I've never been in a club. Kahit sa Beijing, hindi ko man lang naisip na pumunta sa mga ganitong lugar but there's always a first time. Lalo na ngayon at talagang nagagalit ako.
I'm hurting. Parang dinudurog ang puso ko. Ganito ba talaga kapag nagmamahal? Sobrang sakit naman!
Ilang beses ko nang tinangkang huwag umiyak pero masyadong sutil ang mga luha ko. Ayaw nilang tumigil.
Nasa ground floor ako ng napili kong bar dito sa Makati. I'm not sure about the name, basta na lang ako pumasok. I have a C-shape six-seater sofa only for me. Ilang lalaki na rin ang nagtangkang lumapit but I'm not really interested. They can all go to hell and I won't care!
I stared at the black label on my table. Hindi ko alam kung bakit 'yon ang napili kong inumin. I'm not into alcohol. Iyon lang ang pamilyar sa akin dahil laging iniinom ni Ahia. I don't know but this one tastes bad. Ang pait at init sa lalamunan! Naka-ilang salin na ako sa baso pero hindi pa rin ako nasasanay. Well, first time ko rin naman.
Pinalis ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. This tears are ruining my night! Ayaw talaga nilang tumigil kahit anong pilit ko.
Kinuha ko ang salamin at tiningnan ang repleksyon. I saw nothing but bitterness. Namamaga ang mga mata ko, halata iyon lalo at singkit. My nose is red, my cheeks is super red! Hindi lang ako sigurado kung dahil sa pag-iyak o baka dahil sa alak!
I glared my phone when it lit up. Alfonso's calling. Kanina pa iyon. Nasa taxi pa lang ako ay tumatawag na s'ya.
Bakit? Hindi na ba s'ya busy? Dapat busy pa s'ya sa babae n'ya!
Why are you jealous, Corrine? Hindi ka naman n'ya girlfriend!
Mas naiyak ako sa katotohanang isinigaw ng utak. Hindi na sila in-sync ng puso ko ngayon. They're now enemies. My poor heart is still trying to defend Alfonso.
Baka naman katrabaho lang?
I took the glass and downed the alcohol. I call bullshít on that.
Katrabaho pero sa condo? Hello, I'm not stupid!
The woman is beautiful. She's tall and sexy! While I'm a bit chubby. Her clothes are hugging her curves. Speaking of her clothes...
Corporate iyon. Ganoon din ang ayos ni Alfonso sa tuwing nagte-training sa kompanya nila. Button-down long sleeve polo and slacks. Bagay na bagay silang dalawa.
Muling umilaw ang cellphone ko. Message naman iyon ngayon. Ang dami nang messages ni Alfonso pero katulad kanina, wala akong planong basahin ang kahit alin sa mga iyon.
It lit again. He's calling again.
Inis na kinuha ko 'yon at padarag na sinagot.
"Hey... where are you, baby?"
Halos umikot na ang paningin ko at sa totoo lang ay wala akong naintindihan sa sinabi n'ya. Mas lumakas ang music na pinangunahan ng DJ. Sinabayan pa iyon ng mga lasing na party-goers.
The bar is high-end. But it is also infested with young, spoiled and wild generation. Wala yatang hindi lasing kaya halos lahat ay nagwawala sa dance floor.
"Corrine. Nasaang bar ka?" His voice is now controlled.
Hinilot ko ang sentido. "Go to hell, Alfonso! Liar!" I ended the call.
Pinatay ko na ang cellphone at muling pinagtuunan ng pansin ang malungkot na bote.
"You should be... happy..." Sininok ako at inis na pinahid ang umalpas na luha. "At least you have a label! How about me?"
Padarag na naibaba ko ang bote matapos magsalin sa baso. I downed the liquor.
I glared at the bottle, my finger pointing to it.
"Even if its black, at least you have a freaking label!" kausap ko pa sa bote. Nakakainis pa dahil hindi naman iyon sumasagot.
Isa pang beses akong nagsalin at muli iyong inisang lagok.
"So..." I gulped. "...this is what jealousy taste. Ang pait."
I am not naive. Kahit nga lasing ako ngayon, alam kong iyon ang nangyayari sa akin. I'm jealous. Parang may asidong ibinubuhos sa puso ko, paulit-ulit at kahit nagsugat na, muling nananariwa. That's what I'm feeling right now. Mapait at masakit.
Or maybe not. Maybe you're not jealous, Corrine...
Maybe you're just hurt but not jealous. Your ego got hurt. Maybe, you were so used na nakukuha ang lahat ng gusto. Actually, you don't even have to lift a finger if you wanted something. Nasa 'yo na ang lahat, no need to take any effort. Dahil lahat ay mayroon ka.
"Shut up, you fool," panenermon ko sa sariling utak. "My heart is hurting and you're still gaslighting me. Stop invalidating my feelings..."
Inis na inis pa ako. Hindi ko alam kung kanino magagalit. Sa utak ko? That's a part of me. Alangan kagalitan ko ang sarili?
"Oh... it's that assholés fault." Muli ay si Alfonso ang binalingan ko ng sisi.
Pero... bakit ko nga ba s'ya sisisihin? Hindi naman kami, wala kaming relasyon para magalit ako sa kanya. He can do whatever, flirt with whoever and be anywhere at ako... wala dapat akong pakialam doon!
Umirap ako sa naisip. That foolish part of me is still defending him! Stupid!
Alright. We don't have anything but ganoon ba talaga iyon? I thought kahit paano ay mayroong special sa amin? Halos tatlong buwan na rin na lagi kaming magkasama! We're enjoying each other's company!
He's confusing the hell out of me! Dapat ay sinabi na n'yang may gusto s'yang iba. Na hindi n'ya ako gusto. Lalo na at imposibleng hindi n'ya alam ang nararamdaman ko! I confessed!
Muli akong nagsalin sa baso. Tinitigan ko iyon ng ilang minuto bago ininom.
I eyed the dance floor. Mukhang masayang sumayaw doon. I never had the chance to dance and party like that. Gusto ko sanang subukan...
Hindi nga lang puwede. I don't know how to do that. Even drunk, I'm still aware that I have to behave. Kahit na malasing ako rito, mas okay iyon than dancing wildly there. Lalo at hindi ako sigurado kung safe nga ba ang lugar na ito. Not from perverts but from social reporters.
Nilingon ko ang bag. One more reason. I'm alone here. Ayoko namang sumayaw na iiwanan ang gamit ko rito. I don't care about the cash in my wallet. But the cards and ID's, they have my name on it. Hindi puwedeng maiwan ang mga iyon dito. That would be a disaster.
"Petty..." I murmured as I drank another glass.
Umaalon na ang paningin ko. Nahihilo na rin ako sa iba't-ibang kulay ng ilaw. I'm irritated with the loud music and voices of people here. This place is starting to annoy me.
Do I have a plan B? Of course. I messaged Narie after I ordered this poor bottle. Hindi ako sigurado kung makakauwi ako nang maayos kaya kahit hindi dapat ay tinext ko s'ya.
"Hmm..." Inikot-ikot ko ang baso. Naduduling na ako sa likidong nasa loob niyon. "This is better..."
Napahagikhik ako nang maalalang hindi pa ako nakakatulog kahit halos mapangalahatian ko na ang black label.
"This is... another discovery..." I yawned. "I have a bit of tolerance to you!"
I chuckled before holding the glass. Ibinangga ko iyon sa bote.
"Cheers to you, Blackie!"
I don't know how many shots I drank. Ang alam ko lang, bawat lalaking lumalapit sa lamesa ko ay sinasamaan ko ng tingin.
"This..." Halos hindi ko maituloy ang sasabihin. Papikit na rin ako at hilong-hilo na.
Naiiling na itinaas ko ang baso. It touched my lips but before downing the liquid, someone pulled the glass from me.
"What the hell?!"
Bahagyang nawala ang hilo ko nang makita si Alfonso. Nasa harapan ko s'ya at mariin ang pagkakatingin sa akin. Halo-halo ang nasa mga mata n'ya—frustration, relief and panic. Hindi ko alam, hindi rin ako sigurado. Ni hindi ko nga alam kung bakit s'ya narito.
Pilit kong inagaw ang baso. Hindi nga lang n'ya ibinigay iyon.
"That's my... drink..." lasing na sikmat ko.
Inis na tumitig s'ya sa akin bago inisang lagok ang laman ng baso.
"Let's go. Umuwi na tayo, Corrine."
I laughed, pointing at him. "Oh, the liar is here!"
Naiiling na kinuha n'ya ang bag ko. May tinawag s'ya at agad na lumapit ang waiter. He gave him some cash bago muling humarap sa akin.
Kaagad na bumalik ang waiter at may dala nang isang basong tubig.
"Drink this, Corrine."
I glared at him. "Why are you here? You should go to your woman!"
Nangunot ang noo n'ya, nalilito.
Muli n'yang ipinilit ang tubig kaya ininom ko iyon. Nahihilo pa rin naman ako at hindi ako sigurado kung naibsan iyon ng tubig.
"Baby, we're going home. Can you walk?" masuyong tanong n'ya.
Tinampal ko ang kamay n'ya. "Hindi ako uuwi! Dito lang ako!"
He bit his lower lip. Hindi ko alam kung nai-stress. Baka nga. Inis na binalingan n'ya ang bote ng alak. Halos lahat ng diin ng tingin n'ya ay doon n'ya ibinaling.
May nilingon s'ya sa paligid. Hindi ko na inalam pero agad na may mga lumapit sa amin na mga lalaki. Halos pare-parehas ang taas at laki ng katawan ng mga iyon.
Alfonso talked to them for a bit. Agad na tumango ang mga lalaki. Hindi ako sigurado kung ilan sila lalo at nadodoble na yata ang tingin ko. Anim o walo? I don't know and I don't care.
Bahagya akong nagulat nang muling bumaling sa akin si Alfonso. Hindi ko masundan kung ano na ang nangyayari. Maingay at magulo ang paligid. Seryoso at mukhang galit si Alfonso.
"We're going home," ulit n'ya.
"I'm not—Ahh!" Napatili na lang ako nang umangat ako sa sofa. "Put me down!"
Ramdam ko ang pagbuntong-hininga ni Alfonso. Sa halip nga lang na ibaba ako, mas inayos n'ya ang pagkakabuhat sa akin. I have no choice but to hold on him.
Hindi ko alam kung paano kami nakalabas sa bar. Nakatulog yata ako sa sobrang kalasingan. Nagising ako ay nasa sasakyan na n'ya kami at umaandar iyon.
"Where are we going?"
Nasa backseat ako, katabi si Alfonso. I don't know who's driving the car.
"I'm not going to the mansion!" Sa sobrang kalasingan ko, hindi ko alam kung paano ko pa naisip iyon.
Hindi sumagot si Alfonso, matiim lang ang titig n'ya sa akin.
"Your... building! Doon tayo magpunta!" Hinawakan ko ang sentido, ang sakit ng ulo ko!
"No. Iuuwi kita sa inyo."
My head snapped at him. Mas lalong nanakit ang ulo ko at bahagyang nagulat si Alfonso nang makitang galit ako sa kanya.
"Do that and I won't talk to you anymore!" singhal ko.
Mabilis na lumambot ang ekspresyon n'ya. Sinubukan n'yang mas lumapit pa pero galit na tiningnan ko s'ya.
"Don't come near me!" Kahit na masyadong masikip sa amin ang upuan. "You liar!"
Alfonso shook his head. "Baby... I don't know what you're talking about. Calm down please..."
"I don't want the mansion!" Mas tumaas ang boses ko sa tindi ng hilong nararamdaman.
"We can talk without the shouting, baby..." He sighed. He talked to the driver, giving him the new direction.
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. Nakatulog ulit ako. Magigising ako sandali pero agad ding nakakatulog.
Nang muli akong magising ay buhat na ako ni Alfonso habang nasa elevator.
"Put me down!"
Malalim ang buntong-hininga n'ya nang sundin ang gusto ko. I'm expecting myself to lie down the elevator's floor but Alfonso's firm hands stays on my waist. Maingat ang pagkakahawak n'ya sa akin doon para mapanatili ang balanse ko. Ayoko man ay nakasandal ang katawan ko sa kanya.
"Baby..." His hot breath is on my ear. "You can't stay in my condo."
I ignored him. Pilit kong tinatanggal ang mga kamay n'ya sa baywang ko pero parang bakal ang mga iyon doon. Ni hindi ko man lang makalas!
"I hate you!" galit na sabi ko nang hindi makawala sa kanya.
Mas lalo nga lang n'ya akong hinila palapit. He's almost hugging me from the back.
"You're a jerk! A liar!" Muling nangilid ang mga luha ko nang maalala kung ano ang nangyari.
The alcohol can really numb the pain but just for a certain time only. Wala naman kasing nakakawala ng sakit, sandali lang nakakalimutan pero muling bumabalik.
"I don't know what you're talking about but I'm sorry..." nanghihina n'yang sabi. "Forgive me, please?"