Nasa labas na kami ng palasyo at handa na kaming maglakabay patungo sa Siera Madre. Nakaayos kami ng pandigma at pati na rin ang aking mga kasama na para bang sa mga napapanood natin sa Encantadia. Si Jayson na nakasuot ng kulay kayumangging pandigma, si Jaycee at Nilo na kulay asul, Ako at si Aris naman ay kulay puti na may kaunting asul at si Jacob naman ay kulay pula. Hawak hawak din namin ang aming mga sandata. Ang akin at pati na rin si Nilo ay ang pana at palaso, si Aris ay dalawang espada na nakasabit sa kanyang likod, si Jaycee ay isang sibat na may kakaibang anyo sa dulo, si Jayson ay dalawang malalaking palakol, si Jacob naman ay isang malaking espada na sa tantsa ko ay hanggang dibdib niya ang hawak niya. "Mag-ingat kayo sa inyong pupuntahan. Lahat ng mga babala at mga sinabi k

