Chapter 12

2106 Words
"The only answer for your confusion is to ask him directly. That's the only way, Corrine." Gusto kong sabunutan ang sarili. Harper's words won't leave me since that day. Why did I let her words crawl into me? My mind's in total mess because of her! Linggo at nasa café ako. Same table na lagi naming inookupa ni Alfonso. He told me to meet him here. Kaya isang oras bago ang sinabi n'yang oras, andito na ako. Paanong hindi? Harper's words are getting louder. She even gave me a list of possible scenarios and its meaning! Hindi ko na nga maalala kung kailan nagsimulang mag-iba ang tingin n'ya sa ipinipilit kong normal na pagkakaibigan namin ni Alfonso. First, she's so sure that I'm attracted to Alfonso. She's right, though. Second, she told me to take the challenge from Alfonso's words, na hindi naman intensyon ni Alfonso. Wala nga yata s'yang malay na may ibang nag-iisip sa mga sinabi n'ya noon. Third... she's making me play with Alfonso. That's ridiculous, of course! I won't play with him. I don't wanna get burn. But then, the thought of controlling my life even for a bit, to live a life without regrets, to be happy even for a short time, those thoughts are now lording my mind. "This is not so you, Corrine..." pagkausap ko sa sarili. Why am I thinking Harper's advice? Why am I thinking about following her words and bending Ahma's rule? And I'm even considering this! But... she's right. This is my life. Controlling even a bit of it is my right. Tama naman, hindi ba? I've been following Ahma's strict rules since day one. Her do's and don'ts. I am her living puppet and I am not complaining. Kaya siguro... siguro naman ay okay lang na gawin ko ito. Kahit ngayon lang. Wala naman sigurong masama. "You okay?" I flinched a bit. Gulat na napatingala ako. I saw Chris, one of Ahia's best friends. Nakataas na ngayon ang kilay n'ya. "Uh... Yeah." Pinasadahan n'ya ng tingin ang upuang kaharap ko. "You're not with Alfon?" Inilapag n'ya ang hawak na aklat. "He's on his way..." Teka, he's really talking to me? I don't really know them but this man... I never saw him smiling. Lagi na lang ay seryoso at malamig kung tumingin. "Alam ba ni Macky?" He pulled the chair and sat down. "That you're meeting with Alfon?" Ako naman ang nangunot ang noo. Parang may kung ano sa tanong n'ya na hindi ko mawari. Akala ko nga ay may sasabihin pa s'ya pero hindi na n'ya sinundan iyon. "This is your coffee shop, right?" I changed the subject. "Uh-uh." He tilted his head. Hindi nakatakas sa akin ang pagbaling ng ibang customer na nasa paligid. They are eyeing our table... or maybe, my company. Umismid ako. Ganito rin sila sa tuwing kasama ko si Ahia. Even with Alfonso. Ang pagkakapareho nga lang nitong kasama ko ngayon at ni Ahia, everyone is just taking a glimpse of them. Tingin-tingin lang pero walang lumalapit or nagpapapansin. They are too afraid to make a move. Unlike Alfonso. Mas napasimangot ako nang maalala na hindi lang iilang beses na nilapitan si Alfonso ng mga customer. Kahit nag-uusap kaming dalawa, nakakagawa ng paraan ang mga babaeng lumapit sa kanya. He's a chick-magnet. Ang friendly din kasi n'ya. Hindi ko napansin na nakatulala na ako kaya bahagya pa akong nagulat nang may ilang lalaking lumapit kay Chris. Mga naka-uniporme ang mga iyon. Isa roon ang may ibinulong sa lalaki. He sighed. "I'll just get my things." Kaagad na umalis ang dalawang lalaki. Sinundan ko sila ng tingin at saka ko lang napansin ang ilang lalaking nasa loob ng coffee shop. Lagi ko silang nakikita at akala ko nga ay regular lang din. Now, alam ko na. They are his security. Pamilyar sa akin ang ganitong sitwasyon. Hindi ko nga lang ini-expect na itong kaharap ko ay mayroon din. Sabagay, lahat ng kaibigan ni Ahia ay mula sa makapangyarihang pamilya. "Sorry for that." Isinara n'ya ang aklat bago bumuntong-hininga. Napatingin s'ya sa may pinto bago ngumisi. "Alfon's here." Agad ang pagbangon ng kaba sa dibdib ko. Ni hindi ako makatingin kahit pa naroon pa rin ang atensyon ni Chris. "You're late," naunang bumati si Chris. Ako naman ay nanatiling nakatitig sa baso na para bang aalis 'yon. "Kanina pa rito 'tong kapatid ni Macky." I almost rolled my eyes. Hindi ko naman narinig ang naging tugon ni Alfonso. Bukod sa hindi ako bumaling sa kanila, masyadong mahina ang boses ng dalawa. "Sorry, I'm late." Naupo na si Alfonso sa inalisan ni Chris. "Kanina ka pa?" I looked at my watch. Hindi naman s'ya late. He's even twenty minutes early before our meeting! "You're not late. I'm just early." Maliit ang boses ko. Should I follow Harper's to-know list? Parang hindi ko yata kaya. But according to her, that's the only way lalo at hindi ko kayang magtanong! "Chris' father is a senator," ani Alfonso. Katatapos lang n'yang ibigay sa waiting staff ang order. "Kaya marami s'yang bodyguard." "Oh." Wala sa sariling napatingin ako sa mga kuko. Should I do it? "He talked to you?" Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakataas na ang kilay n'ya. Masyado akong nababahala sa mga sinabi ni Harper kaya hindi ko s'ya mabigyan ng atensyon. Right. We didn't see each other for almost a week! Kababalik lang n'ya yata pero kung ano-ano pa ang iniisip ko! Tumikhin ako at pilit nagpaka-normal. "How's your vacation?" "Fine. Quite boring," walang ganang tugon n'ya. He's frowning while looking at me. "What did you two talked about?" "Huh?" Alfonso tilted his head. "I saw Chris talking to you." "Ah..." I forced to laugh a bit. Agad nga lang natigil nang makitang seryoso s'ya. "Wala naman. He just read his book." Ni hindi ko maalala kung may pinag-usapan kami ng kaibigan n'ya. Mukhang wala naman talaga. "Really?" Ako naman ang nangunot ang noo bago tumango. "Really. Kailan ka pala dumating?" "Two hours ago." Namilog ang mga mata ko sa narinig. Kararating n'ya lang ngayon? Bakit dito s'ya dumiretso? Akala ko ba ay one week ang bakasyon n'ya? Linggo pa lang at Martes nang umalis s'ya! "We can see each other some other days, you know," sabi ko kahit na sa totoo lang ay gusto ko nang tumili sa tuwa. "Nagpahinga ka na lang sana muna." Alfonso tilted his head. "Why?" You don't want to see me?" Dumating ang staff na may dala ng order n'ya. Dalawang plato ng pasta 'yon, isang quarter hamburger and my usual vegetable salad and cheesecake. Hindi naman ako nag-order pero alam na n'ya ang gusto kong kainin. "You should eat this first," sabi n'ya at inayos sa tapat ko ang pasta. "May klase ka bukas, hindi tayo makakapagkita." Muntik na akong masamid. Sa halip na hawakan ang tinidor, wala sa sariling napatingin ako sa mga kuko. "Why? Are you hurt?" Ni hindi ko napaghandaan nang abutin ni Alfonso ang kamay ko at masuyong sinuri ang mga daliri ko roon. "O-Okay lang ako." Binawi ko ang kamay. "You've been looking at your hands. Is there something wrong?" Kinain na nga yata ako ng pandedemonyo ni Harper. Bago ko pa ulit mapag-isipan ang gagawin, kusa nang nangyari iyon. "Nothing. It's been a long time since I went to the salon..." I caressed my hair and looked at my nails. "...my hair and nails are kawawa." Halos hindi ko s'ya matingnan. Agad ko ring pinagsisihan ang ginawa. Am I really doing Harper's to-know list? This is the first one on that list and I'm really embarrassed! I am waiting for him to laugh and mock me. But it didn't came. Instead, Alfonso stared at my hands. Kaagad kong itinago ang mga iyon. "Which salon do you want to go? Or do you have a preference for it?" Is he really considering it? Should I check that number one on Harper's list? "I don't have any," I answered. Hirap akong magpigil ng ngiti. "My assistant is the one calling for home service—" I closed my eyes and averted my gaze from him. What the hell, Corrine?! Your hair and nails are kawawa? Pero nagpapa-home service ka naman pala? Gosh! This is Harper's fault! I'm not good liar. "Uh..." I bit my lower lip while trying to look at Alfonso. Mas lalo akong nakaramdam ng pag-iinit ng mukha nang makitang nakangisi na s'ya. Nakataas na rin ang kilay at mukhang naaaliw! This is embarrassing! Uuwi na ako! "Alright." He cleared his throat. "Let's eat first then we're going to visit the salon. Hindi ko lang alam kung anong salon ang nagho-home service sa 'yo." Mas lalo akong nahiya. Halos maiyak na ako lalo at inulit pa n'ya! Seryoso naman s'ya pero... "Or do you want me to choose for you?" Mabilis ang naging pagtango ko. "S-Sure. Let's do that." He nodded. "Eat your pasta, Corrine. And please, breathe." Saka ko lang napansin na nagpipigil ako ng hinga! Saka pa lang ako lumanghap ng hangin at halos hindi ko s'ya matingnan. Laking pasasalamat ko rin na hindi naman n'ya ako inasar pero hindi nawawala iyong ngisi n'ya. Hindi ko alam kung paano ko nagawang makakain pagkatapos niyon. Nahihiya pa rin ako at sa tuwing naaalala ko ang kapalpakan, gusto ko na lang lumubog sa lupa! Sa isang magandang salon kami dumiretso. Hindi ako ganoon kapamilyar sa mga kilalang salon dito sa Pilipinas pero base sa itsura nito, this is a high-end salon. "Is this okay?" tanong ni Alfonso nang makapasok kami. Dalawang staff ang sumalubong sa amin at iginigiya na kami sa private room. "I have no idea about this kind of things so..." Tumango ako at tinanggal ang mga mata sa magandang disenyo ng chandelier. The intricate design of the lights is amazing! Kahinaan ko ang magagandang disenyo dahil parte iyon ng pangarap ko kaya lagi akong nawawala sa ganda ng mga iyon. "Do you want to be a regular here?" tanong ni Alfonso nang makaupo na ako. Nanatili s'ya sa likuran ko at nakahawak sa upuan. We're in a VVIP Room. May sariling equipment at kung ano-ano pa. "Can we do that?" I asked. "Wait here..." Iyon lang at tumalikod na s'ya. Isang bading na maskulado ang pumasok sa silid at nagpakilala. "Hello, Ma'm! I'm Era!" Malaki ang ngisi n'ya. "Have you decided of the services you'll avail?" "Uh..." Katatapos ko lang magpaayos ng buhok last week kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin! I touched my hair. "How about a trim?" The staff frowned at me. Nagtataka yata na hindi pa ako sigurado sa gustong ipagawa. Tumikhim ako. "I want a trim." Kaagad na lumiwanag ang mukha n'ya at mabilis na nagsimula. Nilagyan n'ya ako ng tela paikot at ekspertong hinawakan ang gunting. Hindi ganoon katagal ang trim na ginagawa ng bading pero dahil masusi n'yang ginagawa ang kanyang trabaho, nakabalik na ulit si Alfonso. Nakita ko sa salamin ang pag-upo n'ya sa couch. Akala ko ay magbabasa s'ya sa mga magazine roon pero nanatili ang mga mata n'ya sa paggugupit sa akin. I pouted a bit. Ngayong seryoso s'ya at hindi nakangisi, para s'yang nakakatakot kausapin o lapitan man lang. Kaya hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pinagbigyan n'ya ako ngayon kahit na nahuli n'yang nagsisinungaling ako. Is he thinking now that I'm so desperate to spend time with him? I sighed. Hindi naman siguro. Hindi rin naman n'ya ako sasamahan kung ganoon ang iniisip n'ya, hindi ba? "You may choose a color now, Ma'm." Tinanggal ko ang pag-oobserba kay Alfonso. Nalinisan na ang mga kuko ko at pinapapili na ako ng kulay. Hindi ko nga lang alam kung ano! Bagong polish ang mga kuko ko at si Narie ang madalas pumipili sa mga ganito. Nagtagal ang pagkakatulala ko sa booklet na pinagpipilian ng nail polish. Wala akong mapili. Should I paint my nails red? Or black? Hindi ko talaga alam! Natigil ang paninitig ko sa mga kulay nang maramdaman ko si Alfonso sa likod ko. Kaagad na nasa likod ng upuan ko ang isa n'yang kamay. Yumuko rin s'ya para tingnan ang tinitingnan ko. "Problem?" he asked gently. "Uh..." I looked up. Kaagad nga lang akong yumuko dahil sobrang lapit ng mukha n'ya sa akin. "I don't know... what color to choose." "Hmm..." Hinawakan ng malaya n'yang kamay ang booklet na hawak ko rin. Marahan ang pagdami ng kamay n'ya sa akin. Mas nakatuon nga lang ang atensyon n'ya sa mga kulay na naroon. "This one..." Itinuro n'ya ang isang kulay na halos hindi ko maalala kung ano dahil nakatitig na s'ya sa akin. "African violet looks good on you," he murmured.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD