"Kath okay ka lang ba ?? " tanong ni daniel kay kath dahil napasapo ito sa kanyang balakang . "Okay lang ako .. kailangan na nating magmadali " Sabi ni kath kaya kinuha ni daniel ang isang bag kung saan nilagay ni kath ang mga gamit na kakailanganin nya bago nagmadali na sila upang puntahan ang kanyang papaanakin . Hinawakan ni daniel ang braso ni kath "Kath.. dahan dahan lang ... baka madapa ka " wika nito habang patuloy padin ang paglalakad nila .. Napahawak naman si kath sa kanyang tiyan bago tinanguan si daniel Nagpatuloy silang maglakad habang mapadpad sila sa isang lugar na mapuno .. ang daanan nito ay putikan dahil nasa liblib kasing bahagi ang bahay na kanilang pupuntahan at halos kapareha ng daan nito sa tinutuluyan nilang kubo ngunit di katulad doon ay walang mga ilaw

