Wala pa akong isang araw sa kung saang parte ng impyernong ito, nangangati na ang mga paa ko sa pag-alis.
Bakit naman ako mananatili? Wala akong planong magtagal dito sa Pilipinas at wala sa plano ang ma-kídnap at manatili sa lugar na ito kasama ng demonyong si Alfonso!
Wala pa nga akong dalawang buwang nakakabalik dito! Ahma told me to create designs for the newest collection of Liu's jewelries! The task is important kaya nga sa halip na sa China, dito na rin ang engagement namin ni Lucas. Kasabay niyon ang mas matibay na partnership between the Lius and Tans. And Alfonso just ruined all of that!
And damn him again for making my stomach growl because of hunger! Alas cuatro na ng hapon base sa wall clock. Hindi ko kayang sikmurain na kumain kasabay n'ya at hindi na rin ako lumabas mula pa kanina!
Kagigising ko nga lang dahil natulog na lang ako! Natulog akong galit na galit, nagising akong nagngingitngit pa rin sa galit!
I stood and went towards the huge window. I'm not that familiar with woods and whatnot but I knew the core materials that were used in this room. Probably the whole house. Molave, Narra and Teak—those trees produces high quality woods.
Even made of woods and bamboos, the whole house probably cost millions. Well, what should I expect? Hindi na ako magugulat kung pag-aari ni Alfonso ang bahay na 'to!
I caressed the window. Katulad ng ibang parte ng bahay, it has a touch of both modern and classical style, making it more elegant. Kung may bahay mang nakaka-intimidate, ito na 'yon.
If only I'm here for vacation.
I scoffed. Hinayaan ko na ang ganda ng silid. Ang kailangan kong gawin ay ang tumakas dito. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung magagawa ko bang makaalis pero kailangan ko pa ring subukan.
Tinalikuran ko ang bintana at muling pinasadahan ang kabuuan ng silid. Kompleto sa gamit, ang queen size bed in Victorian era style, a large wooden closet sa pinakagilid, mayroong malaking salamin na nakadikit sa dingding na katabi lang ng isang vanity table, may coffee table na pangdalawang tao. Bukod sa mga iyon ay wala na. Oh, the room has its own bathroom, too! Hindi 'yon ganoon kalaki, a cabinet for toiletries, sink, toilet bowl and shower. Wala man lang jacuzzi!
Inirapan ko na lang ulit ang silid. Kanina ko pa pinag-iisipan kung anong silbi ng mga iyon sa pagtakas ko pero wala naman.
I eyed the huge closet. Well...
Lumapit ako roon at chineck ang laman niyon. Malinis at walang laman. But not the last drawer. Malaki iyon at puno ng mga blanket, mattress cover, pillow cover and such. Lahat ay puti.
I went to the doors and locked it. Mabilis kong inilabas ang mga kumot at maging iyong ibang mahahaba na hindi ko alam kung ano. Itinali ko ang bawat dulo ng mga iyon.
A small part of my head is laughing at me, calling this idea stupid. Well, that's understandable. This is a familiar scene from dramas and movies. Wala akong planong gayahin ang mga iyon pero wala rin akong choice.
This is really a bad idea but who cares? I really want to get out of this damn place.
Mahaba rin ang nagawa ko. Hindi ko na alam kung gaano kadami ang nagamit ko pero mas mabuti na rin 'to.
I eyed the clock. It's already five thirty in the afternoon. Pababa na rin ang araw at kailangan kong makaalis dito bago pa tuluyang dumilim! I'm not even familiar with this place, damn it!
Bumalik ako sa bintana at naghanap ng puwedeng talian ng dulo ng kumot.
I smirked when I saw one. Molave ang kahoy, matibay 'to! I tied the end of my blanket rope to the wood tightly. Siniguro ko pang maayos ang pagkakatali ko roon!
Muli kong sinilip ang tanawin sa labas ng bintana. Wala akong nakikitang ibang tao. Mataas ang silid na kinalalagyan ko, maybe in third floor, kaya siguro ay walang naliligaw sa ibaba.
Slowly, I let the blanket rope fell. I almost cursed when it dropped down on the ground. Mahaba na pero hindi pa rin umabot! Mabuti na lang at mukhang kaya ko namang talunin iyon!
"Alright, Corrine... you need to do this..." I cheered on myself. "You can do this..."
I brought the chair and used that so I can reach the window. Mataas pala ang bintanang 'to! Sandali ko pang sinubukan kung matatanggal ang pagkakatali ng blanket pero mukhang matibay nga!
I smiled as I went down. Hindi pa nga lang ako nakakaisang metro ng baba nang may kumatok sa pinto!
Bullshît! Halos magsala tuloy ang paa ko sa pagmamadali. Because of adrenaline rush, I almost flew downwards!
Halos mapatili ako nang muntik na akong mapabitaw sa blanket! May isa palang silk kaya madulas! Kung hindi ako nakahawak nang maayos, tumama na ako sa malaking bato sa kanan!
"Corrine!"
Boses ni Alfonso iyon.
"Damn you!" sigaw ko.
Hindi ko man lang s'ya tiningal. s**t s'ya! Hindi dapat ako naglalambitin dito kung nanahimik na lang sana s'ya at hindi ako kinuha!
A few more meters! Kaya ko 'to!
Mas na-motivate ako nang makita ang hindi-kalayuang kakahuyan. Tatakbo agad ako roon pagkababa ko rito!
"What the hell are you doing?!" Alfonso's voice echoed. Pakiramdam ko ay nagliparan pati iyong mga ibong nasa forest dahil sa boses n'ya.
Shit! Nasa ibaba na s'ya at nag-aabang sa akin!
"Go to hell, you bastard!" iritadong sigaw ko. Bahala nang lumipad ang mga ibon.
Naiiyak na ako. Sobrang kinakabahan na ako sa ginagawa pero makikita kong nandiyan lang s'ya sa bababaan ko, naghihintay? What the hell? Ano pang silbi ng ginawa ko kung mahuhuli rin pala ako? Worst, hindi man lang ako nakalayo!
Mas lalo akong nairita nang hawakan ni Alfonso ang dulo ng blanket.
Sa inis ko, sa halip na ipagpatuloy ang pagbaba ay umakyat na lang ulit ako! Sa totoo lang, kung gaano ako kabagal na bumaba, ganoon naman ako kabilis na umakyat!
Ni hindi ko na naisip na baka mahulog ako, na baka mapabitaw o dumulas ang kamay ko. Ang gusto ko lang ay ang makalayo sa demonyong nasa ibaba.
"Corrine! Come down! That's dangerous!"
To hell with him!
"Gagó!" The first curse I learned from this country really pleased me. But I'm still pissed!
Malapit na akong mangalahati sa inaakyat. Mabilis ang bawat pag-akyat ko at hindi ko napansin na bukod sa isang silk na blanket na kinakapitan ko ngayon, madulas din ang tela ng dress na suot ko! I'm still wearing my engagement dress!
"Tang ina, lumayo pa kayo! Norman!" I heard Alfonso cursed more.
I didn't look at them. I was so focus on gripping the rope that I failed to realize my numb hand. Dumulas ang pagkakahawak ko kasabay nang pagbulusok ng katawan ko.
A shriek came out from me before I fell. I closed my eyes, waiting for my demise.
Hindi ko alam kung may second chance pa ako para mabuhay kaya hindi ko nakita ang mga naging eksena ng buhay ko... o talagang mabilis lang ang pagkakahulog ko.
Matigas ang kinabagsakan ko. Hindi nga lang katulad ng inakala kong tusok-tusok na bato o mabatong lupa. I still feel pain on my right knee and leg, though.
I heard another curse. Saka pa lang ako nagmulat ng mga mata. Hindi ako bumagsak sa lupa! Alfonso caught me!
Bumagsak ako sa kanya at mukhang dahil mataas pa rin ang pinanggalingan ko, s'ya naman ang bumagsak sa lupa. Nasalo n'ya ako pero nagalusan pa rin ang tuhod at binti ko. Masakit din ang kaliwang braso ko at nang tingnan ko ay mapula iyon.
"Are you crazy?" Alfonsi stood while carrying me. "Hindi mo man lang ba naisip na puwede kang mapahamak sa ginawa mo!"
Inangilan n'ya ang lalaking umaktong kukuha sa akin.
"Burn all those things!" Masama n'yang tiningala ang blanket rope. "And make sure to remove all of those from her room!"
Mabilis na sumunod ang inutusan n'ya habang ako naman ay namimilog ang mga matang napatitig sa lalaking ngayon ay nagsasalubong na ang mga kilay sa galit.
Her room? May sarili pa talaga akong silid?! Ibig sabihin ay plano n'ya talaga akong magtagal sa lugar na ito?!
"Oh my God, you kídnapper!" Halos maiyak ako, trying to get away from him. "Put me down!"
But Alfonso's arms are solid rock! His hold is firm. Nagfi-flex maging ang mga muscle n'ya sa braso at litaw na rin ang ugat sa leeg. This is the first time I saw him this mad.
"Ibaba mo ako!" Sinapak ko s'ya sa mukha.
He just glared at me. Hindi s'ya nagsalita at kulang na lang ay ituring akong hangin. Kung wala lang ako sa mga bisig n'ya, baka naniwala na akong hindi n'ya nga ako nakikita!
Inis na inis ako na hindi ko napansin na nasa loob na kami ng bahay. Kahoy at kawayan pa rin. Malaki at malawak. Pinaghalong marmol at teakwood ang sahig ng unang palapag. The stair is made of high-quality wood. Dapat lang!
Maganda sana ang kabuuan ng bahay pero dahil bad trip ako, hindi ko na pinuri iyon.
Agad kong nakilala ang mahabang high way na may makintab na sahig na gawa rin sa teakwood. Nasa third floor na kami. We went inside of my room. Nakasunod sa amin ang isang lalaking inutusan ni Alfonso para kunin ang first aid kit.
I glared at him as he put me down the bed.
"Sa labas na kayo, Norman. Ako na ang bahala rito," malamig na sabi ni Alfonso sa mga lalaking nakasunod sa kanya bago iniluhod ang isang tuhod sa harap ko.
What the freaking hell?!
Nataranta ako nang sumunod sa kanya iyong mga puppet n'ya. S'ya naman ay madilim ang tingin sa gasgas na nasa tuhod ko. Mukhang s'ya pa ang maglilinis ng sugat ko roon!
"Give me that. I can attend to my wounds, hindi ako mamamatay dahil sa mga 'yan—"
Tinangka kong kunin ang first aid kit pero madilim na tingin ni Alfonso ang nasalubong ko. Lihim na napalunok ako, kinabahan. Ako ang unang nag-iwas ng tingin at galit na tiningnan na lang ang walang kuwentang bintana.
"This will hurt a bit."
Hindi ako sumagot. I acted like some air particles!
I heard him sigh. "Stop being hardheaded next time."
I just rolled my eyes at him! Kausapin mong sarili mo, gago!
Naramdaman ko ang pagdampi ng wet wipes sa sugat ko sa tuhod at binti. Gusto ko pa ngang magtaas ng kilay nang makitang marahan ang pagdampi ng kamay n'ya roon, may halong pag-iingat. He dampened the cotton ball with alcohol before putting it on my wound. Of course, sa pinakamagaang dampi.
What kind of drama is this? Anong ginagawa n'ya?
Mas lalo akong nairita. Hindi ako komportable. Mas makakatulong sa akin kung hindi ganito ang ikinikilos n'ya. Dapat ay galit s'ya, hindi ba? Kaya nga ako narito ay para pagbayaran ang utang ko raw sa kanya, right? So, bakit ganito ang kilos n'ya?
Hindi ko kailangan ng mabait o maalagang Alfonso! He's an assholé and he'll stay as that for me!
I heaved a sigh, preparing to curse him. Nakalimutan ko nga lang iyon nang makita ang bakas ng dugo sa kaliwa n'yang balikat. Natatakipan ng damit ang sugat n'ya pero base sa dugo, mukhang hindi lang 'yon simpleng cut o bruise. Hindi ba n'ya uunahing gamutin 'yan? Baka maubusan pa s'ya ng dugo! May gasgas din sa braso n'ya at maging sa pisngi!
I massaged my nape. Ako pa yata ang dahilan ng mga sugat n'ya! Sino pa nga ba, Corrine? Sumadsad siguro s'ya sa mabatong lupa para lang masalo ako! Ayoko man, nakokonsensya tuloy ako!
Natuon sa suot n'ya ang mga mata ko. He's wearing a baby blue button-up polo. Nakabukas ang ilang butones kaya kita ang dibdib. Casual na shorts lang din. He looks like he's going out. Saan naman at sinong kasama?
A date perhaps? Nawala ang guilt na nararamdaman ko at napalitan iyon ng pag-asim ng sikmura.
Wow lang, ha! Ang saya naman ng buhay n'ya! Matapos n'ya akong ikulong dito, aalis s'ya at makikipag-date?! Kainin sana sila ng buhangin!