Chapter 24

2010 Words
We both became busy. Sinusubukan kong gawin ang lahat ng nasa schedule ko for the days na nasa Ilocos kami ni Alfonso and he's doing the same. But regardless of his busy schedule, nakakahanap pa rin s'ya ng oras para mag-message sa akin, tumawag or even video call. We always did the latter. Minsan na rin lang kami makatambay sa coffee shop dahil mas naging doble ang schedule namin. Maging si Narie ay busy na rin, minsan nga ay late na s'yang umuwi sa mansyon dahil tinutulungan n'ya ako sa mga seminar and online classes ko. It's September sixteen, three days before my birthday. Just like the usual rainy days, I'm spending my time on my study table in my condo unit. Katatapos lang ng online training ko about gold and silvers. Ilang buwan na lang at makukuha ko na ang certificate ko roon. After that, dapat ba pupunta ako sa Kentucky to study gold personally. Isang buwan ako roon but I think, puwedeng dito na lang ako sa Pilipinas mag-aral ng tungkol sa ginto. Nagpapahanap na rin ako kay Narie ng lugar kung saan ay puwede kong gawin ang tungkol doon. Hindi ko kayang mapalayo rito sa Maynila and I think, I can't do long distance relationship. Hindi ko pa nasasabi kay Alfonso ang tungkol doon. Saka na kapag naging official na kami. "You're really turning into a crazy woman..." Saka ko lang naalala na magka-video call nga pala kami ni Harper. Hindi ko na nga lang maalala kung ano ang pinag-uusapan namin. Busy na ako sa pag-iisip ng mga puwede naming gawin as a couple. I smiled at my best friend. "I just remember something funny. What are we talking about again?" May inginuso s'ya sa lamesa ko. "Look at what your assistant gave you." Nangungunot ang noong tiningnan ko ang may kakapalang papel na nasa gilid ng study table. Ibinigay 'yon ni Narie kahapon at hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita kung ano ang laman. Hindi naman siguro importante lalo na at wala namang sinabi ang assistant ko na kailangan kong makita ang content niyon. Kinuha ko pa rin at sinimulang buklatin. Mas nangunot nga lang ang noo ko nang makita ang laman niyon. "What is this, Harper?" Smirking, she pointed to what I am holding. "My gift! Your lover's yesterday! His history of women before you came to his life!" Tumango ako at tiningnan isa-isa ang bawat pahina. Makapal iyon at bawat page ay naglalaman ng picture at details ng babae. Mga babaeng naging parte raw ng kahapon ni Alfonso. Kompleto ang detalyeng nandoon, may close-up and whole body photo pa! "Alfonso's not a saint," sabi ko bago itinabi ang nagmukhang aklat na regalo ni Harper kahit na hindi ko pa nakikita ang lahat ng laman niyon. "He has a fair share of his women. This is not even surprising." "Whoa! You're not jealous?" She clapped her hands. "That's so mature of you, Corrine!" Ngumisi na lang ako. "Jealousy is for kids only, Harper." Proud pa akong ngumiti sa kaibigan. Hindi ko nga alam kung ako pa ba ang nagsabi niyon. Hindi ako nagseselos kahit na nakita kong magaganda at mga sexy ang naging mga babae ni Alfonso. Hindi ko naman kailangang magselos, parte na lang sila ng nakaraan. Hindi ko na kailangang bigyan ng importansya ang mga bagay na tapos na at wala pa rin naman ako sa eksena noong mga panahong 'yon. Ang importante ay 'yong ngayon. The present, kaming dalawa lang. "Are you really going all out for this?" Tumango ako. "I'm so happy, Harper. Ayokong may mga bagay na pagsisihan. You're right. I should live today." My best friend gave me a genuine smile. "If you're really happy... then, I'll support you, Corinne. And if you'll be kick out from your family, ako nang bahala sa 'yo!" Natatawang umiling ako. "Nah, si Alfonso na ang bahala kapag nangyari 'yon." Bahagya pa akong kinilig nang ma-imagine ang mga posibleng eksena kapag nangyari nga iyon at si Alfonso na ang bubuhay sa akin. We'll be happy for sure. A simple life with him would be my greatest achievement. Sigurado akong hindi ko kakailanganin ng iba. I can live an ordinary life. Wala akong problema kung wala akong masyadong gamit, kung hindi ako maka-attend sa mga social gatherings. As long as I'm with Alfonso, I can do everything. Kaya kahit sobrang hectic na ng schedule ko at ilang oras na lang ang mayroon ako para makapagpahinga, I completed all the tasks and classes I have so I can spend my birthday with him. "Miss, okay na ang mga gamit mo," Narie informed me the day before my awaited date. She handed me her ipad. Nasa screen niyon ang mga gamit na inihanda n'ya for the travel. Hindi ko na tiningnan kung anong klaseng toiletries ang dadalhin, dumiretso ako sa mga isusuot. I don't want any flaw in this travel! "Everything's good except this one pair, Narie," I told her while pointing to a cream pair of blouse and coat. I giggled while looking at her. "I don't need this pair." Tumango s'ya pero nanatili sa harapan ko. "In case you have to attend an emergency meeting with your Ahma, Miss. Or any online classes or seminar." Namimilog ang mga matang napangisi ako. Hindi ko 'yon naisip! Sigurado naman akong hindi 'yon mangyayari dahil kung kakausapin man ako ni Ahma o ng mga magulang namin, mas madalas na tawag lang iyon not in any form na makikita nila ako. They don't care if I'm okay so seeing me personally won't be on their list. Mas posible pa ang ibang rasong sinabi ng assistant ko. "Then, let it be. Okay na ang lahat. Wala na rin akong pending na assignments, right? Any task that will take my time tomorrow?" Hindi ko alam kung anong oras ng alis namin ni Alfonso. Siguro ay tanghali o hapon? Well, we can go out for lunch or dinner. Maybe lunch. I smirked. I planned my confession during a meal so lunch will do. "Naghihintay ang kapatid n'yo sa mansyon, Miss," paalala pa ni Narie. I blinked for a bit. Gosh, I forgot about my brother! Oo nga pala, kailangan ko pa nga palang magpaalam sa kanya! Alfonso asked me to do that! Hapon na at halos wala akong free time today! Ni hindi ko nga matawagan si Alfonso, hindi rin s'ya nakapag-message sa akin mula kaninang umaga! Mukhang pareho kaming busy para sa gagawing travel date tomorrow! Maybe... I can squeezed a meeting with Ahia to this crazy schedule of mine today. Kaya iyon ang ginawa ko. Alas sais pa nga lang ng gabi ang nakita kong oras na puwede akong makipagkita sa kapatid kaya iyon ang sinabi ko kay Narie. Mas okay na iyon dahil alam kong naiintindihan ni Ahia na busy ang schedule ko. And an early birthday dinner with my brother won't hurt. Mas okay na rin para makapag-celebrate kaming dalawa dahil wala naman ako rito bukas! With that thought, I informed Narie to let the chef know what I want for the dinner. I'm also planning to ask for my brother's permission to travel with Alfonso. I'm positive that he'll let me especially on my special day. But if hindi, I can just turn deaf for his nags. Bahala na si Ahia. Thirty minutes before six in the evening, nasa sasakyan na ako papunta sa mansyon. Late na nga ako sa plinano kong oras dahil na-extend ng kalahating oras ang online class ko. Traffic pa. Kaya inabot ng mahigit isang oras ang biyahe ko pauwi ng Forber. My mood didn't change, though. I'm more than excited for tomorrow. "Is he still busy?" tanong ko nang ma-realize na wala pa ring message si Alfonso. Hindi naman kasi dumadaan ang araw na wala s'yang message. Well, hindi pa naman tapos ang araw. We had video call yesterday kaya baka sobrang busy n'ya nga. I was about to call him when the car stopped. Nasa labas na kami ng mansyon at hindi ko man lang namalayan iyon. "Nasa dining room na ang kapatid mo, Miss," si Narie na nasa gilid agad ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. I sighed and put my phone in my bag. Bumaba na ako at nagsimulang akyatin ang entrance staircase. I didn't even miss this extravagant mansion! Pakiramdam ko ay nasa isa akong lugar na hindi pamilyar sa akin at kahit gaano kaganda, wala lang 'yon sa 'kin! I smirked whole following Ahia's butler. Sinalubong n'ya kami sa main door at ngayon nga ay papunta na sa dining area. I saw my brother there, nakaupo na sa kabisera ng mahabang lamesa. It looks like he's having a feast with himself. Madami ang pagkaing nasa lamesa, lahat ay nasa request ko sa chef. "Sit down, Corrine. Let's have our dinner." Hindi ako kaagad umupo. Dumiretso ako kay Ahia at humalik sa pisngi n'ya. Narie pulled a chair for me. Sa gilid ni Ahia ako naupo at manghang tiningnan ang mga pagkaing nasa lamesa. Hindi ko na matandaan ang karamihan sa mga ibinilin ko sa chef namin dito pero mukhang lahat ng iyon ay nagawang ihanda! "How's your life in your unit?" Bumaling ako sa kapatid at hinayaan ang isang server na magsalin ng wine sa flute. "Challenging." Ngumisi ako. "May I know why you needed these dishes here?" Ahia's busy cutting his steak. Sandaling binalingan n'ya ang laman ng lamesa. "Do we have a guest tonight?" I chuckled. "Oh, no one's coming, Ahia. I just want this dinner to be extra special as my birthday celebration for tomorrow!" Tumango-tango lang s'ya, savouring the meat on his mouth. Ahia elegantly wiped the sides of his lips. Tapos na n'yang nguyain ang karne, nakababa na rin ang kubyertos na hawak n'ya kanina. "Early celebration..." he slowly recalled. "Why? Do you have any plan for tomorrow? I'm planning to bring you to a local cruise. We can't do the international one as we don't have time for that. Both of our schedules are packed." I drank the wine before shaking my head. "You don't have to worry about that, Ahia. I have other plan for tomorrow and I already fixed my schedule for that. Wala na rin akong pending task, I completed them all," proud na sabi ko pa. Nananantiyang tiningnan n'ya ako bago tumango. He sighed before drinking his wine. Inubos n'ya iyon kaya mabilis na sinalinan ng naghihintay na server. "May I know this other plan of yours, Corrine?" Sandali akong natigilan. Wala pa naman akong nakikitang senyales na hindi s'ya papayag kaya hindi naman siguro masama kung magiging honest ako, right? "Birthday travel, Ahia..." Tumango ulit s'ya. "Where?" "Ilocos." He drank his wine again in one go. "I can accompany you there. Let's have a—" "No, Ahia! May kasama ako," mabilis na putol ko sa pakikisabit n'ya. Hindi ko s'ya puwedeng isama! Ano s'ya, third wheel? Ahia's brow shot up. Tinanggihan n'ya ang sana ay pagsasalin ulit ng wine sa baso n'ya. "Sinong kasama mo? Kilala ko ba? Your friend from school?" Sumimangot ako. Alam naman n'yang wala akong kaibigan sa school. I'm a complete loner there but it's okay. Pabor pa nga sa akin. "Kilala mo. One of your best friends..." marahang sabi ko at ngumiti. "Hmm..." He eyed the meat on his plate. "Sino?" Kusang tumaas ang kilay ko. Alam naming dalawa na sa iisang tao lang naman ako malapit. Kilala ko lahat ng mga kaibigan n'ya pero laging iisang tao lang ang kasa-kasama ko. Alam n'ya 'yon at mukhang gusto n'ya akong hulihin ngayon tungkol doon. "I'm going with Alfonso, Ahia," matatag ang boses na sabi ko. "And I'm also her to ask for you permission—" My brother raised a hand, making me stop. "Alfon?" ulit n'ya. Matiim ang titig n'ya sa akin at bahagya akong kinabahan doon. I smiled sweetly. "You know that we're close, right?" He shook his head slowly. He reached for the wine glass of water and drank half of it. "That's impossible, Corrine. The fool is bound to Canada. Tonight's his flight."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD