Hate is a strong emotion, the most negative among them.
Hate, anger, rage—iba-iba man ang intensidad pero pare-parehong pagkamuhi. Lahat ng iyon ay naramdaman ko para kay Alfonso.
Sa sobrang galit ko ay araw-araw akong hindi makatulog. The urge to get even, to inflict pain never left me. Minsan, umiiyak na lang ako sa sobrang pagkamuhing nararamdaman.
Ilang beses ko bang na-imagine ang mga bagay na puwede kong gawin para makaganti sa kanya? Ilang paraan na ang tinahi ko sa isip so I can get even.
Having revenge or getting even is a natural instinct of a Liu. Kaya alam kong normal lang ang nararamdaman ko. Dahil ni kahit minsan ay wala pang nanakit sa akin o kahit kanino sa pamilya na hindi 'yon pinagbayaran. Walang nakatakas sa naging pagkakautang, gaano man kaliit o kalaki iyon.
Lius are known to attack once hurt. The very reason why in China, no household has the backbone to offend us. Because we always get even, we always give back what was owe to us, ten folds of the debt.
Kaya ang isiping hindi ako makakaganti ay sobrang hirap para sa akin. My pride won't allow me to sleep soundly.
He's Ahia's best friend. Bukod pa roon ay wala akong pagkakataong gumanti. Marami akong kinailangang gawin at unahin para patunayan kay Ahma na tama lang ang pagbibigay n'ya sa akin ng pangalawang pagkakataon.
Ang galit na iyon din ang naging dahilan kung bakit hindi naging mahirap sa akin ang iwanan ang Pilipinas. I finished my first and last sem I took. Isang buwan na lang naman iyon kaya hindi na mahirap.
Kinumbinsi pa ako ni Ahia na manatili. He planned to talk to Ahma for me but I refused his offer. I'm so eager to leave the place so why would I stay?
During the last month of my stay in the Philippines, I stayed in the mansion. Isang beses lang akong pumunta sa condo ko, iyon ay para kuhanin ang mga dokumentong kailangan ko para sa pag-alis.
I burned all the trash. I deleted the photos in my phone and ipad. All the things, notes and even songs in my playlist—everything about Alfonso—I removed them. They're all nothing but trash. Kung puwede nga lang na pati 'yong alaala ko sa kanya ay mawala na, gagawin ko.
"Corrine!"
I sighed as I glance to Sebastian Acostino. I took my legal documents from my unit. Kalalabas ko lang mula roon nang lumabas din ang lalaki sa katapat na unit.
"Neighbors pala tayo?" He laughed.
Nagkibit ako ng balikat. Kung hindi lang sila kaibigan ni Ahia... kung posible lang na hindi ko na sila makita or may marinig tungkol sa kanila, mas gugustuhin ko iyon.
"Oh? Paalis ka?" Sinabayan n'ya ako sa paglalakad sa hallway. "Hindi kita nakikita rito, busy ka? Nakikitira ako sa condo ni Alfon, ilang linggo na. Pina-renovate ko kasi 'yong bahay ko saka malayo rin dito 'yong condo ko."
Sa totoo lang ay wala naman akong pakialam. Hindi ako sumagot at hinayaan s'yang dumaldal sa gilid.
"Matagal ka na ba riyan sa kabila?" Nasa elevator na kami at hindi pa rin s'ya tumitigil. "Hindi man lang nasabi ni Alfon na magkapitbahay kayo. Oh! Alam mo bang magkapitbahay kayo? Mabuti at sinabi ko na sa 'yo kasi uuwi s'ya next next week!"
I tried to search for those emotions... pero wala.
Sa kabila ng galit, umasa pa rin akong magpapakita s'ya. Na kahit siguro bilang kaibigan man lang ay magpapaliwanag s'ya sa akin. Na bibigyan n'ya ako ng dahilan kung bakit n'ya ako pinaasa.
Noon iyon, noong mga unang linggo pagkatapos n'yang umalis. Ngunit ngayon, tuluyan na akong nilamon ng galit kaya sa halip na matuwa sa narinig, wala akong naramdaman. Kung tutuusin ay mas relieved pa ako dahil kung uuwi nga s'ya rito, nakaalis na ako sa mga panahong 'yon.
The hate I have blossomed into something powerful. It became my motivation to achieve all of those dreams. Dahil iyon na lang ang mayroon ako, iyon na lang ang natira sa akin. Wala akong pakialam kung maubos ang oras ko sa mundong ito na inaabot ang mga pangarap ko.
I went to Europe. Itinuloy ko ang pag-aaral sa Italya sa parehong kurso. Mas nagbago nga lang ang plano ko. Nang tumuntong ako sa second year, I took another course, the course Ahia took because of LJ.
I took BA in Gems and Jewellery Design and graduated in Italy. A year later, I earned another degree for Bachelor of Jewellery Design and Technology. I also had my short courses, online and not—all are related to jewelry. I spent four years for my apprenticeship in UK and at the same time, studied BA Jewellery & Silversmithing.
I went to different countries to study everything about jewelries—mula sa pagkilala sa magagandang mga bato at katangian, sa paggawa ng disenyo, sa pagsasabuhay ng disenyo—hanggang sa pinakahuling parte, pinag-aralan ko.
The seven and a half years I had in Europe were well-spent. I earned not just a triple degree but certificates, recognitions and everything. I attended all the seminars, training, workshops and even those research studies.
I earned my keep.
I made myself busy with my dreams. Literal na ginawa ko ang lahat to prove to Ahma, to the whole family and especially to myself that I am deserving of my name. That no one can ruin my dreams.
Hindi madali ang lahat ng mga taon ng paninirahan ko sa Europa. Kahit na nga halos libutin ko na ang kontinenteng iyon at maging ang nasa labas, nahirapan pa rin ako nang sobra.
Reaching my dreams feels like punishing myself. Siguro ay dahil alam kong muntik ko nang iligaw ang sarili sa nakaraan.
The past... it never left me. Lagi iyong sumisilip sa akin, gaano man ako ka-busy.
During my fourth year of stay in Italy, it found me.
"He's getting married," Harper said. She visited me days before my graduation. "Next month. Magpo-propose s'ya sa long time girlfriend n'ya."
Since that day, no one mentioned his name. Hindi ko ipinagbawal pero para bang nagkasundo ang lahat na huwag banggitin. Especially Harper. Siya ang tanging taong nakakaalam ng lahat ng nangyari, nararamdaman, pagsisisi at maging ng galit ko. Kaya kahit wala s'yang banggiting pangalan, alam ko na kung sino.
"Sylvia Escalera. Planned proposal. Ang alam ko ay uuwi sa Pilipinas para roon. Mas nagtatagal kasi 'yong girlfriend sa Canada. Itong gago, pabalik-balik lang doon pero ngayon ay nasa Pilipinas, naghihintay sa pag-uwi ng girlfriend."
I sipped on my coffee. "Can I have the details?"
Namilog ang mga mata ng best friend ko. "Oh my God! Are you still in love with that jerk? Pupunta ka?!"
Muli akong humigop sa kape. Funny how everything changed for me. Ni hindi ko napansin na kape na ang hinahanap-hanap ko. Iyon na ang naging paborito kong inumin.
"Pupunta ako." I smiled. "To get even."
The urge to inflict pain, it never left me. Sandali lang ipinagpaliban pero hindi ko nakalimutan kahit isang beses. Mula noong araw na iyon at hanggang sa mga magiging bukas pa, matatahimik lang ako kung makakaganti ako.
Mabilis ang naging pagtango ni Harper. "Alright. Ako na ang bahala. I'll send you the details."
"Exact details, Harp," sabi ko. "I don't plan to stay in that country for long. I'll just get even, then babalik na ako rito."
Kaya talagang binigyan ko ng oras ang araw na gaganti ako kay Alfonso.
I used everything in my power to sabotaged his proposal and threatened them. I pulled all of my investment from their twin companies—Zaragosa Internationals and Zaragosa Enterprise. Ahia tried to stop me but no, it's a gift from our maternal grandmother so I succeeded in doing that. Malaki rin iyon kaya alam kong kahit paano ay mararamdaman nila ang epekto niyon.
For his woman. I'm am not really kind, I made sure to kick them from their job. Her brother and older sister. I even bought their lot, iyong nakasangla sa bangko.
Alam kong hindi ko dapat ginawa iyon pero hindi ako matatahimik hangga't hindi nakakaganti.
"May trabaho na ulit ang mga kapatid ni Sylvia," pagbabalita sa akin ni Harper. Ngayon na ang flight namin papunta ng Pilipinas. Nagpilit s'yang samahan ako. "The jerk is quite fast. He gave them a new job."
I didn't react. Gusto ko lang gumanti. Wala akong planong sikilin sila sa bawat pagkakataong mayroon ako. They're not worthy of my time. Isang beses lang ang kailangan ko.
The place that was rented for Alfonso's proposal looks magical. Doon kami dumiretso at kahit sobrang ganda at liwanag, masarap sa mata, nairita pa rin ako. Sayang lang din.
Isang tingin lang kay Harper ay agad n'yang tinanguan ang mga tauhang kanina pa naghihintay sa amin.
"Ma'm, anong ginagawa n'yo?" Ang event organizer ang nagpa-panic na nakikipag-usap kay Harper.
"Here's the legal document and we're with my lawyer." Tinuro n'ya ang Pilipinong abogado na kasama namin. "I bought the place. Any event from this time onwards is not possible anymore."
I smirked as the magical venue turned to a place of nightmare. Sinira ang lahat at mabilis na nawalan ng kulay ang kanina lang ay maliwanag na paligid.
Wala akong pakialam kung pagkatapos nito ay magplano ulit ng proposal si Alfonso. O kung makasal sila, wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makaganti, kahit kaunti.
"Oh my God!"
Bumaling ako sa boses at nakita ang isang sexy'ng babae. She's probably Sylvia Escalera. Muli kong tinanaw ang sira-sirang venue bago inayos ang salaming suot at tumalikod na. I need to go home. This place is pathetic, really.
Nadidinig ko pa ang mga bilin ni Harper at maging ang nagpa-panic na boses ng girlfriend ni Alfonso pero hindi ko na sila nilingon. They deserve this, they should feel my wrath.
Natigilan nga lang ako dahil bago pa ako makalabas sa entrada ng venue ay nandoon na si Alfonso. He's a man of change. But instead of enumerating the changes, nagpatuloy ako sa paglalakad.
"This is the first time you came here for years..." aniya bago pa ako lumampas sa kanya. "...yet you ruined this place."
Tumigil ako pero hindi ko s'ya nilingon. "This place paid your debt."
Dahil magkalapit, ramdam ko ang pagpihit n'ya paharap sa akin.
"You've been hateful for the past years, Corrine. I know what you did to Sylvia and her family..."
"Thank you for acknowledging what I did."
"Did you pull your investment out?"
I tilted my head, hindi pa rin s'ya nililingon. "I have no plan to stick my money to some trash, Alfonso."
I felt his harsh breathing. He stepped forward, halos nasa likod ko na s'ya.
"This is not you, Corrine... when are you going to stop?" namamaos na tanong n'ya.
Bahagya akong natawa. Yeah, I became hateful for the past years pero noong nakaraang buwan ko lang pinagbigyan ang galit ko. Wala nga rin akong planong paglaanan pa sila ng oras at atensyon.
"I told you, you're now paid. This is the last time."
Muntik na akong matumba nang hawakan n'ya ang braso ko. Saglit nga lang iyon dahil kaagad din n'yang binitiwan.
"How about your debt, Corrine? You owe me this one. Hindi rin ako nagpapautang nang walang bayad. Maniningil ako. Are you ready for that?"
I smirked. "Be my guest." Iyon lang at tinalikuran ko na s'ya.
Hindi ko s'ya tiningnan o nilingon man lang. Sapat na sa akin ang makaganti. Kahit kaunting sakit lang, kahit kurot lang, okay na sa akin. Iyon lang naman ang gusto ko.
Ilang beses pa akong napakurap habang nakatingin sa malawak na katubigan. Iyon ang unang matatanaw mula rito sa bintana ng silid na kinalalagyan.
I really had a trip down memory lane. Ngayon ay kaaahon ko lang mula sa masakit na alaala ng nakaraan.
Oo, hindi ko kailangan ng maraming beses para gumanti pero kahit minsan, hindi nabawasan ang sakit na mayroon ang nakaraan. S'ya ang may utang sa akin... talaga bang naniwala s'ya na porke sinira ko ang venue ng proposal n'ya, bayad na s'ya sa lahat ng sakit na ibinigay n'ya sa akin?
Bawal bang hilingin na sana ay maramdaman nila lahat ng sakit na naranasan ko? Na hindi porke naging abala ako sa pag-abot ko sa pangarap ko, kinalimutan ko na ang nangyari. Ni hindi nawala sa akin iyon, nanatili ang peklat ng kahapon. Ni hindi ko alam kung nakausad na ba ako.
Naisip man lang ba n'ya kung gaano kasakit ang paasahin? Ang iwan sa ere? Nalaman ba n'yang muntik na akong mamatay? Mukhang hindi. Dahil kung nalaman n'ya, hindi n'ya ako kukunin at dadalhin dito.
Gusto kong matawa, naalala ang huling sinabi n'ya sa akin noong huling beses na nagkita kami. Ako naman ang may utang sa kanya. Siya naman ang maniningil.
What a joke!
Kaya ba kinuha n'ya ako sa engagement party ko dahil sinira ko ang proposal event n'ya para sa girlfriend n'ya?
Halos mapapikit ako sa galit. Ni hindi ko alam kung paano makakaalis sa lugar na ito na mukhang isla pa! Ni hindi ko rin mapagtitiisan ang presensya ni Alfonso. Hindi ko nga man lang kinayang maupo roon at sumabay sa kanya sa pagkain!
Shit ka, Alfonso!