Chapter 17: Pinagbabawal na Pamamaraan Nilo's Point Of View: Patakbo akong pumunta kina Jaycee dahil nanganganib sila sa kamay ng napakaraming lobo. Marami na kaming napatay ngunit parang hindi sila nauubos! "Rarrrw!" Pagsalubong ng mga lobo sa akin at sabay sabay silang sumugod sa akin. Gamit ang aking kapangyarihan tubig, gumawa ako ng panangga sa kanilang atake. Gumawa rin ako ng espadang gawa sa yelo at ginamit ko ito para itaboy ang mga lobong umaatake. Hindi sila natatablan ng aking espadang yelo ngunit napapataboy ko sila kaya nagkakaroon ako ng daanan upang mapuntahan sina Jaycee. Nang makarating ako sa kinalalagyan nila, agad akongvgumawa ng malaking harang na yelo bukod sa ginagawang harang ni Jaycee. Dumadagundong ang lupa dahil sa pag-atake ng mga lobo sa harang. Napatingi

