Sa Mundo ng Agonia

2733 Words

Sama sama kaming lima na nakatayo habang tinatanaw angbisang napakagandang tanawin. Naririnig ang mga huni ng mga ibon, lagaslas ng tubig at langhap na langhap namin ang napakapreskong kapaligiran. "Nasaan na si Jayson!? Kailangan na nating magpatuloy para makaabot tayo sa araw na nakatakda!" Napatingin ako kay Nilo dahil sa kanyang sinabi. "Hindi ko alam kung nasaan siya. Pagmulat ko ng aking mga mata kanina ay wala na siya sa aking tabi." Sagot ko naman sa kanya. Napataas siya ng kanyang kilay dahil sa aking sinabi. "Bumalik na tayo! Ipagpatuloy na lamang natin ang paglalakbay! Babalikan na lamang natin si Jayson sa ating pagbabalik." Sabi niya sabay talikod ngunit agad din siyang napatigil. "Nasaan na ang lagusan dito? Bakit bigla na lamang nawala?" Sambit niya na pinagtaka namin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD