"Diba ? Masama yun .. dapat laging imomonitor ang pagbubuntis ? Buti hindi nagkakaroon ng complikasyon " tanong ni daniel kaya napabuntong hininga si kath .. "Actually yun din ang problema .. alam mo kasi hindi lang iyak na dulot ng tuwa ang maririnig sa isang clinic maraming kaganapan na ang mga luha na yun ay mula sa pagluluksa at madalas nangyayari yun sa mga lugar na ganto dahil nadin sa kakulangan ng kaalaman ng mga magulang at kakulangan ng gobyerno na magprovide ng kagamitan para sa mga health clinic sa mga liblib na bayan " Tila naman nalungkot si daniel . "Nakakalungkot kasi not all the time na nakahawak ako ng pasyente ay lahat umuwing masaya .. kagaya ng sinabi ko hindi naman lahat ng luha ay dahilan ay tuwa o kaligayahan.. minsan bumubuhos ang luha ng dahil sa pagluluksa ..

