"Pinapatawag na po kayo ng mahal na reyna." Agad kaming napatayong lahat dahil sa sinabi ng isang engkantong tagasilbi. Nakapag-usap at naikwento ko na sa kanila ang lahat ng aking narinig kanina. Nakapagplano na rin kami para sa mga gagawin namin at para makaalis na dito sa mundo ng Argonia. Sina Jasyon, Jacob,Aris at Jaycee ay inutosan namin para maghanap ng isang nilalang. Isang nilalang na maaring maging susi para makalabas kami sa tribong ito. "Tara na,Taga-lupa! Sila na ang bahala sa paghahanap ng nilalang na iyon." Anyaya sa akin ni Nilo. Tumango na lamang ako sa kanya at pagkatapos ay tumingin kina Jayson. Sumenyas naman silang kaya na nilang gawin yun at sinabi niyang huwag daw akong mag-alala dahil madali lang naman ang gagawin nila. Tumingin ako kay Nilo na naghihintay mal

