!” bwisit na tugon nito after makanguya, “Eh dati naman mura naming nakukuha kasi preferred trading partners kami since after the war tas susme, anyare na Pinas?! Hindi lang kami pumayag na magbayad ng lagay ginipit na kami sa bagoo

