"This is one of my granddaughter, Corrine Ayra..."
My sweet smile lingered for a few minutes while Ahma is busy introducing me to her visitors. Nasa gilid n'ya sina Mama at Papa na panay tango at tipid na ngiti lang sa bawat bisita. On their side, sa kabilang gilid ni Ahma ay si Luceanna, she's smiling sweetly. Ipinapakilala rin s'ya pero wala roon ang pagiging fiancee n'ya for Ahia.
Hindi ko na ipinagtaka iyon. Mukhang wala rin namang kaso sa kanya. She's just a fiancee and we're in the Philippines. Hindi pa s'ya nakikita ni Ahma as an asset. Kaga-graduate pa lang din ni Ahia at magsisimula pa lang ito.
May kalahating oras din yata akong nakatayo roon, pormal na ngumingiti sa bawat bisita.
"Oh, I don't know about that, Senator. Hindi kami magtatagal dito, babalik din agad kami sa Beijing." Ahma laughed.
Nangunot ang noo ko pero agad ding nawala. Hindi ko man lang nakita ang guest list kaya hindi ko rin alam na may bisitang pulitiko.
"Is she a young lady of the family?" The senator laughed while glancing at me.
I just smiled.
Ahma chuckled. "This is Yoli's daughter, Corrine..."
Inilahad ko ang kamay. "It's a pleasure to meet you, Sir."
Nangingiting nakipagkamay ang senator bago bumaling kay Ahma.
"A good leader in the making, Madame."
Mas tumawa si Ahma. "Oh, she'll assist my grandson, her brother, in the future."
Nanatili ang ngiti ko kahit na hindi ko nagustuhan ang narining. That's how it should be. Iyon naman talaga ang role ko sa pamilya at maging sa negosyo. Ahia will lead the Liu's empire and I'll assist him on everything.
One of my responsibilities is to make sure that my brother would never commit any mistake. Kaya nga kahit mas bata ako sa kanya, mas ako ang kinakabahan at nag-aalala sa mga ginagawa n'ya. Dahil kapag pumalpak si Ahia, the blame will be on me.
"Madame..."
Hindi ko na kilala kung sino na ang kausap ni Ahma. Nakikisali na rin si Papa at naimbitahan pa sila para sa table ng bagong dating.
"Where is your brother, Corrine?" mahina ngunit mariing tanong ni Mama. Kulang na lang ay higitin n'ya ako nang sumabay ako kina Ahma.
I glanced at Luceanna. Nakakunot ang noo n'ya pero mabilis na napinis iyon. Kanina pa s'ya palinga-linga sa paligid.
"He's on the way, Mama." I faced my mother. "My assistant is already waiting in the basement."
Kita ko na marami pang gustong sabihin si Mama pero nilingon na s'ya ni Papa.
"Make sure that your brother is presentable." Iyon lang at iniwan na n'ya kami roon.
Sinundan ko ng tingin si Mama. Mabilis na nakarating s'ya sa kinaroroonan nina Ahma at agad na nakipag-usap sa mga naroon.
"Hi, Corrine. It's been a long time."
Hinarap ko si Luceanna.
"How are you? I was told that your classes started today."
"Yeah."
Ahia's fiancee is wearing a formal white dress for the event. Her long and wavy hair is in high ponytail. She's sporting a natural look with a nude coloring on her lips.
"I can stay longer, Corrine." She's trying to prolong the conversation. "I can take a vacation and accompany you here—"
"I am not here for some vacation. I don't need a company," putol ko bago s'ya tinalikuran.
Sinalubong agad ako ni Narie na mukhang kanina pa nag-aabang.
"How's Ahia?"
Bago pa nga lang makasagot ang assistant ko ay agad ko nang nakita ang kapatid. He's coming towards me and his butler is behind him.
Magaan pero may bilis ang mga hakbang na lumapit ako sa kanya.
"Hey!" He greeted me with a kiss on my cheek.
"Where have you been?" tanong ko kahit na abala na ang kapatid sa panonood sa kinaroroonan nina Ahma. "Kanina pa kita kinokontak, Ahia!"
He chuckled. "Calm down, Corrine. May celebration ang department namin but I didn't drink. Mamaya pa ang tapos non pero umalis na ako agad."
"Luceanna's here," I murmured. Mukha nga lang hindi na lang kailangan dahil agad nang nahanap ng mga mata n'ya ang tinukoy ko.
Ahia sighed. "Good. I'll talk to her."
Kaagad kong hinila ang braso ng kapatid. "You should show yourself to Ahma first. Kanina ka pa nila hinahanap."
He just chuckled. Kinurot n'ya ang pisngi ko bago dumiretso kay Luceanna. Nakita na rin s'ya nina Ahma pero nang makitang magkasama na sila ni Luceanna, hinayaan lang ng mga ito.
My eyes followed Ahia and Luceanna. Dumiretso sila sa parte ng garden na mas pribado at walang tao.
Saka pa lang ako nakahinga nang maluwag. Natauhan na siguro si Ahia. Siguro naman, no? Hindi n'ya lang naman fiancee si Luceanna, best friend din n'ya ang babae at baliw lang ang tatalikod sa kasunduan ng dalawang pamilya. Fortunately, my brother's not that crazy.
"Hey."
Mabilis na napabalik ang atensyon ko sa harapan. I saw an smirking Alfonso. He's wearing a white dres shirt partnered with a black suit pants. His only accessory is a Cartier watch on his wrist.
"Are you okay? Mukha kang kabado," aniya as he scanned me.
"I'm fine..." I glanced at Ahma's table. Iba na ang kausap nila ngayon at mukhang seryoso na rin ang pinag-uusapan. Business, probably.
"Are you sure?" muling tanong ni Alfonso kaya bumaling ulit ako sa kanya. "Did you see my messages? You didn't respond."
"Sorry, I was busy." Dumiretso sa likuran n'ya ang tingin ko. "You brought your friends."
Sebastian, Chris and Josiah are standing lazily around the cocktail table. They looked bored. Hindi nga lang puwedeng hindi mapapansin ang mga lalaki, they have that intimidating aura and of course, their overwhelming confidence.
"Yeah. We're invited. Pati ang iba, mas pinili nga lang nilang mag-stay sa graduation party."
Tumango ako at muling itinuon kay Alfonso ang atensyon. This man exudes confidence, just like his friends. Kung tutuusin, newbie pa lang sila sa adult world pero mukhang gamay na nila iyon.
"Did you drink?" tanong ko nang mahalata ang pamumungay ng kanyang mga mata.
"Oh, a bit." He chuckled. He licked his lips before taking another scan of me. "You looked good, by the way."
I'm wearing a dark blue off-shoulder cocktail dress. The length is just above the knee. My heels and purse are also in the same color. My hair is in a clean bun with a few strands hanging on the sides of my face.
I cleared my throat. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko at mas lumala iyon nang mas ngumisi si Alfonso.
"How's your first day?" He changed the topic. "Do you want to sit down?"
Nasa may bandang dulo kami ng garden at puro cocktail table ang narito. Ang mga tables and chairs ay nasa bandang unahan. Party naman kasi ito ni Ahia kaya ibinase rin sa edad n'ya ang party.
"I'm okay..." Muli kong sinulyapan ang mga kaibigan n'ya na halos nakapangalumbaba na. "Are your friends okay pa? They looked like they're going to sleep na."
Alfonso chuckled. Nilingon din n'ya ang mga kaibigan.
"Kumain na kayo?" I asked. He's just staring at me and it's getting awkward.
"We ate at the club—"
My forehead creased. Club?
He combed his hair with his fingers.
"The department's celebration was held at the club. Malapit lang sa school 'yon."
Nagtaas lang ako ng kilay bago tumango. Alfonso bit his lower lip. Hindi ko na nga lang s'ya kayang kausapin pa. Kinakabahan ako at siguradong hindi na ito tungkol sa pamilya ko.
"Enjoy the party. Excuse me."
Muli akong bumalik sa table nina Ahma. Nakasunod na rin sa akin si Narie.
"Hindi magtatagal sina Madame Cateleya, Miss Corrine," tukoy n'ya kay Ahma.
Tumango lang ako. Alam ko na iyon. May edad na si Ahma at hindi rin s'ya ang tipong tinatapos ang kahit na anong party. Sina Mama at Papa ay ganoon din. Kami lang ni Ahia ang maiiwan dito, sigurado iyon.
It's fifteen minutes past ten when Ahma and Mama ended the conversation of the last adult guest of them. Sa buong duration na nakikipag-usap sila sa mga bisita, nanatili lang akong nasa gilid ni Ahma.
Papa and Ahia became busy with a group of elder businessmen. Ngayon lang din sila natapos.
"We're going," imporma ni Ahma. Kaagad na sinenyasan ni Papa ang head ng security.
"You should rest, Ahma." Humalik ako sa pisngi n'ya kahit pa kay Ahia nakatuon ang atensyon n'ya.
Ahia kissed her cheek too. "Do you want me to drive for you, Ahma?"
"Oh, no, no, hijo. Ang dami nating drivers. Just enjoy the night, alright?" Ahma's sweet voice lingered on my ears for a bit. The same voice she doesn't use when talking to me.
Pagkatapos ng ilan pang sandali ay lumabas na sila ng venue. Kaagad na nakapaligid sa kanila ang security. I saw Luceanna glancing at us, mukhang ayaw pa n'yang umuwi pero nakahawak sa kanya si Ahma.
"You two, don't do anything stupid here, alright?" Si Papa na nagpahuli. "I booked the whole third floor for your guest. Spend the night here, Mackisig, Corrine..."
Hindi ko inaasahan 'yon kaya tumango na lang ako. Nang tuluyang makaalis na si Papa at ang entourage ng security nila, saka pa lang ako nakahinga nang maluwag.
"He gave us tonight," sabi ko habang nakatingin sa nilabasan ng magulang.
Ahia nodded. Mukhang malalim ang iniisip n'ya.
I scanned the whole garden. Wala nang adult visitors, nauna na silang umuwi lalo at alam ng lahat na hindi naman para sa kanila ang party na 'to. Mas dumami rin ang bisita ni Ahia. Pati yata 'yong mga kaibigan n'yang naiwan sa party nila sa club ay nandito na. May mga taga-ibang department din at from other schools.
"Ahia..." I tugged his shirt.
"Hmm?"
"What is it?"
He had a conversation with Luceanna. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan ng dalawa but Luceanna looks bothered.
"You talked with Luceanna—"
"Don't mind it, Corrine." He poked my cheek. "Sa amin na lang iyon. Thank you for staying with Ahma while I'm not here."
I rolled my eyes. Tumawa na lang s'ya at just like that, nagawa na naman n'yang iwasan ang tanong ko.
Hindi ko na rin ipinilit. I'm more than happy na hindi s'ya pumalpak.
"Enjoy the night. Pupuntahan ko lang ang mga kaibigan ko," aniya.
Hinayaan ko na lang ang kapatid. Naupo ako sa isang bakanteng lamesa. Wala rin naman akong kilala sa mga bisita n'ya kaya hindi na rin ako magtatagal. I just want to rest for a bit then aakyat na ako sa hotel room.
"Tired?"
I immediately looked up. Si Alfonso, nakataas ang kilay. Saka ko lang napagtuunan ng pansin ang inilapag n'ya sa lamesa. Tray iyon na naglalaman ng dalawang plato na may iba't-ibang pagkain.
"Here..." Inilapag n'ya ang pineapple juice. "You should eat. Hindi ka pa kumakain."
"I'm not hungry."
I scanned the food. Mukhang masarap at ngayon ko lang sila napagtuunan ng pansin. Sa sobrang kabado ko kanina, nakalimutan ko nang hindi pa nga pala ako magdi-dinner and it's almost midnight!
"You need to eat." Inayos n'ya ang mga kubyertos sa gilid. "Sasabayan na rin kita."
Kaagad ang pagbaling ko sa kanya.
"Akala ko kumain ka na?"
He chuckled. "I ate earlier. Inuman ang party kaya kumain muna kami bago uminom. Wala ring masama kung kumain ulit ako rito. Bakit? Bawal ba?"
Kinunutan ko s'ya ng noo.
Alfonso licked his lips. Kanina pa n'ya ginagawa iyon kaya natuon doon ang mga mata ko. I don't know if it's really colored red or because of his continuous licking.
"Corrine..."
Napapitlag ako. Kaagad na umangat ang tingin ko sa kanya pero bumalik iyon sa labi n'ya nang dilaan n'ya ulit iyon.
"I told you to eat. Or may iba kang gustong kainin?"
"Huh?"
Gulat na napaangat ulit ang tingin ko sa mga mata n'ya. Nakataas na ang kilay n'ya, nalilito sa reaksyon ko.
Sa akin lang ba iba ang ibig sabihin ng sinabi n'ya?
"Madaming pagkain. Kung gusto mo, papalitan ko ang mga 'to ng gusto mong kainin."
I felt embarrassed. Kulang na lang ay mapa-face palm ako.
"What?" Nakangisi na s'ya ngayon. "Are you thinking something... different?"
"Hindi ako nagugutom," pag-iwas ko.
He shook his head. Muli n'yang inusog ang plato.
"Eat, Corrine."