That Friday, we go out for a bit. Nasira na rin naman ang schedule ko kaya nilubos-lubos ko na. Except for the fact that we went to the hospital for my check-up and stayed in the coffee shop for a few hours, to study the lessons I ditches because of my 'sickness'.
Nevertheless, I enjoyed his company. I enjoyed being with him. It's comfortable and freeing.
But Sundays are my favorite. Sundays became my routine with Alfonso. It became my best of the week, my most memorable and unforgettable.
I adjusted my schedule for those days. Lahat ng hindi kailangan ng full attention ko, roon ko nilagay. The online classes and seminars, short jewelry courses, reviews, —isiningit ko sa mga gabing dapat ay natutulog na ako. Sa mga oras na dapat ay nasa salon ako for my nails and hair. Sa mga Sabadong nagwi-window shopping dapat ako sa mga jewelry store.
Even Narie helped me. She assisted me for my schedules and for the things that needed an immediate attention but I was so busy. She became more than just an assistant. She became a friend I didn't know I needed.
Hindi lang naman ako ang nag-adjust. A month passed by and Alfonso became more than busy. He's like my brother. Seminars, company trainings and meetings, presentation, Masters and his business course as of the moment. On top of that, his family as his achilles heels. His half-sister is nowhere to be found, his father became busy finding her, his mother experiencing emotional breakdown and his brother trying to keep their business in the game.
Most of the times, our Sundays are filled with study dates in Chris' café. We didn't talk, just doing our own things, ako—studying and him—working, studying, meetings and all.
Sometimes, our study dates consumed the whole Sundays. Sometimes, just the half of the day. Sa mga araw na medyo kalmado ang schedule namin, we're doing the best we can to spend them outside the café.
We almost went to almost everywhere in Metro Manila. Hindi rin naman kami puwedeng lumabas ng siyudad dahil hindi kaya ng schedule. We frequent parks and museums. Sa lahat ng siyudad sa Metro, napuntahan na yata namin ang lahat ng pwedeng puntahan. So, everytime we had the chance, we decided to make the most of it.
My favorites are the Intramuros, the continuous street market of Baclaran and Divisoria, the museum in Antipolo, the salty and long stretch of boulevard of Pasay, the La Mesa Dam of Quezon City and the list goes on and on.
Lahat yata ng lugar na napasyalan ko with Alfonso, naging paborito ko.
Our Sunday getaways and those places made me realize that ordinary people has the best life. Their lives are much simple and less toxic. Their lives became the life I'm craving—their normalcy became a dream that's so faraway from my fingertips.
"Miss!"
Lunes at katulad ng nagdaang mga buwan, excited si Narie sa pagsalubong sa akin.
Masaya dapat ako dahil walang pasok bukas. There's this event in school and attendance is not mandatory.
"Nailagay na lahat ng gamit mo sa bago mong unit."
I tilted my head. Wala akong naintindihan sa sinabi n'ya.
Nanatiling nakatingin lang sa akin ang assistant ko. Nasa labas na kami ng eskwelahan at ilang hakbang na lang ay nasa parking lot na kung saan ay naghihintay ang sasakyan.
"Lahat ng gamit ko?"
Itinuro ko pa ang sarili. My mind is somewhere else, kaya kahit ngayon ay hindi ko iyon mapakinabangan.
Narie's smile twisted. Sandali ring nangunot ang noo n'ya bago bumuntong-hininga. What? Sa akin ba s'ya stress?
"The condo unit for you, Miss. Nailipat na roon ang lahat ng gamit na kakailanganin mo..."
Oh, boy! Nakalimutan ko na ang tungkol doon!
Napahalakhak ako. Gulat na tumingin lang sa akin si Narie.
Oo nga pala! I chose that unit myself! Bakit ko nga ba nakalimutan iyon? Nasanay ako na sa mansyon umuuwi at nakalimutan kong kailangan ko nga palang bumukod!
Of course, Ahma's rules. We need to live independently. Hindi kami pagkakaitan ng pera o materyal na bagay but we need to live by ourselves. I need to learn how to cook, clean, do my laundry and live by myself.
Hindi mawawala si Narie pero hindi ko rin s'ya makakasama buong araw katulad ng mga nagdaang buwan. Nandyan lang s'ya mula sa pagpasok ko sa school hanggang sa makauwi ako. S'ya at ang driver ko. Once maihatid nila ako sa bago kong tirahin, didiretso na sila sa mansyon at doon mananatili. Both of them are one call away but of course, sa mga importanteng dahilan lang at hindi katulad ng dati na pati kapritso ko ay pagbibigyan nila.
Ahma didn't ban us to go out after school hours. Naniniwala s'yang kailangan naming maranasan ang ilang bagay-bagay. Para sa kanya, okay lang na magkamali kami pero may limitasyon iyon.
Kaya magagawa ko namang lumabas but without my assistant and driver. Hindi ko sila puwedeng gamitin sa hindi importanteng mga lakad.
Ahma is teaching us to stand on our own feet.
Ang iba siguro, magrereklamo lalo at nakasanayan nilang maalwan ang buhay but not me... Iba man ang gustong mangyari ni Ahma, pakiramdam ko naman... I am learning how to be free. To fly outside the golden cage. To spread my wings even if there's threat.
Kaya unti-unti ko nang nauunawaan si Ahia. Ganito rin siguro ang naramdaman n'ya noon. Naging malaya s'ya. He got addicted, though. At mukhang ganoon din ang mangyayari sa akin ngayon.
Am I getting addicted with Alfonso's presence? Obviously, yes.
It felt scary and overwhelming. I am attached to him, the whole of him.
Para bang...
Sa sobrang pagkakahulog ko, kayang-kaya kong gawin ang lahat. Kayang-kaya kong suwayin kahit ang hindi nababaling batas ni Ahma.
Nakakatakot. Pero ito ang takot na alam kong kaya kong harapin at suwagin. This is the first time I'm feeling this emotions. Ang sarap din pala sa pakiramdam.
I closed my eyes a bit.
Nang magmulat ako ay ramdam ko ang pagiging mas determinado ng puso ko. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaisa ang utak at puso ko sa gusto nito. Nagkasundong lalaban para roon.
"Okay ka lang ba, Miss?" Bahagya akong hinila ni Narie nang muntik na akong masagi ng isang estudyante.
Tumikhim ako at bahagyang ikiniling ang ulo. My thoughts and emotions are sync with each other. The calm chaos is happening both in my heart and head.
"Are we heading there?" I asked her. "Sa bago kong condo?"
"Yes, Miss. Naghihintay na rin doon ang kapatid mo. Gusto ka n'yang makausap..." Bakas sa boses ni Narie ang pagdadalawang-isip. Para ngang ayaw pa n'ya sanang sabihin iyon.
Tumango ako.
I don't need to ask. Alam ko na ang dahilan kung bakit sa kabila ng busy'ng schedule ay naglaan talaga si Ahia ng oras para makausap ako. Of course, hindi n'ya palalampasin ito! I know him too well!
Iisa lang ang routine ni Narie sa tuwing nasa sasakyan kami. She's explaining my schedule for the rest of the week. Maging iyong mga schedule na hindi puwedeng ipagpaliban, the schedules that were set by Ahma.
Panay tango lang ako. Pumapasok naman sa akin ang lahat ng sinasabi n'ya pero hati ang atensyon ko. Malayo na rin ang narating ng isip ko para sa gagawing ngayong gabi.
I smiled imagining what will happen later. Mas na-excite tuloy ako lalo!
"May kailangan kang puntahang event sa darating na Sabado ng gabi, Miss Corrine."
Mabilis ang naging pagbaling ko sa kanya. What?
"Event?"
Talagang nagtaka ako dahil tinandaan ko ang lahat ng dapat gawin at aralin sa mga panahong nandito ako. Wala roon ang pagpunta sa kahit anong event dahil hindi ko kailangan ang socializing habang nandito ako.
Bumuntong-hininga ako. "What kind of event?"
Narie frowned. Umiling s'ya at ipinakita sa akin ang nasa ipad.
"Walang nakalagay, Miss. Naka-note lang dito na kailangan mong pumunta..."
Umismid na lang ako nang makitang oras at address lang ang nandoon. Hinayaan ko na lang. Sanay na rin naman ako sa mga ganitong pagbabago from Ahma.
Nang makarating sa gusaling kinaroroonan ng bago kong condo ay pinilit ko talagang kumalma. Hindi nga lang madali iyon dahil gustong-gusto ko nang pabilisin ang elevator na sinasakyan! Nasa VIP elevator ako at iilan lang ang gumagamit nito kaya siguradong magiging paborito ko rin ang lugar na ito.
"Dito, Miss..." Iginiya ako ni Narie pagkalabas ng elevator sa tamang palapag.
Oo nga at ako ang pumili ng unit dito pero unang beses ko pa ring pumunta rito.
Ilang unit lang ang nasa palapag na ito. Magkakalayo ang mga iyon sa isa't-isa at mas malaki kaysa sa mga nasa ibabang palapag.
We went to the farthest right of the hallway. Napangisi pa ako nang makita ang pintuan ng katapat na unit ng akin.
Mabilis nga lang nawala ang ngisi ko nang bumukas ang pinto ng unit ko. Iniluwa niyon ang nakasimangot na si Ahia. Matalim na binalingan n'ya ang katapat na unit bago hunarap sa akin.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa natapos ang klase mo."
Ngumuso ako. "Traffic, Ahia."
Pumasok ako at nilampasan s'ya. Mas tumindi ang saya ko nang makita ang malawak na living room. This will be my home!
Lahat ng nakikita ko ay nagustuhan ko. Siyempre ay naging matiyaga si Narie para ilista lahat ng request ko kahit na halos ipabago ko ang interior ng buong unit. Talagang magaling ang assistant ko!
"You're smiling widely. That's scary," ani Ahia. Naupo s'ya sa mahabang sofa na nasa kaliwa ko.
Nasa couch ako at prenteng nakaupo.
"I'm just excited, Ahia. I have properties under my name but all of those are from Ahma, Mama or Papa." Inilibot ko ang paningin. "And this unit is the first property na nabili ko through my money!"
I giggled. Mabilis mababawi nina Ahma ang mga property'ng ibinigay nila sa akin dahil sa kanila naman nanggaling iyon. Pero ito... sa akin ito. Hindi nila magagawang bawiin dahil pera ko ang ginastos dito.
"Can you please tell me why you chose this building, Corrine?" mariin ang boses ni Ahia.
Bumaling ako sa kanya. "Malapit sa LJ and sa school ko. Malapit sa lahat. Convenience, Ahia. And this one is safe, too."
"Oh, come on, Corrine. We both know kung bakit ito ang pinili mong unit."
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Sige nga, Ahia. Anong dahilan ko?
But he didn't say anything. Nanatiling nakatingin lang din s'ya sa akin, naghihintay na ako ang magbigay ng sagot na gusto n'yang marinig.
"Stop overthinking, Ahia." Tumawa ako. "Masyado kang namomroblema. This building is one of the best!"
"And this building is where Alfonso lives!" Stress na tiningnan ako ng kapatid. He pointed to the door. "And that freaking idíot's unit is there, katapat ng unit mo!"
Nag-iwas ako ng tingin. Alam naman pala n'ya, nagtatanong pa.
Inis na tumayo ang kapatid ko at iritadong ginulo ang buhok. Nakapamaywang pa s'ya nang humarap sa akin.
"Did Alfonso know? Na kapitbahay ka n'ya?"
Gusto kong umirap.
"No, Ahia."
Agad ang pagtakip ng palad n'ya sa kanyang mukha, mas problemado na ngayon.
"I thought you just had a crush on him, Corrine?"
Namimilog ang mga matang napatingala ako sa kanya. Alam n'ya? Paano? Kailan pa?
Hindi nagbago ang ekspresyon ni Ahia nang pabagsak s'yang naupo. Madilim pa rin ang tingin n'ya sa akin.
"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?" Mahinahon na ang boses n'ya pero nanatili ang lamig niyon. "Naisip mo bang maaaring malaman ito ni Ahma? She won't stay still, Corrine!"
"You're not even afraid, Ahia," sabi ko na nakapagpakunot sa noo n'ya.
Sandali kong isinantabi ang excitement para sa bagong unit.
"You all know that, too. Pero hindi ka natatakot. You're still doing it. You're still going against Ahma. Hindi ka natatakot sa maaaring mangyari o sa puwedeng gawin ni Ahma."
My brother groaned. Ilang mahihinang mura rin ang pinakawalan n'ya.
"Our situation is quite different, Corrine. Kaya ko ang sarili ko. Kaya kong panindigan ang desisyon ko. How about you? Hanggang kailan mo kayang ilaban ang ginagawa mo?!"
Anong pagkakaiba? He's loving a woman that's not Chinese. Desidido s'yang ilaban iyon kaya bakit kapag ako... parang imposibleng gawin iyon?
Kaya ko naman! Kayang-kaya ko!
"You are not even playing with fire, Corrine! You're burning yourself with it!"