Chapter 43 MADDIE'S POV "William," buong talim ako naka titig kay William. "So, kompleto na tayong lahat, pwede na tayong tumuloy sa loob ng Enchanted Kingdom," masayang sambit ni Jessica, at tangka sanang papasok siya sa loob ng ako'y mag salita. "No," "What? Bakit Maddie?" Buong pag tataka nitong sambit. "Hindi siya pwedeng sumama sa'atin!" Final na tono ko, na mapa kurap si Jessica sa aking sinabi. "Umalis kana William, hindi ka kasali sa pamamasyal namin," lumapit sa'akin si Jessica. "Maddie naman," pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Isama na natin si Kuya, hmm?" Pag kukumbinsi nito sa'akin. "Wala sa usapan nating dalawa na, kasama siya dito. Klaro 'yung usapan nating dalawa Jessica kanina, na ikaw ang sasama, pero bakit ganiyan? Bakit kasama mo siya ha?" Madiin at pagalit ko

