HABANG PATUNGO SA bahay ni Wesley ay sumagi sa isip ni Edel ang naging simula ng pagiging magkakampi nila ng lalaki. Isang bagay na hindi niya inaasahang mangyayari. Kabilang sila sa magkalabang panig at alam niyang namumuhi ito sa kanya dahil ginamit niyang pain ang mga anak nito para mabawi ang USB stick. Pauwi na si Edel pero sariwa pa rin sa kanya ang pagtatalong nangyari sa kanila ni Eros. Napapikit siya nang maalala ang ginawang pagbaril sa lalaki. She meant it pero hindi ibig sabihin noon, ginusto niya ang ginawa. It wasn’t an easy decision. It wasn’t an easy one kung alam lang nito. “I’m sorry, Eros,” bulong niya sa sarili. Tumunog ang cellphone niya at nagtataka siyang napatingin doon. It was a new phone at tanging pamilya lang niya ang may alam. I got your number from Emman.

