Alfonso's flight is tonight...
He's leaving? Nah, that's not true. Ahia's just fooling me. Maybe, his best friend is planning a tricky surprise party for me.
Yeah. Iyon 'yon. He won't leave this country, especially ngayon. Not today. Tomorrow's my birthday and he won't do anything that will hurt me.
But that odd feeling is telling me otherwise. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang flute at inubos ang lamang wine niyon.
"You're lying, Ahia..." sabi ko sa mahinang boses pero agad kong nilingon si Narie.
My assistant nodded. Kaagad n'yang ginamit ang cellphone at sandaling tumalikod.
"I am not, Corrine." Malumanay ang boses ni Ahia. He sighed while playing with the flute. Nilingon n'ya ang relo. "Siguro ay nakaalis na ang eroplanong sinasakyan n'ya. One hour ago ang boarding time n'ya."
Kasabay ng panlalamig ko ay ang pamimilog ng mga mata ko. Parang may kamay na humawak sa puso ko at pumisil doon.
Hindi ako naniniwala... hindi iyon magagawa ni Alfonso.
But I saw myself leaving the dining table. I heard my brother but I never glance at him. Dire-diretso ako palabas.
I saw Narie, mukhang babalik pa s'ya sa dining area. She sadly shook her head.
Hindi ko alam... hindi ko gustong malaman at lalong hindi ako sigurado sa nangyayari. Si Alfonso, umalis? No! That's impossible.
Halos lumipad si Narie makahabol lang sa sasakyan. Nasa passenger seat ako at nasa backseat ang assistant ko. Fortunately, mabilis mag-isip si Narie. Kaagad n'yang sinabi ang pupuntahan sa driver na nag-drive na rin pagkasakay ko pa lang.
I don't know what to do. Kinakabahan ako at hindi ako sigurado sa mararamdaman sa oras na totoo ang sinasabi ni Ahia.
Dahil hindi ko talaga alam kung ano ang dahilan para magkatotoo 'yon. Bakit aalis si Alfonso? Anong dahilan? Bakit ngayon kung kailan ay may usapan kami para sa birthday ko bukas? At bakit s'ya aalis nang hindi ko nalalaman?
Mabilis ang takbo ng sasakyan, halos mag-overtake iyon sa lahat ng nakakasabay kahit wala akong sinasabi sa driver. Mukhang sa ilang buwan ay nakilala na nila ako, alam nilang nagpa-panic na ako kahit hindi ako magsalita.
Narie's busy with her cellphone. Marami na s'yang natawagan at base sa naririnig ko, she's confirming Alfonso's flight details. She's now calling the condo building's security.
I eyed my phone. Wala akong alam gawin kundi ang tawagan si Alfonso. Hindi nga lang s'ya sumasagot. Naka-ilang message na rin ako sa kanya pero wala s'yang kahit anong reply. Even my calls... mukhang hindi iyon nakakarating sa kanya.
We're in the middle of rush hour but the car managed to reach the building in time. Wala pa yatang thirty minutes ay nakabalik na kami.
"Sa basement," utos ni Narie sa driver.
Mabilis na dumiretso ang sasakyan sa basement ngunit dahil sa bilis niyon, napatili na lang ako nang sumalpok kami sa isa ring sasakyang palabas.
I felt my head bumped unto something hard. Dinig ko rin ang pagkakabasag ng salaming bintana at naramdaman ko pa ang mga pirasong sumugat sa balat ko, sa mukha, leeg at mga braso.
The darkness welcomed me as my heart got numb from the sudden truth. I don't want to believe it... but Ahia won't lie to me.
I woke up in the hospital the exact date of my birthday. The guilty look on my brother's face greeted me the moment I opened my eyes.
"Hey..." Ramdam ko ang relief sa boses ni Ahia. "I'll call the doctor."
"Ahia..." pigil ko sa tangka n'yang paglabas ng silid. "How's Narie? My driver?"
He sighed. Lumapit s'ya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"They're safe. Your driver is still in the hospital, though. Ang assistant mo ay hindi naman na-confine. She's safe, nagpapahinga na lang."
I closed my eyes after hearing him. Iyon lang naman ang importante. Kasalanan ko kung bakit kami naaksidente at nandamay pa ako ng ibang tao. Mabuti na lang talaga at walang napahamak sa kanila dahil kung mayroon man... siguradong habang-buhay kong sisisihin ang sarili.
I have few scratches and cuts pero hindi ko na pinansin iyon. Ahia's trying to talk to me but all I can give him is just a yes and no. I don't know how to respond to him.
The day after I woke up, sa mansyon na ako dumiretso. Hindi pumayag si Ahia na bumalik ako sa condo ko hangga't hindi pa n'ya nakikitang magaling na ako. Hindi na rin naman ako tumanggi, I really don't know what to do or feel.
All I know is I almost die. That accident was a wake-up call for my craziness to Alfonso. I didn't know I can be that reckless for him.
The love I have for him is a poison to me. It's dangerous... and scary.
"Are you really okay na?"
I blinked and glanced at my computer's screen. Nandoon ang nag-aalalang mukha ng best friend ko. Harper is looking at me sadly.
It's been almost a week since the accident. Did Alfonso visit me? No. Even without confirmation, Ahia's right. Dahil kung talagang importante ako sa kanya kahit kaunti, pupuntahan n'ya ako, hindi ba? But he didn't. He really left.
"Miss..."
I gave Narie a small smile. I'm trying to be kind to her after the accident. Hindi nawawala ang pagkaka-guilty ko dahil sa nangyari.
"I asked your assistant to print those..." muling sabi ni Harper, nakanguso sa ilang papel na inilagay ni Narie sa lamesa. "I'm sorry na nangyayari ang lahat ng 'to pero sa tingin ko ay kailangan mong malaman, Corrine..."
Hindi pa n'ya sinasabi pero alam ko na kaagad kung tungkol saan... o kanino. Sa totoo lang ay ayoko nang tingnan ang nilalaman ng mga papel pero kailangan... kailangan kong maunawaan kung bakit parang pinapatay ang pakiramdam ko sa bawat araw na dunadaan.
"He really went to Canada..."
I smiled bitterly when I saw photos and records of Alfonso's departure the same day I had an accident.
Bakit nga pala umaasa pa ako kahit kaunti? Na sa mga nakalipas na araw, kahit namamanhid ay gusto ko pa rin s'yang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag sa akin?
The kiss, the concern and those study dates—they don't matter. Never did they.
I felt a stab on my heart while looking at the photo of a woman who accompanied Alfonso on his flight. Nandoon din sa travel record ang pangalan ng babae.
Yeah... wala nga pala kaming relasyon kaya bakit ba ako umasa? Bakit ko inisip na espesyal ako? Na pareho kami ng nararamdaman?
"He's with Sylvia Escalera. Ang alam ko ay s'ya ang magiging secretary ng gagong 'yang sa Canada," marahang sabi ni Harper. "He's a jerk! A total asshóle!"
He's with the same woman he told me not to worry about. What an asshóle!
Kaya ang pamamanhid at kaunting pag-asang naramdaman ko ay unti-unting napalitan ng galit. Sobrang namumuhi ako sa kanya. Hindi ko alam kung may ganito ba katinding damdamin para sa isang tao pero siguro nga ay mayroon dahil iyon ang nararamdaman ko sa kanya.
I was crazy for falling in love with him. I'm so stupid and immature to experience those things I had with him. I am regretting all of those emotions I felt for him.
Hindi natapos doon ang resulta ng mga katangahang ginawa ko para kay Alfonso. A month after the accident, Ahma visited the Philippines just to slap me with my craziness and stupidity.
"Miss..." Sa halip na ang assistant ko, si Mori ang sumundo sa akin sa silid. "Naghihintay sa study ang lola n'yo."
Katatapos lang ng online class ko. Hanggang ngayon ay naghahabol pa ako para sa mga minadali kong class dahil na rin sa katangahan ko. Hindi ko alam na umuwi rito si Ahma! May kutob nga lang ako kung bakit.
Sandali kong inayos ang sarili bago nagmamadaling dumiretso sa study ni Ahia.
Ahma's with her secretary and nurse. Nasa gilid lang ang dalawa habang nakaupo sa swivel chair ni Ahia si Ahma. My brother is not even present in the room.
"Ahma..." Tinangka kong lumapit ngunit agad akong pinigilan ng secretary n'ya. Muntik pa akong matamaan ng kulay gintong tungkod ni Ahma nang paluin n'ya ang gilid ng lamesa.
"You, ingrate!"
I almost closed my eyes with her words. Muli n'yang pinalo ng tungkod ang lamesa kaya napagtuunan ko ng pansin ang mga larawang nakakalat doon. Ang ilan ay nahulog sa sahig dahil sa pagpalo n'ya.
The photos... larawan namin iyon ni Alfonso. Sa café, sa mga city tour, sa school, sa bar. Halos lahat ng mga lugar na pinuntahan namin ay nakuha yata sa mga larawang iyon.
Halos kagatin ko ang labi. I have no remembrance of those memories. May mga picture pero nanatiling nasa gallery ng cellphone ko dahil hindi ko rin naman maipo-post. Nakakatawa lang na nasa harapan ko ang ebidensya na tama lang na mamuhi ako sa kaibigan ni Ahia.
"How dare you, Corrine?!" Ahma's shaky voice echoed. "You are such an embarrassment to the Lius!"
When Alfonso left, I had no chance to cry. I was hurt but I never cry. When the accident happened, I'm too numb to cry. I never had the time to celebrate my birthday or mourn for my crazy heart.
Ngunit ilang salita lang mula kay Ahma, agad na kumawala ang mga luha ko. Halos sinukin ako sa pagpipigil ng emosyon pero tila may sariling isip na lumaya ang mga luha ko.
"I trained you to be a good woman! A lady that is suitable for your name but what did you do?!" Ahma stood. Her eyes are blazing with anger. "You're a disappointment, Corrine! A disgrace to the family!"
Ang dami-dami pang sinabi ni Ahma. Puro panghuhusga at kulang na lang ay kuwestyunin n'ya ang existence ko sa mundong ito. She mocked me and I let her. I deserved her words, her judgement and the pain she's causing me.
Tama lang iyon sa akin. I was stupid. I was crazy. I'm a disappointment.
"Are you seeing that boy?" Ahma asked dangerously. Natapos na ang panghuhusga n'ya sa pagkatao ko.
Still wiping my tears, I shook my head. "No, Ahma."
Hindi ko magawang salubungin ang mga mata n'ya. Nakayuko na ako at halos magdasal na sana ay matapos na 'to.
"Do something like this again and I will destroy the Zaragosas!" she declared.
I closed my eyes for a bit. Nasasaktan ako sa mga sinabi ni Ahma pero kung pipiliin n'yang wasakin ang kompanya nina Alfonso... parang gusto ko s'yang suportahan... parang gusto kong gumanti kahit doon lang. Sobrang pagpipigil sa sarili ang ginawa ko para hindi s'ya sang-ayunan.
"You will leave this pathetic place—"
I kneeled on the floor. Alam kong sa oras na gawin n'ya ang gusto n'ya, mawawala sa akin ang kalayaang ngayon ko pa lang nararanasan. Mawawala sa akin ang kakayahang mabuhay nang hindi kinokontrol ng kahit sino.
"What the hell are you doing, Corrine?!" muling dumagundong ang boses ni Ahma at inutusan ang secretary n'ya para patayuin ako pero nagmatigas ako. "No one kneels from our family! Stand up, you stupid child!"
"Give me another chance, Ahma!" I cried, still kneeling.
I heard her gasp.
"Please, Ahma..." Nagtaas ako ng mukha. I wiped my tears and looked at her eyes. "I really want to be deserving of this name... our family. Please let me finish my training, my studies. Kahit hindi na rito..."
Going back to China is like bidding goodbye to my dreams. Kaya hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Hindi ako babalik doon nang walang napapatunayan sa sarili, sa pamilya.
Ahma just looked at me. Namumula ang ilong n'ya sa galit at mahigpit din ang hawak n'ya sa tungkod.
"You'll burn those trash..."
Tumango ako bago binalingan ang mga larawang nasa lamesa. Iyon ang basurang tinutukoy n'ya. Yeah, those are trash.
"Your assistant and driver are fired."
Napapikit ako bago dahan-dahang tumango. Si Ahia na lang ang pag-asa ko para kahit paano ay magkaroon pa ng trabaho ang dalawa.
"You won't see this boy again, Corrine."
I opened my eyes and nodded. "I won't, Ahma." Kahit ako ay nanginig sa tindi ng galit na mayroon ang boses.
She pointed to me, using her cane. "Stand up. This is your last chance, Corrine. Prove to me that you're deserving of your name."