“Nagbabalik na naman ang nag-iisang Dukesa ng mga kiri at paasa! Ang poon ng mga bitter at pafall! Walang iba kung hindi ang inyong abang lingkod na nagmamaganda pero pangit talaga, ang Kaisaisang Youngest Royalty Ilusyunada Announcer Duchess Jockey Kyria na handang bulabugin ang inyong tahimik na sabado para magkalat na naman ng kapaklaan at walang kwentang istorya mula sa aking inaamag na banga! You are listening to K.O.R 101 For Life! Wala pa akong maisip na topic ngayong gabi kaya pakinggan ninyo muna ang Tukso by Eva Eugenio! Walang aangal! Alam ko bukas pa ang linggo pero pake nyo? Kayo na lang kaya dito sa Kyria-Ang?!” masayang entrada ko sa aking show sabay play ng kwelang tawanan at sinunod ko na ang Tukso mula sa aking playlist.
Nabubuhayan talaga ako ng dugo pag nandito ako sa aking booth. Here hindi ako nahihiya na mag-ingay, ang mag-salita ng kung ano-ano at umiwas magsalita ng ikakagalit ng iba. Here I am free to say what I want without fear na may maooffend ako. Libreng libre akong tirahin ang mga ginagawang kaewanan ng mga schoolmates ko at ilabas ang aking sama ng loob in forms of satirical advices and talks.
Besides, eto yung sideline na maganda ang bayad for just two hours a day at pwede pa akong magsangat ng ibang mga raket ko habang nagwowork like right now, nanggagawa ako ng mga beads bracelet na inorder sa akin ng kaklase ko dahil nagustuhan daw ng ate nya at isasama sa pang giveaway sa kasal.
Fifty pieces ang inorder at nakaka fourty five na ako. Isang buwan ko din itong tyinaga at kahit habang nag rereview ako o nakain ay ginagawa ko pa rin. Sa Monday na ang deliver nito kaya binabayani ko na ang panggagawa.
“At nagbabalik kahit walang may gusto ang nag-iisang Duchess Jockey ng radio, ang nag-iisang ako, Kyria, ang maghahatid ng isang topic na hindi ko pinaghandaan, lalo’t higit, pinagisipan, barabara na lang inilibas ng aking maduming utak. Pero bago ko i-reveal ang juicy topic natin for tonight, let me just go ahead and greet Mr. Heterochromia na nakatutok lagi sa Kyria-Ang since goodness knows when?! Simula nung mga early days ko, oo nung young, fresh at virgin pa ang ilong ko,” plinay ko ang torotot kasunod ang palakpakan, “Kakatext lang nya at sinabi nyang lagi nya akong inaabangan tuwing seven ng gabi kasama ang kanyang nanay, ninang at kapatid! Aba may kapatid ka pala? Hala sya idamay mo na lahat ng kaanak mo at kakilala at hakutin mo sa pakikinig sa aking pinagsasasabi gabi-gabi! Shout out kila Oleg, Ressy at Flower na taga Olonggapo, kila Pats and Amiel from Quezon Province, hi daw kila mamee at daddee na nakikinig ng Kyria-Ang at kay Ludwig na taga Tomas Morato na kasalukuyang namamasada! Manong Ludwig wag kaskasero ha ng hindi madali… Choz!” masaya kong wika sabay play ng masigabong tawanan effects at ibinaba ko na ang station cell phone at nagpatuloy sa panggagawa ng bead bracelets.
Kumaway ako sa dumaang mga co dj ko na nakaway sa akin through the huge window ng booth ko bago nagpatuloy, “Anyways alam kong init na init na kayong malaman ang iniipit kong subject ng kinabwisitan ngayong araw na ito. Shout-out sa mga myembro kulto ng mga pa-fall dyan! Alam kong ako ang sinasamba ninyo pero dahan dahan naman sa mga babae o lalaking walang pakundangan sa mga linyahang, “Don’t be afraid, I will be here to catch you, babe,” pero pag nahulog ka na isang malamig at matigas na sahig lang ang mararamdaman mong sumalo sa iyo! Mga ulol! Mag ayos nga kayo! Paano ninyo nasisikmurang paasahin at paibigin ang isang tao kung hindi nyo din pala mamahalin ng tunay, wagas at dalisay forever and ever magpakailanman hanggang sa dulo ng walang hanggan mamatay man si Cardo, peksman?!” inis na sabi ko sa microphone sabay simangot.
“Naku kayo talagang mga ginagawang past time ang pagtatapon ng mga gasgas na mga pick-up lines at mga hugot na galing pa ata sa mga kwento ni Lola Basyang para lamang makitang halos mangisay na sa kilig ang mga pinagsasabihan ninyo ng mga linyahan ninyong pulpol dahil alam ninyong may effect! Honestly, ano bang klase ng maitim na ligaya ang nakukuha ninyo sa ginagawa ninyong yan ha?!” inis na tanong ko sabay baba sa bead bracelet na ginagawa ko at inalala si Drayden at ang kanyang walang tigil na pagpapacute sa akin, “Kunwari kakaibiganin ninyo tapos magshashare kayo ng mga malulungkot na istorya ng pang iiwan kuno sa inyo ng mga exes ninyo para makuha ang sympathy at awa ng target ninyo then sasabihin ninyo mas duguan pa ang mga puso ninyo kesa sa monthly period ko?! Mga gunggong! Ano ba ang tingin ninyo sa mga biktima ninyo mga laruan?! Iiwan matapos angkinin at pagsawaan? Eto lang ang masasabi ko sa inyo straight from Imelda Papin herself! “Hindi Ako Laruan”! Oo nakikinig ka pa rin kay Duchess Kyria’s Kyria-Ang ng K.O.R 101 For Life at hindi pa linggo pero trip ko lang magpaulan ng mga kantang magpapabangon sa mga lolo at lola ninyo sa hukay! Charaught!” nag fade ang boses ko sabay pasok ng makapanindig-balahibong hugot na kanta ni Madam Imelda decades ago para patamaan ang mga kalahi ni Drayden.
Ipagpapatuloy ko na sana ang aking ginagawa pero biglang pumasok sa booth ko sila DJ Marcus at DJ Fasha na may mga dalang pagkain.
“At dahil umaariba na naman ang ratings mo Elesa, tanggapin mo ang alay ng K.O.R na favorite Beef Wanton Mami mo from Chowking,” masayang sabi sa akin ni Fasha na host ng nightly Love Q & A at ang direct superior ko dito sa K.O.R, “Kainin mo na habang mainit pa!” utos nito sa akin sabay turo sa pagkaing inilapag sa aking table.
Napangiti na ako at nagpasalamat, “Thank you pero hindi pa ako nangangalahati sa show ko.”
“Naku ikaw pa? Kayang kaya mo ngang magbalot ng yema at pulboron on-air, kumain pa kaya?” wika naman ni DJ Marcus, ang brach head ng station at ang mabait na nag-interview sa akin at tumanggap noong naligaw ako sa isang job fair kung saan nagtitinda ako ng meryenda sa mga aplikante.
On break ito sa pang-iinterview at inalok ko ng pancit habhab at coke nang nakita kong naghahanap ito ng makakainan.
Nakakwentuhan ko ito ng saglit at ng malaman nya na gusto ko ding magkaroon ng stable sideline ay pinilit nya akong mag apply sa kanilang company.
Medyo iwas pa ako nung una at hindi ko sigurado kung seseryosohin ko ang sinabi nya pero nakaladkad na nya ako sa kanilang pwesto at pinag try out na ako.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa harap ng microphone pero sinabi lang nya sa akin na magkwento ako ng mga normal na nakakatawang naeencounter ko sa aking pagtitinda at school life. Kaya iyon, na coax nya ang inner palengkera ko under my silent and serious façade at sa batang edad na fourteen years old ay naging isa if not ang pinakabatang DJ sa company or sa airwaves ng Pinas.
Si Aling Tere ang pumirma ng consent ng guardian ko for me and the rest is history. Lampas two years na akong nagwawala dito sa K.O.R at thankfully ay hindi pa ako tinatanggal and may natutuwa pa sa aking kung ano-anong pinagsasasabi every night except Sundays.
“Sige na nga DJ Marcus. Titirahin ko na ito habang kumukuda sa ere,” sabi ko dito sabay tanggal ng takip ng lomi at inamoy ang aroma nito, “May raise na ba ako?” habol na biro ko sa kanya na nagpatawa sa dalawa.
“We will talk about it pagkagraduate mo. To be honest, sa sobrang consistent ng high ratings mo, mas madalas ka pang makakuha ng raise kesa sa amin ni Marcus!” natatawang wika ni Fasha sa akin.
“Eh hindi naman kasi ako full time kaya ok lang ako magka-increase,” ungot ko sa kanila na nagpailing na lang kay Fasha at itinuro ang microphone sa harap ko.
“Overtime na ang commercials mo. Mag-on air ka na Elesa. Plug mo na din shows namin mamayang gabi! Love your topic as usual!” masayang sabi nya sa akin bago sabay na naglakad silang dalawa palabas ng booth ko.
Huminga naman ako ng malalim at nagsimula na ulit ako sa aking pambubulahaw, “Ayan na nga nagbabalik ang nag-iisang Dukesa ng mga alaskadora, DJ Kyria ang babaeng magdadala ng bwisit sa inyong payapang gabi para ipaalala na ang topic today ay ang mga lalaki at babaeng serial killers ng mga pusong uto-uto! By the way kung may reklamo kayo sa aking show, maaaring abangan nyo na lang sa show ni DJ Marcus mamayang nine thirty, ang Sumbong mo Areglado at kung sakaling may gustong malaman kung may lovelife ba ako o wala, hintayin ninyo ang show ni DJ Fasha na Love Q & A! Pero ayusin mo ang sagot mo DJ Fasha dahil pag hindi ko nagustuhan ang sinabi mo, hindi na kita sasamahang maghanap ng mga gwapo sa Ermita, chos!” pasimpleng plug sa shows ng mga amo ko.
“Anyways, back to our topic, nawa’y taimtim na napinakinggan ng mga pa-fall na iyan ang banal na kanta ni Madam Imelda Papin na naging takbuhan na ng mga nasasawi at natatapakan ang mga fragile hearts since nineteen forgotten! Hello naman sa mga babae at lalaking umasa, nasaktan, umasa, nasaktan, umasa, nasaktan at umasa at nasaktan ulit ng paulit-ulit at dinaig pa ang mga natalong pirated vcds na paborito kong dayuhin sa divisoria, aba’y gising-gising din pag may time! Pinaikot ikot ka na nga ng ilang beses eh mukhang masyado ka na atang naligayahan at kinareer mo na at isinabuhay ang pagiging taong gulong mo! Hindi ka na nadala! Ginusto mo na ding masaktan at ilang beses paasahin all over again! Kahit alam mong niloloko ka na sige ka parin sa kaguguhan at ilusyon mo na in the end sasaluhin ka na finally! Mga ka K.O.R For Life, please naman, pelase matuto naman tayong madala at matuto! Dahil sa inyong pagiging masokista sa lovelife ay hindi maubos-ubos ang mga pa-fall na mga iyan eh!” inis na pangaral ko sabay kuha sa bead bracelet na tinatapos ko after kong humigop ng sabaw.
Eksaheradang bumuntong-hininga ako at nagpatuloy sa aking litanya, “Kayong mga nagrereklamo na kesyo “huhubells nasaktan ako. Sad is me na… huhuhu” wala kayong dapat sisihin kundi ang mga sarili ninyo! Fool me once shame on you, fool me twice shame on me pero kung nagpangatlo, nagpang-apat at nakapanglima ka nang beses AND counting eh dear, pakiusap, kailangan mo nang pumunta sa pinakamalapit na simbahan at itanong mo sa attending priest kung pwede ka bang bigyan ng matinong advice, pabuhos ka na din ng isang drum na holy water while you’re there! In the end, you brought these upon yourselves, now all you can do is watch your heart pay for your idiotic mistakes! Walang manloloko kung walang magpapaloko! Break this vicious cycle of falling for nothing and save yourselves from heartahes! Isang linggo na lang February na, baka hindi na umabot ng araw ng mga pula ang iyong mga puso!”
Napatingin ako sa wall clock at malapit na pala akong maovertime. Nag fasttrack bati na ako sa mga nagmessage sa akin through text and f*******: bago i-close ang aking show.
“Muli, ito ang Kaisaisang Youngest Royalty Ilusyunada Announcer, Duchess Jockey Kyria ng Kyria-Ang nagiiwan ng mga katagang “Malapit na ang Pebrero, tawagin na lahat ng mga maligno at nuno at ipanalangin na sana mawala na sa kalendaryo ang araw ng mga puso at automatic marso na!” See you on Monday night, same time, same station, K.O.R 101 For Life! Tata!”