Chapter 15

2061 Words
"Ahia..." Suminghot ako at mas ibinalot pa ang kumot sa katawan. My brother walked inside. Bahagya akong napapikit nang buksan n'ya ang ilaw. He checked my temperature before heaving a sigh. "Are you really sure na hindi mo gustong pumunta ng ospital, Corrine? Hindi bumababa ang lagnat mo," problemadong sabi pa ni Ahia. Agad ang pag-iling ko. Mas ibinalot ko ang sarili. "I'm fine, Ahia. Sa tingin ko naman ay lagnat lang 'to." "Your professor, hindi ko na papupuntahin dito. Magpahinga ka na lang—" "But I need to know the lessons, Ahia! Dalawang araw na akong absent!" Iritableng namaywang s'ya. "Pinapunta ko ang instructor mo kahapon dahil sabi mo ay mawawala rin ang lagnat mo. You're still sick today. Mas mabuting magpahinga ka na lang muna." "Ahia!" "The lessons from your classes today will be given to Mori. Saka mo pag-aralan kapag okay ka na." His voice is laced with finality. "I also adjusted your schedule. 'Yong mga online classes mo, si Narie ang pinapaasikaso ko. All you have to do is rest. Magpagaling ka dahil kapag hindi ka pa magaling bukas, pupunta na tayo ng ospital." Nakangusong tumango ako. Hindi ko na pinansin ang bihis n'ya. Mukha s'yang may lakad, mabuti naman. Well, my brother's busy. Kaliwa't-kanan yata ang schedule n'ya. Namayat na rin s'ya at laging iritable lalo na at mas kinakain ng training sa kompanya ang oras at atensyon n'ya. Hindi na s'ya nagtagal sa kuwarto ko. Umalis din agad at kahit init na init na, nanatili akong nakahiga at balot ng makapal na kumot. This one is heavy! Few minutes later, muling bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang assistant ko. Mabilis ang galaw ni Narie. Kaagad s'yang dumiretso sa akin at tinanggal ang makapal na kumot. She opened the aircon before handing me a glass of water. "Gosh, Narie!" Halos maghubad ako sa init. "I have to shower. I smelled like garlic! Ugh!" Nahuli ko ang pagpipigil n'ya ng ngiti bago tumango. "Aasikasuhin ko na ang paliligo mo, Miss." "I want the jacuzzi today." Padabog akong naupo sa kama. "Are you really sure that putting bawang under my underarms is safe?" Yes, wala akong lagnat. Wala rin akong sakit at naiinitan ako dahil ang hirap magpanggap na nilalamig kahit pakiramdam ko ay impyerno na ang loob ng comforter na 'yon! "Wala naman, Miss..." Tumango ako. She told me that a garlic can help me fake my sickness. Tama nga s'ya dahil napeke niyon ang temperature ko. Nanatili akong may lagnat sa dalawang araw. Kahapon at ngayong Biyernes. Magaling na ako bukas. Puwede rin akong manatili rito sa bahay sa weekends pero sa Lunes? Hindi ko alam kung paano ang gagawin! You're such a headache, Corrine! Kung hindi ka nagsabi ng kung ano-ano, e 'di sana ay hindi ka nahihirapang magsakit-sakitan ngayon para lang maiwasan si Alfonso! Iyon ang laman ng isip ko habang nakababad sa jacuzzi. Hindi ko kayang harapin si Alfonso na siguradong mangyayari kung pumasok ako kahapon. Ni hindi ko nga magawang basahin ang mga message n'ya! Hindi ko rin sinasagot ang tawag n'ya! I don't have a choice but to produce an alibi. Nagawa ko iyong panindigan ng dalawang araw pero paano na sa Lunes? Ano naman kaya ang puwede kong gawin? Iiwasan ko na lang s'ya? Gosh! Paano? Ni hindi ko alam kung kaya ko ba s'yang iwasan! Ngayon pa nga lang ay nami-miss ko na ang lalaking 'yon. I miss his smirk, his playful eyes... his laugh. Agad na tinampal ko ang pisngi. What the hell, Corrine? Mukhang tuluyan ka na ngang naligaw ng landas! Ha, bakit ba? Wala naman sigurong masama kung magkagusto ako sa iba! Hindi naman ibig sabihin niyon na susuwayin ko na si Ahma! So, susundin mo talaga ang sinabi ni Harper? Are you going to play with Alfonso? What? Anong play? Alfonso is not a toy! Oh s**t! Muli kong tinampal ang mga pisngi, paulit-ulit. I think, I've gone crazy now. Nakikipagtalo na rin ako sa sarili ko. This is normal, right? I don't know! Ni hindi ko na alam kung ano ang normal ngayon! I spent more than two hours in jacuzzi. Nakababad lang sa tubig habang nakikipagtalo sa sarili. In the end, wala akong naisip na plano para malusutan ang kapalpakan. Ilang beses ko pang ipinaalala sa sarili ang galit na mukha ni Ahma pero walang nangyari. Kaya natapos na't lahat sa paliligo, gulong-gulo pa rin ako. Dahil magkadugtong ang walk-in closet at ang bathroom, dumiretso na rin ako sa pagbibihis. Mahigit isang oras pa yata ang ginugol ko roon dahil natutulala ako. I even managed to full dry my hair without burning the tips! Okay na rin sigurong natagalan ako. Baka natanggal na ang amoy ng bawang sa kuwarto ko. My plan is to think again. For another alibi. Kaya kahit paano ay nabuhayan ako nang lumabas. Muntik na nga lang akong pumasok ulit nang makita kung sino ang nasa silid ko! Alfonso's now arching his brow at me! Sandali lang n'ya akong tiningnan bago nagawi ang mga mata sa ilang garlic cloves na nasa lamesa ko! What is he doing here? At bakit nandyan pa ang mga garlic na 'yan?! I glared Narie. Pasimple s'yang umiling. Nasa mga mata rin ng assistant ko ang pagkagulat. I sniffed the air. Wala nang ibang amoy kundi ang air freshener kaya bakit naiwan ang mga bawang?! Mas kinabahan ako nang humakbang si Alfonso palapit sa akin. Mabagal ang bawat hakbang n'ya at gusto ko na lang tumakbo pabalik sa walk-in closet! "I thought you're sick..." simula n'ya bago dinama ang noo ko. Agad akong lumayo sa kanya para umiwas. Dumiretso ako sa study table ko. I faced him, leaning on the table. I'm trying to hide the freaking garlic! "Uh... magaling na ako. Bakit ka nga pala narito?" Muli s'yang lumapit at muntik na akong mahimatay kung hindi lang s'ya naglagay ng sapat na distansya sa pagitan namin. "Hindi ka sumasagot sa text at tawag ko. You didn't attend to any of your classes. I called Macky—" "You called Ahia?" I won't be surprised kung magtatanong na naman ng kung ano-ano si Ahia! "I had no choice." Nagtaas s'ya ng kilay. "His sister is avoiding me after claiming on wanting to date me." My jaw dropped. Pulang-pula ang pisngi ko. Nag-iisip pa lang ako kung anong palusot ang gagawin ko pero para saan pa? Nasa harapan ko na si Alfonso at wala rin akong masabi! "I..." I found my voice. What should I say? "...didn't ignore you." I bit my lip and avoid his gaze. Alfonso stepped forward. Nanlaki ang mga mata ko sa pagiging malapit n'ya. He stopped one step away from me. "Oh? Really, Corrine?" Nasa mga mata n'ya ang pagkaaliw. I bit my lower lip. "R-Really." "I told you that you can't lie to me, right?" Tarantang bumaling ako kay Narie. Pero wala na roon ang assistant ko. Ni hindi ko namalayang iniwan n'ya kami rito ni Alfonso! Another step and there's no distance anymore. Mas ramdam ko ang pagiging malapit ng katawan n'ya at mas lalong hindi ko magawang salubungin ang mga mata n'ya. Nanatili sa ibaba ang tingin ko, sa dulo ng sapatos n'yang kadikit na ng fluffy slipper ko. "Corrine..." malambing ang boses n'ya. Kakaibang kilabot ang hatid niyon sa akin. Alfonso's thumb found my chin. Using that, he lifted my gaze on him. "Are you sick..." Ngumisi s'ya. "...or did you became sick just to ignore me?" Umawang ang mga labi ko para sumagot. Bumaba ang tingin n'ya sa labi ko bago bumalik sa mga mata ko. He leaned closer, para bang hindi sapat ang pagkakalapit namin kaya mas gusto pa n'yang tawidin ang kakaunting espasyo. Dumiin na ang likod ko sa lamesa. I felt his hand on my back, the other one is now on the table. As his face neared, I closed my eyes. Sana lang ay hindi n'ya naririnig ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay mabibinhngi ako sa lakas ng kabog niyon. I felt his breath on my left cheek. Ramdam ko rin ang paglandas ng kamay n'ya sa braso ko. I got excited. Ito na ba 'yon? Mangyayari na ba? My first kiss? I'm glad that it would be him. Alfonso's the only one that can have my— "You smelled a bit of this, baby..." His hot breath touched my ears. Hindi ko agad naintindihan ang sinabi n'ya. Kakaibang excitement ang nararamdaman ko kaya nanatili akong nakapikit, naghihintay. "A bit of garlic..." That... was the magic word. Kaagad akong nagmulat at ang madilim na mga mata ni Alfonso ang nasalubong ko. Kakaiba ang kislap ng mga mata n'ya. He's holding a garlic cloves on his hand. Wala nga lang doon ang atensyon n'ya, nasa mga labi ko. He cleared his throat. He looks confused and a bit irritated. Dahil ba sa bawang? Pero ni hindi n'ya tinitingnan iyon, ah? "That's cheating!" Sobra na ang kahihiyang nararamdaman ko kaya iyon na lang ang nasabi ko. Alfonso's laugh echoed. Nawala ang dilim ng mga mata n'ya at bumalik ang nakasanayan kong ngisi. Inis na inagaw ko ang garlic na hawak n'ya. Hindi n'ya yata inaasahan iyon dahil mabilis kong nakuha. "And I didn't smell of this!" Gusto kong mag-tantrums. Hindi ko nakikita ang sarili pero pupusta akong pulang-pula na ang mukha ko. Ilang beses ba akong mapapahiya sa araw na 'to? At mukhang nag-e-enjoy pa talaga s'ya sa nakikita! "God. You almost made me lose my control," Alfonso murmured. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi n'ya kaya matalim na tingin ang isinukli ko. Humalukipkip ako. Mas lalo nga lang naaliw si Alfonso. He's enjoying this. "I didn't know you have this version..." He chuckled. "That's very out of your character, Corrine." Umingos ako. Sa inis ay itinulak ko ang dibdib n'ya. Magkalapit pa rin kami pero hindi man lang s'ya natinag. Inulit ko pa pero wala pa ring paggalaw. The third time I tried to push him, nahuli na ni Alfonso ang kamay kong nasa dibdib n'ya. It stayed there, habang hawak n'ya. Ilang buntong-hininga ang pinakawalan n'ya bago binitiwan ang kamay ko. "Change for a more comfortable clothes. Lalabas tayo," kontrolado ang boses na sabi n'ya. Napakurap-kurap ako. "Huh?" Pinagtaasan n'ya lang ako ng kilay bago dumiretso sa pinto. "Sa baba na ako maghihintay." Iyon lang at tuluyan na s'yang lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ni Alfonso ay mabilis na pumasok si Narie. "Pasensya na, Miss. Hindi ko naitago ang mga bawang. Naglilinis dito ang mga maid nang pumasok si Mr. Zaragosa. Hindi ko na naitago dahil nakita na n'ya," dire-diretsong paliwanag ni Narie. Tumango na lang ako. "Nalaman kong pinayagan ng kapatid mo si Mr. Zaragosa para matingnan ka rito. Hindi na rin nasabi sa akin ang pagdating n'ya dahil biglaan. "It's okay, Narie..." Nasa mukha ko ang palad. Kaya ko pa 'yong kahihiyan ng bawang pero 'yong inakala kong hahalikan n'ya ako? Nakakahiya 'yon! Gulat na gulat si Narie nang bigla na lang akong tumili. Nakakahiya talaga! Pumikit pa naman ako at... at excited pa talaga ako! Inis na tumili na lang ako. I'm turning crazier day by day. Pakiramdam ko ay matutuluyan na ako! Habang abala ako sa paggulo sa buhok ko, abala naman si Narie sa paghahanda ng isusuot ko. Nang maiayos na n'ya ang lahat ay lumapit na s'ya sa akin. "Kailangan mo nang maghanda, Miss Corrine. Naghihintay si Mr. Zaragosa sa ibaba." Nakangusong tiningala ko ang assistant. "Do I smell garlic, Narie?" Nagmuwestra s'ya ng gagawin kaya tumango ako. Yumuko s'ya ng kaunti, sapat para maamoy ako. Ilang beses pa n'yang ginawa iyon bago umiling. "No, Miss." "So, he cheated!" malakas na sabi ko bago tumayo. Akala ko talaga ay kumapit sa akin ang amoy ng bawang! Hindi ko man alam kung paano pakikitunguhan ang kahihiyan ko kay Alfonso, nagmadali pa rin ako para mag-ayos. Alfonso's waiting and I want to be with him. I really missed him. The excitement filled me as I walked out from my room. Para akong lumulutang at halos takbuhin ko ang hagdanan. Alfonso looked up when he felt me. Bahagya rin akong natigil sa pagbaba at sinalubong ang mga mata n'ya. His stare is intense, ang hirap salubungin pero mas hindi ko kayang iwasan. I resumed my steps and as I walked down the stairs... a realization dawned on me. I'm in love with the smirking devil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD