Chapter 19

2240 Words
My head aches. Sa sobrang sakit ay napaungol na lang ako at sinikap bumangon. What the hell happened? Tuliro pa ako nang bumangon. Halos hindi ko pa maisip kung ano at paanong nandito ako ngayon sa kuwarto ko, sa condo ko. Wala ako sa mansyon sa Forbes. Narie's really efficient. Kahit talaga nagpakalasing ako, nagawa pa n'ya akong puntahan kahit malalim na ang gabi... Wait... I eyed my clothes. I'm wearing a silk nightie. Pero hindi ko maalala na si Narie ang sumundo sa akin. Sinundo ba talaga ako ng assistant ko? Mabilis na sinuyod ko ang silid, sinisigurong nasa tama akong silid at hindi naiuwi ng kung sino. Then, remnants of what happened in the bar came. Dahan-dahan at halos hindi ko maproseso. Hindi ko halos maalala ang lahat ng nangyari pero ang ilan doon... Shít! Si Alfonso ba ang sumundo sa akin? Hindi si Narie?! My head is throbbing yet I managed to get out from my bed. Ni hindi ko nagawang maghilamos, sinuklay ko lang ng mga daliri ang buhok habang nagmamadaling bumaba. Mabangong amoy ang agad na umatake sa ilong ko. Galing 'yon sa kitchen kaya roon ako pumunta. Ang malapad na likod ni Alfonso ang una kong nakita. He's busy doing something, nakaharap s'ya sa La Cornue at mukhang nagluluto. His muscles are flexing, halata iyon sa pagkakahapit ng t-shirt sa katawan n'ya. I almost forgot why I got drunk last night. My stare is now frozen on his back. Naramdaman n'ya yata iyon kaya agad na humarap. I gasped when I saw him. Magulo pa ang buhok at nakasimangot. Mas tumalim ang titig n'ya nang pasadahan ako ng tingin. "What are you doing here?" Lito pa rin, nagawa ko namang magtanong sa kanya. Kasi, bakit nga ba s'ya narito? Paano s'ya nakapasok? Sinong nagpapasok sa kanya? Saka, s'ya ba ang kumuha sa akin sa bar? Alfonso sighed. Muli s'yang bumaling sa stove at pinahinaan ang apoy. He looked annoyed, hindi ko lang alam kung dahil ba sa akin. "Maligo ka muna. We'll eat after that or we can eat first—" "And why would I eat with you nor follow your orders?" sikmat ko, tuluyan nang naalala na galit nga pala ako sa kanya. Hindi dapat ako namamangha na narito s'ya sa kusina ko, guwapong-guwapo habang nagluluto! "We'll talk after we eat, Corrine," mababa ang boses n'ya. "No!" Nagmatigas ako. "I don't wanna talk to you!" Alfonso closed his eyes a bit. Nang magmulat s'ya, mas stress pa s'ya. Ibinaba n'ya ang hawak na spatula at inilang hakbang ang distansya namin. I was taken a back. Ni hindi ako nakabawi nang nasa harapan ko na s'ya agad. "Baby..." His voice is husky. His hand is now caressing my waist and stayed there. "I think... you need to change to a more comfortable clothes." Nangunot lang ang noo ko. Ni hindi ko alam kung bakit kahit galit ako, halos manginig ang mga tuhod ko dahil sa haplos n'ya. "I'm mad and probably, you have hang over. Let's talk after you shower and ate, okay?" Ano bang pag-uusapan namin? Kahit ako ay nalito roon. Oo nga pala! He's a liar. Bakit pa porke sobrang lapit n'ya ngayon, halos hindi ko maalala ang pagseselos na naramdaman ko kagabi? S'ya ang may kasalanan niyon! "No. You should get out... this is not your place!" He looked weary. Mukhang puyat pa o baka naman ay hindi nakatulog? Gusto ko sanang maawa sa kanya pero unti-unti ko nang bumabalik ang sakit at pait na dulot ng kasinungalingan n'ya. Saka, bakit ba s'ya narito? Dapat ay nandoon s'ya sa babae n'ya at iyon ang inaasikaso n'ya! Alfonso sighed. Umangat ang kamay n'ya. Bago pa nga lang n'ya ako hawakan ay tinampal ko na iyon. Gulat na napatingin s'ya sa akin. I glared at him. He sighed. Ang isang kamay n'ya ay nanatili sa baywang ko, ayaw talagang tanggalin. "Wala tayong pag-uusapan. Umuwi ka na." Muli s'yang bumuntong-hininga. Pabalik-balik ang titig n'ya sa labi ko at para bang nahihirapan s'yang tanggalin ang atensyon doon. "We'll talk, Corrine," pinal na sabi n'ya. "After you eat and shower. Now, go to your room and change your clothes at least." "This is my place, Alfonso," gigil ko. "Huwag mo akong utusan sa pamamahay ko!" He muttered a curse. Inis na pumikit s'ya at nang magmulat ay mabilis na tinawid ang natitirang distansya. Dalawang kamay na n'ya ang nakahawak sa magkabilang gilid ko. Sa pagkabigla ko ay napahawak na lang ako sa braso n'ya. I gulped. This position is awkward... and intimate. Ramdam ko ang mabango at mainit na hininga n'ya sa may tainga ko. Tila humahaplos iyon sa balat ko, making all the hair on my nape stood. He's giving me both goosebumps and butterflies. "I wanna settle our problem..." Nanghihina ang boses n'ya. "But how could I focus if you're not wearing a bra, baby? I might lose my control—" Mabilis na rumehistro sa akin ang sinabi n'ya. Mabilis akong napaatras kasabay nang pagtulak sa dibdib n'ya. What the hell, Corrine?! Without looking at him, I walked out. Halos takbuhin ko ang hagdanan para lang makabalik sa silid. I screamed after seeing myself from the mirror. Kitang-kita sa malaking salamin ng kuwarto ko kung gaano kanipis at kaliit ang suot kong nightie. It's above the knee, alright. Pero ang itaas na bahagi niyon, halos nakaluwa na ang dibdib ko! Shit! s**t! s**t! My body is more mature than my age. Siguro dahil chubby din ang katawan ko kaya ang dibdib at maging ang pang-upo ay malaman din. Ilang minuto pa akong natulala sa salamin bago paulit-ulit na nagmumura. Namumula na rin ang buong mukha ko at para na akong kamatis! I should be mad at Alfonso but right now... gusto ko na lang lunukin ng lupa sa kahihiyan! Isa pa, hindi ko alam kung may iba pa ba akong kahihiyang ginawa kagabi? Mayroon ba? Wala talaga akong maalala at hindi ko alam kung paanong nandito s'ya sa condo ko! "Dàmn it!" Tinampal ko ang noo. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin iyon! He's here! Ibig sabihin ay alam n'yang akin na ang place na 'to. That I'm living here and we're neighbors! Ayaw ko na sanang bumaba at harapin si Alfonso pero wala naman akong magagawa. May pakiramdam akong hindi s'ya aalis hangga't hindi kami nagkakausap. Mukhang desidido s'yang pag-usapan ang kung ano pa man. Umirap ako nang muling maalala ang nakita kagabi sa labas ng condo n'ya. Oo nga at nahihiya ako pero dapat ay hindi ko hayaang nandito s'ya sa pamamahay ko! He's a liar! I spend more than an hour in my room. Maayos na ang damit ko nang bumaba. I'm wearing a black leggings and white shirt. Sa loob ng shirt ay ang sports bra. Masakit ang ulo ko at hindi ako sigurado kung ito na ba ang tinatawag nilang hang-over kaya plano ko sanang mag-gym kahit isang oras lang. Pinanatili ko ang pagtataray nang bumaba na ako. Abala na si Alfonso roon. Dinadala n'ya ang mga niluto sa dining area kaya roon na ako dumiretso. We ate in silence. Ramdam ko ang paninitig n'ya pero ni kahit isang beses ay hindi ako nagtaas ng tingin sa kanya. Bukod sa nahihiya ako sa nangyari, tuluyan nang bumalik ang galit ko sa kanya. Hindi ko man naaalala ang mga ginawa ko noong lasing ako, malinaw naman sa akin ang nakita ko bago mangyari iyon. The pain of jealousy, bumalik na iyon at halos magngitngit ako dahil talagang masakit iyon. Masama sa pakiramdam, hindi maganda. I didn't look at Alfonso. Kahit na alam kong hindi man lang n'ya ako hiniwalayan ng tingin. I let him be. Sana lang ay umalis na s'ya pagkatapos n'yang kumain. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang hang over soup na inihanda n'ya. It helped, though. Nabawasan ang pananakit ng ulo ko at kahit paano ay umayos ang pakiramdam ko. Nang matapos kumain, hinayaan ko na s'ya roon. Dumiretso ako sa living room at inabala ang sarili sa panonood ng TV kahit na hindi ko naman naiintindihan iyon. Tulala lang ako sa TV. Kaya hindi ko na namalayan na nasa sala na rin si Alfonso, matiim at may pag-iingat na nakatingin sa akin. Nagulat pa ako nang maramdaman ang pag-upo n'ya sa tabi ko. "Let's talk." Mabilis ang naging pag-iling ko. Nasa dulo ako ng mahabang sofa at gusto ko mang umusog, wala nang espasyo. "There's no need. Umuwi ka na." I heard him sigh. Naninitig pa rin s'ya sa akin. "You've been calling me a liar since last night..." Bahagya s'yang natigilan nang matalim ang tinging ipinukol ko sa kanya. So, I did call him that? I'm so proud of myself! "I am not, Corrine. I never lied to you." I rolled my eyes. Nakita n'ya iyon pero hinayaan ako. "I was so busy yesterday. I told you my schedule. Nagkaroon ng changes, iyong tungkol sa meeting. Sinabi ko agad sa 'yo nang malaman ko na nagkaroon niyon." Muli, umirap lang ako. Isang buntong-hininga ang pinakawalan n'ya. He looks stressed. "What is it, hmm, baby?" Saglit akong natigilan sa narinig. Agad ang kilabot na naramdaman ko. Ngayon ko lang din napagtuunan ng pansin ang tawag n'ya sa akin. At hindi lang ito ang unang beses na tinawag n'ya ako sa ganoon at sa malambing pang paraan! "Yes, you were busy, Alfonso." Matalim ang tinging ibinigay ko sa kanya, pilit itinatago ang kilig na nararamdaman. "Busy in a meeting? Yeah, right? Busy ka sa babae mo! Dinala mo pa sa condo mo!" Nadagdagan ang kunot sa noo n'ya at lito ang mga matang tumitig sa akin. "Babae?" ulit n'ya. Sandali s'yang napapikit nang may maalala. "Wait... kailan ka lumipat dito?" Mas lalo akong hindi tumingin sa kanya. Umusog nga lang s'ya at ang isang kamay ay nasa hita ko na. Marahan n'ya akong iniharap sa kanya. "Hindi ako nagdadala ng babae sa unit ko, Corrine. Kung mayroon mang madalas pumunta, sina Sebastian iyon..." I didn't respond. Hindi ako naniniwala at lalong hindi ako bulag! I saw what I saw! He sighed again. Sa buntong-hininga pa lang n'ya, ramdam ko na ang pamomroblema roon. "If you're talking about yesterday..." maingat ang boses n'ya. "A woman did come—" Mabilis ang paglingon ko sa kanya. Nagulat pa s'ya sa nakitang galit sa akin. Sandali nga lang iyon dahil kitang-kita ko ang pagpipigil n'ya ng ngiti. He's biting his lip so hard! What a moron! "That's Sylvia, one of my friends in San Sebastian—" "There's no Sylvia in your circle," putol ko sa kasinungalingang tinahi n'ya. Alfonso chuckled. Mas lalo akong naasar pero halos mawala iyon nang hawakan n'ya ang kamay ko at masuyong haplusin iyon. "Of course, baby. Can you let me finish, hmm?" Hindi ako umimik kaya nagpatuloy s'ya. "She's not part of my circle. She's just a common friend from another department in San Sebastian. Batch mate and she's an assistant in the company..." Nasa mukha n'ya ang pagpipigil ng ngiti. "May kailangan akong file for the emergency meeting with my brother. Naiwan ko sa unit ko kaya binalikan ko. Sylvia's not with me, ako lang. She called me para sabihing sinundan n'ya ako, offering her held but I didn't let her in. Naghintay s'ya sa labas. Did you saw that?" Mabilis at malinaw ang paliwanag n'ya, tila ayaw na magkaroon ako ng pagkakataong sumingit para barahin ang alinman doon. Saka... aminado naman akong hindi ko nga nakitang nanggaling ang babaeng iyon sa loob ng unit n'ya. Si Alfonso lang ang nakita kong nanggaling doon. I just concluded and now... "If you don't believe me, I can request a copy of the CCTV in our hallway," dagdag pa n'ya. "Hindi rin naman ako nagtagal dahil gusto kong mas matapos ang meeting. Hindi ko nga lang kaagad nabasa ang message mo but when I did, I excused myself from that. Kuya let me go so..." Namilog ang mga mata ko sa narinig. Umalis s'ya sa meeting na iyon? Akala ko ba ay importante? Emergency nga 'di ba? Pakiramdam ko tuloy ay ang petty ko. Isang importanteng meeting ang iniwan n'ya para lang pagbigyan ang kapritso ko! "You... went to the bar?" His brow shot up. "You're not answering my calls. Tinawagan ko ang assistant mo and I found you you there, drunk and talking to a bottle." "I'm not drunk!" "Really?" He chuckled. Hindi ko maalala ang lahat ng pinagagawa ko sa bar pero wala naman siguro akong nagawang hindi maganda roon, hindi ba? I just... drank. "Now that we settled your issue, let's talk about mine..." Nawala ang pagpipilit kong maalala ang nangyari sa bar. Seryoso ang boses ni Alfonso at mas nakakatakot ngayon. I tried to glance at him. Sulyap nga lang talaga ang nagawa ko dahil parang galit na s'ya ngayon. "Uh..." "You're not use to that place, Corrine. And black label, really?" "I... just..." I can't find words to justify my action! Sobrang nagselos lang talaga ako pero hindi ko aaminin 'yon! "What it is, hmm?" He probed more. Ngumuso ako at umiling. "Corrine..." His hand cupped my chin. Marahan n'yang iniharap ang mukha ko sa kanya. "I can answer for you... I have this crazy idea in me that..." I frowned when he cut his words. His eyes are now on my lips. Hirap s'yang nag-angat ng tingin bago naiiling na dinilaan ang sariling labi. "Just don't do it again, alright?" sabi n'ya sa nahihirapan pa ring boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD