Chapter 14

2003 Words
I put my phone on my bag and immediately went to him. "Hi!" And I almost slapped myself. Parang habang tumatagal, nakikita ko ang pagbabagong epekto ni Alfonso. Busog na ako sa kakakain ng mga binitiwan kong salita noong nakaraan lang! "Hey." Alfonso smiled. Sandaling nilingon n'ya ang assistant ko. "Akala ko ay hanggang five pa ang klase mo?" Mabilis ang naging pag-iling ko. "Maagang natapos. Ikaw?" He smirked. Agad naman akong ngumuso. Next week pa ang simula ng klase n'ya! Bakit ba ako natataranta ngayon? "May assignment ka ba? Or any schedule after this?" Mayroon akong online class for Jewelry Design. I need to complete a hundred hours of classes and training for that course. "Wala. I'm not busy." I bit my lower lip. Sandali n'ya akong tiningnan bago tumango. "Sure?" Mabilis ang naging pagtango ko. "Then... we'll have snacks at the nearest café. Ihahatid kita pagkatapos." Nawala ang magandang mood ko. Iyon lang? Akala ko pa naman ay mamamasyal kami! Iyong aabutin ulit ng gabi! Gusto kong magreklamo pero ayoko namang maisip n'yang masyado akong spoiled. Kaya sumama pa rin ako sa parehong café na lagi naming tinatambayan. "Thank you." Alfonso smiled at the waiting staff. Inayos n'ya sa harapan ko ang coffee at cheesecake. "Wala silang vegetable salad ngayon..." Umangat ang kilay n'ya nang makitang hindi pa rin nawawala ang pagkakasimangot ko. "Hindi mo ba gusto ang in-order ko?" Napadako ang mga mata ko sa pagkaing nasa harapan bago umiling. "Hindi ba tayo... mamamasyal?" He drank on his coffee. "Wala ka ba talagang gagawin ngayon?" Iiling pa lang ako nang s'ya na ang gumawa niyon. "I know when you lie, Corrine..." His brow shot up. "Let's finish this then, iuuwi na kita sa inyo." Nakangusong hinawakan ko ang tinidor bago pinagdiskitahan ang cheesecake. So, hindj nga kami lalabas ngayon? Walang window shopping? Walang visit sa mga park or museum? But wait... alam n'ya kapag nagsisinungaling ako? Paano? Kahit sina Ahma, hindi alam kung kailan ako nagsisinungaling dahil I can look directly at their eyes! Kaya paano?! A finger lifted my chin. Gulat na napanganga ako nang makitang si Alfonso ang may gawa niyon. "Focus on your cake," aniya. Hindi man lang napansin na natulala ako sa ginawa n'ya. Mabuti na lang talaga at magkaharap ang upuan namin. Malayo s'ya kahit paano at hindi n'ya maririnig ang malakas at mabilis na pagkabog ng puso ko. "What?" He's frowning, confused why I'm looking at him like an idiot. Mabilis akong umiling at nag-iwas ng tingin. Hindi naman ako nagugutom pero pilit akong nag-focus sa kinakain. Isang oras lang yata. O baka nga ay wala pa. Masyadong istrikto si Alfonso sa salita n'ya dahil pagkatapos naming magmeryenda, inihatid n'ya nga ako! Naka-convoy pa rin s'ya sa amin at matapos masigurong nasa loob na ako ng mansyon ay saka pa lang umalis! Malungkot at nakangusong nagpaalam ako sa kanya. Ini-expect ko talagang lalabas kami kaya s'ya pumunta sa school! Laglag ang balikat na dumiretso ako sa staircase. Nakasalubong ko sa unang palapag si Ahia, nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay. "Late ka na sa online course mo, Corrine," matigas na sabi n'ya. Saka ko lang naalala na pina-adjust ko nga pala 'yon dahil maagang natapos ang klase kanina! "What's wrong with you? This is the first time that you—" Hindi ko na pinakinggan pa si Ahia. Kumaripas na ako ng takbo at agad na tinungo ang silid. Nandoon na si Narie at naiayos na n'ya ang laptop at maging ang built-in TV kung saan ay ipinapakita ang masusing pagpili sa mga perlas na gagamitin sa paggawa ng alahas. Lumapit sa akin si Narie at bumulong. "May attendance ka na, Miss." Tumango ako. Siguradong si Ahia ang may gawa niyon. Tahimik at malungkot na naupo ako sa swivel chair at pilit pinakinggan ang sinasabi ng speaker. Ipinapaliwanag n'ya kung ano ang worst at best pearl for jewelry making. Wala nga lang roon ang atensyon ko. Mas abala ako sa pag-iisip kay Alfonso. Hindi ba n'ya ako gustong kasama? May nagawa ba ako noong nakaraang araw? I am overthinking and this is the first time! Nakatulala ako sa screen, looking at those beautiful perfect pearls. Kaiba nga lang dahil hindi lumukso ang puso ko while watching them. My mind is to busy to process my emotions and it chose to disregard the first interest of my heart. Kung hindi pa nag-ring ang cell phone ko, hindi pa ako mawawala sa pagkakatulala. Someone's calling. Tinanaw ko lang iyon. Akala ko nga ay naiwan ko na. The call ended. Saka pa lang ako tumayo para tingnan kung sino iyon. Mabilis akong nabuhayan nang makita ang pangalan ni Alfonso. He texted me also! Kaagad na naging malinaw ang sinasabi ng speaker. Nagkaroon ng kulay ang paligid at nahawi ang kanina ay tila hamog na nakatabing sa isip ko. Alfonso: I'm home. Thank you for today, Corinne. The message was sent more than an hour ago. Anong ire-reply ko? Alam kong nagtatampo ako. I'm still thinking about it when another message came. Tuluyang nagliwanag ang disposisyon ko sa buhay! Alfonso: I know how full your schedule is. Ayokong ako ang maging dahilan para hindi mo magawa ang mga dapat mong gawin. I want to inspire you, not to affect you negatively. Let's go out when you're free. I smiled and almost screamed. Inspire me? Teka... Lalabas lang kami kapag free time ko? Kailan 'yon? Mabilis kong tiningnan ang schedule ng buong buwan na ito at sa susunod pa. Wala akong free time! Bumalik ang pagkalungkot ko. Ibig sabihin ay hindi kami makakapag-date? Well, puwede ko namang sabihing wala akong schedule! But again, I'm not a good liar. Nahuli n'ya ako agad kanina! Another message came. Alfonso: Message me after your online class. I'll call. Mukha akong tanga na muling naging masigla. Nalito na rin ako sa kung anong dapat maramdaman dahil kanina lang ay malungkot na malungkot ako pero ngayon ay halos tumalon ako sa tuwa! Is this normal? Kaya kahit na gustong-gusto kong mag-message, pinanindigan ko ang paniniwala n'yang naka-focus ako sa klase na 'to. Mabuti na lang at nire-record ni Narie ang bawat class, mababalikan ko ito dahil wala talaga akong naintindihan mula nang mag-umpisa! My dinner was served in my room. Ganoon kapag may klase ako lalo at inaabot ito ng hanggang alas siyete ng gabi. Mas mahaba nga lang yata ngayon dahil naka-focus iyon sa pagpili ng magandang klase ng mga perlas. Na-guilty pa ako dahil pahuli na nang magawa kong intindihin ang sinasabi ng speaker! Babalikan ko talaga ito mamaya para masimulan ko ulit! Ten minutes before eight when my class ended. Mabilis akong dumiretso sa bathroom. Nandoon na ang lahat ng mga kailangan ko. My assistant is really efficient. Sa halip na magtagal sa loob, mabilisang shower ang ginawa ko. Ni hindi ko pinansin ang inihandang therapeutic bath sa jacuzzi. Mukhang napansin ni Narie na kailangan ko iyon. Triple yata ang kilos ko. Nairita pa ako sa buhok dahil doon ako nagtagal. Hindi naman puwedeng hindi ko tutuyuin. It's almost nine when I finished doing my body rituals. Kaya simangot na simangot ako. Baka tulog na si Alfonso! A beep sound came from the intercom. Kasunod niyon ay ang boses ni Ahia. "What are you doing, Corrine? Tapos na ba ang klase mo? I called you kanina, walang sumasagot." Ngumuso ako at mabagal na naupo sa kama hawak ang ipad. "Tapos na, Ahia. I just went out from the shower." My tone is gloomy. Naghintay ako ng sagot from Ahia pero mukhang gusto lang yatang i-check na tinapos ko ang klase. Natulala lang akong nakatingin sa kisame habang nakahiga sa kama. My hair is disheveled and messy on my pillow. Wala nga lang akong pakialam dahil ramdam na ramdam ko ang lungkot. I raised my hand with my phone. Should I text Alfonso a good night? Para naman ay malaman ko kung gising pa s'ya. I'm trying to think of a message when another message popped up. "Damn it!" Muntik na akong umiyak nang mahulog ang cell phone at tumama ang gilid niyon sa ilong ko. Ang sakit! Sobrang masakit at gusto kong gumanti! My eyes are almost in tears. Nahinto nga lang ang pagtulo ng mga iyon nang makita kung sino ang nag-message. Alfonso: Can you answer a call now? Nangunot ang noo ko. Tinatanong pa ba iyon? I typed yes immediately! Hindi pa nagdadalawang ring ay sjnagot ko na iyon. Another video call with him! Nakahiga pa rin ako, nakatagilid habang nakaharap sa screen. Ang cellphone naman ay nakasanda sa aklat na basta ko na lang nakuha sa side table. Alfonso opened his mouth. No words came from him. Kaagad n'ya iyong isinara at naiiling na nakangiti. "Are you preparing to sleep?" "Not yet." Mabilis na umiling ako. He smirked. Pilit n'yang itinatago pero nagpapakita rin. Umirap na lang ako. Alfonso's laugh roared. Mas lalo tuloy akong nataranta. "Hindi ka nag-reply." Ngumuso ako. Malungkot ako kanina kaya hindi nga ako nag-reply. "May class ako..." Lumiit ang boses ko. Totoo naman iyon pero para ko nang sinabing nagsinungaling nga ako kanina dahil sinabi kong wala akong schedule! "Last minute class so..." Kinagat ko ang ibabang labi. His eyes narrowed. Bahagyang tumaas din ang isang kilay. "Sorry." Safe naman 'yon, 'di ba? "Nagtatampo ka?" Kaagad ang pag-init ng buong mukha ko. Am I that transparent? Wala naman akong sinabi! "Uh..." Ni hindi ko masalubong ang mga mata n'ya. His stare is intense. Parang kayang-kaya n'ya talaga akong basahin. Kaya siguro alam na alam n'ya kung kailan ako nagsasabi ng hindi totoo? Dahil nakikita n'ya kahit ang kaluluwa ko? "We can go out when you're not busy," aniya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. "I don't want you to be late for your schedule..." I angled my face. Nakadapa na ako, kaharap ko na mismo ang cell phone na nasa tamang distansya. Nakasabog ang buhok ko habang ang mga braso ay nakapatong sa unan at doon naman nakatuon ang baba ko. "My schedule is packed and full," malungkot na sabi ko. "We can just have snacks in the café," agarang sabi n'ya. "We can hang out there while studying—" "But I want a date with you!" We're both shocked. Siya sa narinig at ako sa sinabi. Awang ang mga labing nakatingin lang si Alfonso, ako naman ay nakatakip sa sariling bibig. What the hell was that, Corrine? Gusto kong kainin na lang ng kama. O kaya ay bigla na lang mawala. I reached for the phone and ended the call in panic. "Oh my God, Corrine!" Mabilis ang pagtayo ko at ilang beses na inihampas ang unan sa headboard. "Did you just..." Inis na sinabunutan ko ang sarili. Ibinagsak ko ang katawan sa kama at inis na tinampal-tampal ang mukha. I confessed to him! Iyon ang nangyari, 'di ba? That was an indirect confession! Why did I do that? Ano bang nakain ko? Pinisil ko ang ilong. "This is not you, Corrine!" Ahia will kíll me for sure! Napapitlag ako nang marinig ang pag-iingay ng cell phone. Mabilis akong bumangon and Alfonso's calling again! Anong gagawin ko?! Para akong tangang nakatulala lang habang nakatingin sa tumutunong na cell phone. Hindi ko sinagot at kusang namatày ang tawag. Hindi pa nga lang ako nakakabawi nang tumunog ulit iyon. What the hell? Sasagutin ko ba? Natatarantang kinansel ko ang tawag. Why is he persistent on calling me? Am I going to be rejected? Isusumbong n'ya ba ako kay Ahia? Sasawayin? Mabilis kong naramdaman ang pagkirot ng puso. I'm more concerned with what will happen that Ahma's words kapag nalaman n'yang nalilihis ako ng landas! Muntik ko nang maitapon ang cell phone nang mag-vibrate iyon kasamay ng message tone. Si Alfonso. Alfonso: Why are you not answering any of my calls? Are you okay? Hindi ko pa natatapos basahin iyon nang may bagong message na pumasok. Alfonso: We can date. Let's work on your schedule during Sundays. I'll date you in those days. I shrieked. Naitapon ko ang cellphone at sumubsob sa unan habang tumitili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD