Chapter 11

2352 Words
"Water." Nakailang tayo na si Alfonso. Talo pa n'ya 'yong mga waiting staff kung makapag-serve sa akin ng kung ano-ano. He sat down and now glaring at my plate. Niyuko ko iyon at inisip kung bakit parang may kasalanan sa kanya ang mga karne roon. "You didn't eat," aniya. Bahagya akong natawa. Akala ko ay kung ano na. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit nakailang balik na s'ya at kada upo ay may dalang kung ano-ano. "It's almost midnight, Alfonso," sabi ko at sinulyapan ang relo n'ya. "I'm on a diet." Nangunot ang noo n'ya bago pinasadahan ng tingin ang katawan ko. I cleared my throat as I tried to suppress any awkwardness. Wala namang malisya ang ginawa n'ya, naiilang lang talaga ako. "There's no need. Hindi mo naman kailangang mag-diet," aniya. Ngumuso lang ako at uminom. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi n'ya o sinabi lang n'ya iyon para mas kumain pa ako. I'm not petite. Oo nga at matangkad ako pero hindi katulad ng iba na pang-modelo ang katawan. I'm curvy and yes, chubby. Kung hindi siguro ako matangkad, mas mae-emphasize ang laki ng katawan ko. I've been on a diet since junior high. Strikto rin ang exercise routine ko so I can lose weight. Iyon nga lang, kung gaano kahirap magpababa ng timbang, ganoon naman kabilis mag-gain niyon. "Hindi maganda na puro damo ang kinakain mo. You need to eat meat, Corrine," hindi pa rin sumusukong sabi n'ya. Natatawang tinusok ko ang isang piraso ng karne. Mukha kasing hindi s'ya titigil kung hindi ko man lang babawasan iyon. "These are veggies, Alfonso." Nginuya ko ang karne bago nilunok. "And I really need to watch my diet. Unlike you..." Pinagtaasan lang n'ya ako ng kilay kaya ganoon din ang ginawa ko. Totoo naman, e. He looks like a gym rat. Sigurado nga lang ako na hindi naman talaga dahil lang doon. Alfonso's a bit tan. His body, even at this age, is really almost perfect. He has muscles on the right places. His biceps are showing, gaano man kaliit ang galaw. Malapad ang balikat and his chest... it looks like its rock hard. There's really no need to see it, the way his clothes hugged his body, it's obvious. Alfonso smirked. Saka lang ako nag-iwas ng tingin. I am staring at his body for a minute! "What?" Hindi ko naman sinasadya. Iyon kasi ang pinag-uusapan kaya napatingin ako! "Hindi ka ba pupunta sa mga kaibigan mo?" He chuckled. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin kaya mas natawa s'ya. "They're fine. Umay na rin ako sa pagmumukha nila kaya dito muna ako." Umirap ako kaya mas tumawa s'ya. I scanned the whole garden. Medyo maingay na ang mga bisita ni Ahia at lahat sila ay nakatayo na sa mga cocktail table. They're having fun while drinking. Kami nga lang yata ang nakaupo rito. Halos lahat sila ay nasa bandang gitna at dulo, kami lang ang nasa table dito sa may unahan. "Are you not drinking?" Bumaling ako sa kanya. Alfonso's shamelessly staring at me. Ni hindi s'ya nag-iwas ng tingin kahit nahuli ko na. "No. Not tonight." I yawned. Kaagad n'yang inabot sa akin ang baso. "Drink this then go to sleep." Lampas alas dose na at may pasok pa ako mamaya kaya tumango na lang ako. Inaantok at pagod na rin naman ako. "Uuwi ka pa ba?" "No. I'm sleeping here." Mabilis ang paglingon ko sa kanya. "Why not? Mamaya pa ang tapos ng party ni Ahia." He chuckled. "Hindi na ako iinom. Magpapahinga na rin ako, Corrine." Gusto ko pang magtanong pero hinayaan ko na lang s'ya. Baka pagod lang din lalo na at mukhang wala pa s'yang pahinga. Days passed normally after Ahia's party. Mas naging abala ako sa eskwela lalo na at naninibago pa rin ako. Ayokong pumalpak kaya subsob ako sa pag-aaral kahit unang linggo pa lang ng pasukan. Luceanna returned to China the day after Ahia's graduation. Hindi ko alam kung bakit at wala rin namang sinabi si Ahia. Well, sigurado rin naman akong wala s'yang sasabihin sa akin. Ahma and our parents stayed for a week. Halos hindi ko nga lang sila makita. They were so busy. Kaliwa't-kanan ang meetings nila with Ahia. Madalas din sila sa kompanya at mukhang ipinapakilala na roon ang kapatid ko. Minsan, naiiwan ako sa mansyon dahil may lakad sila na out of town. Kung aabutan ko naman sila, pare-pareho kaming may mga lakad, sila, business-related at ako ay sa school. Ni hindi ko sila nakakasabay sa breakfast at lalo na sa dinner. "You're taking another course, right?" Si Papa. Sabado at nasa hapag-kainan kami. Ito yata ang unang beses na nagkasabay kami sa breakfast. Ito na rin ang huli dahil pabalik na rin sila sa China mamayang tanghali. "Yes, 'Pa," walang anumang sagot ni Ahia. "It's a three year-course, Bachelor of Jewellery Design and Technology." Ramdam ko an paglingon sa akin ng kapatid pero nanatili ako sa tahimik na pagkain. "I want to know the basic for Liu Jewelry so I can help Corrine—" "Why are you helping your sister, Macky?" Ahma asked in a cold tone. "She'll work there. She's going to assist you in the future, not the other way around." Mas nagyuko ako. Ni hindi ko malasahan ang kinakain. "Corrine's passionate about LJ, Ahma. Mas malaki ang maiitulong n'ya rito. And we all know that she designed the most of our products there..." "That's why she'll assist you soon. What are we going to do with her skills if she won't help you in that department?" I sighed. Palihim nga lang dahil pati iyon ay maituturing na pagkakamali. "Ahma—" "Let's not talk about this, Mackisig," Ahma said with formality. "How about your MBA?" Ahia should stop now. Mas nasasaktan ako sa sinasabi ni Ahma. Pinili kong hindi pakinggan ang pinag-uusapan nila. Mukhang nakaramdam naman si Ahia dahil hindi na n'ya ipinilit ang gusto. Iba na ang topic nila ngayon, his Masters for his newly completed course and his MBA for business. Kumuha rin kasi s'ya ng kursong iyon at isang sem na lang yata at matatapos na. Nag-enroll din s'ya ng gusto kong kurso para maunawaan ang pagpapatakbo sa Liu Jewelry. Tatlong taon lang iyon. Mas maikli kaysa sa apat na taong kukunin ko kapag kinaya na ng schedule sa kurso ko ngayon. I smiled bitterly as I forced myself to eat. Bakit ko ba laging nakakalimutan kung bakit si Ahia ang laging pinapaboran? He just graduated, Marketing Management. Ilang buwan lang at magkaka-degree na s'ya for business. He'll take his Masters and MBA afterwards. Nakapag-enroll na s'ya ng for Jewelry while having hours of training in our company, araw-araw iyon. My brother is multi-tasking. Iba ang pressure na mayroon sa kanya kaysa sa akin. Literal na nasa mga balikat n'ya ang responsibilidad habang ako, kahit paano ay hawak ko ang oras ko. "Stanford or Harvard, Macky," I heard Ahma. "Those two are your only choices for your MBA and Masters. I will let you finish those courses here, kaya ako ang masusunod this time." Pasimple kong tiningnan si Ahia. Hindi s'ya umimik at tumango na lang. "And please, don't involve yourself with those kind of people..." Parang nandidiri pa si Ahma nang sabihin iyon. "My circle is healthy and kind, Ahma—" "Healthy? Kind?" Ahma, of course, cut him off. "Stop befriending sons of broken marriages, Mackisig!" "Follow your Ahma, hijo." Si Mama. "Some of your friends' parents cheated and are having an affair. That's not a good influence." "I am not friends with the people who cheated, Mama. Biktima ang mga kaibigan ko and they're not bad influence." "Oh, come on. They're rich and famous but the class? I want you to befriend the Ocampo's son but I found out that his choice of relationship is very poor. He can choose a better woman—" Ahia put the utensils down. "Gabriella is a nice girl, Ahma. She's the best choice for Ric." Mabilis ang pagtataas ng kilay ni Ahma. "Have you heard of the Montemayor's genius?" "I heard he's in abroad now, Mama." Si Papa. "Training, probably." "See?" Si Ahia naman ang nilingon ni Ahma. "Learn from him, hijo. That young man is very promising. Matalino at maabilidad. Make him your friend." Ahia just sighed. Iritable na s'ya. "Oh, just be friends with anyone. Don't build relationship with people who're too arrogant but has no values..." Nanatili ang matiim na titig ni Ahia sa plato n'ya. "Right. Stop meeting with that politician's son. That's not good. And distance yourself from those na anak sa labas." Ahma looks like she smelled something bad. "That's disgusting." Hindi ko ganoong kakilala ang mga kaibigan ni Ahia. Alam ko nga lang kung sino ang tinukoy ni Ahma na may failed marriage ang mga magulang. Si Alfonso iyon. Nakaramdam ako ng galit. Ahma is a perfectionist, so my parents. Kahit ako. Pero hindi ko gusto ang naririnig na panghuhusga nila. Slowly, I'm beginning to question my family's values. Is it really important? The class and honor they're talking about? Pakiramdam ko kasi ay iba ang sinasabi nila sa gusto nilang ikilos. "So..." Mula sa pagbuo ng pangalawang crane sa araw na ito, nahanap ng mga mata ko si Harper. Kunot na kunot ang noo n'ya. We're on video call. "Your Ahia stayed?" Tumango ako. Katatapos ko lang ikuwento sa kanya ang lahat ng nangyari sa linggong nagdaan. "Why?" takang tanong n'ya bago nagtaas ng kamay. "Fine. Let's not talk about him... let's talk about someone else!" She's excited. "Who?" Muli akong kumuha ng papel para magbuo ng crane. Halos wala akong nadagdag ngayong linggong ito. Ni kahit noong nakaraang buwan. Nasa three hundred eighty six pa lang ang nagagawa ko. "Alfonso!" Muntik ko nang makagat ang dila ko. "He's still on vacation?" Nasabi ko rin sa kanya ang nangyari noong party ni Ahia. Even Alfonso's confusing actions towards me. One week vacation sa Russia ang regalo sa kanya ng kuya n'ya. Iyon ang paalam n'ya sa akin noong umaga pagkatapos ng party ni Ahia. His bodyguards came for him, lalo at male-late na sa flight n'ya. Hindi man lang n'ya sinabing may flight s'ya kinabukasan at kung hindi ko pa pinilit, hindi pa s'ya sasama! "He likes you," siguradong sabi ni Harper. Nakahawak pa s'ya sa baba at bahagyang tumatango-tango. Inirapan ko lang s'ya. "Look, Corrine. It's obvious! You have zero experience on having a romantic relationship but come one, you're not this naive!" Napanguso ako sa sermon n'ya. Nawala ang atensyon ko sa ginagawang crane. "He's not telling me anything." She laughed. "Of course! You are his best friend's sister! Hindi madaling sabihin na gusto ka n'ya!" "Maybe he's too kind?" Harper's nose wrinkled. Nasa mukha n'ya ang disgusto sa sinabi ko. "He's always smiling," sabi ko pa. "Marami rin s'yang kaibigan and... he's goodlooking. So, mabait lang yata talaga?" "Did you two have coffee dates for the past month?" Agad ang pagtango ko. "But those are not dates." "Almost everyday. He's studying and I'm reading." I tried to stifle a smile. "But it's really normal, Harper." Kulang na lang talaga ay i-gaslight ko ang sarili para lang hindi maniwala sa sinasabi ni Harper. Tama naman s'ya, sa aming dalawa, ako ang walang alam sa pakikipagrelasyon. I don't have time for that. I also find it ridiculous having that, lalo na at sa huli, alam kong sa hiwalayan din naman mapupunta iyon. Harper... tama rin s'ya. Hindi ako inosente sa nangyayari. Alam kong may iba sa ikinikilos ni Alfonso. Pero... ayokong umasa. Ayokong isiping may kontrol ako sa sitwasyon. Ayokong pumalpak. "Stop fooling yourself, Corrine. You're obedient but not stupid. You know what I'm talking about." Ngumisi pa s'ya kaya hindi na ako nakasagot. "And why are you so worked up with this topic, hmm?" Kulang na lang ay pumasok s'ya sa screen. "Actually, this is your only chance for love!" Napangiwi ako. "Can't you see? Your family is in control of you and your life! Lahat ng tungkol sa 'yo and ng mga mangyayari sa buhay mo, kontrolado nila. You're a living puppet of them, Corrine!" "What do you want to say, Harper?" Iritado na ako. Ayokong aminin pero totoo ang sinabi n'ya. Harper is the only one who can say those words to me, unscathed. "This is the only chance for you to be happy and fall in love," pangdedemonyo pa n'ya. "We both know that in the end, you'll follow your Ahma's flowery path for you. You'll marry someone they'll choose. You'll lead a planned yet boring and miserable life. So, why not give yourself a chance to control your life, kahit ngayon lang?" She's now crossing her arms on her chest. Halos panlisikan na rin n'ya ako ng mga mata. "I'm not telling you to marry Alfonso. That's impossible. Just give this to yourself. Crush mo s'ya, right?" "That's not enough reason to do something stupid—" "Oh! Come on, Corrine! Stop being boring and serious. Loosen up! You're not this kind of person, I know. Hindi ka naman magrerebelde." "Ahma—" "Stop it." Her eyes narrowed. "Stop involving your grandmother with everything in your life, Corrine. This is your life. Even if you have no control over it, at least try to live it just for once!" She's waving her hand frantically. Iritado na rin. "At least, for now." Sige ang pangdedemonyo sa akin ni Harper. Her words are getting louder. Ayoko man, nakakatukso iyon. "Do you wanna live with regrets?" "Ahma will disown me, Harper." "Only if you tell her." She smirked. "Think about your brother. Alam n'ya kung ano ang mangyayari sa buhay n'ya. That's why he's doing his best to live his life. Kahit ngayon lang. Play a bit." Iyon lang yata ang hindi ko nagustuhan sa mga sinabi n'ya. Nakasimangot na ako. "Alfonso's not a toy, Harper." Her eyes widened. "Oh, Jesus! I thought, crush mo lang s'ya?!" Hindi ako sumagot. Ayoko ring isipin pa ang dahilan kung bakit n'ya sinabi iyon. "The more that you have to do this, Corrine!" She cheered. "Don't be a coward!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD