Lahat ng tauhan, pangyayari, lugar at kung ano pa man ay pawang kathang-isip lamang. Kung may pagkakapareho man sa tauhan at pangyayaribsa totoong buhay o sa ibang kwento ay hindi po sinasadya ng manunulat. Lahat ng nakalad sa kwentong ito ay walang katotoohanan at gawa lamang ito ng malikot na imahinasyon ng manunulat. ............. Papalapit na ang lobo mula sa amin kinatatayuhan partikular sa aking direksyon. Napaatras ako dahil sa takot at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong panama sa mga lobo dahil isa lang akong tao, tao na walang kwenta sa labanan! Mahigpit kong hinawakan ang aking palaso at kumuha ng bala nito. "Kami na ang bahala dito! Maghanap ka ng pwede mong pagtaguan." Utos sa akin ni Nilo na agad ko namang ginawa. Nagpalingon lingon ako sa paligid. Naghahana

