Chapter 20

2013 Words
"So?" Kinakabahang nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko gusto ang pagiging seryoso n'ya at mukhang binigyang-linaw lang talaga ang isyu ko. He's now talking about his. "Why are you now my neighbor, hmm?" Napanguso ako, still not looking at him. Parang gusto kong palitan ang painting na malapit sa hagdan. "Corrine..." Alfonso caressed my hand. He's playing with my fingers. "This is not a coincidence, right? You chose this building, hmm?" Nasa boses n'ya ang lambing. "Macky has his own condo building..." Mas ngumuso ako. Hindi ko pa rin s'ya magawang tingnan. Ayokong makitang galit s'ya kahit na malambing naman ang boses n'ya. "Look at me, baby..." Slowly, I turned to look at him. Nakataas ang isang kilay n'ya habang nakangising nakatingin sa akin. I shook my head a bit before biting my lip. "I did not." Humalakhak s'ya. "Silly." Pinindot n'ya ang tungki ng ilong ko at naaaliw na tinitigan ako. "So... anong sinabi ni Mackisig? Pinayagan kang maging kapitbahay ako?" Mabilis ang pagsimangot ko. "This is my decision, Alfonso. Wala na roon si Ahia." "That's your brother, Corrine..." I rolled my eyes. "And this is my life." He sighed. Sandali s'yang humawak sa noo n'ya bago napailing. "What did you do? Why did he let you reside here?" Mas nagtaka ako sa tanong n'ya. Lito rin ang ekspresyon n'ya at hindi ko maisip kung bakit. "This is part of my stay here in the Philippines. Ahia has no right to intervene in my decision while staying here..." Tumango-tango s'ya, tila malalim ang iniisip. My eyes narrowed. Hindi ko gusto ang mga ideyang kaagad na nagsulputan sa isip. Hindi ba n'ya ako gustong maging kapitbahay? Ayaw ba n'yang malapit na kami sa isa't-isa o baka naman ay may ayaw s'yang makita ko? "Ayaw mo akong maging neighbor?" My voice is laced with bitterness. Naiiling na humalakhak si Alfonso. "What are you thinking, huh?" Inirapan ko s'ya. Halata namang iyon talaga ang naiisip n'ya. "You hated the idea of us being neighbors, Alfonso. Obviously," madiing sabi ko pa. Bakit ko nga ba nakalimutang lalaki nga pala ang isang ito? Magandang lalaki pa! "Maybe because you're afraid na may makikita ako habang neighbors tayong dalawa!" Yes. I'm overthinking and jealous. Katatapos lang naming pag-usapan ang nangyari sa bar pero pakiramdam ko ay may sapat na ulit akong dahilan para mainis sa kanya. Saka, dapat ay itinataboy ko na s'ya ngayon! Ano pa bang ginagawa n'ya rito?! "Oh, come on, Corrine. Don't put your words on my mouth..." Hirap n'ya akong tiningnan. "Oo nga at hindi ko gustong maging kapitbahay ka but for another reason, hindi sa dahilang iniisip mo." "And anong iniisip ko?!" He just tilted his head, gawking at me. "Because of your women?" Inis na tumayo ako pero agad n'yang nahawakan ang kamay ko. "Yeah, right! Ayaw mo lang makita kitang may mga babaeng dinadala sa condo mo. Tama ako, hindi ba?" Bumuntong-hininga lang s'ya habang ako ay galit na galit. "I told you, hindi ako nagdadala ng babae sa unit ko..." Marahan n'yang hinila ang kamay ko hanggang sa mapaupo ulit ako. "Don't be jealous..." Namilog ang mga mata ko. "I'm not! I'm not that petty!" singhal ko sa kanya. Ngumisi lang naman si Alfonso, hindi iniinda ang pagiging iritable ko. "Alright. You're not jealous. Hindi ako nagdadala ng babae sa unit ko. Sebastian's my usual guest lalo at mahilig magpa-renovate ng bahay ang unggoy na 'yon. Hindi rin ako madalas doon, you know how hectic my sched, right?" "So, bakit ayaw mong maging magkapitbahay tayo?" Namaywang ako. "Mas okay nga 'yon, we can have more time to... study! Hindi natin kailangang pumunta pa sa café for that. We can just go home and study here sa unit ko or sa 'yo." "And that's the reason, Corrine." Ngumisi s'ya. "I don't like us to stay in a place na tayong dalawa lang. Hindi 'yon maganda sa part mo and I have no plan to trigger your brother's madness." Hindi ko kaagad nakuha ang ibig n'yang sabihin. Ilang sandali pang nangunot ang noo ko, pinoproseso ang laman ng sinabi n'ya. Alfonso laughed when my eyes widened. "Oh my God! Are you concluding that I will take advantage of you?!" Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko. Honestly, naisip ko na iyon and yes, it's embarrassing but I am thinking na pagkakataon 'yon to kiss him! Or if not, at least spend more time with him! Wait... that sound like I'm planning on taking advantage of him. What the hell, Corrine? Are you that thirsty of him?! "Hindi iyon ang sinabi ko..." He chuckled. Mas lalo tuloy s'yang gumuwapo sa paningin ko. "I'm a man, Corrine. A healthy man. Bukod doon ay ayoko ring mag-isip ng hindi maganda ang kahit sino kapag nalamang nagkakasama tayo sa iisang unit." "Pakialam naman nila? Saka, we're here in my place! Tayong dalawa lang!" And that sounds like I really want us to be alone in a place like this. Binitiwan n'ya ang kamay ko at tumayo na rin. "This is different. You're drunk and nandito rin ang assistant mo kagabi." Niyuko n'ya ako. "We're neighbors but it doesn't mean na magkukulong tayo sa unit mo or sa akin. Sa coffee shop pa rin tayo ni Christian." Inis na umirap na lang ako sa kanya. Natatawang pinindot n'ya ang tungki ng ilong ko. "What do you want to do today? How's your sched?" Bumalik ako sa pagkakaupo, nakanguso na. "Not that busy. May online classes and seminars ako later." "And tomorrow?" I shrugged. "Just the same. No classes because of an event. You?" Naupo rin s'ya. "I took a rest day from the company. May ilan lang akong kailangang gawin for school." "Day off? Pwede pala 'yon?" He grinned. "Yeah. You told me na gusto mong mag-bar, right? Hindi ka nag-enjoy kagabi dahil uminom ka lang naman doon. Do you still want to do that?" Ramdam ko ang pagbukas ng langit at pagkanta ng mga anghel doon. "Really?" Nakangiting tumango si Alfonso. "Of course. I just have a rule, young lady." "What is it?" "You can drink but with limitation. Kapag sinabi kong hindi ka na iinom, you'll stop. And we'll go home by twelve." Napangiwi na lang ako. He's just four or five years older than me. Still a student because of pursing another course and his MBA pero kung makapagsalita, akala mo ay matanda na. "That's boring, Alfonso. We can go home by two in the morning..." "No. Twelve. Aalis tayo ng seven later. Magdi-dinner muna then we'll go to the bar and you need to ask for your brother's permission." Hindi ako sigurado kung papayagan ako ni Ahia pero mabilis ang naging pagtango ko. Mabilis namang makonsensya si Ahia kaya ganoon na lang ang gagawin ko kapag nagmatigas s'ya. When Alfonso said na hindi kami mag-aaral nang magkasama sa kahit kaninong unit, tinotoo n'ya talaga iyon. He's doing his things in his condo and ako naman ay ganoon din. Abala kami pareho pero hindi na ako nag-iisip na may babae s'ya sa unit n'ya. Hindi ko alam if what he's doing is to assure me or what but we're on video call while doing our things. Kaya habang nakikinig ako sa online classes ko, nakikita ko naman na seryoso s'ya sa ginagawa n'ya sa harap ng computer n'ya. Well, another reason why I can't focus on my class. Ako: I cooked adobo last night. Hindi ko na nakita. Did you throw it? Okay lang naman kung tinapon n'ya. Hindi naman masarap at hindi ako sigurado kung edible iyon. I saw him eyeing his phone. Sumulyap muna s'ya sa akin bago nagtipa ng sagot. Alfonso: You cooked that for me, right? Ako: No. I cooked it for me. That's my first dish. I glanced at my ipad's screen. Nakataas ang kilay ni Alfonso at mukhang hindi na rin maka-focus sa ginagawa. Alfonso: What's your recipe for that. I frowned. Recipe? Wala naman ako niyon. Ako: I don't have one. I just searched on internet then used my instinct. I pouted when he laughed. Parehong naka-mute ang speaker namin para hindi maabala ang kahit sino pero parang naririnig ko pa rin ang tawa n'ya. Alfonso: I brought the adobo with me. You cooked that for me kaya kinuha kong lahat. Don't lie, I saw my name on the post-it. Kabadong nilingon ko ang screen ng ipad. Alfonso's watching me, namumungay ang mga mata. I shook my head before typing. Ako: Don't eat that! I don't even know if that's edible! Nakaabang ako sa ekspresyon n'ya kaya kitang-kita ko ang pagngisi n'ya. He stared at his screen for a few moment. Natagalan s'ya sa pagtitig doon at hindi kaagad nag-reply. Alfonso: That's your first dish and it's for me. Ako lang dapat ang kakain non. Focus on your class, Corrine. Did I pay any attention to my afternoon classes? Hindi ko rin alam. Pakiramdam ko ay nakalutang lang ako sa ulap. Sobrang nababagalan pa ako sa oras dahil ang tagal ng araw ngayon! Hindi na lang dumilim at maggabi! He cooked lunch for us. Binigyan n'ya ako pero hindi kami magkasamang kumain. Hindi ko nga s'ya maintindihan, lunch lang naman, ayaw pa kaming magsabay! Alfonso ordered snacks for us. Pero kahit magkapitbahay, magkabukod kaminv nagmeryenda! Dineliver lang at sabay lang kaming kumain while on video call! He's too honorable! Kakain lang naman! Nang humapon, I let him rest. Halata kasi ang pagod kaya nang makatulog s'ya after his meeting, ako na ang nag-end ng video call. Nakalimutan kong inabala ko nga pala s'ya mula pa kagabi. "So, lalabas kayo?" I grinned while nodding at my best friend. Sa sobrang busy ng mga schedule namin, halos hindi na kami nakakapag-usap. Puro chat na lang, ngayon na lang ulit kami nakapag-video call. Kung ako ay medyo kumalma ang schedule sa araw na 'to, Harper's too lazy to attend her ballet class. "You're creepy," reklamo n'ya dahil kanina pa ako nakangiti. I laughed. "I'm just happy, Harper. I thought, there's nothing special between us. He's Ahia's best friend, you know." Harper rolled her eyes. Hinayaan ko s'ya at nagpatuloy. "I really thought na baka younger sister lang ang turing n'ya sa akin because I am years younger than him!" pagkukuwento ko pa sa mga dating iniisip. "But right now, sobrang over thinker ko lang pala. I am killing my own peace. I'm so petty!" Mas nangasim ang itsura ni Harper nang tila baliw akong humalakhak. "You are not petty, Corrine. You're starting to be crazy," she spat. "And you are so confident! Nag-assume ka agad na may special sa inyong dalawa?" I showed him my hand. "Hello, Harper? I am not assuming. Hindi rin naman ako naive. He's so sweet and he's been calling me baby!" I shrieked. Hindi kaagad ako nakalma at kulang na lang ay ikuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari mula nang hindi kami nakakapag-video call. "You should be happy for me!" reklamo ko nang makitang naiiling ang kaibigan. "In the beginning naman, you told me to try to be happy, right? This is it. I'm finally doing that!" Harper sighed. "I'm happy pero nag-aalala ako sa 'yo, Corrine..." She stopped mid-way. "Alright. You can be happy of course. Ano palang plano mo? Kayo na ba? Is he your boyfriend na or nasa dating stage pa lang kayo?" Bahagya akong nalito sa narinig. That... Nakalimutan ko iyon! "Oh? What kind of reaction is that?" Ngumiwi lang ako at napakamot sa pisngi. Malakas ang naging tawa ni Harper. Naiiling na tinampal pa n'ya ang unan. "You're still a beginner, Corrine. If you really feel something for him, tell him directly! Don't play with riddles. Confess or better ask him!" Nakakaunawang tumango ako. Nai-imagine ko pa lang na magtatapat ako kay Alfonso, gusto ko nang magpakain sa lupa pero tama si Harper, mas mabuti nang gawin iyon para magkaroon na ako ng karapatang magselos! Nangingiting tumango ulit ako. "I'll do that. Birthday ko na in two weeks..." Her jaw dropped. "Oh gosh! You're really in love with him!" Napapikit ako bago dahan-dahang tumango. "I really am, Harper."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD