Tulala ako nang makaalis si Narie. I'm all alone now. Nakapagbihis na ako at nasa sala na ulit.
Nakangangang inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng living room. Sa parteng ito palang, malawak na. Ramdam na ramdam ko ang pag-iisa.
Anong gagawin ko ngayon dito?
I eyed the journal on my table. Inayos ni Narie iyon. Hindi naman n'ya kailangang gawin pero binigyan n'ya ako ng tasking schedule para sa mga panahong nandito lang ako sa condo.
Specific ang nasa journal. Kung anong puwede kong gawin sa oras na nabo-bored ako. House chores. Appliances and their uses. Cooking recipes. Kung ano-ano ang laman ng malaking refrigerator. When and where to do my laundry. When and where to go to for grocery. Even the cleaning tools and the schedule of when to use them, nakalista lahat.
Mukhang hindi ko kakayanin kung wala si Narie sa buhay ko.
Mas lalo akong napangiti nang makita ang sulat-kamay n'ya sa post it na nakadikit sa journal.
If you need anything, call me, Miss Corrine.
She's so sweet!
Alright! Hawak ang journal ay tumayo na ako. Malinis at maayos naman ang buong unit. Wala akong kailangang ayusin o linisin sa ngayon. What I needed to do is to familiarize myself with my new place. Iyon ang dapat. Tama!
Mag-isa man, I had a tour on my now safe place. Yes, this unit will be my safe place starting today.
The whole unit is in combination of white, grey and black. Maging ang lahat ng muwebles, ganoong kulay din.
Malawak ang living room. May isang mahabang sofa at couch sa parehong light grey na kulay. Ang carpeted floor ay dark grey at ang center table ay nasa parehong kulay. Malaki at malapad ang built-in television.
I went to my kitchen. Maayos at kompleto ang lahat ng gamit doon na binubuo rin ng tatlong kulay. May bar counter bukod sa counter top na hindi ganoon kalayo sa kitchen sink. Ang dining area ay simple lang din. Six seater ang lamesang nandoon na kulay itim na makintab na marmol. Personal request ko iyon. The chairs are all in colored light and dark grey, customized din iyon.
May common bathroom sa ibaba. Malaki rin iyon at isang maliit na silid ang katabi, naglalaman ng cleaning utensils. May isa pang maliit na silid na malapit sa kitchen, naglalaman ng dry goods and stocks. Puno iyon. Siguro ay good for a couple of weeks.
Malawak ang laundry area. Malaki rin ang machine na naroon for laundry. Hindi ko alam kung ano ang magandang brand ng mga sabong panlaba pero kompleto iyon sa built-in cabinet na naroon.
May balkonahe na may two-seater table. Tama lang ang lawak niyon. May mga halaman ding nandoon.
The first floor is furnished with beautiful paintings and ornaments. Iilan lang doon ang pinili ni Narie base sa gusto ko, ang karamihan ay ako talaga ang pumili.
Dumiretso ako sa second floor. Apat ang silid doon. Ang isa ay pinagsamang library at study room. Tatlong built-in shelves ang nandoon na punong-puno ng mga aklat, categorized by their kinds and genres. Malawak ang lamesang gawa sa Narra.
Lumabas ako roon at dumiretso sa isa pang silid. Guest room iyon. Kompleto rin at may sariling bathroom. Ganoon din ang isa pang silid.
Ang silid na nasa dulo ang Master's bedroom. Pinakamalaki rin sa lahat at halos okupahin ang kalahati ng palapag.
Agad akong dumiretso sa walk-in closet. Nakaayos na roon ang lahat ng gamit ko. Hindi nga lang ako natuwa dahil walang jacuzzi ang banyo pero malaki naman ang bath tub. That will do, for now.
King size bed ang kamang naghahati sa dalawang kulay ng grey. May sariling receiving area at study table. Malaki at maganda ang silid ko pero di hamak na mas simple ito kaysa sa silid ko sa Forbes. Pero okay lang. Kuntento ako sa lahat ng mayroon ang unit kaya muli akong bumaba.
It's past four. Hindi ako eksperto sa kusina pero marunong naman ako.
Well... let's see.
Masiglang isinuot ko ang apron. I don't know what to cook, hindi rin ako marunong kaya mag-e-experiment na lang ako!
Inilabas ko ang chopped meat, carrots and potatoes. I'm making adobo. Sinobrahan ko na ang karne dahil plano kong bigyan si Alfonso! Siguradong sa sobrang busy n'ya, hindi na s'ya nakakakain ng lutong bahay!
I cut the vegetables into bigger cube-sizes. Nakailang ulit din ako sa panonood sa internet kung paano ang adobo. I'm not really sure about the ingredients pero kompleto naman sa lahat ang kitchen kaya confident akong masarap ito!
Step by step, sinunod ko ang napanood. I already boiled the pork meat. I am now heating the pan.
"Dàmn it!"
Napamura na lang ako nang matalsikan ng mantika. I glared at the chopped garlic on the pan. Masakit, ha!
"Add peppercorns and bay leaves when the garlic turned light brown..." basa ko sa instructions.
Siyempre ay wala akong alam sa ganito kaya nag-search pa rin ako for the directions.
"This dried leaves are creepy. I don't like this one." Hindi ko nilagyan ng tuyong dahon ang pan, just the peppercorns.
Exactly after twenty seconds, I put the meat on the pan. Iyon kasi ang sabi sa instructions. I stirred the meat and I really love the smell!
I giggled. "I'm really cooking na!"
Nang tingin ko ay luto na ang karne, I poured soy sauce. Nakalimutan ko nga lang sukatin pero dahil nandoon na, hinayaan ko na lang.
"Beef broth din?" I read the last instruction for a few times. "Why would you add a beef broth to a pork dish? This person is not really good," tukoy ko sa nagsulat ng binabasang recipe.
I adjusted the heat. Boiled na ang karne kaya hindi ko na susundin ang forty minutes na cooking time nito. I reduced it to twenty minutes. Mas sumang-ayon nga lang ako na okay na ang fifteen minutes doon kaya iyon ang inilagay ko sa alarm.
While waiting for my first dish, agad kong minessage si Alfonso. He's busy the whole day. Dalawang message lang ang nabigay n'ya sa akin. Kasama roon ang gagawin n'ya sa araw na 'to.
I'm planning to surprise him later. With my adobo. Siguradong magugulat s'ya kapag nalaman n'yang magkapitbahay kami! Pero mamaya na 'yon, iba ang gusto kong gawin ngayon.
The second and third on Harper's To know list. Those two were my goal tonight. Kayang-kaya namang gawin iyon nang magkasabay.
Invite him to a club. Or tell him that you're going to a club to party. Indirectly tell him that you're alone. If he let you go alone, that's zero chance. If he accompany you, that's a hundred percent yes!
Napangisi ako. I scribbled a message for Alfonso. I have no classes tomorrow and I checked his sched, kalmado iyon bukas.
I pouted when I remember the third.
Kiss him. Or initiate a kiss. A response is a yes, no response means, move on!
Alright. I can do these two.
Nang mag-alarm ang cellphone para sa adobo ay kaagad ko in-off ang La Cornue. Hinayaan ko ang adobo para lumamig. I cleaned the counter top and napatawa na lang ako nang maalala ang cellphone. I forgot to send the message!
I immediately clicked the send button.
Ako:
Hey! I have no classes tomorrow. I wanna party tonight. I'm going to a club in Makati later.
Napangisi ako nang ma-send iyon. Hindi naman yata halatang gusto ko s'yang yayain, right? Lalo at iyon ang goal ng gabing ito.
One second after I sent the message, agad na may dumating ding from Alfonso. This is not a response to my message, kase-send lang niyon, e.
Alfonso:
Good evening. Nakauwi ka na? Sorry, quite busy here. I'll call later pagkauwi kapag gising ka pa. I'm in an emergency meeting and until ten pa ito. I just took a second break to send you a message.
Kaagad na sumimangot ako. So, anong mangyayari ngayon? But I already sent the message!
Nilingon ko ang adobo. Anong gagawin ko roon?
Ire-ref ko na lang siguro. I'll just wait for him, maybe?
Tama! Maaga pa ang uwi n'ya for a party kaya puwede pa iyon! Paano pala kung pagod s'ya? Corrine, of course he's tired pagkauwi!
I massaged my temple. Then, matutulog na lang ako? Hindi ko na ipipilit 'to?
Iyon na lang siguro.
Nakangusong nilapitan ko ang adobo at naglagay sa food container. Mas okay kung dadalhan ko s'ya ng dinner sa trabaho n'ya!
Napatango pa ako sa naisip. Hindi ko naman s'ya aabalahin dahil nasa meeting s'ya. Ipapaabot ko na lang siguro sa mga tao roon. Tama, tama!
I took another food container. Nilagyan ko iyon ng sliced fruits bago ibinalik sa loob ng ref. I don't have a cooked rice yet. Muli akong nanood sa internet kung paano magsaing. Masigla pa rin ako habang ginagawa iyon.
Nang matapos, nagmamadali na akong umakyat. Wala akong planong magpakita kay Alfonso pero maraming puwedeng mangyari. Mas mabuting presentable pa rin ako!
You're so brainy, Corrine!
I took my time. Kaya presko at magaan ang pakiramdam ko nang matapos. I chose a simple baby blue spaghetti top partnered with white skirt. Kakulay ng top ko ang flats ko habang puti naman ang bag.
Nataranta nga lang ako dahil nang bumaba ako ay nangangamoy na ang kanin! My first sinaing is burnt and smelly!
"It's alright, Corrine. Hindi naman nasunog lahat. This is also a lesson-learned well for you," I cheered on myself.
Maayos naman ang kanin kahit amoy sunog iyon. Inayos ko ang mga pagkain sa isang paper bag. I don't have any thermal container or bag kaya ito na lang muna sa ngayon.
After checking my unit keys and wallet, handa na akong umalis!
"Stop being so kilig, Corrine!" natatawang saway ko sa sarili. But I cannot! Pakiramdam ko ay isa akong concern na girlfriend kay Alfonso.
I opened my door for a bit. Nag-text si Ahia kaya sinilip ko muna iyon. I typed a response first. Hindi ko nga lang tuluyang nabuksan ang pinto nang makitang lumabas sa kabilang unit si Alfonso.
Yes, he didn't see me.
Paano n'ya ako makikita kung maligayang-maligaya s'yang nakikipag-usap sa isang babaeng namumula na ang mukha at hindi makatingin sa kanya?!
Akala ko ba ay busy s'ya at nasa meeting? Saka, kailan pa s'ya umuwi?!
Nag-uusap ang dalawa, diretso lang ang lakad papunta sa elevator. May bitbit na kung ano si Alfonso habang ang babae ay tawa nang tawa.
The woman touched Alfonso's arm. He laughed and nodded. While I'm here, nasasaktan.
Agad akong pumasok sa unit ko. Ni hindi ko namalayang sinilip ko na pala ang dalawa.
What was that? He lied!
Mabilis ang panlalabo ng mga mata ko. Ayoko sana pero napaiyak na lang ako. Ang sakit-sakit ng puso ko. Pakiramdam ko ay paulit-ulit na tinutusok 'yon. Halos hindi ako makahinga at basag na rin ang boses ko.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakasandal sa pinto. Ni hindi ko rin napansjng napaupo na ako sa sahig, katabi ang mga pagkaing inihanda para sa sinungaling na lalaking iyon!
Muli akong umiyak habang nakatitig sa paper bag. Nag-effort pa ako! May paso pa ako ng mantika sa braso!
It's past eight when I stood. Dinala ko ang paper bag sa lamesa at basta na lang iniwan doon. I went to my adobo. Hindi ko alam pero gusto kong makalma.
I tasted it. Muli akong pumalahaw ng iyak nang matikman iyon. Hindi masarap at matigas ang karne! Ang pangit ng lasa!
Sa halip na ayusin, iniwan ko iyon at umakyat na. Busy pala s'ya? Sa ibang dahilan nga lang at nagdala pa s'ya ng babae sa condo n'ya? Then, busy din ako ngayon!
I should have not messaged him! Dapat ay hindi ko na sinabi sa kanya ang plano ko ngayong gabi!
Well, ano naman kung nalaman n'ya? Busy s'ya sa babae kaya wala talagang mangyayari kahit malaman n'ya! Saka, ano namang pakialam n'ya? Sino ba s'ya sa akala n'ya? Porke alam n'yang gusto ko s'ya, sasaktan na n'ya ako? Ha!
Magsama sila ng impaktang 'yon! I'm gonna have fun tonight!