Chapter 44 HANNAH'S POV [Hello?] "Hello, Mommy?" Mapungay niyang sambit at umayos siya ng pag kakaupo sa sofa nang marinig ang boses ng kaniyang Mommy. "Kamusta na po? I miss you already Mom *hik hahaha! Whoaa, ang saya ko ngayong araw, can't you see?" Binuka niya ang kaniyang palad. [Hannah, are you drunk?] Bulalas nitong saad. [Juskong bata ka, napaka aga pa para mag lasing. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?] Pag sesermon nito muli sa kabilang linya. "Whoa, wala akong ginawa Mommy. Pero si W-William meron. Nag papa kasaya lamang ako ngayon, dahil sa ginawa sa'akin ng fiance ko." napa labi niyang sambit at sinalinan muli ang alak sa champagne glass. "Tumigil kana Hannah. Mag pahingga kana, at 'yon ang kailangan mo ngayon." Asik nito. "Asan ba si William ha? Bakit hindi kaman lang

