The feeling of being in a cloud nine. That the sky is painted blue as it should. The birds are chirping producing a melodic sound of nature. The dramatic yet unimaginable flow of traffic. The picture perfect.
Pakiramdam ko, lahat ng nangyayari sa araw na iyon ay tama. That the stars conspire with each other just to put everything to the right places. The weather, time and even the setting, all in perfection.
Kaya kahit nasa loob na ako ng sasakyan at papasok na ito sa Forbes, nanatili pa rin akong nakangiti.
Pabalik-balik din ang tingin ko sa sasakyang naka-convoy sa amin. Hindi ganoon kabilis ang pagmamaneho ng driver ko pero kahit iyon ay perpekto sa paningin ko.
Hindi ko hihilinging bumagal iyon dahil ang dagdag oras para sa hapong ito ay hindi maganda sa nangyayari. Siyempre ay hindi ko rin iyon hihinging maging mabilis. Sapat na sa aking ganito, tama lang at naaayon ang lahat sa kagustuhan ng puso ko.
It's almost night time. Kalahating araw kaming magkasama ni Alfonso at hanggang sa pag-uwi ay nakasunod s'ya sa akin para mahatid ako.
Hindi man kami magkasama sa iisang sasakyan, hindi naman kami mapaghiwalay sa tuwing nasa labas niyon.
We spent our two hours in the salon he chose. Pinagbigyan n'ya ako sa lahat ng gusto ko. We went to a park in Quezon City.
We went-window shopping. Iba nga lang dahil sa halip na mga bag, sapatos o damit, dinala n'ya ako sa mga kilalang jewelry shop.
Isa o dalawang beses ko lang yata nasabi sa kanya kung ano ang talagang pangarap kong gawin. But of course, I always told him the course I'm taking three years later. Mukhang tumatak sa kanya iyon kaya s'ya na ang nagkusang magdala sa akin sa mga inspirasyon ko.
We're just looking at those gems. I have lots of them so I didn't bother to buy. But just by looking at them, mas na-inspire ako. I have now a handful of inspiration for new designs for LJ.
Hindi nawala ang ngiti ko kahit na pumasok na sa vicinity ng mga Liu ang sasakyan namin. Excited pa nga ako nang tumigil sa may sa rotunda ang sinasakyan ko at ganoon din ang kay Alfonso. Ilang minuto pang lakarin ang mansyon mula rito.
Naunang bumaba si Narie pero bago pa n'ya mabuksan ang pinto sa gilid ko ay nagawa na iyon ni Alfonso. Pinanatili kong seryoso ang mukha pero umaalpas talaga ang ngiti sa akin.
"You're not going home yet?" tanong ko. Nakauwi na kaya si Ahia? Baka plano s'yang kausapin ni Alfonso!
He smirked. Itinuro n'ya ang kanyang sasakyan. I glanced at the Aston Martin.
"I have gifts for you. I saw some in Russia..."
"Really?" Nawala ang pagkaseryoso ko at mabilis na naglakad papunta sa sasakyan n'ya. "Where?"
Rinig ko ang pagtawa n'ya sa likuran ko. Bahagya akong nahiya bago nakangusong hinarap ang lalaki.
He chuckled. Hinawakan n'ya ang siko ko at bahagyang iginilid. He opened the backseat. May kinuha s'ya mula roon.
"Pasalubong ko sa 'yo."
Excited na inabot ko ang may kalakihang paper bag. He's the second one who bought me gift from a vacation. Ahia's the only one who do that. Dalawa na sila ngayon.
"Mamaya mo na buksan. And tell me if hindi mo gusto—"
My brow arched. Kapag ba hindi ko nagustuhan, babawiin n'ya?
"Chill, Corrine. Hindi ko alam kung magugustuhan mo but when I saw that, naisip kita."
Naisip n'ya ako.
Hindi ko alam kung ano pang sinabi n'ya pero iyon lang ang tumatak sa akin.
"I like this already!" Kahit na ang paper bag pa lang ang nakikita ko.
Alfonso chuckled. "You should get inside now. Send my regards to Macky."
Higit sa isang beses akong tumango. Hindi nga lang ako gumalaw para sundin ang sinabi n'ya.
"Hmm?" Alfonso smirked. Napansin yata na ayoko pang umalis. "May gusto ka bang sabihin?"
I played with my fingers.
"Uh..." Gusto kong magsalita pero halos wala akong maisip. "Will you... text me pagkauwi mo?"
Agad ang pagliwanag ng mukha ni Alfonso.
"I'll video call." He smiled. "Is that okay?"
"Of course!" Kahit ako ay nahiya sa narinig na excitement sa sariling boses. "I mean, yeah."
"Alright. Pumasok ka na, gabi na."
Mabilis na sinunod ko ang gusto n'ya at nagawa ko pang kumaway ng ilang beses. Ilang beses ko rin s'yang nilingon kaya alam kong hinintay n'ya muna akong makapasok sa mansyon bago s'ya sumakay sa sasakyan.
I'm still on a cloud nine when I get inside. Ni hindi ko napansin ang kapatid na nasa living room at may kung sinong hinihintay.
When Ahia cleared his throat, saka ko pa lang s'ya nalingon. Nasa staircase na ako.
"Ginabi ka," simula n'ya.
Pumihit ako para maharap s'ya pero hindi na ako nag-abalang bumaba. My brother stayed on the sofa. He languidly leaned on it, spreading his arms on its body.
"Did you have your dinner?"
Tumango ako. "Yes, Ahia. How about you? Kumain ka na ba?"
"Si Alfon ba ang kasama mo?"
Muntik na akong mapapitlag nang marinig ang pangalan n'ya. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kabigat ang impact sa akin niyon. Pangalan pa lang n'ya iyon!
"Napapansin kong si Alfonso lagi ang kasama mo, Corrine..."
Humilig ako sa balustre ng hagdan.
"He's my only friend here, Ahia," katwiran ko. Totoo naman iyon.
Mabuti na lang na hindi ako nagsisinungaling n'ya. Alam n'yang laging si Alfonso ang kasama ko sa tuwing lumalabas ako. Kusang sinasabi ko iyon sa kanya kahit na hindi naman kailangan.
Napaismid ako nang mapansin ang nakatayong si Mori sa bandang likuran ng sofa.
Pareho lang kami ni Ahia. Pareho naming pinababantayan ang isa't-isa.
May paninimbang sa mga matang tumingin sa akin si Ahia.
"Papa called. He asked of you..."
Mabilis ang naging pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko alam iyon!
"I told him that you're having an online seminar about jewelry design..."
Saka pa lang ako nakahinga nang maluwag. Alam ko namang pagtatakpan ako ng kapatid pero hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan!
"Thank you, Ahia..." Napabuntong-hininga ako. "Nasabi ba ni Papa kung ano ang kailangan n'ya sa akin?"
Ahia shook his head. "You're his daughter, Corrine. Kailangan bang may dahilan para hingin n'ya ang presensya mo?"
I should be touched, right?
Pero hindi. Alam kong kahit sino kina Ahma, Papa at Ahma, laging may dahilan ang bawat ginagawa nila at laging hindi pabor sa akin.
The silence was stretch a bit longer. Mas pinili nga lang sirain ni Kuya ang katahimikan.
"Do you even know what you're doing, Corrine?"
This time, tumayo na si Ahia. Nakapamulsa n'ya akong tiningala.
"Are you aware that you're slowly igniting a fire, Corrine?" He sighed. "It will start as a small one but..."
Hindi n'ya itinuloy. Pareho nga lang naming alam kung ano ang kasunod niyon.
Funny how the tables have turned now.
Ako iyong ganyan sa kanya. Those were my words. Those were my questions. His concern and confusion were mine.
"I know what I'm doing, Ahia..." sabi ko at muntik nang matawa dahil may naisip. "You don't have to worry about me."
Those words... was his. That answer was what he gave me everytime I asked him those questions.
Hindi ko na sinagot pa si Ahia. Tumalikod na ako at dumiretso sa kuwarto ko.
When I got inside my room. Bumalik ang ngiti sa mga labi ko. Niyakap ko pa muna ang paper bag na regalo ni Alfonso.
I'm not sure what's inside pero okay lang. Even if it's rugs or whatnot from Russia, okay lang! I'm fine with anything!
Kahit na gustong-gusto kong tingnan ang laman ng bag ay mas pinili kong maligo na muna. Magvi-video call kami ni Alfonso kaya kailangang presentable ako!
Katatapos ko lang mag-shower at nagbo-blow dry na ako ng buhok nang mag-message si Alfonso.
Alfonso:
Thanks for today. I'm home. I'm gonna take a shower then I'll call.
Ngiting-ngiting tumango ako kahit na hindi naman n'ya nakikita. I typed okay and sent it to him.
Tamang-tama dahil magagawa ko pang usisain ang regalo n'ya.
I let my hair even if it's not fully dry. Mas inuna kong buksan ang bag and I almost screamed in happiness when I saw what's inside.
A barrette!
It's it not just one but a whole box collection of barrette!
Nang silipin ko iyon ay halos mapunit ang pisngi ko sa pagngiti. Tama nga ako. Mula sa sikat na brand sa Russia ang mga ito.
I took my time appreciating each barrettes. The box has ten of them and each one has it's own intricate and amazing design! Kakaiba at sobrang ganda, sobrang sarap sa mata ng bawat isa!
I caressed every one of them. Halos nakalimutan ko na ang iba pang gagawin at kung hindi pa tumunog ang cell phone ko ay hindi ko na maaalalang tatawag nga pala si Alfonso.
Inayos ko ang kahon at kaagad na naupo sa kama. I placed my phone on the holder before answering the call.
Ang nakangising mukha ni Alfonso ang unang bumungad sa akin. Magulo ang buhok n'ya at mukhang tinutuyo pa n'ya iyon. He's wearing a white shirt and a black short. Nakatayo kasi kaya maayos kong nakikita ang kabuuan n'ya.
Oh, boy, this man is so hot even on his casual clothes!
"Hey..."
Lumapit s'ya sa camera at bahagyang ginalaw iyon. Maya-maya pa ay nakita kong nakaupo na s'ya at mukhang nasa lamesa na ang cell phone. His study table, maybe.
"Hi..." I smiled. "Thank you for your gift."
Bahagyang tumaas ang kilay n'ya. "Did you like them?"
Sunod-sunod ang naging pagtango ko.
"I love each of them!" maligayang sabi ko. "Thank you, Alfonso!"
Mas lumapad ang pagkakangisi n'ya.
"If only I know that you'll have that reaction, I'd buy more."
I laughed. "These are enough."
Hindi s'ya nagsalita, nanatili lang na nakatitig sa screen ng cell phone n'ya.
Bahagyang ikiniling ko ang ulo nang ilang sandali na ay tahimik pa rin s'ya. Saka ko lang naalala na hindi pa nga pala s'ya nakakapagpahinga at kauuwi pa lang n'ya!
"Uh... okay ka lang ba? Hindi ka pa ba pagod?"
He crossed his arms on his chest while leaning on his seat. His biceps are flexing.
"No, I'm okay. I'm okay now."
"Sure?"
Alfonso smiled genuinely. "I'm fine, Corrine. I'm really okay now."
Inabot lang kami ng dalawang oras na magkausap at tinapos ko agad iyon pagkatapos niyon. I'm really not a selfish, I think so.
Alfonso insisted that he's not tired. Hindi rin naman halata pero nag-aalala pa rin ako kaya kahit gusto ko pa s'yang kausap, nagpaalam na akong matutulog which he immediately obliged.
Para pa ngang mas inaalala n'ya na ako ang pagod kahit na s'ya itong galing pa sa nakakapagod na flight.
Magaan ang mga naging araw ko pagkatapos ng gabing iyon. Ganoon nga yata talaga kapag may nangyayaring maganda at masaya sa buhay. Laging makulay ang bawat araw.
Miyerkules at nasa eskwelahan ako. Alas tres pa lang, maagang natapos ang huling klase ko sa araw na ito.
I'm messaging Harper. Hindi ko s'ya nakausap noong linggo. I was so busy being with Alfonso. Magkausap din kami ng gabi kaya nakaka-guilty man ay nakalimutan ko sa araw na iyon ang best friend ko.
Harper:
You were so busy last sunday! Or may problema ba?
Hindi pa rin kasi ako nagkukuwento sa kanya. And I have no plan to tell her what had happened that same sunday.
Sa akin na lang iyon. Sa amin na lang ni Alfonso iyon. Sa aming dalawa na lang ang araw na iyon.
Ako:
Yeah. A bit busy. I will call later. Are you available, though?
I'm feeling guilty. Dati naman ay nasasabi ko sa kanya ang lahat pero mukhang iba ngayon. Siguro, sa ibang araw pero hindi muna ngayon.
She'll surely tease me. Lalo at ilang beses ko pang ideneny ang mga suggestion n'ya pero sa huli, ilan pa rin doon ang ginagawa ko ngayon.
"Miss Corrine..."
Muntik na akong bumangga kay Narie nang bigla s'yang tumigil at humarap sa akin. Matalim ang tinging ipinukol ko sa assistant, muntik na ako roon!
"I apologize, Miss..." aniya at bahagyang gumilid.
Saka ko lang napansin ang gusto n'yang ipakita. Alfonso's outside the school's gate, leaning in his freaking Aston Martin!