Chapter 23

2111 Words
"You just kissed?!" Harper's voice is laced with so much disappointment. Her eyes are judging me. It's been a week since what she's talking about. Ngayon ko nga lang naikuwento dahil sobrang busy naming pareho. Hindi ko nga ini-expect na maiikuwento ko ang tungkol doon. That's a private and personal but I have no one to talk to. Simple lang naman ang sinabi ko. We kissed. Walang kahit anong detalye. I told her about our bar hopping escapade last week, the kiss without details and wala na. Kaya mas naiinis s'ya ngayon dahil isang linggo pa ang lumipas bago ko naikuwento sa kanya ang tungkol doon. "More than four months and kiss lang? Walang ibang nangyari? Wala man lang make-out?" Humalakhak ako sa narinig. Seryoso talaga s'ya sa sinabi. "Gosh, Corrine! Your man is so hot! As in hot!" Dramatic ang panlalaki ng mga mata n'ya. "Kung ako ikaw, umabot na kami sa kama at hindi lang isang beses mangyayari 'yon!" I grimaced at her imagination. Sobrang dilim talaga ng laman ng isip n'ya kaya umabot na s'ya roon. "What's wrong with him? Hanggang halik lang talaga?!" Inirapan ko na lang ang kaibigan. "Alfonso's not that kind of guy, Harper. Nirerespeto n'ya ako and mas lalo ko s'yang nagustuhan dahil doon." Stress na napailing si Harper. Halos hindi s'ya makapaniwalang nakatulala lang sa akin. "What? Kung ibang lalaki 'yon, for sure, iba na ang nangyari," I said. "Alfonso's really different." Inirapan lang n'ya ako bago muling tumunganga sa laptop n'ya. Cellphone ang gamit n'ya sa video call at kanina pa s'ya may tinitingnan sa laptop. "So... is he your boyfriend now, Corrine?" Sandaling napakurap-kurap ako. Kaagad ang naging pagngisi ni Harper. "You invited him to a bar. He went with you. You failed to kiss him but he kissed you instead..." I smiled dreamily. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang hinalikan n'ya ako. Hanggang ngayon nga ay nararamdaman ko pa rin ang labi n'ya sa akin. Alfonso kissed me! He really did! "Are you listening?" Iritable na si Harper nang tingnan ko. "I just told you na positive ang result ng lahat ng nasa to do list na ibinigay ko sa 'yo..." Umirap na lang ako. Kanina ko lang inamin sa kanya na sinusunod ko nga iyon. Hindi ko kayang solohin ang kaligayahang nararamdaman lalo na at hindi ko naman puwedeng ipagsigawan ang nararamdaman. Hindi pa puwede. Sa ngayon... "What's next? Are you going to confess?" Tanong iyon pero siguradong-sigurado s'ya na iyon ang gagawin ko. "My birthday's on next week..." Tumikwas ang kilay ng kaibigan ko at tumango. Hindi ko na kailangang ipaliwanag dahil pareho naming alam na ganoon nga ang gagawin ko. Bakit ko pa patatagalin kung puwede namang gawin ko agad? Kung tutuusin ay puwede nga ngayon. Iyon nga lang, I want everything to be perfect. Iyong sobrang espesyal. And my birthday is a special occasion. An additional event on that day would be perfect! "So, do you have plans?" I nodded and yawned. Tanghali pa lang at maagang natapos ang class ko. Nasa condo ako at may isang oras lang na break time para sa online seminar na a-attend-an. Mamaya naman ay bababa ako sa coffee shop na nasa kabilang street, doon kami magdi-dinner ni Alfonso. Iyon na ang kinasanayan namin kahit na bago pa lang kaming magkapitbahay. Sa café ng best friend n'ya kami tumatambay kapag sabay ang schedule ng mga classes namin. Kapag nasa kompanya s'ya for his training at maaga namang natatapos ang klase ko, rito ako naghihintay. He's too strict, really. Kaya maliban doon sa dalawang beses na nanatili s'ya sa unit ko dahil lasing ako, hindi na iyon naulit. Lagi ring nandoon si Narie dahil lagi n'yang tinatawagan ang assistant ko. "You're not scared?" Iba na ngayon ang tanong ni Harper. Seryoso na rin s'ya at mukhang takot. Pinagtaasan ko s'ya ng kilay. "Bakit naman ako matatakot?" Harper's nose wrinkled. Saka ko lang na-realize kung bakit. Natatakot s'ya pero hindi para sa kung ano... natatakot s'ya para sa akin. Muntik ko nang makalimutan na hindi nga pala ordinaryo ang sitwasyon ko. I am not a normal girl who's experiencing love for the first time. "Alam mong sa oras na makarating sa Ahma mo ang ginagawa mo..." She paused. Pinagsalikop n'ya ang mga kamay. "I don't need to tell you that, Corrine." Am I scared? No, I'm not. Ni hindi ko naiisip na nakakatakot ang nangyayari. Hindi ako kinakabahan at mukhang tuluyan na kaming nagkabaliktad ni Harper. Ako na ang nakangisi ngayon. "You're so balimbing. Iba ang sinabi mo sa akin noon sa sinasabi mo ngayon." She just chuckled. "I'm so happy for you, Corrine. Hindi ko nga lang gustong isipin ang puwedeng gawin sa 'yo ng parents mo, your Ahma." Nagkibit ako ng mga balikat. Kailangan ko ba talagang isipin iyon? Noong una, talagang iniisip ko at iyon lang yata ang importante sa akin pero ngayon? Parang sobrang malayo na sa akin ang tungkol doon. I am now living my life. Gusto ko ang lahat ng nangyayari. Kontrolado ko ang buhay ko, my decisions are mine. This is me. Hindi ko hahayaang mawala ang ganitong pakiramdam sa akin. "If you confessed and became his girlfriend..." Harper almost whispered. "Are you going to fight for him?" "Alfonso's worthy of this fight, Harper," seryosong sabi ko at tumango pa. "He's also a good catch and every family would like to have him as—" "He's not Chinese, though." She sighed. Bumuntong-hininga na rin ako. Doon at doon talaga mapupunta ang usapang ito. Pero anong gagawin ko? Hindi Chinese si Alfonso at hindi mababago iyon... Sigurado nga lang din akong hindi rin magbabago ang nararamdaman ko sa kanya at nakahanda akong panindigan iyon. "You looked tired..." komento ko nang maupo. Katatapos lang ng klase ko at nauna s'ya rito. Isang oras din yata s'yang naghintay at heto, mukha s'yang pagod pero guwapo pa rin naman. Alfonso gave me a weak smile. "Meetings." "Are you sure na mag-stay tayo rito? We can go home so you can rest." Sandaling tumaas ang kilay n'ya bago umiling. "I can't stay in your unit. Hindi ka rin puwede sa akin kaya rito na lang tayo." Alam ko naman iyon pero mas okay ako roon para naman ay makapagpahinga s'ya. Sobrang busy n'ya these days. Minsan ay gabi na s'ya nakakauwi dahil sa dami ng trabahong ipinapagawa sa kanya ng kuya n'ya. Hindi rin biro ang pressure sa kurso n'ya lalo na at graduating na s'ya roon. In less than two months, magma-march na ulit s'ya. Mas mahalaga nga lang sa akin na makapagpahinga s'ya ngayon. Kung dati ay gusto kong lagi kaming magkasama, ngayon ay mas importante na sa aking makitang maayos s'ya. "We can do video call, you know," pilit ko pa. "No. Baka makatulog ako." "Then, I'll watch you sleep," I responded like a mature girlfriend. Wala pa nga lang kami. "I'll wait for you to wake up or hanggang ma-dead batt." Tinanggal ni Alfonso ang atensyon sa binabasa at matiim na tinitigan ako. "Ayaw mo ba akong kasama rito, Corrine?" medyo suplado n'yang tanong. "I was just busy the past few days but I always call and text you. Then, ngayon, itinataboy mo na ako?" Nangingiting tinitigan ko lang s'ya. Talagang iba na ang iniisip n'ya samantalang gusto ko lang naman s'yang magpahinga. "Did you find someone while I was busy?" He frowned. Hindi ko na napigilan, humalakhak na ako at naaaliw na pinagmasdan s'ya. "Are you jealous?" Sandali s'yang natigilan bago nag-iwas ng tingin. "Come on, Alfonso..." I grinned, trying to look at his eyes. Ayaw nga lang n'ya. "I just want you to rest. Sobrang hectic ng schedule mo this week and hindi ko gustong hindi ka nagpapahinga. Baka magkasakit ka." Ngumuso s'ya, hindi pa rin s'ya tumitingin sa akin. "I'm tired but I am now resting," aniya sa mababang boses. "And I want to be with you..." Sandali akong napanganga sa narinig. Is that a confession? Wait... wait... I smiled widely. Gusto ko pang magtanong tungkol sa sinabi n'ya pero mukha talaga s'yang pagod. Isa pa, may plano rin naman ako sa birthday ko kaya mas mabuting doon na namin pag-usapan ang tungkol dito. "What do you want to do on your birthday?" Namilog ang mga mata ko. "Alam mo ang birthday ko?" He scoffed, nagsusuplado pa rin. "Of course, I know, Corrine. May gusto ka bang gawin or puntahan?" Sandali akong nag-isip. Baka may inihanda rin s'ya sa aking sorpresa! Kapag mayroon, paano na ang plano ko sa araw na 'yon? Well, puwede namang 'yong akin muna bago 'yong plano n'ya. "Out of town?" Ngumisi ako nang tumaas ang kilay n'ya. "But of course, hindi puwede kaya okay na ako na mamasyal tayo sa malapit lang." "We can do that. Hindi nga lang malayo. I'll take a leave from training. We can go to Ilocos and stay there for a night..." I'm positive that everything will work my way, the reason why I nodded. Imagine, a confession that will make us a couple then we'll go to that place as a couple! That would be perfect! "But you have to ask a permission from your brother," paalala n'ya. "I can also talk to Macky for you." "Oh, no, no. Ako na ang bahala kay Ahia. Anong gagawin natin sa Ilocos? Malayo ba 'yon?" "A few hours away from here..." He maneuvered something on his laptop. Iniikot n'ya iyon at ipinakita sa akin ang pupuntahan namin. "We'll go to Vigan and try everything there. Then we'll go to Pagudpud, visit the windmills and try their sand dunes..." "Oh! There's a beach!" Tinuro ko ang nasa screen. Alfonso nodded. "I'll try to take a two-days off so we can try their beaches and falls." Hindi ko pa alam kung papayagan ako ni Ahia at kung anong gagawin ko sa punong-puno kong schedule pero tumango pa rin ako. Alfonso's schedule is more hectic and pack than mine but he's willing to adjust, kaya ganoon din ang gagawin ko. Hindi rin naman siguro kokontra si Ahia lalo at birthday ko iyon! "I'll have to shop for a new bikini!" excited na sabi ko. Alfonso laughed. "After we're done here, pupunta tayong mall." Mabilis akong umiling at inilahad ang kanyang laptop. I left mine in my car. "I'll just borrow yours and shop online. Pagkatapos natin dito, uuwi na tayo. You really need to rest, Alfonso." Sandali s'yang natulala, nakatitig lang sa akin. He murmured something I didn't catch before nodding his head. "Alright. Let's do that." He smiled while eyeing me. Isang ngiti ang isinukli ko bago tuluyang hiniram ang laptop n'ya. Bumalik s'ya sa ginagawa at ako naman ay naging abala sa paghahanap ng bagong bikini'ng dadalhin sa travel namin. First travel namin 'yon! Magaganda ang nakikita ko sa screen pero mas napangisi ako nang may ma-realize. As a Liu, I'm so used to get whatever I wanted. Kontrolado ni Ahma ang mga desisyon ko pero bukod doon ay may privilege rin akong gawin ang kahit anong gusto ko, as long na hindi iyon makakaapekto sa mga plano n'ya sa akin. Ni kahit minsan, hindi ako nag-adjust para sa ibang tao. I never consider anyone's situation or feelings. But with Alfonso, I always think of how to be a good woman for him. I'm trying to be mature... one thing that I didn't know I'm capable of. "This one is nice but a bit... sexy..." Ni hindi ko naramdaman na nasa likod ko na si Alfonso at nakikitingin na sa mga bikini! "Huh?" Ibinalik ko sa screen ang atensyon at agad na pinamulahan ng mukha. Naka-zoom doon ang leopard print na two-piece string bikini. Alfonso pointed to the bikini's bottom. "This one is not even covering any skin." Ang bottom kasi ng bikini ay mas daring kaysa sa iba. Mas mababa at tanging ang private area lang ang matatakpan. Wala rin 'yong tatakpan sa likod, exposing my butt's cheeks. Kumamot ako sa pisngi. Hindi ko naman napansin na iyon pala ang na-zoom ko. Maganda naman at may size para sa akin pero mukhang hindi n'ya gusto. I looked up at him. He's frowning while glaring at the screen. Niyuko n'ya ako. His eyes became gentle. "Do you want to wear this one?" I shook my head. Gusto ko pero mukhang hindi n'ya gusto. "No, not really. Puwede namang hindi na lang ako bumili. I have a lot on my closet." Alfonso sighed. Hinilot n'ya ang bridge ng ilong bago naupo sa tabi ko. "When you're with me, you can wear anything you want, Corrine," aniya before clicking the order button! He ordered the leopard bikini in all sizes!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD