“May kailangan ka ba?” ingat kong tanong sa lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon. He really looks imposing and hostile to me, “May ipapagawa ka ba or bibilhin sa akin?”
Huminga sya ng malalim bago iniabot sa akin ang kanang kamay nya, “Kahit suki mo na ako since second year, hindi pa ako nakakapagpakilala sa iyo formally. Lysander Siguion,” magalang na pakilala nito sa akin using a voice I never heard from him before.
Ingat kong inabot ang kamay nito at kinamayan sya quickly before letting go of his rough hands na halatang ilang beses nang tumama sa mukha ng mga nakabangga nya o ng pader.
“Elesa Villarin,” tugon ko sa kanya without lowering down my guard, “So, may kailangan ka ba?” ulit na tanong ko dito as I watched him trying to smile at me na halata namang hindi sanay ang mukha nya sa ginagawa nyang pag ngiti, turning his forced smile to a sneer instead.
Pero ang isang tulad ko na ilang libo nang mga tao ang nakausap at nakadaupang palad ko sa aking mga raket ay tyak maaamoy na may kailangan ito sa akin.
After all, kaya lang naman ako nilalapitan ng iba dahil may kailangan sila sa akin o may gustong bilhin. Nobody notices my existence until they needed something from me.
He really looked weird as he tries to look for words to say to me.
Lalo akong nagduda…
“Ah ano kasi. Baka pwedeng…”
“May project ka bang ipapagawa? Actually, madami na akong inaasikaso para sa mga college students pero dahil suki na nga kita, isasangat ko. So ano iyon?” dugtong ko sa sinabi nya ng parang nakalimutan na nya ang kanyang sasabihin dahil hindi na nasundan ang kanyang inimik sa akin.
Napakurap ito at umiling bago kinamot ang likod ng kanyang ulo at napangiwi. Now this is new. In two years na business relationship namin, kadalasan ay ang mga kaibigan nya ang kumakausap sa akin para ipanggawa sya ng projects or may bilhin sa akin.
Napakadalang ang mga pagkakataon na ito mismo ang naharap sa akin para may ipagawa. Kadalasan ay sa bayaran ko ito nakikita dahil sya mismo ang nag-aabot sa akin ng pera.
Bumuntong hininga na lang ako ibinalik ang tingin ko sa aking laptop at nagpatuloy na sa pagtatype, “Hindi ko alam kung may sakit ka or this is one of the pranks of your friends kaya ka nagkakaganyan,” simula ko dito nang maalala ko ang ilang beses na pinagkatuwaan ako ng mga atig at immature nyang mga kaibigan, “Pero I’m really busy as you can see. Kung wala kang ipapagawa o sasabihin, please let me work in peace.”
Wala akong pake if I sounded rude or anything pero crunch time na para sa akin.
Hinohoard ko na ang lahat ng mga raket at sidelines sa school na pwede kong pagkakitaan. Hindi ko kasi alam kung aabot ba ang naitabi kong pera these past few years para pakainin at paaralin ako sa college after graduation for two semesters.
“Pwede ka bang maging kaibigan?”
Napatingala ako kay Lysander na seryosong-seryoso ang pagkakatingin sa akin.
Ok he is really weirding me out.
“Look hindi ko alam talaga ano nakain mo…”
“Just answer my damn question. Pwede ka bang maging kaibigan?” putol nya sa sinasabi ko bago nya ako tiningnan as if his life depends sa isasagot ko sa kanya.
Itinupi ko ang aking netbook and for the first time since he stood in front of me ay ibinigay ko ang aking full and undivided attention.
I have a habbit of putting value on things and I know it’s wrong pero pati sa tao. Sa isang tulad ko na lumaki na salat sa pera at nakita kung paano unti-unting nilamon ng sakit ang nanay ko bago sya mamatay dahil walang pera pampagamot, tumatak sa mura kong isipan ang katotohanan at realidad na sa mundong ito, lahat ay may halaga.
For me everything has its corresponding monetary value.
Mapabagay ka man o tao, sa aking mga mata pareho lang kayo. Jinujudge ko kayo not on how you look, act or feel but according to your value to me. Kung wala akong pakinabang sa iyo, then I will give you the same treatment my classmates do to me.
Yung papansinin ka lang pag may kailangan sa iyo na ikaw lang ang makakapagsatisfy.
And right now habang tinitingnan ko si Lysander, I know that he meant what he said.
“You’re seriously asking me to my friend, huh?”
Tumango naman ito at bumuntong hininga, “Hindi ako tatayo dito at magmumukhang gago sa harap mo kung hindi ako seryoso. And no, this is not some kind of a prank or bet or anything, Elesa.”
“Fine. Sure, you will be my second friend,” sagot ko dito after finally admitting to myself na seryoso ito.
After all, hindi ito ang tipong tulad ni Drayden na sa sampung sinasabi sa iyo, isa o swerte na kung makadalawa doon ang hindi joke o prank.
Ngumiti naman ito ng kaunti ng marinig nya ang aking sagot, “Great. So second means I’m after your jock best friend?”
“I don’t know about the best friend part but if you are referring to Drayden, then yes. Actually sa high school life ko, dalawang tao lang ang nagtanong kung pwede akong maging kaibigan. One is at the beginning of my first year and second is when my fourth year is about to end,” I said musingly as he sat down besides me sa bench na kinauupuan ko at binuksan ko ulit ang aking laptop.
“You don’t sound pleased at all when I asked to be your friend though.”
“Dahil kaya lang naman ako kinaibigan ng nag-iisa kong kaibigan ay dahil may kailangan sya sa akin. Ang maging baggage checker ng mga babaeng nabibingwit nya, minsan chaperone at kadalasan ay tagasalo ng topak nya na hindi nya ata mailabas sa iba,” I said wearily as I continued my typing, “If my deduction is correct, may kailangan ka din sa akin na hindi pwedeng pabayaran ko. Am I right?” I asked him directly without taking my eyes off the screen of my laptop.
“As expected, napakagaling mong mag observe,” natatawang sagot nya sa akin, “But you’re right. I needed something for you that I can’t outrightly bought without looking like a complete s**t as a person.”
Nagkibit-balikat na lang ako, “Hindi ako makakatagal sa ginagawa kong sidelines at raket kung hindi ako magaling mang-obserba ng iba. Though, I would’ve prepared if you just tell me what you needed lalo na’t alam ko na may ibabayad ka. Hindi naman ako klase ng tao na sobrang taas ng dignidad at moral. As long as the price is right, legal at walang sinasagasaang iba, game ako. So what do you need from me?”
“I needed someone to talk to…”
Napatawa naman ako sa sinabi nya bago ko sya nilingon, “Alam mo kung yan lang pala ang kailangan mo sa akin, nagpabayad na ako. Joke man sa iba ang “Eto ang piso humanap ka ng kausap mo”, pero kung kailangan mo makakausap, mabibili mo ang oras at tenga ko. Pero hindi lang pipiso ang sisingilin ko, though.”
“Why would I pay for something that you give freely to your friend?” balik tanong nya sa akin na nagpataas ng kilay ko.
This guy in front of me is really piquing my interest, “I admit, you are way smarter than you look.”
“So you are stereotyping me just because mahilig ako makipagbugbugan?”
“Honestly, yes.”
Tumawa ito ng malakas na nagpalabas lalo ng kagwapuhan nito, though unlike Drayden’s bright laughter, may pagka cynical ang tawa nito that gave him a much edgier aura fitting for a guy of his caliber.
“Elesa, please. Huwag mo akong igagaya sa jock friend mo. I am not as dense and insensitive as as he is,” meaningful na wika nito sa akin, “Besides, ikaw yung tipong hindi nakikipag-usap sa isang tao na wala ka namang napapakinabangan o pinagkakaperahan. If your jock friend is using you just to be a glorified baggage checker and chaperone, why stick with him? Do you like him or something?”
Napahinto ang mga kamay ko sa pagtipa at napakurap ako sa sinabi nya. Never before in my life someone asked me this kind of direct question. Well there should be no surprise, aside from my casual exchanges with Drayden, sa lahat ng ibang nakakausap ko sa aking buhay ay binibigyan ko ng formal business conversation.
Do I like him?
Thankfully he didn’t ask if I love him. I would’ve been forced to say yes.
“No. I don’t like him. Sa lahat kasi ng mga tao na nakilala at nakakasama ko dito sa school, sya lang ang taong lumalapit sa akin ng kusa kahit walang kailangang ipagawa o bilhin. He is the only one here na nagpaparamdam sa akin na nag-eexist din ako. That’s the reason why I endure his crazy and idiotic antics when he is around me. For without him noticing me, iisipin ko hindi na ako nag eexist sa same earth na ginagalawan ng mga tao sa paligid ko dahil out of touch na ako sa reality ng normal life as a whole…”
And then, Lysander smiled at me a little, “You know, now that we’re friends, you can ditch him entirely.”
“I can’t. As idiotic as he is, he is still the only friend I had for years. Hindi ko ganun na lang basta-basta itatapon ang pagkakaibigan namin just because I made a new friend that looks more tolerable than he is,” I snapped at him.
“You consider him your friend. Ang tanong, kaibigan ka nga ba sa kanya?” he snidely asked me.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya, “Are you implying something?”
“One sided friendship exists. Mukhang hindi naman kaibigan ang turing nya sa iyo. You, with all your deductive prowess should’ve noticed it ages ago. Iba ang pagkakaibigan sa pakinabangan,” he said seriously.
“Did you just befriended me just to make me miserable?”
Umiling ito at tumayo bago ginulo ang aking buhok, “Wouldn’t dream of it. When I approached you, my intentions are clear. Gusto ko ng kaibigan na makakausap ko ng seryoso and you fit the role perfectly. How about him? Did you asked him even once after all these years kung kaibigan nga ba ang turing nya sa iyo?”
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Lysander sa akin.
“Ano naman ang pakialam mo sa personal kong buhay?” inis na tanong ko dito. He pushed exactly the right button to make me lose my cool and temper.
“I care for my friends. I am loyal to them; you are one of the few that I can call friends. Almost three years na kitang kilala. I admire your shrewdness and resolve especially your monstrous multitasking skills. Nagsisisi nga ako ngayon lang ako nagkalakas ng loob kaibiganin ka because believe it or not, I found you rather cold and imposing, but hey. Better late than never,” anya sa akin sabay tango, “I have to go now but expect me to drop by once in a while. Laters!”
Tumakbo na ito palayo sa akin papunta sa kanyang grupo na naghihintay sa kanya sa hindi kalayuan.
Naiwan akong naguguluhan at naiisip ang mga sinabi nya sa akin about Drayden.
Does he even treat me as his friend?
Or he is just like me when it comes to dealing with other people I don’t consider as a friend?